The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.6K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ika-anim na Kabanata

183 5 0
By red_miyaka

Pang-anim na Kabanata

Brownie





"Deputa." Mura ko agad paggising. Kasi naman, malalate na ako at hindi man lang ako ginising ni ate!

Bumangon agad ako sa kama at nagmamadaling pumuntabg cr. Mabilis akong pumili ng damit pagtapos at sinuot ito. Basang-basa pa ang buhol ko kaya binalot ko iyon sa tuwalya habang naglalagay ng sapatos. Muntik pa akong bumaliktad dahil nakayuko ako at ang bigat pa ng towel sa ulo ko. Tinanggal ko na lang iyon at nagsintas ng sapatos bago dumeretso sa salamin namin at kumuha ng suklay. Tinuck-in ko na ang shirt ko sa pants at kinuha na ang bag ko. Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang 7:30 na. Napamura ulit ako nang mahina habang tumatakbo pababa ng hagdan. Muntik pa akong madulas sa dulong step pero buti na lang ay napakapit ako sa railings.

"Alis na ako, Pa!" Sigaw ko bago kumuha ng sandwich at nilagay ito sa ziplock. Hinalikan ko ang pisngi ni papa at tinap lang ang ulo ni ate na nagpipigil ng tawa dahil sa kamamadali ko. Sarap niya batukan.

Kinawayan na lang ako ni papa dahil ngumunguya pa siya at si ate naman ay natatawa pang sumigaw ng 'ingat late ka na' bago ako lumabas ng pinto.

Tinignan ko uli ang phone ko at nanlaki ang mata nang makita na 7:45 na. Shit. Mukhang malalate ako sa first class ko. Bahala na.

Dere-deretso lang akong naglalakad nang mabilis habang nagdadasal ba sana late o wala ang prof namin. Ang bilis ng lakad ko kaya halos mabangga pa ako ng kotse noong patawid na ako. 7:50. Napapikit ako at tumakbo na papunta sa entrance ng school namin. Agad kong tinap ang ID ko bago tumakbo ulit papasok patungo sa escalator.

Nang makarating sa floor ng room, agad akong tumakbo papunta roon. Bumagal ang paglalakad ko nang makaabot sa tapat at sumilip muna sa pinto. Fuck. Buti na lang wala pang prof. Terror pa naman prof namin dito.

"Bakit ka late?" Tanong agad ni Tracy pagkaupo ko sa tabi niya. Inayos ko ang bag ko pati ang upo ko.

"Nalate ng gising." Simpleng sagot ko. Naglabas pa ako ng ballpen at tinap ang upuan ko.

"Wala ba si Sir?" Tanong ko nang 30 minutes na ang lumipas at wala pa rin siya. Ano ba 'yan, nagmadali ako para sa wala?

"Mukhang wala, eh. Hindi naman siya humihigit ng 30 minutes sa pagkalate." Nagkibit balikat si Tracy. Napairap ako at nilabas na lang ang phone ko.

Unknown Number Calling...

Ha? Sino 'to? Sino naman tatawag sa'kin?

"Hello?"

"Hey, where are you?"

"Ha? Sino ka ba?"

Sino ba 'to? Maka where are you, ha.
Close ba kami?

"Si Vin 'to. Where are you?"

"Ha? Paano mo nalaman number ko?"

"Uh.."

Nang matauhan ako ay masama kong tinignan si Tracy na nakangiti lamang at nakatutok sa phone niya. Ano ba 'to, feeling ko konti na lang ay ibubugaw na ako nito kay Vin, eh. Kung hindi niya pa ako binubugaw.

"Jana?"

"Ha? Ano?"

"Sunduin kita. Nasaan ka?"

"Ha? Bakit? Bati na ba tayo?"

"Jana..."

Nagring bigla ang bell hudyat na time na. Tumayo ako at binabaan ng phone si Vin. Bakit? Sinong nagsabing bati na kami, ha? Sabi ko lang naman pag-iisipan ko. Hindi pa naman buo ang desisyon ko roon.

"Hoy, Tracy." Kinalabit ko siya dahil nakatayo nga siya at ngiting-ngiti ngunit nakatutok naman sa phone.

