HIS PARTNER IN BED (On-going)

By tongue-in-cheek

3M 16.1K 2K

I'm his partner ONLY in bed because I gave him pleasure whenever we do that. But, til when will I be his part... More

Prologue
x1
x2
x3
x4
x5
x6
x7
x8
x9
x10
x11
x12
x13
x14
x15
x16
x17
x18
x19
x20
x21
x22
x23.1
x23.2
x24
x25
x26
x27
x28
x29
x30
x31
x32
x33
x34
x35
x36
x37
x38
x39
x40
x41
x42
x43
x44
x45
x46
x47
x48
x49
x50
x51
x52
x52.2
~ Stephen ~
x53
x54
x54.2
x55
x56
x57
x58
x59
x60
x61
x62
x62.2
x63
x63.2
x64
x66

x65

13.5K 264 137
By tongue-in-cheek

A/N: Hello guys! Thank you and sorry sa pag iintay sa update ko. Thank you sa patience, sorry dahil sobrang natagalan. Sa mga readers na ka-friend ko sa fb, alam nila kung ano yung dahilan ko sa matagal na pagkawala ko. Anyway, ito na po yung update. Sana magustuhan niyo..

***

Chapter 65

  

"Ano?! Ayos lang ba siya? Kamusta ang anak ko?!"

Halos marinig na ng lahat ng empleyado ang galit na boses ng boss nilang si Joaquin na may kausap sa telepono. Maging ang sekritarya nito ay walang kaalam alam kung sino ang kausap ng kanyang amo.

"Call me if there's any lead about my son. Thankyou." Napabuntong hininga ang ginoo at binaba ang telepono.

Halos manlumo naman si Joaquin sa sinabi ng pulisyang tumawag sa kanya. Ipinagbigay alam kasi sa kanya ng pulisya na may nakuha silang kotse sa isang highway na sira ang harapan. Malamang ay nabangga ito ng kung ano kaya naman ipina-check kung sino ang may ari ng sasakyan at natuklasan ngang si Stephen ang may ari nito. Kay Joaquin na lang itinawag ang insidente dahil wala naman ang binata sa lugar kung saan naroon ang kotse niya.

Napasapo si Joaquin sa noo niya kakaisip sa anak niya, hindi niya alam kung ano na ang nangyari roon, kung nasaktan ba ito o ano. Walang nakuhang kahit ano sa sasakyan.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang anak.

"Sht Stephen. Where the hell are you?!" Halata sa boses nito ang pag aalala dahil hindi niya ma-contact ang anak.

Alam ng ginoo na hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari sa anak niyang masama. Kahit pa naging sutil ito at naging bastos sa ina ay mahal pa rin niya ito. Hindi niya kakayanin kung may masamang nangyari sa anak.

Nanginginig na ang mga kamay ng ginoo pero pinilit pa rin niyang matawagan ang kaibigan ng anak niya, pero nabigo siya dahil walang alam ang mga ito kung nasan ang anak niya dahil nung isang araw pa raw ang huling kita nila sa kanya.

He wants to move heaven and earth just to see his son again, still alive and kicking but he has no powers to find his son wherever the fck he is.

Pinatawag niya ang sekritarya niya para ipacancel ang lahat ng appointment niya para sa buong araw dahil kailangan niyang hanapin ang anak lalo pa't wala itong dalang kahit ano at naaksidente pa ang kotse nito. Hindi niya kayang manatili na lamang sa opisina at maghintay ng lead para sa anak.

"But sir.. Your meeting will be start in an hour." Pagtutol ni Joana, ang secretary ni Joaquin.

Napatigil sa pag-aayos ng gamit si Joaquin sa sinabi ng secretary niya.

"What the hell did I said, Joana?! I need to get my butt out of here! Do you understand that?!" Halos mapiyok na siya sa sigaw niya.

Ngayon lamang niya napagalitan ang sekritarya niya dahil na rin siguro sa tensyon na nararamdaman niya. Sa tanan ng buhay niya, isa itong araw na to sa pinakanakakatensyong araw sa kanya. Dahil involve ang anak niya roon.

Napapitlig naman si Joana sa sigaw ng boss niya, hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng sigaw mula sa amo niyang palaging nakangiti sa lahat ng employado niya. Tumungo na lang siya. "O-opo sir. I'm sorry.. I'll cancel all your appointments for today sir." Nakayuko pa rin siya. Ayaw makita ni Joana ang galit na mukha ng amo niya. Sa hindi niya alam na dahilan, natakot siya.

