Paano Aaminin?

By ElisiaJade

18.9K 555 150

We always look for better options and choices without realising the best is just around. More

Disclaimer
Titibo - Tibo
Kada Lunes
Immersion Part 1
Immersion Part 2
Paano ba Magmahal?
Tahimik
Everything will be alright
Tatlumpung Segundo
Little Changes
Bye for now Shar
Then till now
Changes
Back to square one
Life as we know it
Not So Fated Encounters
Christmas Party Part 1
Parents Approve
Better Late than Never
Libra
Ngiti Mo
January 1st
Meant to Be

Christmas Party Part 2

618 21 6
By ElisiaJade

Nakaupo siya sa tabi ko, wala mukang masaya siya. Hindi ako umiimik, hindi ko kase mapuknat sa isip ko yung lecheng laro.Wala namang nang aasar dahil lahat okupado ng mga laro. Lahat ng tao dito competitive.

May twist yung games na pinag gagawa ng Marketing Department kaya saludo kami sa kanila. Antataba ng utak sa creativity.

May mga panghenyo saka communication games pero kadalasan couple games. Para tuloy kaming mga highschool pero ano nga bang aasahan mo sa Pinoy humour? Mahilig tayo sa mga kilig factor. Good thing every person here is cool with stuffs

"Guys, look underneath your chairs. May mga ilan na may nakastick na symbols. Find your partner. Maglalaro tayo ng bagong bago at wala pang nakakatry na game. We call it 'paper dance'

Lahat nag eexpect pero pagkasabing pagkasabi ng paper dance may mga nadismaya. Kasama ko doon. Bakit? Kinakabahan ako sa sticky tape na nakapa ko. Pagtingin ko clover leaf.

Tapos napalingon ako sa kaliwa ko. May I told you so na ngisi si Donny. Pakiramdam ko tuloy setup lahat. Pano parehas kami ng symbol.

"Participants come right here!" Sigaw ng host.

"Pano ba yan Shar." Kumindat pa.

"Hoy kasabwat ka ba nitong mga to."

"Or probably just destiny"

"Destiny mo muka mo"

"Isang pair nalang, bawal KJ" sigaw pa ng host .

"Bawal daw KJ oh. Come on Miss San Pedro get up"

Sasapakin ko tong si Donny. Konti nalang talaga. Iniwasan ko ng magpabebe kase lalo kaming mapapansin, kaso mo talaga attention magnet si Donato dahil nga siya yung country manager.

"Ay iba! Napaka haba ng hair ni Miss Sharlene friends. Mukang may bago ng love team" nagtawanan sila.

Pagdating namin sa harap may sampung pares. Iba iba naman. May dalawang babae, dalawang lalaki o kaya isang babae at isang lalaki.

Nakasuperman post si Donny. Inaaral pa yata yung dyaryong nakabulatlat sa harap namin.

"Sir single ka ba?curious kaming lahat." Naghiyawan lahat ng tao.

"Yes" tipid niyang sabi saka ngumiti. Lalong umingay.

"Yes may pag asa lahat ng single kay sir!"

Napangiwi nalang ako. Noong magplay yung sandamakmak na pop song from 2019 top charts nag umpisa na rin kami.

Sa una madali lang. Kasya pa kami sa magkabilang pahina. Tumikhim ako noong itiklop na ng lahat ng pares sa isang pahina yung dyaryo.

Kapwa nakataas na yung mga kaliwa naming paa habang naka tapak sa gdyaryo yung kanan. Hawak niya ko sa balikat samantalang nakahawak naman ako sa baywang niya.

Everyone's having fun including him. Ngising ngisi yung kuya mo. Ako lang yata pinagpapawisan ng husto kahit todo yung ac.

Isang tiklop pa. Hinaklit niya ko sa bewang. Mas magkadikit kami ngayon. Napakalaki kase ng paa nitong si Donato kaya nakatingkayad ako. Siya rin naman. Hindi ko alam kung mananalo kami. Gusto ko na sanang gumive up ng bigla siyang magbanta at bumulong sa tenga ko. Muntik akong mapakislot sa kiliti.

