The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Seventeen

198K 5.8K 678
By FGirlWriter

CHAPTER SEVENTEEN

"LETSE ka, Johann! Letse ka!" bungad ng isang babae kay Johann paglabas nilang dalawa ng kotse ng asawa. Nag-park sila sa labas ng isang organic restaurant na makikita sa Tagaytay.

"Wow. Oo, miss din kita, Xan."

Pabirong sinampal nito si Johann. "Johann... Hu-hu!" Niyugyog pa nito ang mga balikat ng asawa. Dahil gabi na, wala nang masyadong nakakapansin sa kanila. "Hindi ka maniniwala sa nalaman ko mula sa lalaking sobrang yummy ang body at may eight pack abs. Super havey ang fez at masarap humalik. Ugh! Putek, Johann! Y-Yung nalaman ko... Diz iz zo kreyzi."

Napangiwi si Sapphire nang umiyak na si Xan. Kinabig ito payakap ni Johann. Niyakap din ito pabalik ni Xan at sumubsob sa dibdib nito.

May binulong-bulong dito si Johann na hindi niya narinig. Nanulis ang nguso ni Sapphire. Hindi pa nga sila napapakilala sa isa't isa ay biglang parang di na siya nag-e-exist sa mundo ng dalawa.

"Mag-usap tayo, Xan. May sasabihin ako sa'yo. Pero kailangan natin mag-usap privately."

Tumangu-tango si Xan. "K-Kaso sa loob ng resto, walang private room."

"Sa loob na lang tayo ng kotse." Tumikhim si Johann at napabaling sa kanya. "Sapphire, pasok ka muna sa loob ng resto. Mauna ka nang mag-dinner."

Tumaas ang kilay niya. Parang ayaw niyang iwan ang dalawa. Pero... mukha ngang importante ang pag-uusapan ng mga ito.

Napatingin sa kanya si Xan at parang nagulat ito nang makita siya. "Ay! May kasama ka pala, Johann." Nagpunas ito ng mga luha. "Hi, Miss! Ang ganda mo--wait..." Tinitigan siya nito ng mabuti. Lumapit pa ito sa kanya. "Hala! Sapphire Monteverde! Kilala kita! Nakikita kita sa mga socialite magazines. Pinsan ka ni Reeve Monteverde, diba?"

"Y-Yeah..." Hindi na siya nagulat na may nakakakilala sa kanya. Masyadong pamoso ang pamilya nila.

"Bakit ka kasama ng ugok na 'to?" biglang nang-intrigang tanong nito habang tinuturo si Johann.

"Asawa ko si Sapphire, Xan."

"Huwaaaaaat?!" Nanlaki ang mga mata ni Xan at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Maya-maya ay tumawa ito. "Ginu-good time mo ba 'ko, Johann? Sosyal kaya si Sapphire. Di siya papatol sa'yo! Pakasal pa!" natatawang sabi nito.

"But it's true," aniya. "Kasal kami."

Natigilan sa pagtawa si Xan. "Ay. Bakit?" Bumaling ito kay Johann.

"Gusto niya kasi magtayo ng bookstore."

"Huh?"

"Mamaya na kita kukuwentuhan. Ikaw muna ang magkuwento." Hinila na ito ni Johann sa kamay.

"Ano ba iyan! Confused na naman ako! Nung umalis ako, si Czarina pa--"

"Sshh! Halika na. Pumasok ka na sa kotse. Marami tayong pag-uusapan. Letse kang, babae ka. Aalis kang broken hearted, tapos tatawag ka na lang bigla na ngumangawa na naman dahil sumama ka sa lalaki!"

"Hindi lang siya basta lalaki, bhe! Yumminess ang aura ng fafaness na itey! Walo ang abs! Walo! Kaso may pinasabog siyang---"

"Pinasabog?! Madaming pinasabog?" nakangising sabi ni Johann.

Binatukan ito ni Xan. "Pucha! Hindi ganoong pasabog! Ang halay mo, ah!"

Pumasok na ang mga ito sa kotse. Si Sapphire, naiwan sa labas. She felt left out. Pero sanay naman siyang nale-left out kaya okay lang. But being left out by Johann... parang iba sa pakiramdam.

Hindi lang siguro siya sanay na nasa ibang tao ang atensyon ng asawa. Dahil sa tuwing magkasama sila, ramdam niyang laging nasa kanya ang atensyon ni Johann. At habang nakikita niyang sobrang close nito at ni Xan--mas close pa sa kanilang mag-asawa...well, iba lang sa pakiramdam.

