The Politician's Affair (gxg)

By procopiawrites00

1.4M 46.1K 32.1K

LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH Bridgette, who is running for the position of Congresswoman met Chelsea, the daught... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Bonus Chapter
A Special Chapter for 500K Reads!

Chapter 24

32.4K 964 643
By procopiawrites00

Bridgette's POV

"I want their names and which publication they work for!!" I slammed the papers in my office table which startled every person in the room.

Not even one made a noise and some of them went out of my office to do the jobs that I assigned them to do.

It's the 22nd of December and yet hindi ko pinag-day off ang mga staff ko. Paano ka makakapag-bakasyon kung laman ka ng balita? Mag-damag palang kaming nakakatungtong ng Pilipinas ni Chelsea and yet kami ang headline news simula kahapon.

"Sino ba 'yang Marie Toni na 'yan?" Gigil kong tanong habang nakatingin sa front page ng isang dyaryo na mayroong malaking litrato ko at ng di umano'y starlet na si Marie Toni na pinipilit nila na ako ang kasama nito sa isang sex scandal.

"Kakalabas lang po kasi nung scandal niya last week tapos po mayroong lumabas na issue na lesbiyana nga raw po ito.. sakto naman po ay lumabas din ang issue ninyo kaya pinagtuglong ng media ang kwento.."

"Hanapin ninyo yung Poncio Pilatong babae na nasa video na kasama niyan at ipakiusap kay Pauline" utos ko sa isa sa mga ito. Si Pauline ay ang PR Manager ko. "Hanapin ninyo kung kanino nanggaling ang salita tungkol saamin ni Chelsea at kung bakit alam ng Press kung kailan kami uuwi ng Pilipinas" gigil kong utos.

Lalo akong nanggigil kapag naaalala ko ang reaction nito noong makasakay kami sa Van hanggang sa ihatid ko ito sa bahay nila. Hindi siya umiimik the whole time, nakatingin lang siya sa kawalan. Lalo akong nagaalala dahil alam kong na-trauma ito sa pagdumog ng Press saamin. Noong nasa van kami, napansin ko na namumula ang braso nito at may mangilan-ngilan na maliit na galos sa braso at leeg.

"File a lawsuit against those publishing companies and their minions" I said, standing up from my swivel chair. "File for Physical Injury, Harassment & Libel"

Kilala ako pero I never used my power and money in terms of handling matters; but this matter is different. I personally contacted the private investigator that one of my colleagues told me years ago noong tinulungan ko ito sa kaniyang kampanya and it didn't crossed my mind na one day ay kakailanganin ko ang tulong nito.

Simula kahapon, labas pasok ang mga staffs ko dito sa hacienda at karamihan sakanila ay dito nadin natulog habang hina-handle ang problema. Ito yung hacienda kung saan ko ginawa ang meeting ko noon 3 years ago with Gov. Watson and Chelsea.

Agad kong naisip na dito agad tumuloy dahil kapag may ganitong press matters, kailangan ko ang tulong ng maraming tao at hindi sila magkakasya sa mansion ko. Pinasunod kona din dito sila Lauren at Jane. Kahit sobrang galit ako kahapon, kailangan kong harapin ang anak ko ng maaliwalas ang mukha at kailangan kong ipakita na wala akong problema. Binigay ko sakanya yung mga laruan at damit na hinabilin nito at pati narin yung mga pinamili sakaniya ni Chelsea; ganoon din kay Lauren. Sa mga oras na ito, kasalukuyan nitong naglalaro sa labas kasama ang nurse nito samantalang si Lauren naman ay nandito at kumokontak nadin ng mga tao.

I am so frustrated. Gustong gusto ko ng magpa-press conference kaso hindi pa pwede. Hindi pa ako pwedeng magsalita hanggat hindi pa kumakalma ang balita; dahil alam kong marami pang baon ang mga ito na handa nilang ibato saakin anytime.

