Beloved Bastard (Completed)

Bởi Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... Xem Thêm

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 21

8K 375 92
Bởi Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Villa Aurelia

"Hindi ba kayo papasok, Papa?" tanong ko kay Papa nang ihinto niya sa tapat ng villa ang bagong-bagong four-wheel-drive pickup.

Bumaba siya mula sa sasakyan. Sinadya pa niya iyon sa kabisera at sumama ako dahil ipinagmamalaki niya ang bago niyang sasakyan.

Dahil gusto ko rin makaiwas kay Ralf ay hindi ako nagdalawang isip na sumama sa pag-alis ni Papa kaninang umaga.

"Mauna ka na, Ivan. Susunduin ko muna ang Mama mo sa clinic ni Dr. Luis. Ang sabi ko sa kanya ay dadaanan ko siya doon. Para na rin maiikot ko sa lugar natin itong pick-up bago ko ipasa sa driver natin." nasisiyahang wika niya.

Nagkibit na lang ako ng mga balikat saka na ako naglakad patungo sa bahay. Nilingon ko pa si Papa na kasalukuyang inililiko ang sasakyan sa daan patungo sa kabilang farm.

Nang makalayo na siya sa villa ay nagpasya na ako na pumasok sa loob.

Papanhik na sana ako sa silid ko nang mapasulyap ako sa guest room. Doon pa rin natutulog si Rafael kagaya noon at bahagyang nakabukas ang pinto.

Siguradong nasa orchard si Ralf sa mga sandaling ito at marahil ay naiwanan niya na bukas ang pinto sa kanyang silid.

Humakbang ako patungo doon upang isara iyon nang bigla na lamang ay narinig ko ang boses ni Mama.

Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumalikod na. I didn't want to eavesdrop. Nangyari na minsan na nanubok ako nang hindi sinasadya pero napahamak ako. Hindi ko na gusto pang maulit iyon. Baka sa pagkakataong ito ay hindi ko na matakasan pa ang kalupitan ni Rafael.

Pero nanaig ang kuryosidad nang may bigla akong maalala. Akala ko ba ay nasa clinic si Mama?

Kung narito ngayon si Mama at nagsasalita ay siguradong si Rafael ang kausap niya.

Mas lumapit pa ako sa may pintuan ng silid. At sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki ang mga mata ko saka ako napasinghap.

Lamang ay nagawa ko nang huwag magpakawala ng anumang ingay dahil natakpan ko kaagad ng mga kamay ko ang bibig ko.

Malalamlam ang mga mata ni Mama habang nakatingin siya sa mukha ni Rafael. Hinaplos niya ang mukha ng lalaki pagkatapos ay bumaba ang kamay niya sa dibdib nito.

Teka, bakit walang damit si Rafael? Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang mamasel niyang katawan na wala nang suot na pang-itaas.

Bumaba rin ang mga mata ni Mama saka niya hinaplos ang maskuladong dibdib ni Ralf. Nakatagilid sila pareho mula sa kinaroroonan ko kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalokohan na ginagawa nila.

Malas lang nila at nakalimutan nilang isara ang pintuan at nagkataon naman na napadaan ako at napansin ko iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko na yumakap ng mahigpit si Mama sa hubad na katawan ni Rafael. Ganoon din ang ginawa ng hudyong lalaki sa Mama ko.

Hindi na sila nahiya. Dito pantalaga sila sa loob ng bahay gumagawa ng mga kalokohan. Kapag wala kami ni Papa.

"Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?" sambit ni Rafael.

Kumalas mula sa pagkakayakap si Mama. "Hindi niya malalaman, Ralf. Pangako ko sayo iyan. Mula ngayon ay mag-iingat na tayo." sagot niya.

Tumingala si Mama sa lalaki at sinapo niya nang dalawang palad niya ang mukha nito. Ilang sandali pa ay kinabig niya payuko ang ulo ni Ralf saka niya iyon hinagkan sa pisngi.

"Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan." masuyong bulong ni Mama.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa mga narinig at nasaksihan ko.

Mabilis na akong naglakad palabas muli sa bahay. Kung paano ako nakalabas ay hindi ko na alam.

Sa mga sandaling ito ay kinasusuklaman ko sila pareho. Silang dalawa. Gusto kong sumigaw at magwala.

Paano nagawa ni Mama iyon kay Papa? Paano niya nagawa iyon sa amin?

Paano iyon nagawa ni Rafael sa aming lahat? Kinupkop siya ni Papa. Pinakain at pinagkatiwalaan. Mas anak pa nga ang turing nila sa kanya kaysa sa akin.

Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sa kaibuturan ng dibdib konay may nakakapa ako na kakaibang kirot at hapdi.

