The Ton of Cursed Volton
Criszette
Matapos ang araw na may magulo at namatay na mga estudyante. Biglang bumalik lahat sa normal yung tipong walang nangyari na kahit ano nung nakaraang araw.
Ang weird lang sa pakiramdam.
Bumalik agad ako Academy pagkaggaling ko sa Britania. Wala daw silang hint tungkol sa Cursed Volton shit na yun.
At hanggang ngayon eto pa rin ako naghahanap ng impormasyon sa kanila.
Saan ko ba kasi matatagpuang lupalop ang Cursed Volton na yun. Dahil Friday ngayon at dalawang araw nalang ay magsisimula na ang Mafi Quest.
At nagsisimula na rin kaming magtraining.
At ang balita ko ay okay naman ang pagtetraining ng grupo nila Stacey at Enzo. At lahat ng yun palihim.
Nakakalungkot mang isipin na nasa mismong Academy namin ang kaaway at wala kaming ideya sa presensya niya or kung sino siya.
Ang linis niya kumilos.
At kami naman ay medyo nagkapikunan kami ni Keiron nung isang araw dahil inuna niya kalandian niya kaysa magfocu sa training.
At hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa ginawa niya.
Flashback
"Kumilos na kayo." sigaw ko sakanila pagkadating namin sa isang ilusyon na lugar.
Kung saan kami magtetraining.
Kaya agad silang nagsigalaw. At kumilos.
Nakita kong pumunta sa isang sulok si Jarret kasama si Jenica. Upang sanayin at alamin pa ang mga kayang gawin ng brilyante nila.
At si Kuya naman ay mas piniling humarap sa mga damo or puno. Mukhang nagcoconcentrate siya.
Balak ko sanang alamin muna nila individual ang kalidad ng brilyanteng hawak nila bago namin ito subukang pagsama-samahin.
Kikilos na sana ako ng mapansin ko si Keiron na di man lang kumikilos sa kinatatayuan niya.
"Ano't di pa ka nageensanyo?" inis na sabi ko sakanya.
Tiningnan niya lang ako at ngumisi.
Di siya sumagot. Humakbang lang siya palapit sakin at di na ko nakareact sa sunod niyang ginawa.
H-he j-just kiss me?
Fuck!!
At dahil sa ginawa niya nasampal ko siya at tinulak.
"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo? Nandito tayo para magtraining hindi para halikan mo ko." sigaw ko sakanya. Kaya pati mga kasama namin ay napalingon samin.
At nagtataka sila sa nangyayari.
"Wag mo sabihing di mo nagustuhan." nakangising sabi niya. Kaya inis akong napapikit at nagsambit ng matinding spell sa isip ko.
'Nagsusumamo ako sayo elemento ng hangin palibutan mo ang lapastangang ito at turuan ng leksyon'
And boom ayan pinalibutan na siya napakapit sila Kuya sa mga pwedeng hawakan dahil sa lakas ng hangin.
Samantalang si Keiron ay makikita mo ang gulat sakanyang mga mata.
"Gaguhin mo pa ba ako ulit?" nakangising tanong ko sakanya habang nakacross arm na nakatingin sakanyam
Napamaang nalang ako ng maramdaman ko ang malamig na bagay sa katawan ko.
Taena ginagamitan niya ba ako ng Ice Spike. Alam kong pareha kami ng lakas. Dahil kaya niyang kumontrol ng yelo na ang alam ko ay kailan niya lang natuklasan.
"Aray tangina!" nahihirapang sigaw ko.
"Wag na wag mo kong subukan Zette. Dahil kaya kitang labanan." nakangising sabi niya. Nawala na rin ang malakas na hangin na pumalibot sakanya dahil nanghihina na ako at nawala ang control ko rito.
Nahihirapan na ako at di na ako makahinga. Dahil Ice ang kahinaan ko. Kahit sabihin niyo pang hawak ko ang hangin at tubig.
Nagulat naman siya ng makitang hinang-hina na ko.
"Pakshet napasobra ka ata Kei." sabi ni Jarret ng makalapit na sila ni Jenica kasama si Kuya.
"Di ko sinasadya taena." natatarantang sabi ni Keiron.
Samantalang ako ay hinang-hina na para akong kinakain ng yelo. Dahan-dahan ko na itong nararamdaman sa buong katawan ko.
Ice was my weakness. Kahit cold ang personality ko.
