THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

GarnetSiren tarafından

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " Daha Fazla

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 61 - Worried
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment

2.2K 140 31
GarnetSiren tarafından

SIGRID'S POV :

HINDI talaga naiwasang hindi ako lagnatin dahil nakaratay ako sa kama ko ng ilang araw dahil feeling exhausted na ako pero ngayon? Hmm, kayang kaya ko na namang gumala ala Dora the explorer.

🎶Oh, I'm a gummy bear
Yes, I'm a gummy bear
Oh, I'm a yummy, chummy, funny, lucky, Gummy bear
I'm a jelly bear, 'cuz I'm a gummy bear 🎶

Whoops! Ringtone ng phone ko 'yan mga best! Gummy bear song reminds me of how crazy Kenshi was when he danced the song in front of me when I was sick and He wants me to finish the soup he brought in my room.

"Hello, Nat?" I answered.

"Hey, beautiful! Are you busy today?"

"Hays, Nat. Sana nga busy din ako today para naman malibang ako kasi seriously, nasu-suffocate na ako rito sa bahay." sabi ko while pacing Back and Forth.

"Sakto. Pumunta ka dito sa bahay, friend. Gusto kong mag-swimming pero boring 'pag walang kasama."

"And you want me to accompany you?" I asked, smiling.

"Tatanggihan mo ba ako?"

I giggled. "Of course not. Hintayin mo ako. Magpapahatid nalang ako kay Mang Orlando papunta diyan."

"Magpaturo ka na kasing mag-drive, AM."

Bumuntong-hininga ako. "KJ ang mga Kuya ko, ultimo ang boyfriend ko, Nat."

"Oh, well, naiintindihan ko rin naman sila somehow." sagot niya. "Uhm, sige. I will wait for you here ha? Bring your sexy two piece, My dear friend." aniya na sinundan ng kaniyang mahinang tawa.

"Two piece?! Oh my!"

"Psh. Don't be shy. Ang ganda kaya ng katawan mo hindi mo lang pinapansin."

"Hmp! Oo na."

"Yes! Bye, friend. See 'ya later!"

Nagsimula na akong maghalungkat sa closet ko kung saan nakalagay ang mga pinamiling two piece ni Mommy para sa 'kin para if ever daw na gusto kong mag-swimming, may susuotin ako.

Kinakabahan ako dahil bukod sa first time kong makakapagsuot ng two piece ay sa ibang bahay pa. Hindi ako ganoon ka-confident sa katawan ko kahit pa malaki na ang ipinagbago ko.

"Where are you going?"

"Kuya Grov, naman. Hindi ka ba talaga tinuruan ni Mommy kung pa'no kumatok?"

Tinawanan lang ako. Inirapan ko siya bago dinampot ang two piece na kulay itim.

"Niyaya ako ni Nathalie sa kanila, Kuya. Wala raw kasi siyang kasamang mag-swimming." Pag-imporma ko sa kapatid ko. "Magpapahatid nalang ako kay Mang Orlando."

"Daanan mo si Mom sa office niya sa ibaba." Aniya kaya humarap ako sa kaniya.

"Akala ko pumasok na siya sa office?"

"Dito nalang daw muna siya tutal ay wala naman daw masiyadong gagawin do'n." Tugon niya. "Anong oras ka uuwi?"

"Uhm, p'wedeng mamayang hapon nalang?" I asked, grinning sheepishly. "Please? Naiinip na kasi ako rito sa bahay kasi naman kayo, Hindi n'yo ako sinasama sa mga lakad n'yo ni Kuya Hopper."

"Psh. The princess of pout." He smirked. "Dad promised to take us to Colorado and we will spend white Christmas in Aspen so, no need for you to sulk, My dear sister."

Nanlaki ang mga mata ko. "Really? With Lolo and Lola?"

"Uh-huh."

Feeling ko mapupunit na ang bibig ko sa pagngiti ng sobrang lapad. Bakit ba, e, bigla nga akong na-excite sa balita ng kapatid ko.

Gusto ko lang naman silang makasamang lahat ngayong darating na pasko tapos nagbabalak pala ang Daddy naming dalhin kami sa ibang bansa at doon i-celebrate ang pasko? Wow! That's a plus.