"Don't you dare leklek. You can't give up" pinanlisikan ko lang siya ng mata.

"Fine. Make sure tayo mananalo" hamon ko.

"Oo ba" arogante niyang sagot.

Mga ilang tiklop pa. Hinubad ko na yung sapatos ko. Sabi niya tumapak ako sa paa niya kaya ginawa ko na. Talagang yakap na namin ang isa't isa.

We are down to 5 pairs pero matigas talaga tong si Donato. Hindi ko alam kung pano niya kinakayang balansihin yung weight naming dalawa kung tutuusin pag nagkamali siya ng tapak talagang babagsak kami. Hintuturo nalang niya yata yung nakatukod.

Till we are down to best three. Buhat niya na ko sa likod niya.

"Para kang si Impi" mahina niyang sabi habang nakataas ang isang paa at binabalanse ang sarili sa papel na kasingliit nalang ng business card.

"Sinong Impi?" Tanong ko. Dumapo yung mata ko sa leeg niya. Namumula na. "Dons magpatalo na tayo. Namumula na yung leeg mo dahil sa hawak ko."

"Yung impakta na kalaban ni Darna" suplado niyang sabi. Gusto ko siyang bigyan ng isang sapak kaso determinado talaga siya. Partida naka suit and tie pa to.

Patagalan nalang ang labanan. Mag bebente minutos na pero walang magpatalo.

"Sige na may tatlo tayong tabla" sigaw ng host.

Finally ibinaba na ni Dons yung kaliwang paa niya sa sahig. Bababa na sana ko noong bumulong siya.

"Remember the first time I carry you on my back?"

"No" mabilis kong sagot kahit na oo. Yun yung unang beses na narealise kong iba na pala tingin ko sa bestfriend ko. Tinablan lang yata ko ng amoy niya noong automatic na maaalala ko yung mga pinagsamahan namin noon.

"Ibaba mo na nga ko Dons." Mahina kong utos. Sinunod niya naman. Pagkatapos non, mangilan ngilan pang laro ang ginawa pero ang maganda lang hindi na ko nabunot pa.

Ala siyete na ng matapos yung event. Nagkayayaan lahat magclubbing pero hindi na ko sumama.

Titang tita na kase yung feeling ko. Gusto ko nalang magpahinga sa bahay at magpahinga.

Pagkatapos kong magpaalam sa mga kaofficemates ko, dumiretso na ko sa parking lot. Naghihintay pa rin sa tawag ni Ricci. For some reason pakiramdam ko nagkasala ako ng malaki sa kanya.

Pinipigilan ko kaseng wag magreact kay Donny. Sa tinagal tagal ng panahon akala ko wala na. I found my greatest love and yet somehow bumabalik at bumabalik ako sa taong nang iwan sa kin. Diba? What a typical drama na sasakyan ng masa.

I always believe that choices are made and when Donny made his choice 10 years ago, I also chose to accept we will never be together.

Para ko nga talagang ginagamit si Ricci just to satisfy my ego. Some say if you cannot return the love, better let them go.

As I turn on the lights, I saw my pictures with Ricci. Will I really throw it away again for a person who wont stay here forever. He already said it.

Two years and he will come back to Australia.Come on Shar please dont make it complicated. Doon ka sa taong handang iwan lahat para sa'yo.

I called Ricci through whatsapp. Until now he isn't answering. Ano kayang problema?

I stayed on the line waiting for him to pick up kaso bumagsak lang din ako sa voice message inbox. Sana walang masamang nangyari. Sana because knowing Ricci, he always call right away.

I decided to read books about personality development. Matagal tagal din noong huli ko tong nagawa.

Habang nagbabasa pinag iisipan ko kung ano nga bang dapat kong baguhin sa lifestyle ko.

Pasado alas dos na ng madaling araw noong may magtry na magbukas ng pinto ko. Naalerto ko pero sinubukan kong wag magpanic.

Tumayo ako at sinilip sa monitor yung nasa labas. Si Donny mukang wasted. Panay tipa ng code sa key pad ko.

