Love is Blind (StraightXtrans)

Від ayeng06

239 14 3

Napakaraming eksplenasyon ukol sa pagmamahal. Ngunit paano mo nga ba masasabi na love is blind kung gayon ika... Більше

Chapter one
chapter three
Chapter four
Chapter five
chapter six
chapter seven
Chapter eight

chapter two

34 1 0
Від ayeng06

AYE'S POV

Pinamamasdan ko ang batang tulog na nasa harapan ko ngayon. Napakaamo ng mukha nito. Kung titignan mo ay parang isang anghel. Ang mga mata nito na tila ba ay parang palaging nangungusap. Hindi mo mahihindian kapag ito ay humiling sayo. Mga pilik mata na makakapal at mahahaba. Matangos na ilong at mapulang labi. Natatawa nalang ako sa sarili ko bakit tila ba parang napakagaan ng loob ko sa batang ito, nakakatuwang isipin din na gusto ako ng batang ito. Bilang isang nurse. Alam kong sa sarili ko na mapagmahal ako. Gusto ko okay ang lahat ng taong nasa paligid ko. Kung kaya naman kahit wala ako sa hospital ay ginagawa ko ang pagiging nurse ko kahit saang lugar sa tuwing may mangangaylangan ng tulong ko. Mas lalong mapagmahal ako sa mga bata. Simula ng mawala ang kapatid kong bunso ganun nalamang ang pag-iingat ko sa mga batang may sakit. Ngunit ibang-iba ang pakiramdam ko sa batang si kurt. Na para bang gusto kong alagaan ito hanggang sa huling buhay ko. Tama nga si ben. Parang nagiging nanay ako pagdating sa batang ito. Hindi ko rin alam bakit. Basta sa tuwing nakikita kong malungkot ito ay tila ba parang dinudurog ang puso ko. Nagsimula ang pagmamahal ko sa mga bata dalawang taon na ang nakakalipas.

"Aye, baby menopause ang kapatid mo. At masiyadong delikado ang panganganak ng nanay mo. Kaylangan nyong mamili sa dalawa. " Sabi ni doc.valencia pag-labas nito ng operating room. Hindi pa nailalabas ang kapatid ko. Sapagkat hindi kaya ng nanay ko ang manganak ng normal. Masiyado akong stress sa mga nangyayari. Mahal ko ang nanay ko. Pero yung kapatid ko na isisilang ng nanay ko ang matagal na naming inaasam ng tatay at ng kapatid kong pangalawa. Naglakad lakad ako. Hanggang sa makarating ako sa simbahan ng hospital nagdasal ako ng nagdasal at umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Ngunit lalabas ako ng simbahan na ito na buo na ang desisyon ko. At sisiguraduhin ko na walang makakaalam sa desisyon kong ito. Kumilos ako ng mabilis, at hinanap si doc. Valencia. Kailangan kong gawin ito bago dumating ang itay at kapatid ko. Nang makita ko si doc.valencia ay sinabi ko sakanya agad ang desisyon ko.
"D-doc. Iligtas mo ang nanay ko" matapang na sabi ko kay doc valencia.
"P-pero wala pa ang father mo nurse balbuena, kailangan mo siya sa desisyon ito" sabi ni doc valencia na makikita mo sa mukha nito na naguguluhan.
"Doc. Ibigay mo na saakin ito. Mahal na mahal ko ang nanay ko at alam kong ganun din ang itay. Kaya kung maari doc. Gawin nyo na ang sinasabi ko." Sabi ko kay doc na basag na basag na ang tonong pananalita ko. At tuluyan na rin akong umiyak. Taimtim lang akong tinignan ni doc.valencia. tumango tango ito at hinawakan ang aking balikat. Na para bang pinaparamdam nito saakin na naiintidihan niya ako. Umalis na si doc valencia para puntahan ang aking ina at gawin ang sinabi ko. Pagkaalis ni doc. Dun ko naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko. Naupo ako sa isang sulok at ibinuhos ang aking mga luha. Kailangan kong ubusin to bago dumating ang itay at ang kapatid ko.