"Yes!" I exclaimed happily. Nilagay ko ang two piece swimsuit ko sa maliit kong backpack at isinukbit sa likod ko. "I have to go, Kuya. Dadaanan ko nalang si Mommy para magpaalam."

"Ihahatid nalang kita kila Nathalie."

"Hindi na. Nandiyan naman si Mang Orlando, e."

"Fine, but you have to take care. Baka mamaya - "

"Jeez! Laking-mahirap 'tong kapatid mo kaya 'wag mo akong masiyadong intindihin, Kuya Grov. Hindi na rin ako bata."

"Tigilan mo ako, AM."

Natawa nalang ako.

TINAKBO ko pababa ang hagdan at dumiretso sa office ni Mommy dito sa bahay.

"Mom?" I called her while knocking on the door.

"Yes, Sweetie? Come in. Bukas 'yan."

Tinulak ko pabukas ang pinto at nadatnan ko ang Mommy kong abala sa computer. "Magpapaalam lang po ako."

"Saan ka pupunta?"

"Sa kaibigan ko po. Kila Nathalie. Nagyaya po siyang mag-swimming sa kanila, e."

"Baka naman mabinat ka, Anak?"

"Hindi po. Masiyado na naman kayong nag-aalala."

"Hmm. O, sige, papayagan kita pero mag-iingat ka, okay?"

"Opo. Thanks, Mom. Aalis na po ako."

"Sure, hija."

NASA sala naman ako nang makasalubong ko si Lolo Gaudencio galing sa Labas.

"May lakad ka ba, Apo?" Tanong niya sa 'kin.

"Opo. Pupunta po ako sa kaibigan ko, 'Lo. Kila Nathalie."

"Nagpaalam ka na ba sa Nanay mo?"

"Opo, Lolo "

"Mabuti naman. Sige na. Lumakad ka na, Apo."

Yumakap at humalik pa muna ako sa pisngi niya bago ako nagtatakbo palabas ng kabahayan. Nadatnan ko namang kasalukuyang nilalagyan ni Mang Orlando ng pampakintab ang kotse.

"Mang Orlando, Pakihatid po ako kila Nathalie, please."

"Sige ba. Sakay na, AM."

Mas lumapad ang ngiti ko habang mabilis na pumuwesto sa passenger seat.

◆◆◇◆◆

NATHALIE'S POV :

"Ate, dumating na po ang kaibigan n'yo." imporma ng batang si Sheila sa 'kin. Ang anak ng kasambahay naming si Ate Marites.

"Papuntahin mo siya rito sa room ko, Sheila."

"Sige po."

Hindi pa man matagal na nakakaalis si Sheila ay dumating kaagad si AM na nakangiti.

"Hi, future sister-in-law." panunukso na naman niya sa 'kin.

"Heh! Mabuti naman at dumating ka. Ano, nagdala ka ba ng swimsuit mo?"

"Yeah. Nagdala ako ng two piece. Hindi naman ako mahihiya masiyado kasi dalawa lang naman tayo 'di ba?"

"Of course." Nakangiting sabi ko. "Pumasok ka na sa bathroom para maisuot mo na 'yang two piece mo." Kinindatan ko pa siya.

"Alam mo, Nat," Ibinaba niya ang backpack niya sa kama at inilabas doon ang two piece niya. "Magpasalamat ka dahil mahal kita kasi kung hindi, Never akong magsusuot ng ganito para samahan kang mag-swimming."

Natawa nalang ako habang tinutulak siya papasok ng banyo. "Bilisan mo, ha? May banyo sa guestroom kaya doon na ako magpapalit." Sabi ko.

"Hmp! Oo na."

Natatawa pa rin ako nang samaan niya ako ng tingin bago isinara ang pinto ng banyo.

Mabilis ko namang dinampot ang phone, two piece at ang robe ko bago lumabas ng silid ko at magtungo sa kabilang room which is the guestroom but of course, bago ang lahat, may tatawagan muna ako.

. . .

NASA gilid ng pool na kaming dalawa ni AM at kasalukuyang naglalagay ng lotion sa katawan bago sumuong sa tubig.

