The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Nineteen

203K 5.3K 524
By FGirlWriter

CHAPTER NINETEEN

"MISIS? Manok ka ba? Bakit kanina ka pa palinga-linga?"

Humaba ang nguso ni Sapphire dahil napansin pala ng asawa niya ang pagka-paranoid niya. Nasa Shangri-La mall sila ngayon dahil nagpasama siya ritong mag-shopping. "W-Wala lang. Don't mind me." Pinigil niya na ang sarili na magpalinga-linga pa ulit.

Mula kasi nang nagpakita si Czarina, na-paranoid na siya. Baka mamaya nasa mall rin ito at magkita ito at si Johann. Hindi puwede!

Humigpit ang pagkakakapit niya sa braso ni Johann.

"Ang mahal naman ng mga damit dito. Mas mura pa sa SM. Sa SM Megamall ka na lang bumili. Tawid lang tayo, SM na."

Napasimangot siya. "Ayoko doon. Maraming tao. And why do I have to buy cheap clothes if I have the money to buy the expensive and branded ones?"

"Maka-cheap ka naman! Doon ko kaya binibili briefs at boxers ko. Hindi sila cheap, affordable lang talaga."

"I'm more comfortable doing my shopping in here. Isa pa, mas crowded sa mga SM malls. Naiinis ako kapag maraming tao."

Lumiko sila sa swimsuit section ng department store. "Ang sabihin mo, hindi mo gustong makihalubilo sa mga hindi mo ka-level. Tsk. Matapobre."

Tumingin-tingin siya ng mga two-piece bikinis na naka-display. "I'm not matapobre. I just don't feel like joining such crowds. I never like crowds whether mayaman or not. Kung mahilig lang ako makisali, eh di sana I have a friend aside from you."

Isang beses na nakihalo siya sa crowd ay noong college night party na in-organize ng student council. Umuwi siyang inis na inis dahil ang daming lalaking lapit ng lapit sa kanya at pinopormahan siya. Yuck. Nang sumubok naman siyang makisali sa mga grupo ng mga babae ay halatang inis sa kanya ang mga iyon at fake smiles lang ang binibigay sa kanya. Hmp! Bitches.

"Ang mahal ng bikini nila, o. 569 pesos!" bulong nito sa kanya habang hawak ang pricetag ng isang orange bikini. "Kapag sa palengke, fifty pesos lang to."

Natawa siya at tinapik ang kamay nitong hawak ang orange bikini. "Bakit alam mo ang price ng bikini sa palengke?"

"Curious lang kaya tinanong ko sa tindera," natatawang sagot naman nito. "Pero seryoso, for just a piece of cloth, five hundred plus na agad?" Luminga ito at lumapit naman sa isang sexy red swimsuit at tinignan ang pricetag niyon. "2899 pesos! Aba, kapag sinuot ba 'to ng may bilbil, se-sexy sila?"

"Ano bang problema mo sa mga expensive things? You're rich na rin naman na. Price does not matter na as long as we're comfortable with what we wear, where we live, and as long as we get what we want."

Inakbayan siya nito at naglakad na sila papunta naman sa accessories section. "Praktikal lang talaga ako, Misis, alam mo iyon. At saka hindi naman ako lumaking mayaman diba? Para sa mga hindi masyadong maraming pera, kung may mga bagay naman na makakapagbigay nang same comfort at mas mura, iyon na lang ang bibilhin. Pero may point ka rin naman kasi kinalakihan mo iyan at sa'yo naman ang pera mo. Pero, subukan mong i-lessen ang shopping time mo. Hindi lang ako sanay na every week may misis akong nagsa-shopping ng damit tapos di mo naman agad nagagamit. Na-sta-stock lang sa aparador natin. Parang tuloy di naman pala masyadong kailangan. Pinambili na lang sana natin ng pagkain tapos ibigay natin sa street children. O kaya, nagbigay tayo ng tithes sa iba't ibang church."

Napatingala siya rito. She finds herself smiling at him. Kay Johann niya na-realize na ang pagiging praktikal ay hindi naman pagiging kuripot. It's just getting what someone needs. Hindi naman kuripot si Johann dahil kung maghulog ito ng tithes sa simbahan, mas malaki pa iyon sa nagagastos niya tuwing nagsa-shopping siya.

Kapag may kumatok naman sa bintana ng kotse nito para manlimos, bibigyan nito ng pagkain. Lagi kasing may mga biscuit at cupcake sa kotse nito. Natawa pa siya nang makita na may stock ito ng ganoon sa lumang kotse nito, iyon pala may purpose. It was really for the needy.

