Paano Aaminin?

By ElisiaJade

18.9K 555 150

We always look for better options and choices without realising the best is just around. More

Disclaimer
Kada Lunes
Immersion Part 1
Immersion Part 2
Paano ba Magmahal?
Tahimik
Everything will be alright
Tatlumpung Segundo
Little Changes
Bye for now Shar
Then till now
Changes
Back to square one
Life as we know it
Not So Fated Encounters
Christmas Party Part 1
Christmas Party Part 2
Parents Approve
Better Late than Never
Libra
Ngiti Mo
January 1st
Meant to Be

Titibo - Tibo

2.1K 38 2
By ElisiaJade

"Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi curious na babae na ang hanap din ay babae. Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara, tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta. 

Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month. Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla. Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala"

Exaggerated na palakpak ang pumukaw sa atensyon ko. Si Donny, ngiting -ngiti na lumapit sa akin. Napatigil naman ako sa pag gigitara.

"Galing Shar, nakakabading ka." Napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi niya. Kahit kailan never talaga kong naging babae sa paningin nitong lalaking to. Hinagod ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. As usual pang basketball ang get up niya. "Tara laro" 

Alas dose ng tanghali, tirik na tirik yung araw. Sobrang init. Never nag aya si Donato nang ganitong oras sa ibang babae pero dahil alien nga ko sa paningin nitong kumag na 'to syempre exempted ako. "Ge basta sa covered court tayo. Kainit init Don nag aaya ka. 38 degrees sa labas par." 

"Oo ma'am covered court tayo. kaw pa ba! malakas ka sakin." 

"linya ko yan wag kang gaya gaya" natawa kong bawi sabay tabi ng gitara. Itinali ko ang buhok ko saka pupungas-pungas na naglakad palabas ng bahay. "Ginawa mo na namang extension ng bahay niyo tong bahay namin. Nag hi ka man lang ba kay nanay?" Kinuha ko yung jordans ko saka marahang isinuot. Pinagpagan ko lang ng konti tong suot kong maluwang na tshirt at grey jersey shorts. Akma ko sanang kukuhain yung cap ko na nakasabit sa pader pero naunahan na ko ni Donny. Inilagay niya na sa ulo ko saka siya nagmamadaling buksan yung gate. 

"Dali na Shar, ang kupad naman. Sabado ngayon dapat ineenjoy natin" Saglit kong inayos ang pagkakasuot ng sumbrero.

"Oho Don Donny, ang inyong aliping sagigilid e nasunod na ho sa inyo" 

Excited si kumag kaso pagdating namin sa covered court maraming nanay na nagsuzumba tapos sa kabila nagbabadminton na mga lolo't lola. 

Tahimik kong pinagmasdan ang mabilis na pagbabago ni Donny ng reaksyon. Lalo yatang kumapal yung nguso niya dahil sa pagsimangot. Tahimik naman akong nag dribble. 

"Pano ba yan walang space Don?" 

Hindi parin nagbabago timpla ng mukha niya. Umupo siya malapit sa stage. "Senior Citizens day ba ngayon? bat andaeng lolo't lola? " puna nya. "Kase naman dapat pala ginising kita ng maaga para nakasave tayo ng spot" Natawa nalang ako. 

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya kahit na wala naman talaga kong balak gawin dahil nga hindi namin pwedeng paalisin yung mga nanay. 

" Gusto ko maglaro e" O sige good luck, yung mga barako nga asa gilid lang. Wala rin silang say sa mga ka nanayan at kalolahan dito. 

"Gusto mo sa bakuran nalang namin tayo maglaro" Ambilis ng shift ng reaction niya. Ngayon kulang nalang kumutitap yung mata niya. 

"Talaga Shar? Kala ko ba mainit?" Ngayon naman nakangisi

"Ayaw mo ba?" nanunuya kong tanong. 

"Syempre gusto"   Kundi lang kita matiis.

"Tara" Bumalik kami ng bahay. Alam ko ineexpect niya na pag sa court may iba kaming makakalaro kagaya ng lagi naming ginagawa kaso nga dehins uubra ngayon. Kebs pa rin naman nag one on one kami. 

