Unlucky I'm In Love With My T...

By shyhaida

2.4K 124 27

FREINDSHIP. LOVE. SICKNESS. Ang daya-daya ng TADHANA. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Author's Note
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Seven

94 8 2
By shyhaida

The Prank

~•~

"Atleast naman diba, pag naboring tayo, may iba pa tayong pwedeng magawa? Ayyy! Exciting! Sana gumabi naaaa!!"

BWISET KANG PESHTE KANG BRUHA KANG MALANDI KA!!! Papatayin kita!!

Wala sa sarili kong sinugod yung babae!

"Maharot kang babae ka!"



Sinabunutan ko siya! Pero bago pa man magulo nang tuluyan yung buhok niya at bago pa kami magkasakitan ng tuluyan ay inawat na kami ni Dean.

"Yen!!"

Kahit na naawat na kami ni Dean at nakaharang na sya sa gitna namin ay patuloy pa din akong nagsstruggle na abutin pa yung buhok nung babae.

"Ang landi mo!!!" inaabot ko pa rin yung buhok niya, nanggagalaiti na ako sa galit at kating kati na ang mga kamay ko sa buhok niya.

Naningkit ng lalo yung mga mata nung makating babae na halatang lalong nainis sa sinabi ko.

"What did you call me?!!!" lalapitan at sasabunutan niya rin sana ako kung hindi lang nakaharang si Dean.

"MALANDI!!!" sigaw ko sa kanya ng pagkalakas lakas.

"Yen. Tol, tama na." pinipilit pa din ni Dean na wag akong masigawan.

Tinignan ko rin ng masama si Dean na nakaharang sa gitna namin. Isa pa to. Makati rin eh.

"Malandi!!! Ipinaglihi ka siguro sa isdang mabubulok na! Ang kati mo!"

"Eh kung hambalusin kita jan?!" sabi nyang nakapameywang na gulong gulo na ang buhok.

"Pangeeeeet!!!"

"Ayen, tama na sabi!!" this time, sinigawan na nga ako ni Dean. Ouch.

Napatigil ako sa childish act ko ng gawin nya ito at nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko.

Bumaling sya dun sa babaeng Makati City. Concerned pa yung tingin niya dun sa malandi. Nakakaasar ah.

"Gi, lumayo ka na muna."

Pagkalayong pagkalayo nung babae ay biglang hinimas ni Dean ng palad niya yung mukha niya. Halatang halata sa mukha nya yung inis. Nakaramdam tuloy ako ng weird na feeling habang naiisip na ako yung dahilan nung pagkainis nya. Oh-uh! -__-

"Now what?" seryoso niyang tanong sakin habang nakatungong nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ewan ko ba, pero yung tingin niya parang nagsasabing kasalanan ko ang lahat at masyado akong isip bata, immature in other words. -____-

Dahil pakiramdam ko kasalanan ko nga, nilampasan ko sya atsaka ako tumakbong mabilis. Nakakainis sya! Mas kinakampihan niya pa yata yung babaeng yun kesa sakin. Nakakainis ka, Dean! Nakakainis ka! Kasalanan ko ba kung nagseselos ako ng ganito? Kasalanan ko ba?!!

***

"O, bat nakabusangot yang mukha mo dyan?" tanong ni Jess sa akin habang naglalakad kami pauwi ng bahay.

"May makati kasi." naiinis na nalulungkot kong tugon.

"Makati? Saan? San banda ng katawan mo at kakamutin natin."

Napakamot tuloy ako ng ulo ko ng di oras.

"May babae kasi doon na ipinaglihi sa ube, ang kati niya! Sobra! Tama ba namang tawagin niyang beybs at maylabs si Dean eh ni wala nga silang relasyon!" inis na inis kong paliwanag kay Jess.

"Daig nya pa ata yung champorado kung dumikit kay Dean! Ang landi talaga eh! Ano ba naman yung yayain niyang gumawa sila ng project ni Dean ng gabi at kung sakaling maboring man daw sila ay pwedeng may iba pa silang gawin! Ang landi diba?! Sinabunutan ko nga! Nakita nya rin ang katapat nya!"