"Pagbalik ko, dapat may pangalan na kayong hawak" sabi ko sa mga ito at lumabas ng rest house.

Alam ko namang hindi ako safe ngayon kaya tinawag ko si Mang Tonyo para ipag-drive ako. Sumakay ang isang body guard sa passenger seat samantalang ako naman ay sa likod ng driver—which is said to be the safetest seat in a car dahil daw kapag may iniiwasang sasakyan ang driver mo, malaki ang tendency na ang hanay nito ay hindi matatamaan dahil nasa instinct nito na pinoprotektahan nito ang kaniyang sarili—at ang 5 ko pang body guards ay sumakay sa kabilang sasakyan.

Alam ko namang may mangilan-ngilan na Paparazzi at Press sa labas kaya pinili ko ang sasakyan na heavy tinted. Buti na lamang ay mataas ang bakod ng hacienda at madaming guards ang naka-station sa walls nito upang protektahan ang mga taong nasa loob.

Nang makarating sa mansion nila Chelsea ay pinagbuksan ako ng gate ng mga guards nito. Nasa exclusive subdivision ang mga ito kaya hindi basta basta nakakapasok ang mga tao sa lugar. Pumasok ako at sinalubong ako ng kanilang kasambahay,

"Maganda hong umaga, Cong." ngiti nito saakin

"Good morning po. Pwede po ba kay Chelsea?" tanong ko rito at narinig ko ang hagikgikan ng mga bata sa may bandang pool area.

"Nasa taas ho ito e. Binilin po ni Gov. na papuntahin po kayo sa opisina niya kapag dumating kayo" wika nito at tinulungan ako sa opisina nito na malapit sa pool area. "Sir, nandito ho si Congresswoman" paganunsiyo nito.

"Let her in" banggit naman ng matandang lalaki na nakaupo sa kaniyang swivel chair. "Have a seat, Bridgette" at pinaupo ako sa upuan sa harap nito.

I told her to call me Bridgette instead of Congresswoman.

"How are things?" tanong nito at inalis ang kaniyang salamin.

"Not quite good. But I am handling it" wika ko

"I hope you do. I am pulling strings too para malaman kung kanino nanggaling ang salita" wika nito at itinuklip ang kaniyang dalawang kamay sa taas ng lamesa and looked at me, "We are not new to these kind of stuffs and you know that. But Chelsea did not grew up in these. You see, among my children, she's the one who never liked the spotlight. She's always in the corner giving shy smiles"

"Yes, I understand that Tito"

"I am not against of your relationship with my daughter, Bridgette. I know that you are a good person and I am giving you my trust of not hurting my unica hija and please, do so. Because if not, I don't like the idea of me doing things that might distance me from my daughter just so I can protect her even though I know that I can never protect her from any pain in this world"

"I am really sorry for all of these, Tito. I know I promised you that I will take care of Chelsea and I will forever withhold to that promise" paghingi ko ng paumanhin. "I will make sure that everything that is circulating in the media right now will stop and I will also make sure that the people who did this will pay"

"I trust you Hija and please don't let us down. Sige na, puntahan mo na siya at nasa kwarto pa. Hindi pa siya kumakain and hindi pa lumalabas ng kwarto simula kahapon noong dumating kayo" sinamahan nito ako palabas ng kaniyang opisina at bago ako naglakad papuntang second floor ay nagpasalamat ako rito.

Bago ko sinundan sa New York si Chelsea ay nanghingi muna ako ng permiso sa kaniyang mga magulang. Noong una, syempre hindi naging madali dahil nabigla ang mga ito dahil hindi nila alam na hiwalay na kami ni Hane—Yes, I am divorced but I made sure that the public will not know anything about it; even the hearings that was held in courts. I made sure that no word will come out of the four corners of the room; not until now—they did not gave me their blessing the same day that I talked to them. It almost took me weeks of gaining their trusts; well, I was not actually alone because I had Mari to back me up and that's the reason why she never left the country. Noong una hindi din naman siya boto saakin dahil buong akala nito ay asawa ko si Lauren at kabit ko si Levie. But I made things clear with her bago kopa ito hingan ng tulong para maging back up ko sa parents ni Chelsea. Gaining their trust gave me a much more satisfied feelings than the day that I won the election.

