The School Outbreak

By ItsRaelAngelo

30.4K 1.2K 348

The Jeianjoe Pharmaceuticals invented a medicine to prevent the Covid-19 transmission around the country. The... More

Prologue - The Start
Chapter 1 - Infected
Chapter 2 - Pharmaceutical
Chapter 3 - Code Red
Chapter 4 - Dentrix
Chapter 5 - Havoc
Chapter 6 - Oliver
Chapter 7 - Resolution
Chapter 8 - Human Nature
Chapter 9 - The Scheme
Chapter 10 - Clinic
Chapter 11 - Guardhouse
Chapter 12 - Canteen
Chapter 13 - The Rescue
Chapter 14 - Classroom
Chapter 15 - Hallway
Chapter 16 - Library
Chapter 17 - Dance Room
Chapter 18 - A Spy?
Chapter 19 - Do You Copy?
Chapter 20 - Theater Arts
Chapter 22 - The Ladder
Chapter 23 - Principal's Office
Chapter 24 - Cyclone Eye
Chapter 25 - Friends Forever
Chapter 26 - Garden
Chapter 27 - Two Into One
Chapter 28 - The Gate
Chapter 29 - Break Free
Chapter 30 - Having Some Fun
Chapter 31 - Outside World
Chapter 32 - Personnels Only
Chapter 33 - Stock Room
Chapter 34 - Welcome To Hell
Chapter 35 - Catastrophe
Chapter 36 - Unimprisoned
Chapter 37 - Verge of Sanity
Chapter 38 - Battle Royale
Chapter 39 - Sir Raygon
Chapter 40 - After Dark
Chapter 41 - Natural Selection
Chapter 42 - Start of The End
Chapter 43 - Sanctuary
Chapter 44 - Best. Stay. Ever.
Epilogue - The Gagoals
Gratitude + Dedication
Facts + Questions

Chapter 21 - The Darkness

568 25 3
By ItsRaelAngelo

Tumayo na si Aidan at kinuha ang mga bag ng weapons na nanggaling sa guardhouse. Inilabas na rin niya mula rito ang mga head flashlights, at binigyan sila isa-isa ng mga ito. Nagdadalawang-isip man, marahan naman itong tinanggap ng lahat.

"Parang naghahanda na lang tayong lahat para sa giyera, ah?" Pambasag ni Nathaniel sa katahimikan. Wala masyadong nagsasalita sa kanila dahil occupied na ng pagka-kaba ang kanilang mga isipan. Ayaw naman niyang mamuhay sa katahimikan, kaya naman naisip niya na simulan na lamang ang pag-iingay. "Head flashlights, madilim na labas, naulan, and then with the dangers outside. . . Tapos, mga survivors pa tayo rito. Eh hindi ko nga alam if school pa ba ito or battle grounds, eh!" Tinanggap na niya ang ibinibigay ni Aidan sa kanya at sinimulan na itong i-set-up sa kanyang ulo.

Inabutan ni Aidan ng head flashlight si Sir Raygon. Dahil nga nakatali pa rin ang mga kamay nito, ipinatong na lamang ni Aidan sa hita ni Sir Raygon ang head flashlight atsaka umalis na. Babalik na sana ulit siya sa kanyang puwesto nang biglang magsalita si Sir Raygon. "You guys know that this is just a suicide mission, right? Pinapatay niyo lang ang lahat ng mga kasamahan niyo."

Aidan stopped walking. Binalikan niya ng tingin si Sir Raygon. "But staying here is also killing us in the first place! Kaya naman mas mabuti pa na may ginagawa tayo kaysa sa hintayin na lang natin ang kamatayan natin dito. . . You know that we must do something! Kung ayaw mo naman at magrereklamo ka lang nang magrereklamo, puwede ka namang maiwan dito. Huwag kang sumama sa suicide mission na sinasabi mo." Bumalik na ulit siya sa kanyang mga kasamahan. Narinig niya na minura pa siya nang malakas ni Sir Raygon.

"Hindi ko inaasahan na darating pala ang panahon na gagawin natin 'to." Ani Zander. Nakaayos na ang head flashlight sa kanyang ulo. "Na lalabas tayo nang ganitong kalaliman ng gabi, habang may kinatatakutan sa labas. Tapos, hindi pa natin sigurado kung makakaligtas tayo rito nang buhay."