"Binigay mo kay Vin number ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Uh.." Kinagat niya ang labi niya.
"Babye! Pupuntahan ko si Rene!" Tumakbo siya bigla habang kumakaway. Inirapan ko na lamang siya. Naglakad ako sa kabilang daan dahil dito na ang sunod kong klase. Pagtapos nito, break naman na kaya naglakad lang ako.

"Hindi pa ba tayo bati?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Vin. Lumingon ako at halos matumba pa nang ang lapit pala niya sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang tao dahil napakapit ako sa balikat niya. Para akong nakayakap sa kanya at hawak niya pa iyong bewang ko.

Umubo ako ng kaunti at umayos ng tayo. Umiwas ako ng tingin dahil feeling ko ay namula ako bigla. Nawalan din yata ako ng boses. Ano ba 'yan, nakakahiya.

"Omg, sila ba?"

"Cute nila but I wish I was that girl."

"Ano ba 'yan, new crush ko pa lang si Vin eh."

"He's so cute and handsome talaga."

"True! Is the girl pretty ba? Her back is facing us, eh."

"Idk, let's go to class na. Naalala ko naman suot niya."

Wow lang, ha. Nandito lang ako sa harap nila at nakatalikod pero ang lalakas kaya ng boses nila. Sila yata ang mga babae sa cr noon. Bakit naman pati suot ko tinandaan? Ano sila, stalker?

Pagkalingon ko kay Vin ay nagkakamot siya ng batok niya. Kumunot ang noo ko.

"Ano ba ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Nakaiwas lang ang tingin niya at kagat pa ang pangibabang labi.

"Wala. Gusto lang kita m-makita.." Humina iyong boses niya. Hininaan pa, narinig ko naman.

"Wow." Tanging sagot ko lamang at nanahimik. Malapit lang iyong room ng next class ko. May 10 minutes pa bago magstart at dapat naglalakad na ako papunta roon pero heto ako, nakatayo lang sa harap niya na parang tuod. Hindi maigalaw ang mga paa.

"Jana, bati na ba tayo?" Tanong niya at tumingin na sa akin. Pinagkrus ko ang braso ko.

"Hindi ko alam, eh. Pag-iisipan ko pa kasi." Sagot ko na lang at nagsimulang magalakad. Hindi ko na siya nilingon o tinignan kaya hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya pero gusto kong tumawa. Pakiramdam ko kasi natulala siya roon kaya hindi na nakausad.

"Sunduin kita rito."

Napalingon ako bigla nang makarating sa harap ng room. Si Vin lang pala. Nakausad pala siya sa kinatatayuan niya.

"Wala ka bang klase?" Kunot-noo kong tanong. Bakit ba kasi siya sunod nang sunod?

"Uh, nandito lang din kasi klase ko." Turo niya sa dulo ng hallway. Tumango na lang ako bago siya iwan ulit doon at pumwesto sa tabi ng bintana. Ito 'yung subject na talagang wala akong kausap, eh.

--

"Hi." Bungad ni Vin paglabas ko pa lang ng room. Ramdam ko na naman 'yung mga nagbubulungan na parang mga bubuyog sa likod at tabi ko.

"Hey." Sagot ko na lang at dumeretso ng lakad. Mabilis. Nagstairs din ako pababa at mabilis pa rin ang lakad ko, hindi nililingon si Vin. Baka mamaya ay may mambully na sa akin dahil gustong-gusto si Vin, eh. 'Yung parang sa wattpad. Pakiramdam ko kasi any time magkakaroon na ng fan base si Vin at banda niya tapos ay hahabulin na lang siya bigla ng fangirls.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong niya habang sinasabayan ako sa paglakad. Nakaharap siya sa akin at patalikod ang mga yapak niya. Umirap ako. Pasikat naman 'to.

"Pinagchichismisan tayo." Maikling sagot ko. Dumeretso na agad ako ng canteen at pumila.

"Ano naman?" Kunot noo niyang tanong.

"Baka sugurin ako ng fangirls mo, hindi pa ako ready masaktan." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa harap. Nakita ko ang pag-ngisi niya pero umirap ulit ako. Tanggalan ko siya ng bibig, e.