Pagkarating ko sa harap ng pintuan nito ay kumatok ako pero walang sumagot. Kumatok ako ulit at katulad ng kanina, wala paring sumasagot. Pinihit ko ang door knob na buti na lamang ay hindi naka-lock. Noong una ay hindi ko maaninang ang loob ng kwarto dahil mejo madilim dahil nakababa lahat ng kurtina. Ang ilaw na galing sa hallway lang ang nagsisilbing ilaw sa kwarto nito ngayon.

Naglakad ako papasok at nakita ko ito na nakahiga sa kaniyang kama at natutulog pa. Sinarado ko ang pintuan sa aking likuran at umupo sa tabi nito at hinaplos ang kaniyang buhok. Binuksan ko ang lamp shade at doon ko nakita na nanlalalim ang mga mata nito na indikasyon na galing ito sa pag-iyak.

"Hm" wika nito ng naramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang buhok at binuksan ng kaunti ang kaniyang mga mata. Nakita kong kumunot ang noo nito nang makita ako pero kalaunan din ay inilapit ang katawan saakin at niyakap ang bewang ko at humiga sa aking hita. Humiga ako ng tuluyan sa tabi nito atsaka siya niyakap.

"I'm sorry.." bulong ko rito pero hindi ito sumagot bagkus hinigpitan lang ang yakap nito saakin.

We stayed like that for half an hour at naramdaman ko na natulog ito ulit. Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kaniyang kwarto, bumaba at tumungo sa kanilang kusina. Nadatnan ko doon si Tita na nagpe-prepare ng morning snack dahil 10AM na.

"Good morning po" bati ko dito at nag-mano.

"Ay kaawaan ka ng Diyos, hija.." ngiti nito saakin at bineso ako pagkatapos. "Oh anong sabi niya?"

"Ayun, natulog po ulit.." at napakamot sa batok. "Gusto ko po sana siyang ipagluto ng almusal.. Kung okay lang po hehe" at ngumiti ako ng alanganin dito.

"Awww, napakasweet mo naman anak.." at sinide hug ako nito. "Oo naman okay lang ano kaba! Teka tawagin ko si Manang, siya nalang ang magluto"

"Ay Tita 'wag na po, okay lang. Gusto kopo sana ako nalang ang magluto" pagpigil ko rito.

"Ah ganoon ba? Okay sige ikaw ang bahala.. pero tatawagin ko padin si Manang para matulungan ka sa mga pasikot-sikot ng kusina" ngiti nito. "Maraming salamat, anak" at hinawakan nito ang kamay ko.

"Thank you din po Tita.." madamdamin kong sagot. Ang swerte ko dahil tanggap ako ng mga magulang ni Chelsea at wala akong naging problema sa mga ito. Never din nila akong tinrato bilang outsider kundi tinatrato nila ako na kabilang sa pamilya nila.

Maya maya din ay dumating si Manang at tinulungan ako na ipaghanda ng Sopas si Chelsea. Isa ito sa mga special tea ko, natutunan ko itong iluto simula noong tumira ako magisa sa Pent House na naipundar ko noong College pa ako.

"Hey" bungad ni Alejo noong pumasok ito sa kusina.

"Hello. Kamusta ka na?"

"I'm doing good.. Ang tagal na noong last kitang nakita ah"

"Oo nga e. Wayback college pa..? Tama ba?" tanong ko rito.

Napaisip ito at ngumiti, "Yes.."

"Ilan na ang anak mo?" tanong ko habang nilalagyan ng gatas ang niluluto ko.