"Inform me if anything happens here. Do you get it?" Striktong sabi ni Joaquin sa sekritarya niya. Napatango na lamang ito sa kanya.

Agad na siyang lumabas ng opisina. Hindi na siya dapat pa mag-aksaya ng panahon, kailangan na rin niyang hanapin ang anak niya. Natatakot siya sa pwedeng nangyari sa anak niya. At bilang ama, yun ang huling beses na maiisip niyang mangyayari sa anak niya, ang may mangyaring masama rito.

--

Jayke's POV

Narinig ko ang sunod sunod na bosina ng kotse sa labas ng mansion. Bigla na lamang akong napatayo sa hindi ko alam na dahilan, kinabahan ako.

Kabang kulang na lamang ay lamunin ang buong pagkatao ko dahil wala akong ibang maramdaman kundi iyon. Kabang ang tanging naisip ko ay konektado kay Stephen.

Napalabas ako ng kwarto at agad bumaba sa living room at nakita ko roon si Tito Joaquin na tensyonadong tensyonado. Pilit siyang pinapahinahon ni Tita Hilda pero ayaw nitong tumigil sa kakalakad ng pabalik balik at magmura ng paulit ulit.

Napansin ko rin na nakatayo si Manang sa gilid ng couch at halatang kinakabahan habang buhat buhat si Bless na nakasiksik ang mukha sa balikat ni Manang.

"Joaquin.. Please, calm down. I'll find my ways to find him." Hinawakan ni Tita hilda si Tito sa braso na nagpatigil sa paglalakad nito.

Gusto ko ng sumabat sa usapan nila dahil hindi ko na rin kinakaya yung kaba sa dibdib ko. Alam kong si Stephen ang pinag uusapan nila. Hinahanap nila si Stephen.

"Hon, I just can't sit back and relax knowing that my son is missing." Kitang kita ko ang halo halong emosyon ni Tito. Alam ko naman na kahit nagkasagutan sila ni stephen kagabi ay hindi pa rin noon mababago ang katotohanang mag ama sila.

Naglakad pa ako papalapit sa kanila ng mapansin na ako ni Tita Hilda.

"God hija.." Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

Lalong kumabog ang puso ko ng makalapit ako sa kinatatayuan nila. "Ano po bang nangyari kay Stephen?" Kulang na lamang ay mapiyok ako sa tanong ko.

Kinakabahan ako.

Tinitigan ako ng mariin ni Tito Joaquin. "Hahanapin namin siya." Sabi niya na walang alisan ang tingin sa akin.

Nakaramdam ako ng bigat sa puso ko. Alam kong may mali sa nangyayari. Hindi lang basta nakitulog si Stephen kung saan.. Nararamdaman kong may mali.

Hahawakan sana ako ni Tita Hilda pero inilayo ko ang kamay ko sa kanya. "Tell me Tito, what happened? It's killing me. Please.. Tell me.." Putol putol na sabi ko kay Tito Joaquin. Pakiramdam ko nanghihina yung katawan ko dahil sa kabang ayaw tumigil sa kaloob looban ko.

Kailangan kong marinig kung ano talaga yung nangyayari.

Parang may batong humarang sa lalamunan ko ng marinig ko ang sinabi ni Tito Joaquin. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Sabi ko na nga ba, hindi lang basta umalis si Stephen kagabi. Hindi lang basta palipas ng oras ang ginawa niya.

Napahawak ako sa dibdib ko na sumasakit sa kirot. Napaupo ako sa couch ng wala sa oras. Nanghina ng tuluyan yung katawan ko sa nalaman ko.

"Nakita yung sasakyan niya sa highway na sira ng harapang parte 'non. Wala si Stephen sa kotse at walang kahit na anong gamit ang mayroon sa kotse niya maliban sa susi rin non."

No. Walang nangyare sa kanya. Okay lang siya. No. No.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit pinapakalma ang sarili ko. Kailangan kong mag isip ng matino. Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko. Ayoko ng magkaron ng kahit anong komplikasyon pa sa buhay ko, o buhay ng mga tao sa paligid ko lalo na kung konektado sila sa memoryang pilit kong binabalik.