Kamoteng Donato. Noong buksan ko yung pinto aba walang paapaalam na pumasok saka dumiretso sa kwarto ko.

Gets ko naman na parehas ng itsura yung units namin pero iba naman yung mga mwebles.

Ibinagsak niya yung katawan niya sa kama. Susundan ko sana para pagalitan kaso ginawa niya ng kumportable yung sarili niya sa kama.

Wala na kong nagawa kundi tanggalin yung sapatos, jacket at necktie niya para naman makatulog siya ng mahimbing. Sa salas nalang ako matutulog.

"Leche ka talaga Donato" noong isasara ko na yung pinto, nagulat ako nang may sumukbit na pantalon sa ulo ko. Tumama pa sa likod ko yung belt.

"Punyemas. Donato!" pumihit ako paharap saka dumiretso sa tapat niya. "Hoy gumising ka nga!" Utos ko pero umungol lang yung hayop Hindi na ko maawa. Tinadyakan ko pero no response parin yung kamote.

Pinilit kong itulak wala pa rin. Lahat na ng balya ginawa ko pero parang wala pa rin. Hingal na hingal ako at nakapamaywang na nag isip ng paraan para sipain siya. Nagtutulug tulugan yata tong impakto.

Susuntukin ko na sana yung nguso niya para magising kaso bigla niya kong hinila. Ngayon para tuloy akong palaman sa bisig at mga hita niya.

Inaamoy amoy niya pa yung buhok.
"Donato!" Sigaw ko. Idinilat niya yung mga mata niyang sobrang pungay ngayon.

"Bakit?" Malat niyang sagot. Napalunok nalang ako. Nakakapaso kase yung tingin niya. Mula noon hanggang ngayon. Ramdam ko pa yung buga niya ng hangin kahit galing sa ilong. Amoy alak siya. Nakakalasing yung amoy pero ayokong magpadala.

"Hindi ito yung unit mo. Tumayo ka na at bumalik sa bahay mo" matalim niya kong tinitigan at saka bumulong. "Ayoko"

For some reason, nagwala na naman yung dibdib ko lalo na nung itinulis niya yung nguso niya at saka parang tutang umungol.

"Tangina naman Antonio" mura ko.

"We used to do this before. Why do you feel so akward now?"

"No. We lay side by side not like this. Gising ka na kaya tayo!"

Sinubukan kong iangat ang sarili ko pero malakas siya. Para kong stick na dinaganan ng bato.

Isang oras din akong nagpupumiglas pero walang nangyayari. I felt him hummed. Nagbavibrate yung adam's apple niya.

Hanggang sa nakatulog na ko. Umaga na nang magising ako. Unti - unti akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako noong makita ko si Donato sa tabi ko. Kapwa kami nagtititigan pero ang mas nakakagulat?

"Susmaryosep" as if synchronise, napatingin kami sa gawi ng pinto. Si mama, bumagsak pa yung isang plastic na bitbit niyang puno ng alimasag.

"Ma yung alimang- Putaragis... SHARLENE SAN PEDRO!" Sigaw ni papa.

Tumayo si Donny na naka dress shirt pero nakaboxers lang. Yung mata ni mama dumako sa pantalon ni Donny na nasa sahig pati na sa necktie at jacket na initsa ko lang sa gilid kahapon dahil sa asar ko pagkahagis niya ng pantalon sa kin.Naisip yata ng gago na ampangit ng itsura niya kaya hinugot niya naman yung comforter. Ako naman nawalan ng cover. Sakto ang suot ko lang mahabang shirt na may winnie the pooh print.

"Santisima" usal ni mama.

"Ate!" Sigaw ni Clark pero mabilis na tinakpan ni papa yung mata niya.

Puchat talaga, nalintikan na.

________________________

Authors Note:

Merry Christmas? Lol di po ako maglalagay ng spg scenes. Respect na rin sa Shardon ship natin. Mga romantic gestures lang para stay tayo sa pinoy image nila.

Ano tingin niyo? Comment naman dyen. I love you!



Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...