He's a cheerful giver. And he's influencing her to also practice giving.

"I love shopping for myself. It makes me happy. I love buying expensive things because I'm rich. Is it wrong?"

"Hindi naman masama talaga na maging maluho minsan. Kaso ikaw, lagi." Nginisian siya nito. "Hindi mo kailangang i-satisfy ang sarili mo parati para masabing totoo kang masaya. Minsan, ang true happiness mararamdaman mo kapag nakatulong ka sa kapwa, kapag napangiti mo sila, kapag nakikita mo silang masaya rin." Tumitig ito sa kanya. "Parang ikaw, sa tuwing nakikita kong napapatawa kita, masaya na rin ako. Kilig much!"

She laughed and pulled his ear. "Kilig much? What kind of gayness na naman yan, Mister?"

"Narinig ko lang sa mga estudyante ko." Pagkuway ninakawan siya nito ng mabilis na halik sa mga labi.

"Johann!" mahinang saway niya rito nang mapansing pinagtinginan na sila ng mga saleslady. Nagngingitian ang mga ito habang iniiwas ang tingin sa direksyon nila. "You should not kiss me in a public place like this."

Hinila niya na ito palabas ng department store. Buti na lang talaga, walang masyadong tao.

"I'll kiss you anytime and anywhere I want. Gusto ko mainggit ang mga tao sa'yo. Hindi dahil mayaman ka at ubod ng ganda kundi dahil may asawa kang adik na adik sa mga labi mo."

Nilingon niya ito. He's smiling widely while looking straight at her. She sweetly smiled back and held his hand tighter.

Napakurap ito. "Huwag mo 'kong nginitian ng ganyan, Misis. Please lang."

Nagtaas siya ng kilay. "Why?"

Nag-iwas ito ng tingin at tumingala. "Lord, wala namang gantuhan. Mababaliw na puso ko sa babaeng 'to. Maawa Ka po sa akin. Hindi pa ba sapat na parusa na sobrang pogi ko?"

Napa-facepalm si Sapphire at iiling-iling na lang habang tumatawa. Natawa na lang rin si Johann sa sariling kalokohan. Hinapit siya nito sa baywang at saka nilapit ang labi sa tapat ng tainga niya.

"But, I'm serious, Saphi. Your smile just made my world stop and my heart skip," he sincerely whispered.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Now, how the heck won't she fall in love with this kind of man? Honest and sincere. Nag-iisa na lang ata ito sa buong planeta.

"Is it not good?" she asked. Dahil ganoon din ang nangyayari sa kanya sa tuwing nginingitian siya nito at kinikindatan.

Tumuwid ito ng tayo. "Hindi naman. Maganda naman 'to. Nagle-level up pa ang mga damdamin."

"Really?"

Tumango ito. "Ramdam kong malapit na kitang mahalin. Konting kembot pa."

"What?"

"Basta. Malapit na ko. Ikaw ba? Nagle-level up ka na rin ba ng feeling sa'kin?"

"Yeah. I feel so." Nasa highest level na nga yata siya.

Ngingisi ito. "Good good. Gusto ko iyan. Tignan mo, nagwo-work out tayo? Masaya diba? We don't hold back feelings. Walang kailangang itago sa isa't-isa."

Lihim siyang napangiwi. Tinatago niya rito si Czarina, okay lang rin ba iyon? Tumingin siya kay Johann pero lumagpas ang tingin niya rito nang mahagip ng tingin niya ng isang pamilyar na pigura.

Oh, shit!

Speaking of Czarina, nakaupo ito sa labas ng isang coffeeshop at may kaharap na laptop habang umiinom ng kape. Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ito nandoon kung kailan nandoon rin sila ni Johann?

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Johann nang makita ang reaksyon niya.

Lilingon na sana ito ngunit mabilis niyang nahawakan ang mukha nito at pilit ipinaling sa kanya. "Ah! Let's go to Megamall. Dali!"

Halos kaladkarin niya na ito papasok ng nakabukas na elevator.

"Ha? Bakit?"

"Don't look back!" malakas na saway niya rito at saka hinawakan ulit ang magkabilang pisngi nito. Nanulis ang nguso nito dahil sa pagkakahawak niya sa pisngi nito.

Nang sumara na ang elevator door ay saka lang niya ito binitawan. Nakahinga na siya.

"Okay ka lang?"

"Okay lang!" pasigaw na sagot niya. Napangiwi tuloy ito.

