Pink Skies

By aryzxxi

66.2K 2.3K 473

Skies Series #2 🔸️April 7, 2019 🔹️August 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xxi

1K 45 20
By aryzxxi

Si Zian ang gumawa ng paraan para makakain kami ng maaga ng dinner so we don't have to go down para saluhan mamaya sina Mommy.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ng isang kasambahay namin. My twin told her that I don't feel well and he would like to help me in my project na ipapasa next week kaya magiging abala kami.

Nakahiga lang ako sa aking kama with puffy eyes and disheveled hair. Binalot ako ni Zian sa kumot kanina at hanggang ngayon ay ganito ang ayos ko. When I see our housemaid trying to peek in my room, itinago ko agad ang mukha ko sa unan.

"Sige. Sasabihan ko si Ate Cristy, mukhang gagabihin din naman ang mga magulang niyo."

"Okay, ate"

Hinablot ni Zian ang unan na nakatabon sa mukha ko. Walang ekspresyon niyang sinusuri ang itsura ko. Sinubukan kong kunin ang unan sa kanya pero nilayo niya iyon. I was about to raise the blanket to cover my face pero pinigilan niya ako.

"Zian!"

Mariin niya akong tinignan the he put both of his hands on his hips.

"I will only give you three days to sulk like this."

My jaw dropped. Tatlong araw? Sapat na ba yon para maging okay ako? Heart breaks normally take months or even years bago ka maka-move on tapos itong si Zian tatlong araw lang ang binibigay sa akin!

"B-Bakit?" hindi ko na naman mapigilang mapaluha sa lupit ng kakambal ko.

He raised a brow at tila walang awa akong pinagmamasdan,"Marami ka pang aasikasuhin di ba? Your monthly evaluation, assignments from Teacher Maricel, your application for senior high and advance reading for your course. Sunod naman non ang audition mo sa Aspire.."

Inisa-isa niya pa ang mga plano ko sa buhay. I never thought he'll remember all of it. Ang alam ko lang ay minsan wala ako sa sariling nagku-kwento sa kanya habang busy siya. He wasn't answering me during those times so I thought he's not paying attention at all.

".. do you seriously think you have time to sulk? Mas importante ang pangarap mo kumpara sa kanya."

But I'm hurt. Pwede naman siguro ako umakto ng ganito but then kapag nakita nina Mommy na malungkot ako, they might ask why at baka makaramdam silang may kinalaman iyon kay Fire. Gusto kong magmura! If Fire didn't went overboard and involved my parents here, edi sana hindi ko ito iisipin!

Zian is right! May mas importante pa sa kanya. Besides, hindi lang siya ang lalake sa mundo. Maybe I'll meet someone else in the future.

"Fine. Three days." I said bitterly.

Si Zian na ang nag-asikaso ng pagkain namin pati sa pagbaba non. Then we watched our favorite movie, High School Musical. We sang whenever the leads start singing and it feels nostalgic.

We were very young noong unang pinalabas ito and this is sparked my interest doing musicals. Ilang beses ko itong pinapanood hanggang sa makabisado ko ang bawat kanta at sayaw. When our parents saw that I am good at it ay itinulak nila akong magworkshop para humasa pa ang talento ko. I feel lucky that I was given an opportunity like that. Dahil doon ay nag-improve ako, may mga bagong natutunan at nalinawan sa gusto kong gawin balang araw.

Just by watching this movie, it sparked my love for music even more. Tama si Zian. I have so many plans at gusto kong maabot iyon. If I don't work for it then everything will be wasted.

Pagkalabas ko sa aking banyo pagkatapos maghalf bath ay nakaupo si Zian sa kama ko hawak-hawak ang kanyang phone at mukha kakatapos lang din maligo.

"Oh, di ka inaantok?" tanong ko habang inaayos ang tuwalya ko sa hanger.

"Can I sleep here?"

Agad akong napalingon sa kanya. He mirrors my amused expression. Ako lang ang tuluyang napangiti sa aming dalawa.

"You miss sleeping on the same bed with your twin huh?"

He grunted at narinig ko ang pagkaluskos ng aking kumot.

"Nakakamiss kung di ka lang naninipa."

"Excuse me! Ikaw yung unang naninipa."

Ngumisi lang siya at kumportableng nahiga sa kaliwang bahagi ng kama ko. My bed is big naman and it can accommodate the two of us.

It's been years since we slept on the same bed. When we reached the age of eleven, we were given our own rooms. Sobra kaming natuwa roon dahil hindi kami magkasundong dalawa when it comes to the lights, aircon and color of our room.

After closing the lights, tumabi na ako kay Zian. I opened my phone and saw that my friends bombarded me with messages.

Mica : @Ziana Rose???