Nagseselos ka nga kasi, Sapphire.

Stop it, brain! Stop. Just stop!

You're inlove, girl!

Ugh!

Tumalikod na siya at tumuloy sa loob ng restaurant na medyo marami ang tao. Dinner time na rin kasi. Umupo siya sa isang table na katabi lang ng glass window kung saan kitang kita ang kotse ni Johann. Kaya naman mula sa puwesto niya ay naaaninag niya pa rin ang dalawa na seryoso na ngayong nag-uusap.

"Good evening, Madam. Here's our menu."

Napatingin siya sa waitress na may hawak na menu. Nginitian niya ito. "Ahm, no thank you. Just serve me your best course."

Tumango ito. "Would you like to have a tea, Madam, while waiting?"

"Sure thing. Thank you."

Umalis sandali ang waitress at pagbalik ay may dala ng tsaa. Tamang uminom siya noon para makalma siya. Maki-clear din ang pag-iisip niya kung sakali. Masyado nang maraming nangyari ng araw na iyon, well...para sa kanya. Masyado siyang maraming naiisip lalo na sa feelings niya.

Bakit ba kasi hindi simpleng tanggapin ng puso niya ang posibiladad na mahal niya na si Johann? Pero, bago lang kasi sa kanya ang pakiramdam kaya baka nga napagkakamali lang niya sa ibang feelings. Maybe she's too much fond of Johann, ganoon...

Okay. Go on. Convince yourself more, Saphi. Just accept that you're in love.

Hindi ko nga kasi alam kung ganito ba talaga ang pakiramdam ng in love! Argh!

Napasimangot siya. Kanina pa may nagtatalo sa loob ng isip niya at palakas iyon ng palakas. Ugh!

Just stop denying, Sapphire. Ikaw lang naman ang nahihirapan. Ano naman kung aminin mong mahal mo na si Johann, di'ba? It's not going to kill you or something.

She drank her tea and waited for her order. Wala muna siyang iisipin. Wala muna. Bukas na lang siya mag-iisip. She'll just enjoy the Tagaytay breeze tonight.

Napatingin siya ulit sa kotse ni Johann. Sinasabunutan na ni Xan si Johann, nakita niya. Napailing-iling na lang siya. Kitang kita kung gaanong ka-close ang mga ito para magbiruan ng ganoon. Pansin niya kung gaano kakomportable ang mga ito sa isa't isa.

Nangalumbaba siya at saka tinignan ng mabuti ang dalawa. Lalo na si Xan. Nangunot ang noo niya nang mas mapansin ang itsura nito. She seems familiar...

Saktong dumating ang in-order niya. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagkain.

Nangangalahati na siya sa pagkain ng maalala kung sino ang kamukha ni Xan. Si Tanya Aragon! Isang anak rin ng mayaman si Tanya na schoolmate niya sa isang exclusive school ng highschool sila. Two years ang tanda niya sa babae pero naging co-members sila sa isang writing club noon. Hindi niya makakalimutan si Tanya dahil lagi silang partners noon kapag may club assignment.

Pero nabalitaan niya seven years ago na namatay daw ang babae dahil sa isang car accident...Pero kamukhang kamukha talaga ni Xan ang babae... Nagkibit balikat na lang siya sa huli. Marami namang magkakamukha sa mundo.

"Misis."

Mabilis siyang napaangat ng tingin at nakita si Johann sa harap niya at kasama na nito si Xan.

"Tapos na kayo mag-usap?" gulat na tanong niya.

Umupo sa tabi niya ang asawa habang umupo sa tapat niya si Xan. Mukha itong malungkot pero pinipilit pa ring ngumiti.

"You remind me of someone," aniya kay Xan.

Napabuntong hininga ito. "Hulaan ko, si Tanya Aragon?"

Tumango siya.

"Kilala mo ba iyon?" tanong ni Johann sa kanya.

"Yeah. We belong to the same circle, so we do bump with each other nang buhay pa siya. Saka, schoolmates kami nung highschool at magkasama sa iisang school org."

Nagkatinginan sina Johann at Xan.

"Why?" she asked.

"Pero kilalang kilala mo ba si Tanya?" interesadong tanong ni Xan sa kanya.

"We're not that close. Mahiyain kasi siya at saka aloof sa tao. And she's always with her sister."

Tumango ito. "Okay." Bumalik sa pagkalungkot ang itsura nito.

Nahihiya naman siyang magtanong kung anong problema nito kaya bumaling na lang siya kay Johann na inuubos na ang pagkain niya.