Parang pinipiga ang puso ko sa kaalaman na si Rafael ang taong sumisira sa pamilya ko.

Bigla ay nagbalik na naman sa isipan ko ang mga eksenang nasaksihan ko sa kamalig.

Si Rafael at si Celine na halos nagtatalik na.

Kasunod ay ang eksena sa silid ni Ralf. Silang dalawa ni Mama. Ang hubad niyang katawan. Ang paghaplos ni Mama sa dibdib niya. Ang paghalik sa kanya ni Mama.

Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan.

Oh God! Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito.

Hindi pa ako nakakahuma mula sa alaala ng kataksilan ni Mama ay sumunod naman na nanariwa sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Ralf sa loob ng silid ko.

Muntikan na niya akong maangkin at natatakot ako sa galit na nakita ko sa mga mata niya nang mga sandaling iyon.

Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na nagugustuhan ng katawan ko ang kakaibang pakiramdam sa tuwing didikitan ako ng lalaking iyon.

Ngunit hindi ko dapat hinahayaan na matalo ng emosyon ko ang katinuan ng isip ko. Mabuti na lamang at hindi niya iyon naituloy.

Kinasusuklaman ko siya dahil sa mga kapangahasan niya. Kinasusuklaman ko rin ang sarili kong ina dahil sa kataksilan niya.

Hindi ako umuwi sa bahay hangga't hindi pa nagdidilim. Nagpalipas na lang ako ng oras sa gitna ng taniman ng mangga.

Hindi naman panahon ng pamumunga ng mga iyon dahil kakatapos pa lang nilang magharvest noong nakaraang buwan kaya walang tao doon.

Kinagabihan ay sinadya ko na puntahan si Papa sa loob ng library nang mabanggit sa akin ng katulong na naroon siya at may tinatapos na mga gawain.

Kumatok ako dahil baka maabala ko siya sa ginagawa niya ngunit kaagad din naman niya akong pinatuloy.

Nag-angat pa siya sa akin ng tingin mula sa binabasa niyang mga papel sa mesa.

"Ikaw pala, anak." nakangiting sabi niya na ikinahinto ko sa paghakbang.

Kinakabahan ako na nakatitig sa kanya at hindi ko malaman kung dapat ko bang ituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil nakikita ko sa kanya na nasa magandang mood siya ngayon at ayoko sanang sirain iyon.

Ngunit kailangan ko nang mapaalis si Rafael sa bahay na ito. Sa buong hacienda na ito na pag-aari ng pamilya namin.

"Lumaki ka nang ganyan kagwapo nang hindi ko man lang namamalayan. Kaya lang ay gwapo rin pala ang gusto mo." nakangiting biro niya.

Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang ako na nakatitig sa kanya. Undecided pa rin sa gagawin kong pagkumbinsi sa kanya na paalisin na si Rafael dito.

Tumayo siya saka niya ako nilapitan. Niyakap niya ako ng mahigpit at tila nilalambing na parang baby.

"Namiss ko na yakapin ang anak ko. Mula kasi nang tumuntong sa sampung taong gulang ay hindi na yumayakap sa akin." malambing na sabi pa niya saka niya ako hinalikan sa pisngi.

"Pasensya ka na kung hindi kita masyadong napag-uukulan ng panahon sa mga nagdaang taon. Masyado lang talaga akong naging abala sa pagpapatakbo nitong hacienda natin pero hayaan mo at sisikapin ko na bumawi sayo sa mga susunod na araw."

Napakasarap sa pakiramdam na yakap ako ngayon ni Papa. Hindi ko naramdaman ang mga ganitong sandali sa mga lumipas na taon mula nang unang beses na dumating si Rafael sa buhay namin.

Kumalas na ako mula sa pagkakayakao niya. "Hindi iyan ang isinadya ko sayo dito, Papa." seryosong sabi ko sa kanya na nagpawala naman sa mga ngiti niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya saka niya ako pinagmasdan ng mataman.

"May problema ba ang anak ko?" masuyong tanong niya.

"Papa, gusto kong paalisin mo si Rafael dito sa hacienda natin." diretsong sabi ko sa kanya.

Nagsasalubong ang mga kilay ni Papa habang seryoso siyang nakatitig sa akin. "Ano ba naman iyan, Ivan? Bakit ba mainit na lang palagi ang ulo mo sa taong iyon. Mabait si Rafael, mapagkakatiwalaan at..."

"Mabait? Mapagkakatiwalaan?" putol ko sa sinasabi niya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Papa. Nadadaya kayo ng lalaking iyon!"

"Tumigil ka na sa kalokohan mong ito, Ivan." kung kanina ay malambing niya ako na kinakausap ngayon ay may bahid na ng galit ang tinig niya.