"So nagseselos ka?"

"Malamang! Ikaw ba, pag may lumandi sa mahal mo, steady ka lang?"

"Babaril ako nu!" tsaka sya tumawa ng mahina.

"Kitams?!"

At ilang saglit pa ay biglang naseryoso yung mukha ni Jess na para bang may naalala.

"Eh si Dean?"

Pagkasabi niya nito ay lalo lang yatang nasira ang mukha ko. -__-

"Ayun, galit. Tingin ko, galit sya sakin."

"Ikaw naman kasi, kung makapagreak ka kala mo girlfriend ka!"

Oo nga. Kung makapagreak ako kala ko naman girlfriend ako nung tao. Pero masisisi ko ba naman tong puso ko kung nagkakaganto to?

"Basta! Kahit wala akong karapatang magselos ay may karapatan din naman akong masaktan no! Nakakainis sya!"

"Ang OA mo kahit kelan! Masisisi mo ba naman yung tao kung maraming nagkakagusto sa kanya? May itsura kaya yung pinili mo mahalin! Kaya tanggapin mo ang consequence uy!"

"Kahit na. Pwede naman syang umiwas diba?" huminto ako sandali, mga 2 mins tapos walang anu ano'y bigla ko na lang itinadyak ng padabog ang paa ko sa ground sanhi upang magulat si Jess, naiinis kasi ako ng sobra.

"Huy! Aning aning ka talaga! Ang laki yata ng sapak mo sa utak eh!"

"Ang manhid nya!" bulalas ko at hindi ko pansin yung sinabi ni Jess.

"Ang manhid-manhid nya! Andito lang naman ako, laging kasama nya, laging nasa tabi nya tapos naghahanap pa ng iba! Lumilingon pa sa iba! Kumakati pa sa iba!"

"Eh bat ba kasi hindi ka kumati ng makati ka nya?"

Tinignan ko si Jess ng masama then I rolled my eyes. Badtrip na badtrip na nga ako tapos mag-aadvise pa ng ganon. Tama ba naman yun?

"Ikaw naman kasi, tago ka ng tago nyang nararamdaman mo. Hindi ka naman siguro mamamatay pag sinabi mo sa kanya no? Kung ako nasa sapatos mo, matagal ko ng niligawan yun. Matagal ko ng sinabi sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Pag mahal mo yung isang tao, hindi ka matatakot na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman mo, kahit na medyo masakit yung kapalit ng pag-amin mo sa kanya, atleast naging totoo ka. Kesa naman mawala sya sayo o kaya ay maagaw ng iba ng hindi mo man lang nasasabi sa kanya yung sinisigaw nyang puso mo."

Bigla tuloy akong kumalma at natigilan pagkarinig ko nung one of a kind advise nitong si Jess. Akalain nyo, may talent pala to sa pagbibigay ng advise. Kung alam ko lang sana na may talento itong si Jess sa mga ganitong bagay, edi sana hindi na ako naghulog ng sulat sa 'Letter in a Box' na yun.

"Kaya nga hindi ko masabi-sabi sa kanya eh dahil nga sa pagkakaibigan namin. Ayokong masira yun. Ayokong ayoko!"

"Sinabi ko na diba, take a risk nga! Ang baba talaga ng IQ mo kahit kelan! Ang bagal ng connection jan sa utak mo. Laging connection error. Ang hirap mong makaintindi!"

Ouch. Ang sakit ah. Isampal ba naman sa mukha kong bobo ako. Hay, totoong kaibigan ko nga sya. Ang honest eh. Hindi nya talaga magagawang magsinungaling sakin. Bobo nga ako. Tanggapin.

Naramdaman siguro ni Jess yung naramdaman ko at siguro rin, narealize nyang ang sakit ng insulto niya kaya ayun, positive naman yung sinabi nya.

"Malay mo naman diba, mahal ka rin nya! Ligawan mo na!"

Hindi ako umimik pero dahil sa hindi ko naman matiis na hindi magsalita (si Dean kaya yung topic) kaya yun, nagsalita nga ako.