"Nat, tara na." aniya at mabilis na tumalon sa tubig.

Seconds later and she's already floating, eyes closed.

Napangiti ako. Sinong mag-aakala na ang isang babae noon na nahihiyang sumama sa amin sa cafeteria dahil ayaw magpalibre ay isa palang anak-mayaman at nag-iisang prinsesa ng pamilya? Hays! She's a real lucky one.

Tumayo na rin ako at nag-dive sa tubig na ikinagulat ni AM.

"Ah! Sinira mo ang panaginip ko, Nat."

I laughed. "Panaginip? Hindi ka naman natutulog, ah?"

She grinned sheepishly again. "Daydream. haha."

"About your lover boy?" I teased her.

"Yeah. Alam mo, Nat, ang sarap palang ma-in love." She smiled at me while her eyes were sparkling with love and joy.

"Oh, I know 'cause I'm deeply in love with your brother, too, AM. It's the best feeling I've ever felt, you know. Pero alam mo, Masaya ako para sa 'yo."

"At dahil sa pareho tayong pumapag-ibig," Mabilis siyang lumangoy palayo sa 'kin na parang isda. "I-celebrate natin 'yan by doing thissssss!!" sigaw niya kasabay ng pagsaboy niya sa 'kin ng tubig.

"Ah, so, feeling mo nasa dagat tayo? Sige, Hintayin mo ako dito at may kukunin lang ako sa loob." Paalam ko sa kaniya at saka umahon mula sa pool.

"Bilisan mo!" Sigaw niya.

Napailing nalang ako bago dinampot ang robe ko at muling isinuot saka muling naglakad papasok ng bahay. Wala naman sina Papa at Mama kaya ayos lang uminom. Konting konti lang naman.

Dumiretso ako sa mini-bar at kumuha roon ng isang boteng Chardonnay at dalawang wineglass.

"Babe!"

Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at napangiti nang makita ko si Hopper palapit sa akin kasama ang kambal niya at si Oswald.

"Hey!" Ibinaba ko sa counter ang mga hawak ko at sinalubong siya ng yakap. "Mabuti naman at nakarating kayo."

"No choice ako, Babe." Biro ni Hopper.

"God! Puwede bang maghiwalay muna kayo?" Si Oswald. "Ang sakit niyo sa mata sa totoo lang." reklamo niya. "Nat, hindi nga pala kami umiinom ng Chardonnay."

"Yeah. Whiskey nalang kami, Nat." Gatong ni Grover.

"Ang arte niyo, ah." Biro ko sa dalawa. "May mga alak si Papa sa closet na 'yon," Turo ko sa nasa mini-bar. "Kayo na ang bahalang kumuha."

"Great!" Nauna ng naglakad si Grover kasunod si Oswald.

"Where are the girls, Nat?" Muling tanong ni Grover habang kumukuha ng mga baso.

"Maybe on their way here?" Patanong ko ring tugon. "Hintayin nalang natin sila. E, 'yung mga kaibigan ninyo, makakarating ba?"

"Yup." Si Hopper na ang sumagot. "Where's my sister, Babe?"

"'andoon sa pool. Nagfu-floating."

"Tara, puntahan natin."

"Ah, sige, Babe. Mauna na kayong tatlo. Dito muna ako para hintayin 'yung iba pa."

"Are you sure?"

"Yeah."

"Okay." Lumakad siya palapit sa dalawa at inaya papunta sa pool area.

Naiwan naman akong nakatayo at nag-aabang sa pagdating ng mga Good Girls at Bad Boys. Hays! I Still can't imagine how the two groups became best of friends but one thing I'm sure is, It happened because of April Miracle.

◆◆◇◆◆

KENSHI'S POV :

"Sir, pasok po kayo."

Tumango ako at pumasok sa bakuran ng mga Ortega. Kanina ay tinawagan ako ni Waldo at sinabing pumunta ako dito kila Nathalie dahil pupunta rin ang dalawang grupo dito.

"Nasaan sila, Manang?" Tanong ko sa maid.

"Nasa pool area, Sir. Halika at ihahatid nalang kita roon."

Maglalakad na sana kami nang bigla namang may pumaradang kotse sa labas ng gate. It's Saiyan's car.