"Pagtatanggol naman kita." Kumindat siya at lumabas ulit ang dimple niya. Kinagat ko ang dila ko para hindi mapangiti. 'Di ko alam pero ang cute niya noong ginawa 'yon.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakaorder ako. Para siyang tuta na nakasunod sa akin at pinagtitinginan na naman kami. Ano ba 'yan, hindi naman ako informed na artista pala ako. Kanina pa ako pinagtitinginan, eh.

Kinuha niya ang tray niya at dinala iyon. Umirap ulit ako at hinayaan na lang siya. Alangang makipag-agawan pa ako, mamaya matapon pa 'yung pagkain. Sayang naman.

"Sina Rene?" Tanong ko kay Vin at kinuha ang tray ko.

"Huh? Nagdate yata." Sagot niya. Tumango ako at sumubo sa carbonara ko. Siya ba hindi kakain?

Uminom muna ako ng juice bago siya tignan. "Hindi ka ba kakain?"

Napakamot siya sa pisngi niya bago awkward na ngumiti sa akin. Ano ba 'to? Okay lang ba siya?

"Ah, kukuha na ako." Ani niya at tumayo. Hinayaan ko na lang siya at kumain. Hindi ko rin naiwasang marinig ang bulungan ng iba, lalo na ng mga nasa harapan. Ito na naman. Parang bumalik ako sa high school dahil marami rin siyang fangirls noon, mukhang dumami nga lang ngayon.

Pagbalik niya ay tapos na ako kumain. Kinakain ko na lang iyong brownie at umiinom ng tubig. Halos masamid pa ako nang bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko.

"May chocolate kasi." Sagot niya at kumain na lang ulit. Natulala ako saglit at kinagat na lang ang dila ko. Kainis.

May narinig akong maarteng suminghap kaya napalingon ako. Ah, si Andrea lang pala. Nanlaki ang mata ni Vin at agad na tumayo, hawak pa iyong kamay ko at hinila ako palabas. Hindi ako makawala dahil ang lakas ng pwersa niya. Ano ba problema nito?

"Ano ba?" Mataray kong tanong nang dalhin niya ako sa medyo tagong lugar ng school. Sa likod ng canteen, doon sa may dulo. Hinihingal pa ako ng kaunti at ganoon din siya.

"Sorry. Baka kasi lumapit sa atin si Andrea." Sagot niya. Kumunot noo ko.

"Bakit? Kayo ba?"

"Ha? Hindi!" Pagtanggi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"May... may utang kasi ako sa kanya."

"Ha? Ikaw, mangungutang?" Anong pinagsasasabi nito?

"Uh.. tinulungan niya kasi ako nu'ng --" Naputol ang sasabihin niya nang bigla niya akong kinorner at napasandal ako sa pader. Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko at dinikit ang labi niya roon. Tangina?

"I thought its Vin. Hindi pala."

"I swear siya 'yun! Kasama niya 'yung girl kanina!"

"Huh? They're making out?"

Nakapikit lang ako kaya hindi ko sila makita. Bakit kasi nandito pa rin sila? Ang weird na may ganito tapos tititigan nila?!

"Hoy, layas! Tutusukin ko mga mata niyo."

"Pwede na kayong dumilat. You're welcome." Napadilat ako at natulak nang mahina si Vin. Pinunasan ko ang labi ko kahit kamay niya lang ang dumikit doon. Ang weird kasi sa pakiramdam.

"Salamat, Re." Sabi ni Vin. Ah, kaya pala noong hinihila niya ako at tumatakbo parang nagtetext siya. Tinext pala si Rene para roon.

"Una na ako. Baka patayin na ako ni Tracy." Sabi lang ni Rene. Nginitian niya kami at sumipol pa paalis.

"Para saan ba 'yon?" Tanong ko. Pwede namang magtago na lang kami. Bakit kailangang gano'ng pwesto pa?


"Para umalis sila agad. Para rin hindi makita mukha natin." Sabi niya na lang at sinuklay ang buhok niya. Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako sa kanya.

"Ano utang mo kay Andrea?" Tanong ko at napasandal sa pader, tinaas ko ang isa kong paa at sinandal din doon. Ganoon din ang ginawa ni Vin sa kabila.

"Ah, basta tinulungan niya lang ako noon tapos ngayon gusto niyang --"

"Hi, Vin! Hello, Jana!"







Continue Reading

You'll Also Like

49.1M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
864K 39.5K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
8.5M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
135K 545 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.