"Anong problema mo ba? Bakit parang nataranta ka?"

Mabilis siyang umiling. "Wala. Wala. Punta na tayong Megamall? Hindi pa ko nakakapasok doon, eh."

"Akala ko ba, ayaw mo doon?"

Naisip niya, dahil Linggo, mas maraming tao sa malls. Mas imposibleng mag-krus ang landas doon nina Johann at Czarina. Tama, tama! "I changed my mind. Sa mga sinabi mo, wala nga namang masama if I'll do my shopping there. Baka mas marami pa 'kong mabili."

"Sure?"

Mabilis siyang tumango. Tinitigan pa siya nito nang matagal. She tried to smile and she did it. Matamis niya pa itong nginitian. Napangiti na rin tuloy ito.

"Grabe. Isang ngiti mo lang talaga... tsk," napapailing na bulong nito sa kanya bago sila lumabas ng elevator.

Hinawakan niya ito sa kamay. Their fingers locked habang lumalabas sila ng mall para makapunta sa kabilang mall.

She looked at their clasped hands. Gusto niya ganoon lang sila. Call her possessive, insecure, scared, or what... gagawin niya lahat para lang hindi magkita sina Johann at Czarina.

Gusto niyang hilahin ang mga oras. Malapit na daw ma-inlove sa kanya ang asawa. Kaunti na lang daw.

At sige, maghihintay pa siya. Masiguro lang niya na magiging kanya lang ito.

***

THREE days after, maagang natapos ang klase ni Johann at nagulat siya nang ayain siya nitong pumunta ng mall. Pumasyal daw sila at kumain.

Pumayag siya dahil gusto niya rin naman. Sa SM North Edsa siya nito dinala. Hindi pa rin kasi siya nakakapasok doon.

Nagtataka siya dahil kakaiba ang nakikita niyang kasiyahan at energy mula rito. His eyes were like shining. His smiles were much happier...

"Ahm... you seemed happy... May nangyari ba?" tanong niya rito habang naglalakad-lakad sila pagkatapos kumain sa Bon Chon.

Mas lumawak ang ngiti nito at sinulyapan siya. "Oo, may nangyari." Nilayo nito ang tingin sa kanya at napansin niya ang pamumula ng tainga nito habang pigil-pigil nito ang sarili na mas mapangiti pa lalo.

Napakunot siya. Anong problema nito?

Oh, wait! Hindi kaya... hindi kaya pinuntahan ito ni Czarina sa pinagtuturuan nito at nagkausap na ang dalawa. Mahina siyang napasinghap. Damn! Why didn't she think of that? Na posibleng puntahan doon ni Czarina ang asawa niya kung pursigido talaga ang babae na makausap ito...

Shit!

Napabitaw siya kamay ni Johann. Agad naman itong napatingin sa kanya at nagtaka. "O, bakit?" he asked.

"Spill it. Bakit ang saya-saya mo? M-May nangyari ba? May... may nakita ka bang k-kakilala ngayon?"

Napakunot-noo ito. "Wala naman. Masama ba maging masaya nang ganito?"

"What's your reason? Why are you so... happy?" Kinabahan na talaga siya nang matindi. Kung hindi nagkita ang mga ito, baka naman nagkausap ang mga ito sa cellphone? Oh, hell! Bakit rin hindi niya naisip iyon?

Hindi kaya umamin si Czarina na may gusto rin ito kay Johann at nagsisisi ito na hindi nito sinagot ang lalaki noon?

"Masaya ako kasi kasama kita ngayon, Misis."

Napaangat siya ng tingin rito. "We live together, Mister. Araw-araw tayong magkasama!"

"Kaya nga, araw-araw rin akong masaya."

Napapadyak siya. "Iba ang saya mo ngayon. I can feel it. Come on, tell me!" she demanded. Wala na siyang pakialam sa mga taong pinagtitinginan sila dahil bigla na lang silang huminto sa gitna ng paglalakad.

Napakurap si Johann. Maya-maya ay napabuga ito ng hangin. "Sapphire... Mahal mo na ba ako?"

Tila pinadyak ang dibdib niya sa biglang tanong nito. "W-Why?" balik-tanong niya rito.

Kinuha nito ang kamay niya at naglakad na ulit ito. Sumunod naman siya hanggang sa makarating sila sa parking lot ng mall.

"Uuwi na ba tayo?" she asked him. Wala na ang mga ngiti sa mga labi nito.

Nakaabot sila ng kotse nito at agad silang sumakay. But Johann didn't start the engine.

