Tila

By anabananayeah

7K 294 7

[Belmonte Series #1] More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas

Kabanata 33

158 7 0
By anabananayeah



Matapos ang usapan namin ni Kuya Rio ay umalis na siya, susunduin niya pa daw kasi ang mga anak para sa dinner mamaya at para na din makilala ko ang mga ito. Umalis din si Seis dahil may kailangan daw siyang gawin kaya sinama ako ni Primrose sa pamamalengke.

Napakaraming nagbago sa La Cresta, ang dating palengke na wala sa ayos at laging basa ay maayos na ngayon. Nasa tamang lugar na rin ang mga nagbebenta. Inuna namin ang mga kakailanganing gulay at iba pang rekados. Naaaliw ako sa pagtingin-tingin ng mga damit nang ayain niya ako na lumabas ng palengke. Tumawid kami at bumungad sa'min ang isang kulay puting establisyimento.


"Dito ako bumibili ng mga karne, maganda kasi ang kalidad dahil sila mismo ang nag-aalaga at nagkakatay." Pumasok kami ni Primrose sa loob. Hindi masangsang ang amoy at wala ring langaw. Medyo kakaunti ang nabili kaya nakapunta agad kami sa harap.


Hinayaan ko si Primrose na pumili ng karne, sa totoo lang naiinggit ako sa kaniya dahil sa dami ng alam niya. Samantalang ako ay kahit ano lang ang binibili, madalas din kasi na sa labas kami kumakain ng mga katrabaho ko, o kami ni Eon. Madalang ako magluto sa apartment namin sa Amerika.


"Oh, Prim!" Sabi ng isang lalaki na nasa likod ng counter. He's wearing a black shirt, red apron and jeans. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. "The usual?"

"No, Manuel. Para sa mga Belmonte." Natuon ulit ang pansin sa akin ng lalaki. Nagtaas siya ng kilay bago naghiwa ng mga karne sa harap namin.

"He looks so familiar." Wala sa muwang kong sabi.

"Really? Maybe you saw him before, he's kinda famous here in Santa Monica." Nangingiting sabi ni Primrose. Oo, baka nga nakita ko siya dati. "And oh, he's Seis' half-brother."

Ako naman ang napatingin ngayon sa lalaki. A memory from five years ago flashed into my mind, "Oo! Nakita ko nga siya dati dito din sa palengke."

"Here you go, Prim." Iniabot ni Manuel ang paper bag, naroon na lahat ang biniling karne. Nagpaalam siya sa lalaki at saka kami umalis doon.


Nilingon kong muli ang meat shop bago makalayo doon. Nagtext si Seis sa akin nang malapit na kami sa hacienda, aniya'y mali-late siya ng kaunti sa dinner. Nireplyan ko naman siya na ayos lang. My manager Tita Kyla sent me a message too about something. 


Tita Kyla: I can't find your Tita Hellen's number but I found her daughter's. 


Sa text message ay nakalagay ang number ni Hellene Belmonte o mas kilalang Hell. Agad akong nagtipa ng mensahe at isinend iyon. Alam kong hindi niya papaunlakan ang imbitasyon ko na magkita kaming dalawa ngunit hindi ko maiwasang umasa. Kung kailangang ako mismo ang pupunta sa sa kaniya ay gagawin ko. 

Bago tuluyang dumilim ay tumulong ako sa pag-aayos ng lamesa at mag upuan sa hardin. Napansin ko si Eon na tahimik na nakaupo sa 'di kalayuan. Nakatulala at alam mong malalim ang iniisip. Nagulat ako dahil may yumakap sa mga binti ko.


"Hi Tia Princess Anna!" Masayahing bati ng isang batang babae.

"Filo, she's not Princess Anna." Masungit na sabi ng batang lalaki.

"Yes she is! Look at her hair Basti, it's color white!" Tinuro niya ang buhok ko saka humiwalay sa akin, naupo ako upang maging kapantay nila.

"That's not white, it's blonde." Umiling si Basti at iniwan kami doon ni Filo.

"Sorry if he's a fool, Tia Princess Anna." Tumawa ako dahil sa tawag niya sa akin. 

"I'm not Princess Anna, Filo. My name is Rence." 

Kumunot ang noo niya, "Really? I saw you before, you're wearing Princess Anna's dress and you're singing like her too!" Naalala ko na nagkaroon ako ng musical play tungkol sa Frozen. 

"Oh, that's because acting is my work. I am performing and portraying someone's character on stage." Bumilog ang bibig niya dahil sa narinig.

"You're an actress! You're so cool, Tia!" Niyakap niya ako bago tumakbo paalis ng garden.

"I'm so sorry about that, Rence." Sabi ni Primrose habang inilalapag ang mga pagkain sa lamesa. "Sobrang kukulit na talaga nila." 

"Ayos lang, nakakatuwa nga sila." Tinulungan ko siya sa paglalagay ng mga putahe. Inayos ko rin ang mga plato, kutsara't tinidor. 

"Sana nga ay magkaroon na ng iba pang pinsan sina Filo at Basti, kayo ni Seis? Kailan niyo balak magpakasal?" Nagulat ako sa tanong niya.

Umiling ako at tumawa, "Wala pa kaming plano. Saka bago palang kami."

"Ang akala ko ay matagal na kayo. Ang kwento kasi ni Rio sa akin ay baliw na baliw sa'yo si Seis. Napatunayan ko 'yan noong inaya niya kami na pumunta sa San Francisco para manood ng Frozen Musical Play niyo, ang malala pa doon ay libre niya ang ticket namin. Tuwang-tuwa si Filo dahil gandang-ganda sa'yo." Wala akong masabi dahil sa kwento ni Primrose. "I wish you'll marry each other soon." 