"Anong pinag-usapan niyo?" bulong niya sa asawa.

Tinapos muna nito ang pagnguya. "May problema lang siyang sinabi na kailangan niyang ihinga. Hayaan mo lang iyang si Xan. Magiging okay rin iyan kapag natanggap niya na ang kapalaran niya. Mukha lang siyang malungkot pero nag-iisip lang iyan."

Pagbaling niya kay Xan ay tulalang nakatingin ito sa labas.

"Ang sarap naman nitong in-order mo. Ano ba 'to?" tanong ni Johann.

She shrugged. "I don't know. That's the best they serve here so I just ordered it."

Sumubo ito ng malaki mula sa steak na mukhang hindi naman meat pero parang gawa sa gulay kaya iba ang lasa pero masarap. "Grabe. Nagutom ako sa biyahe." Naghiwa ulit ito ng stake at akmang isusubo sa kanya. "Kain ka pa, Misis."

Awtomatikong bumuka ang mga labi niya at sumubo.

They're sharing the same spoon, fork, and food. Why did she think that it was sweet?

Kasi nga inlove ka.

Napakamot na lang siya ng noo.

"Nga pala," biglang sabi ni Xan. "Pasensya na sa inyo kung naabala ko kayong mag-asawa. Ano, Sapphire, next time bonding tayo kapag keribels ng time. Magulo kasi life ko ngayon. Kasalanan 'tong lahat ni Johann!"

"Gagi. Ako pa, ha?"

"Hmp! Letseng buhay!" Napasubsob ito sa lamesa. "Why is everything got to be this complicated?"

"Kasi nag-i-english ka na."

"Gusto ko na lang bumalik sa trabaho ko. Gusto ko na lang maging direktor ulit..." Xan murmured.

"Hayaan mo na. May lalaki ka naman na may eight-pack abs at may chikiting ka pa na cute," sabi naman ni Johann na parang wala nang pakialam ngayon kundi ang kumain.

Napatuwid ng upo si Xan. Nangalumbaba ito at tumingin sa kawalan.

Dahil hindi naman maka-relate si Sapphire, nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Johann.

"Kukuwento ko sa'yo kapag puwede na," bulong nito sa kanya. "Top secret kasi ang problema ng babaeng iyan. But rest assured, iyon lang ang secret. Wala kaming secret affair."

"Bakit ba paliwanag ka ng paliwanag sa'kin? Naniniwala naman ako na hindi nga kayo. I mean, bagay kayo pero halatang super close friends lang kayo." Inagaw niya rito ang tinidor at siya na ang umubos ng huling hiwa ng steak.

He chuckled. "Ang dami ngang nagsasabi na bagay kami."

Napasulyap siya kay Xan na sa labas pa rin ng bintana nakatingin at parang malayo ang iniisip.

"You two look good together," pag-amin niya base sa nakita niyang chemistry ng mga ito habang nag-uusap sa loob ng kotse.

"Tayo rin naman."

"Huh?"

He smiled. "Bagay rin tayo. We look good together."

"No." Lumayo siya rito. "Hindi tayo bagay."

"Bakit? Porke't lumaki ka sa mansyon at ako ay nakatira lang sa bungalow kaya hindi tayo bagay? O dahil sobrang ganda mo at sobrang pogi ko na baka sumabog tayo kapag nagsama-aray!" daing nito nang matamaan ang ilong nito ng kutsara na binato ni Xan.

"Hindi ganyan dumiga sa babae. Letse 'to," natatawang sabi ng babae at saka siya tinignan at nginitian. "Kapag natayo mo na bookstore mo, iwanan mo na iyang lalaking iyan."

"Grabe. Saludo ako sa'yo, Xan," sarkastikong wika ni Johann. "Isa kang supportive na kaibigan. Napakasuportado mo. Hands down ako sa'yo, pards! Salamat sa encouragement. Salamat talaga. Pumunta pa kami dito para sa'yo, eh. Salamat talaga. Habang buhay kitang pasasalamatan."

Ngising aso si Xan nang tumayo ito at magpaalam. "Text-text na lang, friends! Nandyan na sundo ko. Ano, good luck sa inyong dalawa. Humayo kayo at magpakarami. Babush!"

At sa isang iglap ay wala na ito sa harap nila.

"You have a weird friendship with her," she commented.

Johann laughed. "Ganoon ang tunay na pagkakaibigan. Nag-aasaran ng walang pikunan." Inabot nito ang teacup niya at uminom din doon. "Pwe! Ano 'to? Bakit gan'to lasa? Ang pait!" angal nito habang nakangiwi.