Huminga ako ng malalim ng paulit ulit. Kailangan kong kumalma.

*inhale*

*exhale*

"Woooh.." Napatingin sakin sila Manang dahil sa malakas na pagbuga ko ng hangin.

"Hija, kami ng bahala maghanap." Sabi ni Tito Joaquin na naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Makakasama sayo kung mag iisip ka pa ng mga bagay na wala namang kinalaman sa mga memorya mo noon" Humigpit ang hawak niya sakin pero tinanggal ko yon. Sa halip ako ang humawak ng kamay niya.

"Tito, I wanted to help. Can I borrow any of your car for me to use?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

Oo na. Alam kong kakunot kunot ng noo ang sinabi ko. Pero may pakiramdam akong kailangan ko talaga siyang hanapin. Instinct ata to. Pero ewan ko din. Unti na lang yung kaba sa dibdib ko, dahil na rin siguro sa pagpapakalma ko sa sarili ko.

Sasagot pa sana si Tito ng magsalita ulit ako.

"Alam ko pong nag aalala kayo sakin. Pero tito, baka hindi kaya lalong makasama sakin kung nandito ako pero puro nerbyos naman dahil kay Stephen ang nararamdaman ko?" Nginitian ko sila ni Tita hilda. "Hayaan niyo po akong tumulong, atsaka si Stephen naman yung hahanapin ko. Kailangan ko siyang hanapin para makapag usap kami." Mariin kong tinitigan si Tito Joaquin na nag aalangan pa rin ang itsura. Halata sa kanya na hindi pa rin siya kumbinsido.

Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nginitian na niya ako at inabutan ng susi.

"Pero pakiusap Jayke.. Umuwi ka agad at tumawag ka sakin kapag may naramdaman kang kung ano sa sarili mo. Tawagan mo ko ano man ang mangyari." Tinanguan ko naman siya at niyakap ng mahigpit.

"Salamat po Tito Joaquin. Hahanapin ko po si Stephen. Babawi ako sa pag aalaga niyo sakin dito." Nakaramdaman ako ng excitement sa sarili ko.

Nawala na yung kaba na puno ng takot. Napalitan na ito ng kaba ng excitement. Isipin ko pa lang na hahanapin ko si Stephen parang nagpaparty na yung mga kabayo sa dibdib ko.

Ayokong nag isip ng masama tungkol kay Stephen. Marami pa kaming dapat pag-usapan at ayusin. Hindi pwedeng may mangyari sa kanya dahil ako mismo gigilit sa leeg ng nakabangga sa kanya.

Napahampas tuloy ako sa noo ko dahil sa naisip ko. Naging killer pa ko sa isipan ko eh ano role ko lang naman ngayon hanapin si Stephen ng panatag ang kalooban ko para maging maayos ang paghahanap ko.

Nawe-weirduhan na ako sa sarili ko. Kanina lang para na akong matutumba sa nalaman ko kay Stephen at sa kotse niya pero heto ako at parang tangang nagmamadaling sumakay ng kotse para hanapin siya. Gusto ko na siya makita. Gusto ko ng makita yung ngiti niya.

Siguro nga natatakot ako. Ay mali. Natatakot pa rin ako.

Natatakot ako sa pwedeng nangyari kay Stephen, pero isinantabi ko yun dahil baka may mangyari saking di maganda kapag nag isip pa ako ng negative. Kailangan ko lang magfocus.

Focus.

Tinawagan ko ang barkada para tulungan akong hanapin si Stephen. Ibinalita ko rin sa kanila yung binalita ng mga pulis kay Tito tungkol sa kotse ni Stephen. Lahat sila nababakas ang pag aalala ng malaman nila yung tungkol kay Stephen pero tulad ng ginawa ko sa sarili ko, pinakalma ko din sila.

["Bes, pupunta kami ni Alex don sa highway kung nasan yung sasakyan ni Teph. On the way na kami."] Kausap ko sa phone si Angeli habang nagdadrive ako.

"Okay okay. Pasensiya na sa istorbo bes ha. Wala naman kasi akong alam kung saan pumupunta yun, kayo lang ang may alam." Gusto kong malungkot sa sinabi ko pero totoo naman. Kung alam ko lang yung tungkol kay Stephen, kung naalala ko lang edi ako na lang sana mag isa naghanap.