Naputol ang pagmuni-muni ko ng marinig ko na bumukas ang pintuan ng silid. At iniluwa nito si nanay delia na may dalang dalawang malaking bag. Agad akong tumayo para tulangan siya.
"Salamat nars. Aye, bakit gising kapa? May isang kama naman doon bakit hindi kapa nahiga?" Sabi ng matanda habang nilalapag sa center table ang mga dala nito.
"Pinatulog ko pa po kasi, kurt. At hindi rin po ako makatulog, kaya hinintay ko nalamang din po kayo" sabi ko at ngumiti.
"Alam mo ba yang bata na yan. Simula ng umalis ka ay tahimik at tulala lang. Hindi namin makausap. Ikaw lang kinakausap ng bata na yan. Nagiiba ang mood pag nakikita kana" sabi ni nanang delya habang nilalabas nito ang mga laman ng bag na dala nito.
"Hayaan na muna natin siya nanang. Mukhang, masiyadong masakit sa bata ang mga nasaksihan niya. Base sa mga narinig kong pag-uusap nyo nanang" sabi ko dito at kinuha ang upuan at tumabi sakanya para tulungan na din siya kanyang ginagawa.
"Nako nars.aye ako nalang dito magpahinga kana at may duty kapa bukas" sabi ni nanang at mabilis na kinuha ang mga bagay na hawak ko na.
"Nako nanang. Kahit aye nalang po ang itawag nyo saakin. Masiyado naman pong pormal yung may nars pa" sabi ko dito na ngumiti ng matamis at nginitian rin ako nito.
"Osha sige aye. Magpahinga kana. Ako ng bahala dito. Aayusin ko lang ang mga ito, at magpapahinga na rin ako. Ihahatid ko pa bukas itong si kurt" hindi na ako nagpumilit pa na tulungan si nanang, bago tumayo at tinignan ko muna ang orasan ko na nasa kamay ko. 10pm na pala ng gabi. Medyo inaantok na rin ako kaya naman nagpaalam na ako kay nanang na matutulog na ako. May dalawang extra na kama ang silid ni kurt. Kaya wala kaming problema ni nanang sa tutulugan namin.

nagising ako ng may marinig akong mga salita sa ulunan ko. minulat ko ang mga mata ko at inunat ang mga kamay at mga paa ko bago bumangon, at nakita ko si nanang delya na pinipilit pakainin ang bata. tinignan ko ang relo na nasa kamay ko. alasais na ng umaga .

"kumain kana kurt. ano kaba namang bata ka" sabi ni nanang delya na para bang naiinis na.

"i want to see daddy" ang sagot ng bata nakanguso at nakasimangot.

"heyy good morning kurt" bati ko sakanya. at siya din namang pagliwanag ng mukha ng bata ng makita ako nito . tumingin din saakin si nanang na binaba ang plato na may pagkain sa tabing lamesa ng kama ni kurt.

" Nako, aye kanina ko pa ito pinapakain ayaw kumain, lalabas na kami mamayang alas otso" sabi ni nanang atsaka hinarap ang bag na nasa may center table at inilalagay dun ang ilang gamit na nagamit ni kurt.

"nag-round na po ba si doc.valencia nanang?" tanong ko

"ou, halos kakaalis lang din aye, at pwede na daw kaming lumabas mamaya. parating na rin si ayesha, para asikasuhin ang bills namin. tinawagan ko na rin ang mang domeng para sunduin kami" mahabang alintana ni nanang. pagkasabi non ay nilapitan ko si kurt at kinuha ang plato nito na may laman ng pagkain.

"I don't wanna go home without daddy, dada I'm afraid" sabi ng bata saakin at nakita ko na naman ang lungkot sa mga mata nito. parang dinudurog ang puso ko sa itsura nito. sino ba namang bata kasi ang hindi matatakot sa nangyari. pero wala akong magawa. dahil panigurado paglabas nitong batang ito ay hindi ko na makakasama ito. bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot na hindi ko maintindihan.

"makakasama mo ang daddy mo kurt, sa ngayon kailangan lang magpagaling ni daddy okay? parang katulad lang din ng nangyari sayo diba ? tignan mo makakauwi kana kasi nagpagaling ka at naging good boy ka, panigurado ako ganun din ang daddy mo" pag-aaro ko dito.

"B-but, dada i promise to myself that i will take care of daddy. i will stay beside him" pagmamatigas nito.

"nandito naman ang dada aye mo iho para alagaan ang daddy mo. kailangan mong umuwi para makapag-aral ka. magagalit ang daddy mo pag hindi ka nag-aral" sabat naman ni nanang at tumingin ako dito

"nag-aaral na pala si kurt nanang?" tanong ko dito.

"oo aye, grade 1 na yan, sayang din naman kasi kung papatigilin ko, lalo pa't ngayon malapit na din ang bakasyon, at baka pag nagising si sir rommy ay pagalitan ako. sabi ni mam, ayesha maghahanap muna kami ng magiging yaya nito, para may makasama ito habang ako dito muna sa hospital para magbantay kay sir rommy" mahabang paliwanag ni nanang, at tumatango ako tsaka hinarap si kurt.