"So you're saying na dapat ako ang gumawa ng first move?"

"Sakto!" sabay clap nung kamay nya.

"Ayoko no! Kababae kong tao ako yung nanliligaw. Nge! Ang panget ng ganun." tsaka ako nagpout.

Ibig sabihin ako yung magbibigay ng flowers, mag-oorganize ng date namin, manghaharana, etc.? Kinilabutan tuloy ako.

"Alam mo, kahit saang anggulo ko tignan, ang OA mo, sagad ang ka-OA-an mo. Ang baba na nga ng IQ mo, ang OA mo pa dyan. Bahala ka! Kung gusto mong magkahappy ending kayo, gumawa ka ng move. Hindi yung puro ka wish ng wish doon sa fountain. Ano bang halaga ng mga wish-wish na yan kung ang nagwish mismo ay walang ginagawa para matupad yung wish na yon? Minsan, kelangan mo ring makipagcooperate jan sa wish mo! Hindi yung puro ka hintay, nakatunganga lang kung kelan yun matutupad!"

Natigilan na naman ulit ako sa mga sinasabing ito ni Jess. Tama nga siya. Bat ba laging nasa punto tong babaeng to? Manakaw nga kahit konting part lang ng utak nito at ng mailagay ko sa utak ko para magkasilbi naman ito. Phew!

Pagkauwi ko sa bahay, narealize ko ulit yung sinabi ni Jess. Kinuha ko yung alaDiary-slash-Journal ko tsaka isinulat yung pambihirang nangyari sa araw ko.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Dear Diary, 

1. Sinubukan kong maghulog ng sulat doon sa letter in a box na yun para mamalimos ng advise kung paano ko aaminin kay Dean ang nararamdaman ko para sa kanya. Ewan ko kung bat ko nagawa yon eh lagi ko naman palang kasama ang kaibigan kong parang si Ms. Charo kung magbigay ng advise—si Jess. Anyway, naeD pala ang ginamit kong pseudonym, pabaligtad na spelling ng pangalan ng mahal ko.

2. Hindi ko nacontrol ang sarili ko dahil sa selos kaya sinabunutan ko yung babaeng lumandi kay Dean. Ayokong may lumalandi sa kanya. Nagseselos ako ng sobra. Mahal ko sya kaya talagang makapapatay ako pag may nagtangkang lumapit para makipagharutan sa kanya. Subukan lang nila at talagang gigilitin ko ang leeg nila. Alam ko namang wala akong karapatang maramdaman ang ganito dahil nga diba, KAIBIGAN lang ako. Pero, mahal ko sya eh at hindi nyo ako masisisi kung nagkakaganito man ako. Sino ba naman taong nagmamahal ang mags-steady lang pag may lumalandi at nakikipagharutan sa mahal nya. Yung iba nga dyan, bumabaril eh. Kaya hindi nyo talaga maku-question kung bakit ganito na lang ako magreak.

3. Galit sakin si Dean. Tingin ko talaga, galit sya sa akin. It hurts, you know!

4. Bat ang manhid nya, andito lang naman ako tapos tumitingin pa sya sa iba. Ang manhid-manhid nya. Bat ba hindi nya makita-kita ang pagmamahal ko? Kung pwede ko nga lang sanang iumpog yung ulo nya sa pader para naman matauhan sya at makita nya kung sino talaga yung totoong mahal sya. Nakakainis na talaga sya kung minsan, pinapatulan nya yung mga babaeng ganon.

5. Dapat ko na nga ba talagang sabihin tong nararamdaman ko para sa kanya? Sabi nga ni Jess, sabihin ko na raw kay tolbespren na mahal ko sya bago pa mahuli ang lahat. Sasabihin ko na nga ba talaga? Susubukan ko at tatanggapin ko kung ano man ang kahihinatnan ng pagsasabi ko sa kanya ng totoo.