Rachelle : Nakauwi ka na ba? Nagchat kami kanina kay Zian na hanapin ka.

Beverlie : Gago talaga yong si Fire!

Rachelle : Ay, oo!! Naghighfive pa sila ng mga kaibigan niya pagkaalis mo! Gago.

Mica : Kay Conrad ka na lang. Hahahahaha

Chiara : Wag ka na lang magboyfriend

Nireplyan ko sila and I told them that Zian called me. Saka na lang uli kami mag-usap on Monday because I want to rest na. Then I also received a message from Conrad. He asked me if I'm home na.

Me : Yes. Thank you for paying sa food ko. Babayaran kita.

He replied immediately but I chose not to read it. Gusto ko nang magpahinga at ang sakit na rin ng mga mata ko kakaiyak. I put my phone on the bedside table.

"Hey," Zian called. Bakas sa boses niya ang pagod. Maybe he got stressed with my situation as well.

"Hmm.."

"Even if you're stupid sometimes. I'll always be your number one fan."

I chuckled. Himala! Ang sweet niya ngayon.

I faced him,"Aww. I love you too brother."

Natawa ako lalo nang hinampas niya ako ng unan sa mukha at humarap sa kaliwang bahagi ng kwarto. Kinuha ko naman yung unan at niyakap. I faced the other side of my room.

Kinabukasan ay inabala ko ang sarili ko sa practice. Sakto rin kasi na nagiging strikto na si Teacher Maricel. Binalewala ko ang pagod at bigat na nararamdaman ko dahil kailangan kong galingan.

"Good! Lambutan mo pa. Yan!"

She even joined our dance instructor in evaluating our performance. Mariin ang titig niya sa amin but her eyes stopped at one person. Pinahinto ni Teacher Maricel ang music at kinausap ang dance instructor namin. Hinihingal kaming nakatitig sa kanila.

"Everyone, pahinga muna kayo sa gilid. Amy, halika rito," our dance instructor called.

May pinagbubulungan sila sa harap. May hawak na chart si Teacher Maricel at pinag-aaralan iyon.

"Ready?"

Tumango ang babaeng tinawag nila. She went at the center of the room at tsaka yumuko. Naka-itim siyang cargo pants, large white shirt and her hair is in a high ponytail. Matangkad siya at mas malaki ang pangangatawan compared to the other girls here.

"Is she going to dance?" bulong ni May sa akin.

"Parang.."

Her music is kind of a hype song kaya napapasabay kami. She did some clapping at first then she went on to dancing. Malambot ang indayog ng katawan niya while still being sharp with her movements. All those hair flips that she did ay bumabagay sa choreography. Her last move was doing a split.

Isang minuto lang ang tinagal ng kanta and when she finished dancing, nagpalakpakan kami. Our teachers remained stoic though.

"Ang galing niya.."

"Freestyle kaya yon?"

"Baka kunin yan ni Ma'am Maricel.."

Dahil nakatitig ako sa babaeng sumayaw, hindi ko agad napansin ang tingin sa akin ni Eugene. Nanliit ang mga singkit niyang mga mata habang nakatingin sa mukha ko.

"Umiyak ka ba?" tanong niya. Bigla akong kinabahan. May also looked at me at natigil ang tingin niya sa aking mga mata. Aatras sana ako kaso hinawakan ni May ang kanang braso ko.

"May nangyare ba siya?" her voice is full of concern. Hindi man magsalita si Eugene ay nakikitaan ko pa rin siya ng pag-aalala para sa akin.

Binaba ko ang tingin ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sasagot na sana ako nang tinawag kami ng dance instructor namin para magpractice uli.

Matapos ang halos dalawang oras ng pagsayaw ay pinagpahinga na kami at binigyan ng isang oras para kumain ng lunch. Bumalik kami sa kanya-kanyang kwarto ng mga guro namin at doon nagpalit ng damit. Walang banyo rito. Tanging isang maliit na recording room, anim na armchair, whiteboard, eight lockers at isang cabinet kung nasaan ang iba't-ibang mga instrumento.

May maliit na bintana ang pinto pero hindi naman yata kita ang kabuoan ng kwarto kaya dito na kami nagpalit ng pang itaas na damit. Marami na kasing tao ang nasa restroom at shower room.

I removed my crop top revealing my blue  racerback sports bra habang hinahanap ko ang extra shirt ko. Nagpunas rin muna ako ng pawis because I feel so sticky and dirty. Gusto ko rin tuloy maghilamos muna.

"May, maghihilamos ka?" tanong ko sa kanya.

She's just wearing a black sando while carrying a white towel on her hand.

"Oo. Ikaw din?"

Tumango ako at saka hinanap ang towel ko at maliit na bag kung nasaan ang facial wash ko. Niyaya rin ni May si Eugene na naka-racerback din but in hot pink color.