"okay little boy. kailangan mo munang tapusin ang klase mo okay bago mo bantayan si daddy, kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo ngayong taon ay magagalit si daddy mo gusto mo ba yun? at hanggat hindi pa bakasyon hindi mo muna pwedeng bantayan ang daddy mo okay?"

"B-but dada-"
"No, thats a deal okay?" putol ko sa sasabihin pa sana nito.

"eto nga pala ang pagkain aye, bumili ako kanina habang natutulog kapa. hindi pa din ako nakakain at pilit ko kasing pinapakain itong si kurt, halika kana dito sabayan mo muna ako." sabi na nanang, at binuklat ang mga pagkain na binili nito.

"you should eat" sabi ko kay kurt, at tinulungan itong makababa sa kama niya at dinala kung nasaan ang center table ng hospital, at pinaupo ito. binigay ang pagkain na kakain na niya, at hindi na nagmatigas pa ito at tahimik na kinain ang pagkaing hinahin sakanya. nagtinginan nalang kami ni nanang delya at nginitian ako. at sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga pagkain na binili ni nanang delya.

pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresinta na magpaligo kay kurt .. dahil maya-maya lamang ay darating na ang sundo nila. pagkatapos kong maliguan at mabihisan si kurt. palabas na kami ng banyo ay siya din namang pagdating ni ayesha, kasama ang isang babae, na nakabihis na pangkasambahay din. kasunod nito ay isang lalaki na nakabihis barong.

"ninang ayesha. i don't wanna go home. i wanna stay here with daddy . i wanna go home with daddy, i am afraid" sabi agad ni kurt ng makita nito si ayesha at lumapit dito at agad din namang yumuko si ayesha para mahalikan siya nito sa pisngi. yumuko si ayesha para mapantayan si kurt.

"I understand you kurt, but you need to go to school. your daddy will get mad if you dont go back to school. and you don't have to be afraid. because i got a new yaya to take care of you while daddy is not yet feeling well, got it?" sabi ni ayesha habang hinahagod ang ulo ni kurt.

"okay ninang, but dada and I got a deal with it . i will stay here once i finish my study, i only have one month to study ninang., and its summer vacation" sabi ni kurt at tumingin saakin at ngumiti.

"Alright" sabi ni ayesha at tumayo na tinignan ako.

"thank you for all this nurse balbuena, we do really appreciate you" baling saakin ni ayesha at nginitian ako. tumango lamang ako bilang tugon sakanya .

"ikaw lang ang nagpapatino sa utak ng bata ngayon. sakabila ng mga nangyari, ikaw lang ang sinusundan nito bukod sa daddy niya." dagdag pa nito .

"ou nga mam ayesha, si aye lang nagpapagaan ng loob ng bata at siya lang din po nagbabago ng mood nito, talagang magaling na nars po itong si aye" sabat ni nanag delya.

"bakit hindi ka nalang magtrabaho sa mag-amang Cordova, bilang private nurse nila?" biglang tanong saakin ni ayesha na kinabigla ko at kinalaki ng mga mata ko.

"N-nako ayesha. mukhang hindi na narin naman ako kakailanganin pa ng mag-ama. tsaka hindi ko rin alam kung kaya kong iwan ang hospital na ito. isa pa, baka hindi rin ako tanggapin ni sir rommy" paliwanag ko sakanya.

"Dada Please. stay beside me" biglang sabat naman ni kurt. tsaka ako napatingin sa mga mata nito na para bang nangungusap na tanggapin ko ang alok ni ayesha. bigla akong kumurap dahil parang minamagnet ako ng mala anghel na mukha ng bata.

"kung ang ini-isip mo ay ang sasahurin mo aye. walang kang poproblemahin. sigurado ako na magugustuhan din ni sir rommy ang idea kong ito, lalo pa't gusto ka nitong si kurt. pag-isipan mo" sabi ulit ni ayesha tumango nalamang ako para matigil na ang topic namin, at baka mangulit pa sa kurt at baka mapaoo nalamang ako pag kinulit pa ako nito.

nang maasikaso na ang lahat at makapag bayad si nanang delya ay naghahanda na ang mga ito para umalis.

"I will come back here dada, to visit you and daddy" sabi ni kurt habang nakakalong saakin .

"Ou naman, basta promise mo saakin na mag-aaral kang mabuti ah? yung deal natin wag mong kakalimutan" sabi ko dito habang hinahalik halikan siya sa pisngi

"Yes dada. i will po" sabi nito at yumakap saakin.