"Wala naman kasi talagang nag-aakalang mangyayare sa atin ang lahat ng ito, eh. We thought that we would just see these stuffs in a horror paranormal movie. Hindi naman natin alam na gagawin palang totoo ng Jeianjoe Pharmaceutical ang lahat ng ito." Zeus said.

Patuloy na naulan sa labas. Mas lumakas na ito kaysa kanina kaya naman mas natakot sila. Iniisip nila na baka may paparating pang bagyo dahil sa lakas ng hangin na bumubungad sa kanila sa may bintana. Naugoy na ang mga sanga ng puno, habang kahit nakasara ang bintana ay naririnig pa rin nila ang hangin dito.

"Mag-iingat kayo sa mga jumping zombies, ha." Heart said. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Jumping zombies?" Paula asked. "What in the hell is that?"

Heart smiled. "Wala lang! Pinauso ko lang na isang variation ng mga zombies. Iyon yung nagapang sa may gilid ng hagdanan at natalon na lang bigla kaya naman hindi natin ito nakikita. Iyon yung umatake kay Tom noong una tayong umalis rito, at yung umatake naman kay Jiana kaya siya naging infected. . . Now that there's so dark outside, baka hindi na natin makita ang mga pagtalon nila at baka matuluyan na nila tayo. . . Wala pang nakakagat yung mga ganoon sa atin eh. Nakalmot lang. . . Kaya naman mag-iingat talaga kayo."

Lahat sila ngayon ay may suot nang mga head flashlights. Nakapabilog ang mga magka-kaklase, habang nakatali pa rin si Sir Raygon sa isang gilid at hindi pa rin nila pinapakawalan. May plano naman silang kalagan ito, ngunit naisip nila na mamaya na lang kapag lalabas na talaga sila upang hindi ito makagawa nang masama. Isinuot na rin ni Paula ang head flashlight kay Principal Raygon.

"Should we hug before going out? Have a bond? Take a pic? You know. . . For memories. Bago tayo sumuong sa literal na sakuna." Ani Marck. Napatawa naman ang lahat.

"Basta't mag-iingat kayong lahat, Sphene. Dapat, wala nang mawawala sa atin kapag lumabas tayo rito. Alam niyo naman na malapit nang dumating ang tulong kaya naman lakasan niyo na ang mga loob niyo. You guys should also be grateful dahil makakaalis na rin tayo rito in less than two days! Kaunti na lang talaga ang sasagupain natin, kaya naman huwag na kayong mawawala." Pagpapalakas ni Tom sa kanilang mga loob.

"But, by anayzing your voice, mukhang mas delikado pa ata ang two days na kakaharapin natin, kaysa sa two days na naranasan natin noong mga nakaraan." Olivia said, out of nowhere.

Tom nodded. Hindi na niya kailangan pang i-sugarcoat ito dahil alam na naman nilang lahat ang tungkol dito. "Sorry kung palagi ko na lang kayong nailalagay sa panganib. I don't want you guys to be in a dangerous situation. . . Pero wala lang talaga akong choice dahil kailangan nating magsama-sama. Kapag kasi iniwan ko lang kayong lahat dito, baka hindi na kami bumalik pa. Maiiwan talaga kayo rito nang literal kapag ganoon ang ginawa ko."

Jaydee tapped Tom's shoulders to comfort him, and then he smiled. "Alam naman naming lahat iyon, eh! Tiyaka, in the first place, nasa delikadong situwasyon na tayo rito kaya huwag mong sisihin ang sarili mo kapag may nababawas sa atin o may nangyayare sa aming masama. Sabi mo nga, battle of the fittest na 'to. . . Natural selection! Ang nature na ang pumipili ng mga karapat-dapat. Kaya huwag kang mag-alala dahil alam namin na ginagawa mo lang ang part mo para sa amin."

"We could even risk our lives for you, Tom. . . You know it!" Dagdag pa rito ni Chienna. "Nasa-sayo ang buhay ng mga karamihan sa atin, kaya naman kapag nawala ka pa, parang namatay na rin ang lahat sa amin. . . So don't you dare to be killed. Talagang kami ang papatay sa'yo pagkatapos." All of them laughed after that. Nagkaroon ulit ng katahimikan sa kanilang lahat.