"Mahal mo na ba ako?" ulit nito sa tanong habang nakatingin sa kanya.

Her lips parted but she can't utter her answer.

Napahawak sa manibela si Johann at saka nito sinubsob ang noo doon. "Huwag ka namang ganyan, Misis. Pinapahirapan mo 'ko."

Huh? Bakit niya ito pinapahirapan? "Anong kinalaman ng sagot ko sa tanong mo, sa tanong ko kung bakit ka masaya ngayong araw?"

Sandali, tinatanong ba siya ni Johann ng ganoon dahil kung 'hindi' pa ang sagot niya ay mare-relieve ito at balikan si Czarina?

Wait, Saphi, hindi ka pa nga sure kung nagkita o nagkausap na ba sila ni Czarina...

Pinukpok ni Johann ang sariling noo sa manibela. "Masaya ako kasi may nalaman ako kaninang umaga."

Biglang nanghina si Sapphire. Shit just got real. He probably knew about Czarina!

"A-Anong nalaman mo?" lakas-loob niya pang tanong.

"Habang nasa kalagitnaan ako ng klase... nag-ring ang cellphone ko," pagkukuwento nito. "Sinagot ko... pagkatapos ng tawag may nalaman ako."

Napapikit siya. Czarina called him! Damn, damn!

"Misis... alam ko na."

She bit her lower lip.

"Alam na ng puso ko ang totoo."

Mahal pa nito si Czarina pagkatapos nitong kausapin, baka iyon. Damn, she's going to cry! Ayaw niya na marinig ang susunod nitong sasabihin.

"Pagkatapos kasi ng tawag, napatingin ako sa wallpaper ko. Picture mo ang wallpaper ko, eh. Naisip ko bigla, hindi ko na kailangang patagalin pala."

Hindi na nito mahintay ang susunod na taon para i-annul ang kasal nila dahil kay Czarina? Napalunok na naman siya. Naramdaman niya na ang pagsisimulang pagkabasag ng puso niya.

"Pagkakita ko sa picture mo sa wallpaper ko-"

"What? You realized that you don't really like me? Na si Czarina pa rin pagkatapos niyang tumawag sa'yo at-"

"Ano? Anong pinagsasasabi mo? Anong tumawag si Czarina? Bakit siya tatawag?" nagulat at nagtatakang tanong nito.

Napadilat siya at napatingin rito. "Bakit? Hindi ba siya ang nakausap mo para ma-realized mo ang true feelings mo? Na siya pa rin talaga ang mahal mo?"

Napanganga ito sa kanya pero maya-maya ay tumawa ito nang malakas.

"What's funny?!" naiinis na tanong niya.

"Saan mo ba nahugot iyang pinagsasasabi mo? Bakit napasok na naman si Czarina? Hanggang ngayon, hindi pa nga kami nagkikita at hindi ko alam kung nasaan na ba siya napadpad." Nagpatuloy ito sa pagtawa.

Siya naman ang napuno ng question mark ang buong isipan.

"So, why are you happy? Sino ang tumawag sa'yo?"

"Tinawagan ako ng co-teacher ko at may tinanong lang sandali. Pagkatapos ng tawag, napahinto na lang ako nang makita ko ang picture mo na wallpaper ko nga."

"Masaya ka na dahil nakita mo lang ang picture ko sa cellphone mo, eh, araw-araw tayong magka-mmm."

Nilapit nito ang mukha sa kanya at siniil siya nang halik sa mga labi. Dahil sa gulat ay hindi siya agad nakapag-respond hanggang sa mabilis din itong humiwalay.

He charmingly beamed. "Masaya ako dahil nalaman kong nahulog na pala talaga ako. Kaya saluhin mo 'na ko dahil nauna na 'kong nahulog"

"Huh?" Nagpa-process pa ang utak niya. So, hindi pa rin talaga nagkikita ito at si Czarina? Maski ang magkausap?

Kinuha nito ang kamay niya at saka hinalikan iyon. Then, he lovingly looked at her again and tenderly smile.

"Tinatanong ko kung mahal mo na ba ako dahil ako..." Hinalikan muli nito ang kamay niya. "Mahal na kita, Misis."

Her eyes widened. Wait, what? Did... did... did she heard it right?

Kumislap ang mga mata nito at mas lumaki ang mga ngiti. "I love you, Sapphire."

Oh, damn! She did hear it right!

Napuno nang masaya na tili ni Sapphire ang lumang sasakyan ng asawa.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

89.6K 7.7K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
684K 15.4K 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mab...
17.5K 259 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...