"mamimiss kita dada. pati si daddy, namimiss ko na siya," sabi ng bata na may kalungkutan na tila parang niyakap ng malamig na kamay ang puso ko sa tinuran nito.

"paano, Aye. aalis na kami, kailangan ko lang iuwi itong si kurt, at ipapaliwanag ko pa sa bago niyang yaya ang lahat ng mga gagawin nito. gabi na siguro ako makakabalik dito. kaya wala munang bantay si sir rommy ng buong maghapon" sabi ni nanang delya at kinuha na saakin si kurt at ibinigay ito sa bago nitong yaya, hinalikan ko muna sa pisngi si kurt bago ko binigay ito, at yumakap naman saakin si kurt ng mahigpit. bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil panigurado mamimiss ko tong batang to. kahit kailan ko lang nakilala ay sobrang napalapit ang loob ko dito,

"sige po nanang. at ako na rin muna po siguro ang panaka-nakang titingin kay sir rommy habang naka duty po ako. baka hindi na rin muna po ako magduty sa ER ipapalipat ko na muna sa nurse round, para kahit papaano makadalaw ako sa silid ni sir rommy" habang alintana ko kay nanang.

"here is my calling card, aye tawagan mo ako kung sakaling magka problema, dadalaw nalamang ako kay sir rommy pagka may oras. kailangan kong asikasuhin ang trabahong naiwan ni sir rommy sa kumpanya" sabi ni aye at inabot saakin ang calling card nito .

"Sige ayesha" sabi ko rito at inabot ang ibinigay niya saakin atsaka ibinulsa ko ito .

"Pag-isipan mo rin ang offer ko sayo,. tawagan mo lang ako kapag nakapag desisyon kana" sabi ni ayesha at ngumit saakin . tumango na lamang ako bilang tugon.

"alis na kami" sabi ulit ni ayesha

"Bye, dada see you again" sabi naman ni kurt.

"Sige ayesha, kita nalang tayo mamaya" manang delya,

pagkaalis ng mga ito ako naman ay dumeretso na kung nasaan ang locker room naming mga nurse, at kailangan ko na din maligo para makapag paalam na hindi na muna ako makakapagduty sa ER.

papasok na ako ng locker room ng makita ko si ben sa entrance ng hospital, kinawayan ako nito at mabilis na pumunta sa gawi ko, nang nasa harapan ko na ito ay nakipagbeso-beso muna ito saakin, at sabay na kaming pumasok.

"Bakla kamusta naman ang pagiging nanay mo dun sa bata" tanong agad saakin ni ben.

"nakauwi na sila ben, kailangan mag-aral nung bata" sagot ko

"nako ate, masiyado kang napalapit dun sa bata, hindi naman kaya crush mo yung ama nun kaya mo ginagawa yan?" malanding sabi ni ben dahilan para mahampas ko ito sa balikat niya.

"Araaay naman" reklamo nito.

"alam mo naman masiyado akong malapit sa mga bata diba?" sabi ko rito.

"ay ou naman , kaya lang iba ang alaga na binigay mo dun sa bata, parang ikaw na yung nanay niya eh" sabi ulit ni ben at inabot saakin ang isang paper bag .

"ayan na uniform mo te. maligo kana. may duty pa tayo" sabi saakin pagkaabot nito at binuksan ang locker niya at nilagay roon ang bag niya. atsaka naghubad na rin sa harapan kong itong baklang to. tumambad sa harapan ko ang mga nagmumurang muscle nito sa katawan. kahit busy kami sa hospital ay hindi pa rin nito nakakalimutan ang mag gym para alagaan ang katawan niya. ou tama. si ben ay isang baklang borta. pamintang pino kung tawagin. sa unang tingin hindi mo mahahalata sakanya na isa siyang bading. dahil sa katawan nito mapagkakamalan mong bouncer ito sa isang bar. gwapo si ben. kung kaya naman minsan madami itong nalalason na kapwa din namin bakla, lalo na sa minsan kung sa mga kababaihan. hindi mahilig sa jowa si ben, ang hilig nito ay ang makipagfling sa mga kapwa niya din paminta. isang beses ko palang nakita si ben na makipagrelasyon. yun palang ang sineryoso at iniyakan pa niya, halos mabaliw ako sa baklang to kung paano ko siya pagsibahan noong mga panahong down na down sa ex niya. after non hindi ko na ulit nakitang nagseryoso si ben , bagkus parang iba-iba nalang ang pinapakilala niya saakin at mga dinadala niya sa apartment namin,