Everyone is now busy with their talks. Ito na kasi ang huling pagkakataon nila nang sama-sama kaya naman sinusulit na lamang nila ito. Hindi nila napansin na nakakita pala ng isang handgun si Sir Raygon sa may upuan malapit sa kanya, kaya naman inisod niya nang inisod ang upuan upang makuha niya ito.

Gamit ang kanyang mga nakataling kamay, pinipilit niya itong abutin upang mapasa-kanya. Sa una ay hindi pa niya ito kaya, ngunit nang dahil sa pagpupursigi niya ay nakuha na niya ito at naibulsa. Madilim ang paligid, bukod sa mga ilaw nila sa kanilang mga ulo, kaya naman walang nakakita sa kanya nang gawin niya ito.

"You guys know that this is the last time we'll gonna be sixteen, right?" Nikka asked. Napatahimik naman ang lahat dahil alam nila na totoo ito. "Dahil sigurado ako na kapag lumabas tayo sa may pintuan na iyan, may mababawas na naman sa atin. . . Kaya, mahal na mahal ko kayong lahat. Walang magbabago."

Inilapag ni Maxwell ang kanyang kamay sa kanilang harapan. Napatingin naman ang lahat dito. "For Grade 12 - Sphene. Walang iwanan. Hanggang dulo." Ipinatong na ni Tom ang kanyang kamay rito. Na sinundan ni Aidan, at ni Faith, hanggang sa magsunod-sunod na silang lahat.

All of their hands are now infront of them. Isinigaw nila ang pangalan ng kanilang section, atsaka nag-grouphug. They know that this is the last time they will gonna be together. Alam nila na dito na rin magsisimula ang mga paghihirap nila ngunit wala na silang magagawa pa. Nakakalungkot lang dahil alam nila na sa ganitong sitwasyon pa pala magtatapos ang lahat.

Lumapit si Jaydee kay Sir Raygon. Natakot naman si Sir Raygon na baka makita nito ang baril na nakuha niya, kaya naman agad siyang umayos ng kanyang pagkakaupo. Nagsimula na ring magbitbit ang lahat ng kanilang mga gamit upang may mga gamot, pagkain, at baril pa rin sila sa kabila. Sinimulan na niya itong kalagan.

"Sinabi sa akin ni Tom na ako raw ang magbabantay sa'yo kapag lumipat na tayo sa kabila. I don't know why they are always pairing me with you because you are a piece of shit, pero hindi naman ako makakatanggi sa kanila. . . Just be normal, Sir Raygon. Huwag kang gagawa ng kahit anong katangahan sa paglipat natin o kahit sana sa kabilang building, please lang." Ani Jaydee sa kanya.

"Sure." Principal Raygon just smirked. Naninibago si Jaydee sa kanya dahil hindi naman ito ganito ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. Naisip niya na baka nagtanda na ito nang siya ay igapos, kaya naman magbabago na siya nang tuluyan. Aalis na sana si Jaydee nang bigla siyang tawagin ni Principal Raygon. "May I ask, what is your gun, Jaydee?"

Jaydee stopped walking, and then looked back at him slowly. Hinarap naman niya si Principal Raygon. "Handgun. . . Bakit?" Ipinakita pa niya ito sa kanya. Principal Raygon act like he was shocked. Napa-urong pa siya dahil dito.

"Papaano ako makakasiguradong hindi mo ako babarilin?"

"If you act completely normal, then, hindi kita babarilin! Simpleng cause and effect lang naman iyon. Maging mindful ka na lang sa lahat ng mga gagawin mo para hindi ko maisip na barilin ka."

Inilahad ni Principal Raygon ang kanyang mga kamay. "Give me the shells. Give me the bullets of the gun."

Jaydee smirked. Napailing siya dahil sa naisip na pakulo ni Sir Raygon. "And why would I do that? Bakit ko naman ipagkakatiwala sa'yo iyon?"

"It's for my safety! Para naman masigurado ko na hindi mo ako babarilin!" Lumapit pa sa kanya si Sir Raygon nang kaunti. "Look, I don't have a gun kaya naman hindi ko rin magagamit ang mga iyan. . . At isa pa, you are the one here who have the gun! Ano pa ang gagawin ko diyan?"

"Ikaw na nga ang nagsabi, diba? I am the one who have the gun here kaya naman ako ang mas may awtoridad sa ating dalawa." Itinulak niya nang marahan si Sir Raygon. "So, stay in your lane. Nasa outbreak na tayo ngayon at hindi na normal ang lahat. Wala na ang Principal position mo or ang student position ko. . . Dahil sa panahon natin ngayon, ako na ang may baril, at ako na ang may karapatang magdisiplina sa'yo."