"Dalawa na, lalake at babae.."

"Naks naman! Congrats" ngiti ko dito

"Pakilala kita sakanila mamaya atsaka nandito din ang wife ko.." at natawa ito, "takpan mo bibig mo baka maglaway ka ha"

"Nah, loyal and faithful ito 'no" wika ko

"People really change" biglang sabi nito at nagkatinginan kami, "Alam ba ni Chelsea?"

Hindi agad ako nakasagot. "Hindi. Hindi naman niya kailangan pang malaman. Past is past na, diba?"

"Deserve naman ata malaman ng kapatid ko na mag-ex tayo" wika nito at nakatitig saakin, "at isa kang manloloko"

"With all due respect, we we're still young that time. And I did not cheated on you"

"Eh anong tawag mo dun sa nahuli kita na kasama mo si Levie noon sa pent house mo habang nakapatong siya sayo?"

"Will you please stop accusing things? For the record, I broke up with you a month before that incident. I made it clear to you that I am really into women. You are clearly aware of that. But we did try, right? Kasi I know you deserve a shot.. but Alejo, we just did not clicked"

"Yes I know.. I know.. I'm sorry" paghingi ng paumanhin nito. Naiintindihan ko naman siya, may karapatan naman siya magalit dahil parang umasa ito na okay kami at magtatagal ang relasyon namin.

"It's okay, I am really sorry too.."

"Well, I think I really did deserved to know that" wika ni Chelsea habang papasok ng kusina.

"Chels—" sabay naming banggit ni Alejo.

"Sshhh" sabi nito at umupo sa may bar stool. "Don't sweat. I heard it all. It's okay"

Nagkatinginan kami ni Alejo.

"I said, it's okay" and Chelsea chuckled. "Wait, so she's the girl you cried over noong college ka??" bigla nitong na-realize.

"You cried??" gulat kong tanong.

"Eh," at nagkamot ito sa batok, "You can't blame me, right? I loved you that time.." at natawa ito.

"I can still remember those times! I think nasa elementary palang ako noon and I can remember you whining over this woman who left you.." natatawang kwento ni Chelsea at lumapit ako rito at inihain sa harapan niya ang isang mangkok ng sopas. "Sorry to disappoint Kuya, she's mine" and hugged me.

Natawa naman ang kuya nito, "No problem sis. Mahal na mahal ko ang Ate Chantal mo" and winked at us. "Biglang throwback. Haha! Sige na kumain kana 'jan.. maiwan kona muna ako at pupuntahan ko itong mga bata sa swimming area" at tuluyan na siyang umalis.

"Bakit hindi mo sinabi na ex mo pala ang Kuya ko?" tanong saakin ni Chelsea habang hinihipan ang mainit-init nitong almusal habang ako naman ay umupo sa bar stool katabi nito.

Lumapit ako rito at dinampian ng halik ang balikat nito dahil naka sando lang siya. Na miss ko siya agad. "Actually, hindi ko na alam na ex ko pala siya. Kung hindi ko lang siya nakita ulit, hindi ko maaalala yung phase kong 'yon noong College"

"Ang sama mo. Samantalang siya super emote siya noon naghiwalay kayo" natatawa nitong kwento. "Nasa Spain ako noon tapos nagbakasyon ako dito sa Pinas tapos naalala ko noon kung gaano siya i-comfort ni Mama. First heartbreak ka ata 'nun e"

"Sorry na. Di naman kasi talaga ako straight ever since. Di naman sa ano pero na-pressure lang ako ng friends and family ko noon na sagutin ang kuya mo.."

"Yung tungkol kay Levie, totoo 'yon?" Tanong nito gamit ang mahinang boses at nakatingin sa pagkain niya.

I sighed, "Yes. Pero Levie and I never had a relationship. Never din naman may nangyari saamin; we just kissed tapos 'yun na. We were drunk that time and actually tropa kami ni Levie kahit na 3 years ahead ito saakin. We never considered the idea of us being in a relationship with one another because we're not the same.."