Sumapit ang gabi at nagtipon-tipon na kami sa garden. Nagdatingan na rin ang mga magulang nila. Hindi ko maiwasang malungkot dahil kami lang ni Eon ang walang magulang dito, inimbitahan din namin ang Mommy ni Seis pati si Antoinette Del Ruiz. 


"Look how beautiful you are, Rence." Nagyakap kami ni Tita Aurelia. Tito Inario kissed my cheek. "At si Eon ay binatang-binata na!" 

Inakbayan ni Tito Inario si Eon, "Kamukhang-kamukha mo talaga si Irven!"

"Finally! Come here, Rence." Yumakap naman sa akin ang isang babaeng kamukha ni Isobelle. "I'm your Tia Wynabelle, wife of your Tio Irnesto." 

"Nice meeting you po." Tinapik ni Tito Irnesto ang balikat ko. 

"Where is Isah?" Tanong ni Tito Inario. "Where is your Mom, Marcel?"

"She's with her boyfriend." Sagot ni Marcel. Ngumiti siya sa akin at bumati bago naupo. 

"Kailan ba titigil ang Mommy mo, Loqui?" Tanong ni Tito Inario sa kararating lang na si Loqui. Nakasimangot ito at mukhang badtrip.

"No lo se, Tio." Walang gana nitong sagot at tumabi sa nakaupong kapatid. 


Habang nasa hapag ay napagusapan nila kung sino ang mamamahala sa negosyo. Nagbotohan kami kung sino at lahat ng boto ay napunta kay Kuya Rio. Wala ni-isa sa amin ang gustong humawak noon at si Kuya Rio lang naman talaga ang bagay doon. 


"Kung wala na po talaga ay ako na lang po," kung dati ay CEO lang si Kuya ngayon ay siya na ang President. "Baka kung ibibigay niyo pa sa mga 'yan ay malugi tayo." Nagtawanan kami dahil ang tinutukoy niya ay sina Jai, Auli at Loqui.

"Thanks for inviting me here, Inario." Pasasalamat ng Mommy ni Seis, "How's Donya Petronilla?" 

"She's fine, Mildred. Thanks for asking. By the way, how;s your business?" Hindi ko na nasundan pa ang iba nilang pinaguusapan dahil puro iyon tungkol sa negosyo.

"Sino ba kasing nagsabi na imbitahan sina Daddy dito? Look, the dinner is boring." Bulong sa akin ni Isobelle. Natawa ako doon.

"Que estas haciendo? Susurro? Te puedo escuchar claramente." Mas natawa kami ni Isobelle nang punain kami ni Aura na nakaupo sa tapat namin. (What are you doing? Whispering? I can hear you clearly.) 

"Sin embargo, es verdad. Esta cena es aburrida." Natawa si Loqui. (However, it is true. This dinner is boring.)

"Por favor puedes disfruta la comida? Si?" Binato ni Loqui ng table napkin si Auli. (Please can you enjoy the food? Yes?) 

"Como si la comida fuera realmente deliciosa. La paella de la abuela es mucho mas deliciosa que esta basura." Natawa si Seis at Loqui sa sinabi ni Cza. Maging kami ni Isobelle ay hindi na napigilan ang paghagikgik. (As if the food was really delicious. Grandma's paella is much more delicious than this crap.)

"Oye, deja de hablar. Pueben entender lo que dices chicos." Nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. "Por que me miran asi?" (Hey, stop talking. They can understand what you're saying guys. Why are you all looking at me like that? )

"Mierda! Puedes hablar espanol!" Sigaw ni Jai na nagpatigil sa lahat. (S-hit! You can speak spanish!)

"What's with the cursing, Jai?" Tanong ni Tito Irnesto.

"Sorry Dad, it was a mistake." Paumahin ni Jai kaya nagpatuloy ang pag-uusap ng mga matatanda.

"Kailan ka pa natuto?" Tanong ni Aura sa akin.

"Years ago. Nag-aral ako sa Amerika habang nagtatrabaho." Napa-ohh sila sa sagot ko. 

"Kaya pala nung sinagot mo ako ay nag-espanyol ka. Akala ko ay sinearch at kinabisa mo lang ang phrase na 'yon." Hindi makapaniwalang sabi ni Seis.

"I just want you to know that my son, Seis, is Rence's boyfriend." Napatingin kaming lahat sa Mommy ni Seis, habang ang mga Tito at Tita ko naman ay nakatingin sa akin. 

"Is that true, Rence?" Tanong ni Tita Aurelia. Ngumiti ako at nagdadalawang isip pa kung sasagot.

"Yes, Mama. Bagay sila 'no po?" Si Primrose.

"That's good!" Kumento ni Tito Irnesto.

"So when is the wedding?" Si Tita Wynabelle naman.

"Ma, matagal pa ata 'yan!" Suway ni Jaun sa mommy niya.


Napuno ng tawanan ang buong garden. I still can't believe that I am here sitting beside my family. Nakikipagtawanan, kwentuhan at biruan. Isa na lang naman ang dapat kong gawin para matanggap ko na ng tuluyan ang lahat, para mawala na ang pinapasan ko noon pa lang. And I'm hoping that I can do it as soon as possible. 

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 303 35
Si boy: MAYAMAN Si girl: MAHIRAP kabaliktaran pati mga ugali nila. But.....do opposites really attract?
79.3K 1.8K 45
Katharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung...
856K 29.5K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022