"Wait lang, Sir, ha? Baka isa 'yan sa mga kaibigan ninyo, e."

Tinanguan ko lang siya at hinayaang salubungin ang dumating.

Ito 'yung reason kanina kung bakit naghe-hesitate akong pumunta rito, e. Ayaw kong makitang magkasama ang kaibigan ko at ang babaeng mahal ko. Nasasaktan ako, e.

"Bro." Basag ni Saiyan sa pananahimik ko.

"Hey."

"Halina kayo. Ihahatid ko kayo kina Ma'am Nathalie."

Walang imik na sumunod kaming dalawa ni Saiyan sa kaniya. Hindi kami pumasok sa bahay kundi umikot lang at sa likod ay may isang batong hagdanan at doon kami umakyat at pagdating namin sa taas ay bumungad na sa amin ang malaking swimming pool at sa di kalayuan ay ang isang sliding door.

Malaki rin pala ang bahay ng mga Ortega.

"Babe!!" Tawag ni Saiyan kay AM na kasalukuyang nagfu-floating habang nakapikit.

Dahil naman sa sigaw ni Saiyan ay nabaling sa amin ang atensyon ng apat na nadatnan pa namin. Sina Nathalie, Oswald at ang kambal na Vizconde.

Pero hindi na sa kanila napako ang mga mata ko dahil inagaw na ng isang napakagandang babae ang buo kong atensyon.

The most beautiful lady I've ever seen. Damn!

◆◆◇◆◆

SAIYAN'S POV :

Gustung-gusto kong tusukin ang mga mata ng gago kong kaibigan nang mapansin ko kung paano niya titigan ang Girlfriend kong natatakpan lang ng itim na two piece ang katawan kaya naman nahahantad na ang mura pero magandang pangangatawan sa mata ng lahat.

Huminga ako ng malalim at walang sabi-sabing pinulot ang puting roba na hindi ko alam kung kay AM o kay Nathalie.

"Babe, that's enough." Seryosong sabi ko. "Ahon na riyan."

"But, Babe - "

"Please, AM."

Wala siyang imik na umahon sa tubig. Agad ko namang ipinasuot sa kaniya ang hawak kong robe. "Wear something like this but only for my eyes, Got it? Ayaw kong nagsusuot ka ng ganiyan kung maraming audiences."

Bumuntong hininga siya at ngumiti. "Okay."

"Hmm, that's my girl." I kissed her forehead.

"Hrmp!" Malakas na tikhim sa likuran namin. "Stop the PDA, guys." Nagtawanan kami ni AM sa sinabi ni Oswald. "Sawang sawa na nga akong panoorin ang landian nina Hopper at Nathalie tapos pati ba naman kayo?"

"Babe, Ilakad mo nga 'yang tukmol na 'yan kay Alanis." Bulong ko kay AM na ikinahagikhik niya.

"So, may lihim ka palang pagtingin kay Alanis, Oswald?" Tanong ni AM kay Waldo sa nanunuksong tinig.

"Ah, e.. hehe .." napapahiyang nagkamot ng ulo ang gago.

"Nat!" Tawag ni AM sa kaibigan niya. "Pupunta ba si Alanis dito?"

"Sinabihan ko siya pero hindi naman sigurado kung makakapunta. Bakit ba?"

"May naghihin - "

"Sabihin mo magdala ng pulutan, Nat." Salo ni Oswald sa sasabihin sana ni AM. Gusto ko tuloy matawa.

"Baliw!" Balik ni Nathalie sa kaniya.

"C'mon, Babe. Saluhan natin sila." Baling ko kay AM na nakangiti lang.

Magkatabi kaming naupo ni AM sa outdoor sofa ng mga Ortegas paharap kay Grover at Kenshi na blangko lang ang mukha habang nakatitig sa pool.

"Hoy, ikaw," Turo ni Nathalie sa 'kin. Tumitig lang ako sa kaniya. "Huwag na huwag mong sasaktan 'tong best friend ko kundi," Itinaas niya ang kamay niya at nangamao. "matitikman mo ang bangis ng isang Nathalie Ortega."