"Kahit naman siguro walang bala iyan, madi-disiplina mo pa rin naman ako, diba?" Sir Raygon laughed sarcastically. Naisip niya na gamitan na ngayon ng reverse psychology si Jaydee. "Huwag mo sa akin sabihing hindi ka marunong mag-self defense? Or kahit mamukpok man lang gamit ang baril? Then, you are the weak one here. Malakas ka lang pala dahil sa baril mo. . . Well, no doubt with that. Ganiyan ka na nga pala talaga kahit nung nasa clinic tayo."

Jaydee stopped for a second. Naiinis na siya sa mga ganitong linyahan ni Sir Raygon. Naisip niya na dapat ay pakitaan niya ito, kaya naman hinalungkat na niya ang kanyang bulsa upang hanapin ang mga bala. Ibinigay niya kay Sir Raygon ang ammution box. Binuksan niya ito at nakita niya na may sampung bala pa sa loob nito. "Ipapakita ko sa'yo ngayon kung sino ang mahina sa ating dalawa."

Sir Raygon smirked, and then nodded. "Yep. And may the best man stays alive." And Sir Raygon meant it. May binabalak na siya ngayon ngunit ayaw lang niya itong ipahalata. Hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil dito.

"Don't do anything stupid with that, Sir Raygon. Kapag winala mo iyan o inilagay mo lang kung saan-saan, ako mismo ang magsasalaksak sa'yo niyan pababa ng bunganga mo."

Sir Raygon nodded, and then smiled once again. "Okay. . . Got it, Boss."

Tinawag na ni Tom ang lahat. Lumapit naman ang mga ito sa may pintuan at naghanda na upang makaalis na sila sa lugar na ito. Tahimik lang silang naglakad rito upang hindi marinig ng mga zombies ang kanilang mga yabag at ang mga kalampag ng pintuan.

Tom looked back at them for the one last time. Nagdadalawang-isip pa siya kung itutuloy pa ba niya ang kanyang sasabihin sa kanila o hindi na. . . Naisip niya na ituloy na lang ito para sa kapakanan nila. "Dito na magsisimula ang lahat. . . Pagkalabas na pagkalabas natin sa pintuan na iyan, do or die na ang magiging situwasyon natin dito. Ready na ba kayo?"

"Putangina naman, Tom! You know that we are not ready for anything else on these days." Ani Lexie. Napatawa naman at sumang-ayon rito ang lahat. "Pero kakayanin. . . Wala na tayong choice, eh."

"Well, then. Good luck, everyone. . . Keep safe, and don't be dead." Huling sabi ni Tom sa kanila. Binuksan na nito ang pintuan, at isa-isa na silang nagsilabasan.

---------------------------

Si Tom na ang nag-lead sa kanilang pag-alis. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang nila ay kaagad na bumungad sa kanila sa may pintuan ang katawan ni Jiana na may bag sa ulo habang duguan. Nasundan pa ito ng katawan ni Axel, na nakahilata naman sa kalagitnaan ng hallway habang pira-piraso na at may butas pa sa bumbunan. Napaurong naman ang iba dahil dito.

Nanginginig na si Paula dahil sa takot, ngunit hindi pa rin niya ito ipinapahalata sa kanyang mga kasama. Nakahawak lang siya nang mahigpit kay Marck, habang dahan-dahan nilang binabaybay ang hallway upang makababa na sila.

Patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan sa labas. Tila may paparating pang bagyo dahil sa lakas nito kaya naman mas natakot sila. Malalakas din ang mga hangin, at kitang-kita nila mula sa mga bintana ang mga malalakas na paghataw ng mga sanga ng puno rito.

Kinakabahan na nga sila sa mga maaari nilang makita, tapos ay ganito pa ang ambiance ng kanilang paligid. Mas nadagdagan tuloy ang takot nila dahil dito. Idagdag mo pa na walang ilaw sa lahat kaya naman mas naging matatakutin sila dahil hindi nila alam kung ano ang mga maaaring nagkukubli sa dilim malapit sa kanila.