samantalang ako? ngayong taon palang ako naguumpisang magpahaba ng buhok, sabi nga nila late bloomer, 26-anyos na ako at ngayon ko lang naisipan ang magkapacross dresser. ngunit sabi naman ni ben at ng ibang mga kaibigan namin na bading din ay wala daw akong kailangan habulin dahil bakas naman daw saakin ang taglay ng pagkababae na gustong-gusto maachieve ng mga baklang nagtetake ng hormones. yes i take hormones also. its been a year. at nakita ko ang malaking pagbabago sa mukha ko at katawan ko na kung dati ay napagkakamalan akong tomboy dahil sa babaeng boses na taglay ko, pero sa loob ng isang taong pagtetake ko ng hormones ay halos hindi na bakas saakin ang pagkalalaki., plus ang buhok ko pa ngayon na hanggang balikat na. well, hindi ko masasabing cross dresser na talaga ako, dahil hindi pa rin ako nagbabago ng pananamit ko. i don't wear to much to sexy, wala din akong panahon na mamili ng mga bagong damit ko. dahil bahay at hospital lang ako. niyaya ako minsan ni ben sa mga party, pero madalas ang mga pagtanggi ko sakanya, dahil wala talaga akong hilig. kahit ang mga kaibigan din naming bading ni ben ay sinasabihan na akong manlalaki daw ako, pero wala sa isip ko yun. feeling ko nga ay babae ako sa sarili ko kung kaya naman pinanghahawakan ko ang mga salitang, ibibigay ko lang katawan ko sa lalaking mapapangasawa ko lang .kung meron at kung wala man edi mamatay ng virgin, bakla ako pero ayokong baklain pa lalo ang sarili ko. sa isip at puso ko BABAE ako.

"oy bakla ano na? malelate na tayo" sabi bigla ni ben at nakabihis na ito ng pang nurse halos mamutok ang suot nitong uniform niya sa laki ng katawan niya.

"mauna kana ben. magpapalipat ako ng place duty, baka mag round nalang muna ako, kailangan kong tignan si sir rommy wala siyang bantay ngayong buong maghapon eh" sabi ko sakanya

"huh? sinong sir rommy? yung bang ama ng bata?" tanong niya na para bang may ibig sabihin siya sa sinasabi niya.

"Ou, si nanang kasi may aasikasuhin pa sa bahay nila at hinatid si kurt. baka mamayang gabi pa daw ang balik sa hospital, kaya nakiusap saakin na panaka-nakang tignan muna si sir rommy at tawagan sila kung sakaling may problema" paliwanag ko kay ben

"Luh, ano yan te pagkatapos mo maging nanay asawa naman ngayon?" nakangising sabi ni ben., hinampas ko na naman ito sa braso dahil sa sinabi niya

"nagmamalasakit lang naman ako dun sa mag-ama. nakakaawa kasi ang mga nangyari sakanila kaya sila nagkaganyan" kibit balikat kong sagot sakanya .

"alam ko nurse tayo eh, pero bakit tila napakarami mo ng alam dun sa mag-ama? bakla umamin ka nga, manliligaw mo yung sir rommy na sinasabi mo no?" sabi ni ben na ngayon ay nakikipag eye-to-eye na saakin

"Gaga, hindi naririnig ko lang kasi ng hindi sinasadya ang mga pinag-uusapan nila, hindi buo yung kaalaman ko sa mga nangyari, ikukwento ko sayo mamaya pagkabreaktime pagkita tayo, dahil sigurado akong maging ikaw ay maawa sakanila" madamdamin kong paliwanag sakanya .

"oshaaa sige, mauna na ako sayo kung ganon, kita nalang tayo mamaya"

sabi nito at agad ng umalis sa harapan ko. salamat naman at hindi na nangulit pa. ganun yun si ben kelangan lahat ng sasabihin mo sakanya may eksplenasyon, ewan ko ba kung chismoso o ano. basta makulit si ben pagdating saakin, masiyado niya akong iniingatan at kelangan kasama ko siya sa lahat ng mga desisyon ko. kaya mahal na mahal ko yun bilang kaibigan ko hindi na iba ang turingan namin sa isa't isa magkapatid na ang turingan namin, simula first year college siya na ang kasama ko dito sa manila . dorm hanggang sa makapagtrabaho kami at makalipat sa isang mas maayos na apartment na may sariling kwarto at privacy ba.

pagkaalis ni ben ay kumilos na din ako para makapag paalam nadin sa office na mag-iiba ng lugar na pagdudutyhan ko.

Продовжити читання

Вам також сподобається

Ruling The Last Section (Season 1) Від lollybae

Підліткова література

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Always Have Been, Always Will Be Від letterL

Підліткова література

33.4K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM) Від bambi

Підліткова література

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...