"What do you mean you're not the same?"

"Basta. Mahirap i-explain" and I tucked some hair strands behind her right ear. "Is it good?" tanong ko dito noong napansin ko na nakalahati na nito yung binigay ko sakanya.

"Pwede na pagchagaan" sagot nito at nginisian ako.

"Aba loko ka ah" at natawa din ako.

Maya maya noong natapos siya ay pumunta kami sa may swimming area at doon pinakilala niya ako sa mga pamangkin nito na si Yohan at Yunice pati nadin sa asawa ng kuya nito na si Chantal na sobrang ganda din. Mukhang artista sa Madrid.

"Mata mo" bulong ni Chelsea.

Niyakap ko ito galing sa likod, "sshh"

"BESSYWAPSSS!!!" napatingin kaming lahat sa sliding door at nakatayo doon si Mari kasama si Levie na bugnot ang mukha.

"who is that noisy lady" tanong ni Yunice habang umiinom ng juice at basang basa ang katawan dahil kaka-ahon lang sa swimming pool.

"That's Tita Mari" sagot naman ng Kuya Yohan nito.

Nagyakapan ang magkaibigan. Pero bigla itong hinila ni Chelsea papasok ng bahay..

"Wait lang. Kailangan naming mag-usap nito" wika ni Chelsea saakin at dinaanan lang nila si Levie na nakatayo parin sa may sliding door.

"Hey" at nilapitan ko ito.

Narinig ko rin na tinawag ito ni Alejo at inalok ng juice pero umayaw itong isa.

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko rito

Hindi agad ito nakasagot at tinampal ang noo. "Ang hirap magalaga ng naglilihi"

"Sinong naglilihi?" pagtataka ko.

Inikutan ako ng mata nito at tumingin sa magkaibigan na seryosong naguusap sa di kalayuan.

"Tarantado ka" hindi ko napigilan sabihin.

"I know" and she sighed deeply.

"Ilang buwan na???" hindi ko mapaniwalang tanong.

"3"

"3??? E kakauwi lang niyan 2 months ago ah?"

Tinitigan lang ako nito. At ako naman this time ang napatampal.

Levie was born as an intersex. She has a body of a female but has a reproductive system like a man's and she is capable of having an offspring. Only few people knew that information about her lalo na nasa fashion industry ito.

Another realization is that, si Mari ay nakatira sa UK pati narin tong si Levie. Kaya hindi na ako magtataka kung nagkita ang dalawang ito doon knowing their history na nagkakilala na sila 3 years ago sa Cebu. Knowing Levie, she can know your information in just a span of seconds thats why I am confident na pinahanap nito si Mari.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya lumayo muna ako, "Hello?"

"Ma'am, may pangalan napo kaming hawak" banggit ng lalaki sa kabilang linya. Ito yung asset na binigay saakin nung colleague ko.

"Who is it?"

matagal bago ito makapagsalita at akala ko ay naputol na ang linya, "Hane Alcantara po"

Feeling ko tumigil ang pagtibok ng puso ko ng mga oras na 'yon. Nanlamig ako noong narinig ko ang pangalan niya. Hindi ako makagalaw. Na-imagine ko agad yung masamang mangyayari sa hinaharap.

Hindi pwede.

-

VOTE & LEAVE SOME COMMENTS/SUGGESTIONS!! :)

Continue Reading

You'll Also Like

39K 2.6K 8
Sin City Series #1 Galene Montenegro has everything that every woman has dreamed of-a luxurious life, beauty, money, power, an empire, and a husband...
2.8M 80.8K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
141K 3.3K 39
"I guess my role ends here... Thank you for using me."
179K 4.4K 57
PROBINSYANA SERIES #1 Daffodilla Asunta is a girl with no idea what Maynila looked like. Her whole life circulated in their small baranggay but becau...