Tinapatan ni Paula ng head flashlight ang bintana sa may Dance Room. Nakita niya doon sina Randy at Georgie na nakasilip, habang malakas na pinaghahampas ang bintana sa pagitan nila. Nagulat naman si Paula dahil dito. Tila nasa horror house siya at hindi niya ine-expect ang mga ito, kaya naman napasigaw siya dahil dito. Napatalon at napasigaw din ang iba dahil sa gulat sa kanya. Nang ma-analyze nila kung ano ang nangyare ay agad silang napatingin nang masama kay Paula.

"Papatayin mo ba tayong lahat dito?" Sir Raygon asked. "If you want to die, then, huwag mo na kaming idamay pa. Why don't you just go run on the surge of zombies out there and just kill yourself? Mas mabuti 'yon. I-sacrifice mo na lang iyang sarili mo para sa amin. Para naman magkasilbi ka sa outbreak na ito at hindi pang-display lang." Tinulak ni Jaydee si Sir Raygon. Nag-stumble naman ito nang kaunti papauna ngunit nakatayo rin nang maayos pagkatapos. Tinignan ulit silang lahat ni Sir Raygon. "What? Just the facts!"

Napailing naman si Paula at napa-buntong hininga dahil dito. "I— Sorry. . . Sorry pero hindi talaga ako sanay sa mga ganito. . . Alam niyo naman na ayaw ko ng mga horror movies, eh. Then now, we are living on one. Hindi natin alam kung ano ang maaaring makita natin ngayon. It looks like we are on an abandoned building, and then flashlight lang ang hawak natin. Tapos, may mga ganiyan pa na nasulpot na lamang kung saan-saan. Isipin niyo naman kung ano ang mararamdaman ko."

"It's fine, Paula." Paninigurado ni Heart sa kanya. "Just be quiet, and everything will gonna be fine." Tumango si Paula sa kanya kahit na kinakabahan pa rin siya. Mas lalo lang humigpit ang pagkakakapit niya kay Marck dahil sa mga kung ano-anong nakikita niya.

Walang infected sa hallway ng fourth floor kaya naman mabilis lang silang nakababa. Nasa third floor na sila nang mapatigil sila dahil sa dami ng mga infected na nakakalat. Tila naging estatwa na ang lahat dahil sa takot. Palakad-lakad lang ang mga infected sa harapan nila nang walang direksiyong pinupuntahan. Nagkaka-bungguan na ang mga zombies ngunit hindi nila ito napapansin, at tinutuloy lang nila ang kanilang mga paglalakad na walang katuturan.

Tinignan nilang lahat si Tom nang tila ma-stuck sila sa may third floor. Hindi sila makagalaw nang ayos dahil baka makita sila ng mga ito at makuha nila ang atensiyon ng mga zombies. Dahil sa noo nila nakalagay ang mga ilaw, tumatapat sa mga infected ang flashlights kapag lumilingon sila. Tom put his lips on his mouth, and then whispered to everyone, "Quiet." All of them nodded.

Inilibot ni Paula ang kanyang mga paningin sa lahat. Dahil nga nasa kanyang noo ang flashlight, kahit saan man siya lumingon ay may nakikita siyang mga infected. Tila sumasakto pa na kada lingon niya ay may mga zombies na natatapatan niya. Nakikita niya ang mga itsura nila kaya naman mas natakot siya. She starts to become feeling jumpy. Tinakpan na niya ang kanyang bibig dahil alam niya na kahit anong oras ay mapapasigaw na siya. Pilit na lang niyang tinatanggal ang mga ito sa kanyang isipan at napapailing na lamang siya.

Ang ilan sa mga infected na nasa harapan nila ay wala nang mukha. Ang iba naman sa mga ito ay kulang-kulang na ang mga parte ng katawan at ang iba naman ay may kagat-kagat pang mga laman. Karamihan sa mga infected na ito ay wala nang mata, ilong, at pisngi. May mga ilan pa sa mga ito na napakaraming kagat sa leeg na tipong matatanggal na ito at mababali. Lahat ng mga ito ay puro duguan. Tahimik na napaiyak si Paula dahil dito.

"I don't think I can do it." Bulong niya kay Marck.

Napalingon naman ito sa kanya. "What? Why?"

"Sobra na lahat 'to. Hindi ko na kaya." Napapailing pa si Paula habang sinasabi niya ang lahat ng ito. She's now panicking. . . Hindi niya alam ngunit napapalakas na pala nang unti-unti ang boses niya. Napapalingon na ang nga infected sa posisyon nila ngunit hindi naman madetect ng mga ito kung nasaan sila, kaya naman pinagpatuloy na lang ng mga ito ang paglalakad nila.