"Pumanhik ka na sa silid mo." matigas niyang utos sa akin.

Sinalubong ko ang mga tingin niya at sa nakikita kong labis na pagtitiwala niya kay Ralf ay nakakadama ako ng labis na sakit sa dibdib.

Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko kasabay ng kalokohan na nasaksihan ko kanina sa silid ng mga magulang ko.

Si Ralf. Si Mama. Ang hubad na katawan ni Ralf. Ang paghaplos ni Mama sa maskuladong dibdib nito at ang halik.

Kasunod na pumasok sa isipan ko ay ang eksena sa pagitan namin ni Ralf ilang araw pa lamang ang nakakaraan na hindi na maalis sa isipan ko at nagdudulot ng pagkaligalig.

"Papa, that man almost raped me!" lumabas na sa bibig ko iyon bago ko pa napigilan at nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Papa at nakita ko na natitilihan siya dahil sa sinabi ko.

Hindi ko man gusto na malaman ni Papa ang tungkol sa nangyari sa amin ni Ralf ay pinili ko nang sabihin.

Marahil sa pagkakataong ito dahil sa isinumbong ko ay mapapaalis ko na ng tuluyan sa Hacienda Aurelia si Ralf.

Ang pagka-shock sa mukha ni Papa ay nahalinhan ng panlulumo. Bumuntong-hininga siya saka siya umiling.

"Huwag kang gumawa ng kwento para lang siraan si Rafael, Ivan." wika niya sa tonong kailanman ay hindi ko pa narinig na ginamit niya sa akin.

Tumigas ang anyo ko. Saka ko sinalubong ang nanunuring mga tingin niya.

"Nagsasabi ako ng totoo, Papa." giit ko. "At kayo, bakit kayo nagbubulag- bulagan gayong nakikita na ninyo na lagi na lamang ay malapit si Mama sa lalaking iyon!"

"Tumigil ka na, Ivan!" galit na sigaw ni Papa sa akin. "Lumabas ka na. Hindi ko alam na sa pagpapasunod namin sayo ng Mama mo ay iyan ang naging pag-uugali mo."

Napapikit ako dahil sa frustration. Pero wala akong balak na tumalikod at magpatalo. Hindi sa pagkakataong ito.

"Sisirain ni Rafael ang pamilyang ito. Maniwala ka, Papa. Si mama, pinagtataksilan..."

"I haven't laid a hand on you, Ivan." mapanganib na banta ni Papa sa akin. "Pero wag kang magsasalita ng anumang bagay na hindi maganda tungkol sa Mama mo."

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari kaya lumabas na lang ako ng library nang may sama ng loob kay Papa.

Pati siya na tanging iniisip at inaalala ko ay hindi pa ako pinakinggan.

Sa may puno ng hagdan ay nakasalubong ko si Rafael na seryosong nakatingin sa akin.

Isang nakamamatay na titig ang ibinigay ko sa kanya bago ako tumakbo papanhik sa silid ko.

Hindi na ako naghapunan pa. Hindi ko rin naman maipapasok sa katawan ko ang pagkain.

Dinalhan pa ako ni Nana Sita sa silid ko. Ipinagbilin daw iyon ni Ralf ngunit hindi ko rin iyon ginalaw.

Napakasama ng loob ko sa lahat ng tao na narito ngayon sa hacienda. Lalo na kay Ralf na sinasadya yata talaga na sirain ang buong pamilya namin.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo siya napulot ni Lola Corazon ngunit iyon na yata ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ni Lola.

Hindi ako halos nakatulog buong gabi dahil sa dami ng mga bagay na naglalaro sa isipan ko.

Ngunit bago pa muling sumikat ang araw ay nakabuo na ako ng pasya. Kung hindi ko mapapaalis si Rafael sa lugar na ito ay ako na ang aalis.

Kahit kailan ay hindi kami maaring magsama ng lalaking iyon sa iisang lugar. Para kaming tubig at langis na kahit anong pilit na pagsamahin ay hindi maaaring magsama.

Natanggap ko na rin sa sarili ko na hanggang doon na lang talaga ang kaya kong ibigay na pag-uunawa sa mga magulang ko.

Hindi ko na kaya pang tiisin ang mga pambabalewala nila sa mga opinyon ko. Dahil ang lahat ay manipulado na ni Rafael.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

Ang Mutya Ng Section E Bởi Lara

Tiểu Thuyết Chung

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
189K 8.3K 53
ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs Si Timmy ay isang avid fan ng napakasikat na boyband group na Nirvana Redux kung saan pati pinakamaliit na butas ng karayom ay h...
256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.6M 169K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...