"Okay."

I think it's fine na lumabas ng ganito lang ang suot. Tutal puro mga babae lang naman ang nandito sa floor na ito ngayon at pagkalabas namin ay may mga naka ganito lang rin.

"Really?"

"Oo! Pinagpustahan lang daw siya. Kalat sa klase namin."

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig iyon. Kahit walang sinabing pangalan ay pakiramdam ko sa salitang pustahan ay tungkol na agad sa akin iyon. Huminto run tuloy sina Eugene at May.

"Ang sama! I can't believe it!"

"Ito rin kasing si Ziana-"

Rinig ko ang mahinang pagsinghap ng dalawa. May looked at me while Eugen frowned as she continues to listen.

"Shh! Huy, baka may makarinig sayo. Hinaan mo lang ang boses mo"

"Wala naman kasi siyang pag-asa kay Fire una pa lang pero pinipilit niya yung sarili niya."

"Girl, crush niya eh? Ganon talaga.."

The other girl scoffed,"If it was me, I won't fall for that. Kung di interesado sa akin edi wag. Di ko kawalan!"

"Really? I don't think so if the guy is Fire Salvador. Have you seen him topless?"

"And girl, he's ridiculously hot and good in you know.." another voice chimed in.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. May touched my arm to comfort me. Kumalat pala agad ang nangyare? That's how proud they are on what they did to me huh. Isa ba iyong achievement Fire?

"Malas lang talaga ni Ziana at pinaglaruan siya."

"Well, baka sinuwerte rin siya you know-"

"Eugene!" May hissed. Mabilis na kumilos si Eugene kaya hindi namin napansin na nakapasok na pala siya sa loob.

Sa unang pagbukas ng pinto ay kita namin kung paano nagulat ang tatlong babae na nag-uusap.

"Ganyan ninyo itrato yung kapwa niyo babae?" singhal ni Eugene sa kanila.

For the past months, we've already known Eugene as a strong willed woman. Panig siya sa kung ano ang tama at hindi mo madadaan sa mga mabubulaklak na salita.

Sumunod kami ni May sa loob at parang nasindak ang sila lalo. They're all older than us at matagal na ring nagwo-workshop dito.

Nawala ang pagkabigla sa mukha ng isa at ngumiti. She crossed her arms while looking at me.

"Oh, so it's true? Pinagpustahan ka lang Ziana," she looked at me mockingly.

"May nakakatuwa ba sa ganon Andrea?" Eugene asked.

"Tumama lang kasi ang hula namin that she will be dumped by Fire. Hindi niya tipo ang mga bata."

"At sino ang type niya sa tingin mo. Ikaw?" May retorted back.

Andrea smirked and shrugged her shoulders. "Dapat kasi nakuntento ka na lang sa pagkaka-crush mo sa kanya."

"Stop sticking your nose into other people's life. Wala kang sariling buhay?" singit naman ni Eugene. Sumama ang timpla ng mukha ni Andrea samantalang nanatili naman akong tahimik.

Kahit medyo naging klaro na ang utak ko kagabi nasasaktan pa rin pala ako. Kaya kong kalimutan ang ginawa ni Fire sa akin but never the pain that bruised me. Ang mga simpleng salita na nagpapaalala sa akin sa nangyareng iyon ang ebidensya.

"Tss!" isa-isang nagsialisan sina Andrea sa restroom.

Mabuti na lang at sila lang ang tao rito pero kahit ganon ay pakiramdam ko marami nang nakakaalam sa nangyare.

"Totoo ba Zia? Pustahan lang iyon?" May asked.

Malungkot akong tumango. "I made a fool of myself."

"No," sambit ni Eugene. We looked at her samantalang diretso naman siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. "He made a fool out of himself."

"Paano? Eh, si Ziana ang niloko rito. Pinagmukha siyang tanga ni Fire."

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Nagsimula nang maghilamos si Eugene kaya dahan-dahan na rin akong kumilos.

"Basta. Sarili niya ang niloloko niya. Hindi kawalan ni Ziana iyon."

May grunted at naghilamos na rin. She continued to express her unhappiness with Fire's actions hanggang sa makarating kami sa classroom.

We almost bumped into each other because Eugene suddenly stopped walking. Napatingin tuloy kami sa harap at nakita yung babaeng nagsayaw kanina during our dance class.

"Girls, let me introduce you Amy Park. She decided to enroll here under my care at makakasama niyong magtraining simula ngayon," Teacher Maricel said.

Nagpalit na rin ng damit ang babae kanina. Binati namin siya and she smiled at us as well but I noticed that nagtagal ang tingin niya sa akin.

"Maglunch na kayo para may time pa kayo magpahinga." sabi ni Teacher Maricel habang nagbibihis kami.