"Hrmp ..." Hopper pretends to clear his throat. "Narinig mo ang sinabi ng Girlfriend ko, Sai. Matitikman mo ang bangis ng isang Ortega plus ang mga Vizconde kapag 'yang kapatid ko pinaiyak mo."

"Not gonna happen." paniniyak ko. "God knows how much I love your sister, Hopper."

"Good." sabad ni Kenshi kaya napunta ang atensyon namin sa kaniya. "Hindi lang ang mga Vizconde at Ortega ang makakalaban mo kundi pati na rin ako."

Ngumisi ako. "Akala mo naman kung sino ka riyan while in fact you're the one who - "

"Babe," Saway ni AM sa 'kin. "We're not here to pick a fight so, please?"

Sasagot pa sana ako kay AM nang padabog namang tumayo si Kenshi.

"Nat, Aalis na ako." He said.

"Pero - "

"Let him go, Nat." sabad ko. "Huwag mong pilitin ang taong ayaw."

"Saiyan," Nakapamulsang humarap sa 'kin si Kenshi. "Bakit hindi mo ako diretsahin?"

"Hey!" Pumagitna na naman si Oswald. "Masiyado kayong mga hot, e."

"Mayabang 'tong gago na 'to, e." Turo ni Kenshi sa 'kin. "Hindi 'ata alam kung sino ang binabangga niya."

"Oh, trust me, Kenshi, when I tell you I know you ..so much." I smirked. "Hindi naman lahat ng mga taong nakapaligid sa 'yo ay alam na isa kang ampon, hindi ba?"

"Saiyan!" saway ni Grover sa 'kin.

"What?" I chuckled. "Pinapakita ko lang naman sa Kenshi na 'to kung gaano ko kaalam, kung gaano ko kakilala ang taong binabangga ko."

Nagtatagis ang bagang ng gago nang muling tumitig sa 'kin. Handa na rin naman ako sa pag-igkas ng kamao niya pero nagulat ako nang bigla siyang tumalikod at muling bumaba sa hagdanang bato.

"Alam mo, bro," Si Grover. "Sa pagkakaintindi ko sa sinabi ni Kenshi ay sadyang nagmamalasakit lang siya kay AM kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pasaringan mo pa siya."

"At mali rin 'yung ginawa mong pagbubunyag sa tunay niyang pagkatao, Sai." gatong ni Oswald. "Maling mali, bro."

Bumuntong hininga ako at lumingon sa Girlfriend ko pero inilingan niya ako.

"Si Kenshi ang tumulong sa 'kin no'ng hindi ako nasundo ni Kuya Hopper dahil nasa Cebu pa sila at hindi nakauwi kaagad, Sai."

"H-Hindi ko alam - "

"Dahil nakiusap si Kenshi na 'wag ng ipaalam sa 'yo dahil ayaw niyang mag-isip ka ng kung ano so, you see, nagmamalasakit lang talaga 'yung tao." Aniya. "I'm so disappointed in you, Sai." Dagdag niya na halos ikalusaw ko.

"Babe, I'm sorry."

"Kay Kenshi ka mag-sorry, Sai. Nasaktan mo 'yung tao sa pag-uungkat mo sa kung sino siya."

"Yeah, Gagawin ko 'yan."

Tumango lang siya sa 'kin.

"Kuya Grov, p'wede mo ba akong ihatid sandali sa bahay?"

"Babe, Ako na." Sabi ko.

"Ako na, Sai." ani Grover.

Napaupo nalang uli ako sa aking upuan at lupaypay ang balikat habang pinapakinggan ang pagpapaalam ni AM kay Nathalie.

What's wrong with me? Dahil ba sa alam kong nanligaw din si Kenshi kay AM kaya ako nagkakaganito? That's a shit. 'tangina naman.

◆◆◇◆◆

Hanggang dito nalang muna. hehe シ Please vote☆ po. Maraming salamat! ♡♡

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

551K 27.4K 55
The Badass Babysitter Volume 3, the final kick 04/02/2020 - 06/17/2021
32.1K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
16.2K 370 29
Eyho Spring Winner 2019. Uncontrolled series #1. A teenage girl that has a rare type of disorder called CCHS. CCHS means Conginetal Central Hypovent...