["Wala yun bes. Kanya kanya naman tayo ng pupuntahan eh. Si Luke at Maria pupunta daw sa mga clubs na madalas puntahan nila dati baka raw doon napadpad yun. Si Michael naman magpupunta sa malapit na lugar kung san nandun ung kotse ni Stephen. Si James naman susubukang ipahanap ung location ni Stephen. Bukas daw kasi GPS ni Teph."] Sunod sunod na sabi ni Angeli. Napapatango na lang ako. Ako naman ngayon yung walang destinasyon.

["Teka, A! Doon yun. Lumiko ka doon!" ] Narinig kong sigaw ni Angeli kay Alex sa kabilang linya.

Pinarada ko muna sa isang park yung kotseng gamit ko at napakamot sa tenga. Parang nagtalunan mga tutuli ko sa sigaw niya.

"Hoy! Nakakabingi sigaw mo." Bumaba ako sa kotse at nagsimulang paikutin yung paningin ko sa buong park.

Ito yung park kung saan nakita ko si Stephen at Bless na nakatambay isa sa mga bench dito. Ewan ko din kung bakit naisipan kong pumunta dito. Weirdo diba.

["Ito kasing si A, kahapon pa wala sa sarili parang ewan."] Narinig ko pang sinagot siya ni Alex na kesyo wala naman daw mali sa kanya ganito ganyan. Naeewanan tuloy ako sa kanilang dalawa.

Naiiling na naglakad ako sa park. Nagbabakasakaling makita ko si Stephen na nakahiga isa sa mga bench dito sa park kahit alam kong para lang siyang tanga kapag ginawa niya yun.

"Ingay niyo. Sige na. Tawagan na lang tayo in case na may information na okay?" Pagputol ko sa pagtatalo nung dalawa sa kabilang linya.

Paano ba naman hindi pa rin sila tumitigil. Hindi ko kayang pakinggan mga sentiments nila sa isa't isa. Gusto ko lang gawin ngayon, matagpuan na si Stephen na pinapasakit lahat ang ulo namin.

Nainig niya ang buntong hininga ni Angeli. ["Okayyy.. Pero sis, take a lot of ingats ah. Hindi ka pa fully recovered you know naman pwedeng mangyari any moment soon."] Bilin niya na dinaig pa ang mommy ko sa pangaral at sa pagiging conyo.

Gusto kong matawa sa salita niya. "Why so conyo, Angelina Suarez?" Nangingiting sabi ko sa kanya.

["Fck. Andyan ka na naman sa Angelina. Damn YOU and that name."] After hearing her grunts she finally ended the phone call without uttering goodbye.

Natatawang nailing na lang ako sa bestfriend ko. Thankful ako na bestfriend ko siya, kahit para lang kaming aning minsan, masaya akong siya ang bestfriend ko.

Napatigil ako ng mapadpad ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Ang pwesto kung saan nakita ko sila Stephen at Bless.

Bigla na lamang bumalik sa isipan ko iyong araw na nakita ko siyang kinakausap si Bless. Kitang kita ko kung gaano niya kamahal yung anak niya. Sa bawat haplos at bawat titig niya kay bless, ramdam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang bata.

Naupo ako sa bench at nagmasid sa paligid.

Ang payapa ng park na ito. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang paligid, malawak at tama sa mga kabataan na pwede maglaro o sa mga partners na naglalambingan.

Napatingin ako sa mga taong nakatayo malapit sa fountain. Para silang linya ng malaking bilog. Mga nakangiti, may naghihiyawan at meron ding kung kumukuha ng larawan. Ang weirdo, pero tumayo ako at lumapit sa mga taong yon.

Hindi kalayuan narinig kong may kumakanta kasabay ng pagtugtog ng gitara. Mas ginusto ko pang lumapit para makita kung ano yong pinagkakaguluhan nila, and then I was stunned at the moment na nakita kong nandoon.

Isang lalaki na kumakanta habang titig na titig sa babaeng may hawak na bouquet at stuff toy.

And in a snap...

I saw my self standing in the middle of different people, handling a pink roses with notes, listening to the man whose currently singing and staring intently at me with all his heart and full of emotions that is written all over his eyes.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala.. nakatingin sa couple na nasa harapan..