"Okay po."

Niyaya ni May si Amy na sumabay sa amin maglunch sa canteen. Medyo nagdalawang-isip ako kung kakain ba ako roon. Baka ikinalat ni Andrea ang nalaman niya and I'll be like the talk of the day!

"Ziana, halika na.." tawag ni May sa akin nang mapansin niyang nahuhuli ako.

"O-Okay."

I can't deny that I feel nervous when we entered the canteen. Tumahimik mg kaunti ang mga tao at nararamdaman ko ang tingin nila sa akin or maybe I'm just paranoid.

"Ah, my favorite girls!"

Halos bumangga na naman ako sa likod ni Eugene dahil huminto siya sa paglalakad. I heard May's chuckle.

Conrad is sitting on a six seater table at nakabuka ang mga braso na parang nag-aabang ng yakap.

"Dito na kayo maupo. Kanina ko pa kayo hinihintay.." sabi niya. Kumilos naman si Eugene kaya sumunod na rin ako sa kanya.

"Thank you, Conrad," sambit ni May. "Halika Amy.."

The three of them occupy the three seats in front of Conrad kaya wala akong choice kundi maupo sa tabi niya.

"Oh, nadagdagan kayo." he said.

"At ikaw, mag-isa ka pa rin," puna ni Eugene.

"Nasaan ang friends mo?" May asked."Ay, by the way. Si Amy nga pala.."

"Hi!" she greeted.

"Hello," Conrad showed his charming smile again. Bahagyang namula roon si Amy while the three of us are already immune to his "charms".

"Umorder na tayo. Nagugutom na ako," Eugene said at tinignan kami. "Ziana, Conrad mauna na tayo."

"Okay," agad namang tumayo si Conrad. Kahit papaano ay naibsan ang kaba ko dahil sa kanilang dalawa.

Eugene looks tough at parang tinatapunan ng  masasamang tingin ang mga napapabaling sa amin. Si Conrad naman ay kalmado lang sa tabi ko.

"One rice, beef stroganoff, buttered veggies and water po," I said. Si Conrad na nakapila sa likod ko ay ganoon din ang binili.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang kaunting bulungan tungkol sa akin at ang pustahan ng mga kaibigan ni Fire. I never thought that pag-uusapan ako ng mga tao dahil doon.

"Mas lalo lang nilang pinapalaki yung issue," May said.

"Hayaan mo sila. Mga walang magawa." Eugene said while munching her sandwich.

"So, ikaw yung kanina pa pinag-uusapan nina Andrea?" tanong naman ni Amy. Di na rin ako nagulat nang marinig na alam niya iyon.

"Lilipas din yan," Conrad assured me. I smiled at him. "May mas malala ka pang mararanasan once you become an idol."

Tumango ako sa sinabi niya. This is just nothing. Really nothing! If I survive this one, I will definitely survive the next.

"Wag mo na lang ipakitang apektado ka. That's what they want to elicit from you."

"Thanks, Conrad.."

Nang matapos ang training namin ay dumiretso agad ako sa parking lot. Iginala ko ang mga mata ko roon at natigil sa isang pamilyar na pulang kotse. Leaning against the car's door is Fire. His arms are crossed. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo at bago niya pa ibaling ang mga mata niya rito sa entrance ay agad akong naglakad palayo roon.

I sent Kuya Eric a message thirty minutes before we finish sa practice kanina kaya dapat ay nandito na siya.

"Bakit ka nagtatago diyan?"

Halos mapatalon ako sa gulat. I looked back and saw Eugene.

"A-Ano.."

She looked around at nanliit ang mga mata nang mapadpad iyon sa direksyon ni Fire. She raised her left brow as she looks down at me.

"Umayos ka. Ano? Affected ka pa rin?"

"Y-You don't understand. Kahapon lang nangyare iyon kaya medyo fresh pa," depensa ko.

"Nandyan na yung kakambal mo."

"Si Zian?" agad akong tumayo ng maayos at nakita ko ang kakambal ko. "Zian," tawag ko at mabuti na lang ay narinig niya iyon.

Hindi nga lang ang atensyon niya ang naagaw ko kundi pati na rin ang kay Fire. For a few seconds, I think our eyes met.

"Sakay na," wika ng kakambal ko.

"Okay."

Pagkapasok namin sa kotse ay agad kaming umalis doon.




Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 285K 61
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
66K 1.6K 42
My first Hakeem Lyons fanfic if you all don't know he's on empire the tv show.
31.1K 443 16
A woman working to pay for her studies, gets bullied on the workfloor. One day it all goes to far and she leaves, not knowing she is being followed...
2.3K 138 32
Just like what an adroit of gaming does, Xyriel only plays and not falling inlove. She's used to play with boys without falling for their traps. She...