Pantay kami nitong si Donato sa lahat ng mga bagay, para nga daw kaming kambal sabi ng nanay. Magkahawig na, parehas pa ng galawan. Okay naman lahat e kaso siyempre habang lumalaki kami hindi ko maiwasang makita yung pagkakaiba. Dati mas matangkad pa ko sa kanya, ngayon napakadali nalang niyang sapawan lahat ng tirang ginagawa ko sa net. Effortless mga pre.

Dambuhala na si Donny, walang katarungan yung height difference namin. "Fake right go left, tapos iikot ka. Shar basang basa ko moves mo" Nakangisi niyang panunudyo. 

"O talaga?" dinamba ko syang saglit saka malaking humakbang ng dalawang beses malapit sa net. Kahit di na 3 pts. Ibinato ko yung bola. Shoot! 

Mabilis lang tapos nabawi niya na yung bola "Oo naman"

"So happy ka?" tanong ko habang sinusubukang bawiin yung bola.

"Happy na happy" sagot niya. Natigilan ako ng kaunti nang mapako tingin ko sa pagdila niya sa labi niya. Dati tinatawanan ko lang yung ganon kase ang kapal ng nguso niya. Ngayon parang slow motion. 

Anak naman ng pakwan pag sinama ka ng galaw. Nawalan ako ng panimbang kahit mahina lang naman yung balyang nagawa niya. Saktong napaupo ako sa lupa. Medyo shock at tulala. Tumigil si Donny sa paglalaro. 

"Ano Shar, impress ka nanaman sakin?" inilahad niya yung kamay niya para tulungan ako. Tinapik ko naman sa halip na abutin. "Neknek mo" Tumayo ako saka mabilis na nabawi sa kanya yung bola. Ramdam kong nag iinit yung pisngi ko. Pesteng hormones. Letseng puberty. Di ko naman hiniling to bakit nagwawala kayo ngayon. 

"Sharlene, Donny tanghalian na! mamaya na yang laro at kumain na kayo dito" Sigaw ni nanay. 

"Last one" Sabay bawi ni Donny sa bola. Tapos walang hirap siyang nag 3 point shot. Pagka shoot na pagkashoot inabanduna niya na yung bola at saka parang penguin na nagtatakbo sa kusina. "Naaaaaaay ano ulam" Bago ko sumunod sa kusina napatingin ako sa bola.  Kung tutuusin di na kami pantay ni Donny ng lakas. Kung gugustuhin niya naman talaga na sa iba makipaglaro maraming mas okay sa labas. Mga lalaking kasing edad niya. May mga kaibigan siya pero kahit papaano yung thought na nambubulabog dito si Donny tuwing Sabado para lang mag ayang magbasketball o mag ROS na para bang unbreakable routine tapos nakikikain siya dito simula tanghalian hanggang hapunan at umaastang parang anak din ng nanay ko...Siguro never kong ipagpapalit kahit na minsan nagsusungit sungitan at nag gagalit galitan ako. 

Never lalo na't 6 years ago narealise ko na hindi nalang basta parang kuya tingin ko sa kanya. Tong pasaway kong puso ayaw kumalma. 

"Sharlene!" Sigaw ulit ni nanay "Halika na rito sige ka ibibigay ko kay Donny lahat ng malalaking sugpo" 

"Ay teka lang nay! Wag ganon!" Dali dali akong sumunod sa hapagkainan.

Saturday Night

Naglalaro kami ng rules of survival. Asa bahay ako, asa kanila na siya.

"Shar cover mo ko didiretso ko!" Mabibinge ko dito kay Donato. G na g sa paglalaro.

"Wait lang - game back upan kita! Tangek wag ka obvious!" natatawa ko talaga. Mga panglimang try na namin palagi kaming namamatay. Sa pang anim na beses nadeds kaming dalawa. Nagalit na si Don. "A! ayoko na bukas naman." Binalibag yata yung console.

"Bawi na lang tayo" Pang aalo ko habang kumakain ng manggang hilaw.