"That's a tea, Mister."

"Kaya pala," nakangiwing sabi pa rin nito. Ibinaba na nito ang teacup at nanghingi na lang ng tubig sa isang waiter.

"Ano nang gagawin natin?" natanong niya. Since wala na si Xan, she assumed that everything's okay already.

"Ikaw, may gusto ka bang gawin?"

She looked at her silver wristwatch. Lagpas Nine PM na pala! Ang bilis ng oras! "Let's go home? May mga gagawin ka pa..."

"Huwag mo 'kong alalahanin. Puwede namang gawin ko na lang iyon bukas. Linggo naman. Nasa Tagaytay na tayo ngayon. Baka gusto mong mamasyal."

"Gabi na. Saan pa tayo mamasyal?"

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya nito patayo. "Maglakad-lakad na lang tayo. Masarap ang lamig sa labas, sulitin natin habang nandito pa tayo."

She liked the idea, so she agreed with him. Pagkatapos nilang magbayad ng bill ay naglakad-lakad na nga sila ni Johann sa labas. Buti na lang at may magandang garden at walk path ang restaurant.

Hawak pa rin ni Johann ang kamay niya. Bumalik sa alaala niya ang gabi bago ang birthday niya. Magkahawak kamay rin sila ni Johann na naglakad sa dalampasigan noon.

"Misis."

"Hmm?"

"Alam kong may kanina pang bumabagabag sa'yo. Hindi mo pa rin ba talaga sasabihin sa'kin kung ano?"

"How can you say that I do have a problem?"

"Inoobserbahan kita. Tinitignan ko mata mo. Hindi ka naman kasi mahirap intindihin kung pagtutuunan lang kita ng atensyon. At gusto kong ginagawa iyon."

"You like reading my thoughts?"

"Gusto kong nasa iyo lahat ng atensyon ko."

Napatigil siya sa paglalakad at bumitiw sa kamay nito. "Johann, stop fooling around. I get it. You're brokenhearted and you need to divert your attention. But please, don't flirt with me, okay? I'm a friend, you said. We're friends! Just leave it that way." Tinalikuran niya ito. Dahil isa pang hirit ni Johann, bibigay na siya. Eh, alam naman niya ang tunay na estado ng puso nito.

Kaya nga kanina pa niya ayaw tanggapin na mahal niya na ito. Sapagkat alam niyang walang katugon ang damdamin dahil may iba pang mahal si Johann.

"Sapphire!" habol nito sa kanya.

"Umuwi na tayo. Ayoko nang maglakad-lakad. I'm tired," aniya habang hindi ito nililingon.

"Sapphire, gusto kita."

Napahinto siya sa paglalakad. Her heart just jumped out from her rib cage.

"Oo, hindi pa kita mahal. Pero gusto kita. Gustung-gusto na kita."

Dahan-dahan niya itong nilingon. "W-What the hell...?" nanghihinang sabi niya.

Seryosong-seryoso ang buong mukha nito. Wala ang mga nakasanayan niyang ngiti sa mga labi nito. Wala ang kislap sa mga mata nito at kung anu-anong emosyon ang nandoon.

He stepped forward. "Magiging tapat na 'ko sa'yo. Kung sa tingin mo masyadong mabilis, wala akong pakialam. Basta sinasabi ko sa'yo, gusto na kita. Gusto kitang yakapin lagi. Gusto kitang nakikita parati. Gusto kitang mahalikan pa ulit. Gusto kong... gusto kong..."

Hinihingal na si Sapphire kahit wala naman siyang ginawa kundi tumayo doon.

Napabuga ng malakas si Johann. "Magmula nang makita kitang naglalakad papunta sa altar ng kinasal tayo, gusto kong..." He exhaled. "Ewan ko ba, pero gusto kong mahalin ka."

Hindi pa rin makakilos sa kinatatayuan si Sapphire. Unang beses niyang makaramdam ng parang... all the organs inside her body were on chaos. At ang pinakamagulo ay ang puso niya.

Gusto siyang mahalin ni Johann... Napailing-iling siya. She tried to grasp for words. At bago pa siya makapagsalita ay nakulong na siya sa mga bisig nito. Niyakap siya nito nang mahigpit.

"Sapphire... Nahuhulog na 'ko..." bulong nito. "Puwede bang saluhin mo 'ko?"

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

684K 15.4K 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mab...
662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...
3.4M 86.7K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written Šī¸ 2015-2016 (...