Pero parang totoo yung nakita ko, na habang nakatayo ako sa pwesto ko ngayon nakikita ko pa ang sarili ko sa harapan kasama ang lalaking di ko makita ang mukha, nakikita ko ang sarili ko sa katauhan ng babaeng kasalukuyang hinaharana ngayon ng boyfriend niya.

Hindi ko maintindihan pero yung puso ko nagsimula na lang kumirot at nagsimula na ring pumatak ang mga luhang di ko inaasahang lalabas.

Kung ano man yung dahilan ng pagkakita ko sa sarili ko, wala akong alam. Hindi ko alam, at hindi ko maintindihan. Para bang nangyari na yun. Pero hindi ko alam kung sino yung lalaki na kumakanta para sa akin. At yun ang lalong nakakapagpagulo sakin ngayon.

Pinunasan ko ang pisngi at mga mata ko, napangiti na lang ako sa couple na ngayon ay magkayakap na.

This feeling is so strange. Pero I need to know what does that mean. I really wanna know who that man is, and when that moment happen, or was that moment really happened? I don't know and I wanna know.

Naglakad na ako palalayo sa mga tao, di ko alam kung san ako dadalin ng mga paa ko. Hindi rin ako pamilyar sa lugar na 'to. Kaya bahala na.

Pero huli na ng mapagtanto ko kung san na ako napadpad. Di ko alam kung bakit dito, o anong meron dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito, basta hinayaan ko na lang sarili ko na maglakad sa kawalan.

Isang condo unit. 11th floor.

Nakatayo ako sa tapat ng pinto ng isang condo unit, di ko alam kung ano meron dito. Kusa na lang akong dinala ng mga paa ko dito. Posible ba yon? Oo, siguro posible kasi nandito nga ako. Di ko na namalayan na dito ako makakarating dahil na rin siguro sa malalim na pag iisip ko.

Ano bang meron sa kabila ng pintong ito? Kaninong unit ito? Bakit dito ako napadpad?

Maaari kaya yon......

*ding dong*

Nagdoorbell na ako bago pa kung ano ano isipin ko. Masyadong ng lutang isipan ko doon pa lang sa park. Ayoko ng mag isip pa, bahala na.

* ding dong *

"What the fck?! Sino----" Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na yon.

"P-paanong..." Titig na titig ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan. Paano ko alam ang lugar na ito? Paanong nakarating ako dito? Bakit siya nandito?

"H-how did you know t-this place? Fck. Come in. A-are you okay?" Hinawakan niya ako sa braso para alalayang pumasok. Totoo ba talagang natagpuan ko siya?

Iginaya niya ako sa couch at doon pinaupo. "Ma, natatandaan mo na ba lahat? Okay ka lang ba? Paano ka nakapunta dito?" Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Tinitigan ko lang yung mukha niya. Halatang bagong gising, pero napansin kong meron siyang gasa sa may noo. May unting gasgas din sa may pisngi niya. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at hinawakan ko ng dahan dahan yung pisngi niya na ikagulat niya.

"Ano bang nangyari, Phen?" Pinasadahan ko ng daliri ko yung gasa sa may noo niya pababa sa may gasgas sa pisngi niya. "Ayos ka lang ba?"

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko pero naging normal din iyon nung mahawakan ko na yung pisngi niya.

Hinawakan niyang muli ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya. "Naaalala mo na ba ako?"

Nag iba ang titig niya sa akin. Ang mga mata niya, nakita ko na iyon noon. Di ko maalala ang pangyayari noon pero alam kong nakita ko na itong mga matang nakatitig saakin ngayon.

Marahan kong iniaalis ang kamay ko sa pisngi niya.

"Umuwi na tayo phen nag aalala na sila tito sayo." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Bakit ganito? Unti unting bumabalik alaala ko pero bakit sa ganitong panahon pa na magulo ang mga bagay bagay.

Napapikit ako sa pagkirot ng utak ko. Bearable yung kirot pero sumabay yung pagtibok ng puso ko ng sobrang bigat na para bang hindi ako makahinga. Sumandal ako, umaasang mababawasan yung bigat ng dibdib ko pero walang epekto.

Marahan kong pinikit ang mata ko, na naging dahilan ng pagdagsa ng iba't ibang pangyayari sa buhay ko na sabay sabay pumapasok ng kusa sa isipan ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 89.8K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...
339K 25.8K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
39.8M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...