"Shar kumakain ka na naman ba?" tanong niya.

"Hinde" Pagsisinungaling ko.

"Asa!" Binibaba niya yung linya.. Maya maya nagulat nalang ako yung mahiwagang tabla niya naka angkla na naman sa bintana tapos para siyang multong inulawa ng bintana ko pagkatapos tumawid galing sa kwarto niya. Napatayo ako ng hindi pa pinupunasan yung kamay ko na may bagoong. Yare di ko na matatago.

" Aha! Sabi na" Pinagkasya nya sarili niya sa bintana saka dahan dahang tumapak sa sahig ng kwarto ko. Kinuha niya yung baby wipes sa mesa saka binigay sakin. " Shar yung nguso mo nanlilimahid sa bagoong. " Walang paalam na kumuha siya ng piraso ng manggang hilaw sa mangkok. Prente siyang humiga sa sahig.

Tahimik akong nagpunas ng bibig, nang hindi makuntento naghugas na ko ng kamay saka marahang tumabi sa kanya. "Tingin mo ganito parin kaya tayo hanggang sa pagtanda natin?" tanong niya.

"Dipende" Tipid kong sagot. "Dapat oo sagot mo kase di ako magbabago. Ikaw ba?"

"Pano kung may sari- sarili na tayong pamilya? Ang weird naman na tatakas ka tapos dadaan ka sa bintana."

"Siyempre dapat yung magiging asawa mo sanay na may kapatid kang clingy" ayun nga e. Mali yung sagot mo. Possible sana kung sasabihin mong tayo nalang dalawa.

"Parang baliw" yon nalang nasabi ko.

"Basta dapat kahit sampung taon man lumipas ganito pa rin" Napakagat ako ng labi. Suntok sa buwan. Kahit gustong gusto ko ng umamin natatakot ako.

"Donny nakikita mo ba yung sarili mo na in a relationship sa ibang tao?"

"Panong ibang tao?" parang walang muang niyang tanong

"Ibang tao. halimbawa kaklase mo o kaya kung sino mang babae na makikilala mo sa labas"

"Bat ba nag iisip ka masyado?" ipinilig niya ang ulo sa gawi ko. Patay tayo diyan. Yung mata niyang may magnet ang nakatingin sakin. "Ngayon di ko pa alam Shar parang di pa kase time"

Nangiti nalang ako sa sinabi niyang di pa kase time. Sana hanggang sa magkalakas ako ng loob na sabihin sa kanya manatiling 'di pa kase time' yung mindset niya dahil kung tutuusin masyadong mabait saka attractive tong best friend ko. Kung gugustuhin niya pwedeng kahit bukas may girlfriend na siya.

"Bala na nga! focus muna tayo sa pag aaral! gagraduate tayo tapos magtatrabaho but until then... wala munang magjojowa" itinaas ko yung hinliliit ko. Medyo tumahip yung dibdib ko nang balutin niya ng buong kamay niya yung hinliliit na daliri ko.

"yes ma'am" ngumiti siya "Until then basketball, aral, gaming, at family muna tayo Shar." tumango ako. Humalik siya sa noo ko.

Mga limang segundo bago ko naprocess yung ginawa niya. "Shars! Thank you sa mangga. Good night" ganon ganon lang tapos nakatawid na siya sa kwarto niya. Hinatak niya yung magic tabla niya pabalik sa kwarto. " Tulog na! wag na magpuyat" Sigaw niya kahit naisara niya na yung bintana. Samantalang ako naiwang nakahiga sa sahig. Lutang. Napahawak ako sa noo ko. Napatalon ako sa kama at impit na humiyaw.

Walangya ka Donato Antonio Pangilinan. Papatayin mo ko sa kilig.

__________________________________

Writer's Note

Never ako naging fan ng kahit anong ship sa tanang buhay ko kahit yata sa kpop hindi pero tong dalawang to anlakas. Namarathon ko na lahat ng video naadik pa kong lalo kaya eto, kaylangan ko maglabas ng fanfic para mawala frustration ko. Team Shardon tayo!

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
125K 9.1K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...