Unlucky I'm In Love With My T...

By shyhaida

2.4K 124 27

FREINDSHIP. LOVE. SICKNESS. Ang daya-daya ng TADHANA. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Author's Note
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Five

85 6 0
By shyhaida

Tuksuhan

~•~

Ayen's POV

"Uh... H-hi?" tsaka ako nakipagkamayan sa kanya.

Ang awkward, awkward talaga sa part ko. Kasalukuyan akong nakikipagkamayan sa kapatid ni Dean. Yung kapatid niyang akala ko ay nililigawan niya. Tinignan ko si Dean. Nakangisi ang mokong. Parang ipinaaalala sa akin yung nangyari nung isang araw. Halos malugmok na nga ako noon dahil sa sobrang kahihiyan eh. Sobra naman kasing mag-isip tong utak ko. Mas advance pa ata mag-isip kesa sa utak ni Einstein. By the way, andito kami ngayon sa isang cafeteria. Treat to ni Dean. Syempre objective nitong pagt-treat niya ay para ipakilala ako sa kapatid niya at ipamukha sakin kagagahan ko-di joke lang!

"Kuya, she's pretty in person." sabi niya sa kuya niya tsaka bumaling sa akin.

"Ikaw pala si ate Ayen. Madalas kang ikwento sa akin ni kuya. He said, makulit at pasaway ka daw. Mas maganda ka pala sa personal kesa dun sa mga drawings ni kuya sayo. You know what, halos isang libro na yung lapad ng mga collection ni kuya ng mga drawings ng figure m...."

Naputol yung sasabihin nya sana nang bigla siyang subuan ni Dean ng chocolate cake.

"Just eat. Masyado kang madaldal."

Bigla niyang hinampas ng friendlyng hampas yung kuya niya sa balikat nito.

"Sinasabi ko lang naman ang totoo ah!" sabi nyang puno pa ang bibig.

Nangiti naman ako sa ginagawa nila. Ang close nila tsaka ang ganda nilang tignan. Sana may kuya din akong kagaya ni Dean noh? Kaso malabo ng mangyari yon. Wala akong mga kapatid kasi sobrang busy ng mga parents ko. Walang time gumawa ng baby. ;-)

Tumikhim ako para mapansin nila ako. Baka makalimutan ng dalawang to na may pangatlong tao pa silang kasama.

"Ehem! Ehem."

Napatingin silang dalawa sa akin. 

Yung posisyon nga pala namin ngayon ay nakaupo kami in between sa isang square na table. Magkaharap kami nung kapatid ni Dean at si Dean naman ay katabi ko. Actually, tatabi sana sya sa kapatid nya pero sabi naman nito, ayaw nya raw na may katabi so tumabi na lang sa akin si Dean.

"Uh... Yung ano pala... Yung drawing, totoo yun?" curious lang kasi ako. Bat ako dinodraw ni Dean?

"Wag ka ngang nagpapaniwala dito sa kapatid kong to. Hindi mo makakausap ng matino to."

"Kunyari pa si Kuya. Takot macorner!"

Kung ganon, totoong dinodraw ako ni Dean? Uwaaaa! Bakit?! Kinilig ako bigla. Nangiti na lang ako ng patago. May possibility kaya na gusto nya rin ako? Hay. Heto na naman ako, heto na naman tong pagkaadvance kong mag-isip. In other term, ASSUMERA! Kung mag-assume, wagas.

"Wait! Alam nyo, bagay kayong dalawa!"

"T-talaga?!" nananabik kong tanong, hindi na kasi nacontrol ng bibig ko dala ng kauhawan ko sa idea na sana ay bagay nga kami ni Dean.

Nang pagkasabi ko nito, biglang napatitig sa akin si Dean at yung kapatid niya. Ewan ko pero di ko maipaliwanag yung titig ni Dean. Anak ng tokwa naman oh! Bat ko nasabi yun?! Pahamak tong bibig na to. Dahil sa hindi ko na mababawi yung nasabi ko, inilihis ko na lang yung usapan. Mahirap na mahirap na! Ang friendship na pinakaiingatan ko, baka mawala.

"Uh... San ka nag-aaral?" tanong ko doon sa kapatid ni Dean.

"Uyy! Si ateeee! Iniba yung usapan!"

"Tumigil ka nga!" nilagyan ni Dean ng konting authority yung voice nya. "Sagutin mo ng maayos ate mo."

Pero parang wala lang sa kapatid niya yung paglalagay nya ng authority sa boses nya. Medyo pasaway tong kapatid nya ah.

"Ate, hindi ba sinubukan ni kuya na manligaw sayo kahit minsan?"

Ano bang pinagsasasabi ng batang to? Talaga bang tinutukso niya kami ni Dean? Batang ito talaga! Eh kahit anong tukso gawin mo dyan kay Dean ay hinding hindi magkakagusto sa akin yan.

"Pag hindi ka tumigil..."

Pero parang hindi pa rin natakot sa kuya niya. Instead, pinilit niyang ilapit yung mukha nya sa mukha ko tapos inilagay yung magkabilang kamay niya sa gilid ng bibig nya na para bang bubulong.

"Alam mo ate, masyadong TORPE yang si Kuya!" bulong niya sa akin. "Natatakot siyang magtapat sa isang very special girl sa buhay niya. Akala mo nga eh mamamatay pag sinabi niya totoong nararamdaman niya. Torpe talag...."

Napatigil siya nang humarang yung kamay ni Dean sa gitna namin.

"Ikaw Dan-dan ah. Tumigil ka."

"Asus! Feeling naman nyang siya yung pinag-uusapan namin!" tsaka siya tumingin sa akin tsaka nagwink.