"Aray." umiiyak na sabi ko at napapaupo na ko sa sahig.
"Ate." sigaw ni Jenica ng makitang bumagsak na ako sa sahig.
"Zette. Gago ka Keiron ayusin mo ito." inis na singhal ni Kuya dahil mukhang nag-aalala na rin siya.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan.
Fuck!!
At sa paghalik niyang yun nawala lahat ng sakit nararamdaman ko na para bang hinigop niya ito. Napapikit nalang ako dahil patuloy pa rin siya sa paghalik sakin at habang tumatagal lumalalim ito.
Pakshet di pa ba siya titigil? Kaya inunahan ko na siya at ako na ang naglayo ng labi ko.
"Are you okay? Sorry." bulong niya at niyakap ako.
Nakita ko naman ang nanunuksong tingin nila Kuya.
Humanda kayo sakin mamaya!
End of Flashback
At dahil sa nangyari hanggang ngayon ilang na ilang ako kay Keiron. Sa tuwing magkakasalubong kami ako agad ang umiiwas. At pagnagtetraining kami ay hinding-hindi ko siya tinitingnan.
Nakakailang kaya.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang..
"Goodmorning Mafians. Nais ko lamang ianunsyo na may bago kayang kaklase siya ang Ton of the Cursed Volton."
Si Prof Oviad pala. Nakita kong sumenyas siya sa taong nasa labas.
Ton of Cursed Volton?
Pumasok ito ng nakangiti. At Gold na Gold ang uniform niya.
Napakagwapo niya at ang kisig niya.
Seryoso siyang humarap sa klase.
"Hi Guys I'm Ryle Versoza. The ton of Cursed Volton. I'm happy to finally meet you all." nakangiting sabi niya. Napansin namin na may para siyang hinahanap. At ng mapadako ang tingin niya sakin at agad siyang ngumiti sakin. "I was happy that I'm finally meeting you Sandiwa Jewel." nakangiting aniya.
Kaya napatingin sakin ang mga kasamahan namin. Btw bumalik na ko sa dati kong upuan which is sa tabi ni Enzo. Okay na kami. Pero di pa namin napag-uusapam yung tungkol samin. Tsaka na yun ang mahalaga okay na kami.
Nagtataka naman akong nilingon ni Enzo.
"Oh kilala mo pala ako Mister." nakangising sabi ko sakanya.
"Yes you're a talkable of the town. Miss Sandiwa Jewel. Your so pretty. Can I court you?" nakangising sabi niya at naglakad papunta sa harap ko.
Nagulat naman kami ng sabay na tumayo sina Keiron at Enzo. At nagulat pa kami ng sabay silang magsalita.
"No/Cedusa." sabay na sigaw nila. Kaya napunta ang atensyon ng lahat sakanila.
Anong problema ng mga to?
"Oh this is interesting. It's look like na pinag-aagawan ka ng dalawang lalaking to. So wala namang masama kung sasali ako para maging akin ka." sabi niya at tsaka ako kinindatan. And in just snap bigla akong nawala sa katinuan. At di ko inaasahan ang lumabas sa bibig ko.
"Why not? Three guys? It's really interesting right." yan ang lumabas sa bibig ko. Sa isang kindat niya lang ayan na ang sinabi ko. Taena ano bang nangyayari sakin? Ginamitan niya ba ako ng mahika.
"Mr.Versoza stop playing around go and find your seat." saway sakanya ni Prof Oviad.
Kaya nakangisi lang siyang umupo sa likudan may extra chair kasi doon.
"What the fuck just happen? Anong nangyayari sakin?" bulong ko. Na narinig ni Enzo.
Kaya napalingon siya sakin.
"Ayos ka lang?" bulong niya sakin.
"Parang ginamitan niya ko ng kung anong mahika at bigla kong nasabi yung kanina." umiiling na sabi ko.
"Masama nga yan. Kailangan nating mag-ingat sakanya." bulong ni Enzo sakin.
Kaya napatango lang ako. At napatingin kay Ryle na may kung anong kinukuntingting sa upuan niya.
Sino ka ba? At bakit ganun epekto ng pagkindat mo sakin?
Ano klaseng kapangyarihan meron ka?
A/N:
So ayunnn may isa na tayong member na nakilala. Yung iba sa mismong Mafi Quest niyo na makilala hahaha.
Padami ng padami ang character. At nalilito na ako HAHAHA.
Thankyou for your time to read!!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!
-paraiso_neo❤