Mahal kita, Dean. Mahal na mahal. Ang tagal tagal na. Kelan mo ba mapapansin itong pagmamahal ko? Tsk.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

***

Dean's Point of  View

"Whoaa! My best prank ever!" masiglang sigaw ito ni Gigi. Masayang-masaya ang isang to pagkatapos syang sabunutan ni Ayen.

Ngapala, tinext niya akong magkita kami dito sa likod ng building naming mga fourth year high. Kaklase ko itong si Gigi magmula pa noong first year high pa lang. Masasabi kong isa sya sa pinakamalapit kong kaibigang babae. Ang totoo, nagkagusto sa akin ang makulit na to pero dahil nga pagmamay-ari na ng isang thirdyear high student ang puso ko-walang iba kundi si Ayen, ay tinanggap na lang niya at sa halip na magalit sa akin ay tinutulungan nya pa akong magtapat kay Ayen. Nakakahiya mang sabihin, medyo torpe itong utol ninyo.

"Sabi na sayo eh, may gusto sayo yon!" itinuro ako saglit atsaka umupo sa malaking ugat ng kahoy na nakausli sa lupa.

"Kung makapapatay lang yung titig nya kanina, paniguradong hindi mo na ako kausap ngayon at pinaglalamayan na ako doon sa amin. Grabe! Suntok sa buwan ang selos nya! Ang galing ko palang umakting. Pero, itong siguradong-sigurado ako, may gusto sayo yun. Halata!"

Tinignan ko sya sandali atsaka ko ko itinaas ang paningin ko.

"Ganon talaga yon. Hindi yun nagseselos dahil mahal niya ko, ayaw nya lang talagang may ibang tolbespren ako." kunwari ko lang naman to, gusto ko lang talagang maliwanagan.

"Hoy, Torpe, all this time, talagang wala kang napapansin? Talagang wala kang nararamdaman? Hello? Ang liwanag! Sobrang liwanag! Mas maliwanag pa sa sikat ng araw! Ang linaw ng lahat! May gusto sayo yun! Nagseselos sya! Nagseselos sya ng tawagin kitang babes! Ganyan ka na ba talaga kamanhid?"

Bigla syang tumayo at hinarap ako.

"Try to figure out this one, galit na galit sya nung makita nya kayong magkasama sa mall nung kapatid mo. Nagselos yun dahil akala nya, yung kasama mong babae, which supposedly is your sister, ay nililigawan mo. Isa pa, galit na galit sya sakin at SINABUNUTAN pa nga ako dahil again nagseselos sya. Mayghad naman, tsong! Ang bobo mo pagdating sa LOVE! Kung gano ka katalino sa academics, ganon ka naman kabobo sa PAG-IBIG! Tsk.tsk. Kahit hindi mo na gamitan ng analyzing yon, alam na alam mo na sagot doon!"

Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang syang ipagpatuloy pa ang sasabihin nya. Gusto kong manahimik na lang dahil naliliwanagan na rin naman ako kahit papaano.

"Pero teka nga lang, hindi nya ba naanalyze na tayong mga fourth year high ay walang chemistry? Yun kasi yung sinabi kong project natin. Kung matalino sya, edi sana nabisto na nyang kunwari lang ang lahat. Sobra tsong, ah! Turuan mo nga ng analyzing yun!"

At walang anu-ano'y lumapit sya sa tenga ko at saka bumulong.

"Pero, etong advice ko sayo, ligawan mo na, Mr. Torpe. Ligawan mo na bago pa mahuli ang lahat. Alam mo naman, maraming nagkakandarapa sa kanya kahit na medyo mahina ang ulo nya!" atsaka sya humagalpak ng tawa.

Tumawa rin ako. Sabagay, tama nga sya, maraming nanliligaw kay Ayen kahit na medyo mababa ang IQ nya. Pero kahit ganun yon, mahal na mahal ko yon.

"Pero, ah, ansakit ng ulo ko. Ang lakas manabunot ng one and only mo. Kung hindi mo lang mahal yun at kung hindi lang sya mas bata kesa sa akin, ayyy naku! Pinatulan ko na sya! Pasalamat sya't mahal mo sya!"

"Ano? Liligawan mo na?"









Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...