Talaga naman tong batang to. Inaasar yata yung kuya niya. Bwahaha! Pero totoo kaya yung ibinulong niya sa akin? Torpe si Dean? At sino kaya yung very special girl na tinutukoy niya? Posible kayang ako. Hmmp! Ayan na naman, wag assuming!

"Tol, anong sabi niya sayo?"

"Uh...ano...sabi niya...sabi niya may sampung nunal daw sa... ano mo...sa pwet mo!"

Humagalpak ng tawa yung kapatid ni Dean or let's just call her Danna. Ang haba kasi pag yung kapatid ni Dean diba?

"Loko talaga oh!" ginulo gulo niya yung buhok ko.

"Uyyyy!" kinikilig na expression ni Danna. Kulang na lang lagyan ng heart yung mga mata niya. "Para masolo nyo ang moment ng kayong dalawa lang, lalabas muna ako doon, magseselfie sa garden and of course maghahanap din ng pwedeng partner. Joke! Baka barilin pa ako ni kuya ng armalite! B-bye. Enjoy your time together!"

Nagwink naman siya kay Dean. Then nagtuloy sa kung saan man siya pupunta.

"Ano bang nakain nung si Danna?" tanong ko na pinipilit kong wag nyang mahalata na sobrang kinikilig ako.

Pakiramdam ko tinutukso kami nung kapatid niya at anong malay natin diba, baka sakaling madevelop to sakin dahil sa tukso tuksuhan lang. Marami ng cases na ganito. Naiinlove dahil sa panunukso ng mga kaibigan.

Pero no, sino kaya yung very special girl sa buhay ni Dean? Sana lang ako. 

"Ako pa ngayon ang magulo...." napatingin ako kay Dean nang sabihin nya ito. Para syang may ginagayang boses at pananalita habang ini-stir yung coffee nya.

"Eh ikaw nga dyan eh!" pagpapatuloy niya pa.

Parang familiar sa akin yung sinasabi nyang to. Kanino ngang dialogue itong....teka! Napaisip ako bigla. Yun yung sinabi ko nung isang araw habang kinoconfront siya dahil kay Danna na akala ko ay nililigawan nya at dahil sa sobrang selos. Watda! Nangaasar ba tong isang to? "Ang dami mo pang paligoy ligoy...." pagpapatuloy nya para asarin pa ako, nag-aact pa syang parang isang babae na nagseselos na ewan tapos dinagdagan pa nung boses nyang nakakabwiset. Nangaasar talaga to eh!

"Kunyari pang hindi mo gets tong mga pinagsasasabi ko! May nililigawan ka na pala, di mo man lang sinabi sakin! Nakahanap ka lang ng maganda, nakalimutan mo na ko! Huhuhu!" tsaka umiyak kunwari.

Waaaaah! Nakakahiya! Ipinaalala niya sa akin ulit yung kagagahan ko.

Gusto ko tuloy magtago sa ilalim ng mesa ngayon dahil sa sobrang hiya. -__-

Arghhh! Nakakainis tong Dean na to. Batukan ko na kaya to?

"Huhuhuhuhuhu!" pangaasar nya pa.

Dahil sa inis ko, binatukan ko nga siya. Napaaray sya at napatigil sa pangaasar nya. Buti sa kanya.

"Bat mo ko binatukan?!"

"Buti sayo!"

"Huhuhuhuhu! Nakahanap ka lang ng maganda, nakalimutan mo na ko! Huhuhuhu!" pagpapatuloy nya ng pangaasar saakin.

"Gusto mo ng isa pang batok?"

"May nililigawan ka na pala, di mo man lang sinabi sa akin! Huhuhu!"

Kelan ba titigil sa pangaasar to? Ang awkward na sa part ko ng ginagawa nyang ito ah. Nakakahiya! Promise.

"Nakahanap ka lang ng maganda, nakalimu...."

Binatukan ko siya ulit. Mokong na to, nakakainis na talaga.

"Ikaw ba talaga, hindi titigil?"

Tinitigan niya ako then he smile brightly. Jusko naman oh! Malalaglag na yata ang panga at panty ko. Ngumiti ba naman ng ganon?

Pagkatapos ng kamangha manghang ngiting yon, kinurot niya ang ilong ko. Ewan ko ba sa kanya at lagi na lang nyang ginagawa to. Pakiramdam ko tuloy may kasalanan ang ilong ko sa kanya na lagi na lang niya itong kinukurot.

"Ang ganda mo pag naiinis ka."

Gusto kong himatayin ngayon. Nakakacardiac arrest yata tong mga linya nyang to. Sobra. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko na para bang nagdidisco dito sa loob ng dibdib ko. Hay, Dean! Wag mo na akong paasahin, please lang. Nakakabwiset na to. Lalo lang tuloy akong umasa na sana nga may gusto sya sa akin. Nakakainis na tong mga linya nyang to.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Dear Diary,

1. Maganda daw ako kapag naiinis. Yan ang sabi ng tolbespren kong si Dean. Maganda daw ako! Uwaaaa!

2. Nakilala ko yung makulit na kapatid ni tolbespren na si Danna. Feeling ko, gumagawa ng paraan ang batang yon para...alam nyo na.

3. Sobra sobra yung pagseselos ko to the point na inaway ko na si Dean,

Yun pala kapatid niya lang pala. >__< awkward ah. Awkward. Kung makapagselos ako, parang girlfriend. Assumera talaga.

4. Dahil sa sobrang pagseselos kong wala sa lugar, nabasag tuloy yung sketch na portrait na regalo sa akin ni Dean. At hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanya yung pagkabasag nun. Hay.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...