"We just have two floors below. . . Kaya mo na iyan, okay? Andito lang kami." Pagco-comfort ni Marck sa kanya. Nilapitan siya nito nang kaunti, at pagkatapos ay binulungan siya nito. "We have guns. . . Kaya huwag kang matatakot sa kanila." Paula nodded. Hindi na siya nag-isip pa upang hindi na siya kabahan pa.

Paula closed her eyes and took a deep breath. Naisip niya na ito ang magpapakalma sa kanya kaya naman kailangan niya itong gawin kung ayaw niyang siya pa ang magbibigay ng kapahamakan sa kanyang mga kaibigan. Binitawan niya si Marck. Hindi naman alam ni Marck na hindi na pala ito nasunod sa kanya, kaya naman nagtutuloy-tuloy na siya pababa kasama ang lahat at umuna na. Naiwan naman si Paula sa third floor habang nakapikit dahil dito.

Sa pagmulat ni Paula, bumungad na kaagad sa kanyang harapan ang isang zombie. Wasak na ang bunganga nito at wala ng panga. His tongue is also hanging loose. Nakikita na rin niya ang lalamunan nito at ang kanyang esophagus dahil exposed na exposed na ito at tila binalatan pa. His eyes are also hanging out of the socket. Malayo pa ito sa kanya at hindi siya pinapansin, ngunit dahil sa takot ay nagsisisigaw na siya.

Akala ni Paula ay kakalma na siya kapag ipinikit niya ang kanyang mga mata. . . Ngunit dahil ito kaagad ang bumungad sa kanya, mas lalo lang siyang nagpanic at hindi na niya alam pa ang gagawin niya. She looked around to find her friends. Nakita niya na nababa na ito sa may hagdan pababa ng second floor at medyo malayo na rin sa posisyon niya.

Dahil alam ni Paula na hindi na ligtas pa sa ibaba at ayaw na niyang tumuloy pa, tumaas na lang ulit siya at pumunta sa fourth floor. Naisip niya na kaya naman niya ang sarili niya at mags-stay na lamang siya rito hanggang sa mag-umaga. Naisip niya na kakaharapin na lamang niya ang mga ito kapag may araw na, kung saan hindi na nakakatakot ang lahat kumpara sa ngayong gabi na. Bumalik na lang ulit siya ng Theater Arts Room at napagdesisyunan pa na huwag na lamang sumama sa kanila.

Paula started to run upwards. Tinatawag na siya ng kanyang mga kasama ngunit hindi niya ito pinapakinggan at itinuloy pa rin niya ang kanyang pagtaas. She's now crying. Hindi na niya alam kung makakaabot pa ba siya sa itaas kaya naman tinodo na niya ang pagtakbo niya.

Marami nang mga zombies ang nahabol sa kanya. May mga natakbo na ring mga zombies sa direksiyon ng kanyang mga kaibigan kaya naman wala na silang nagawa pa at tumakbo na rin pababa para sa buhay nila. Nagkahiwalay na sila ngayon. Lahat sila ay pababa na papuntang lobby, habang si Paula naman ay nataas na upang bumalik ng Theater Arts Room.

Zombies are now chasing Paula. May mga zombies na rin na nataas mula sa kabilang hagdan kaya naman hindi na niya alam pa ang gagawin niya. Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan ng Theater Arts. Hinigit na niya ang doorknob nito at agad na pumasok rito. Isinara na niya ito, sinandalan ang pintuan, at nakahinga na nang maluwag. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat dito. Nagulat na lamang siya nang bungguin ng isang zombie ang pintuan kaya naman nadapa siya at natumba papauna.

Her head flashlight fell on the ground. Natanggal ito mula sa kanyang noo at nahulog na lamang kung saan. Sa pagbagsak nito ay nakatapat pa rin ito sa kanya, kaya naman kitang-kita pa rin niya ang mga nangyayare sa paligid niya. Isa-isa nang nagkukumpulan ang mga zombies sa kanyang harap. Narinig na lang din niya na naisarado na ng mga infectees ang pintuan kaya naman alam niya na wala na siyang takas pa. Patuloy na siyang naiyak, nailing, at nagapang, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na talaga siya makakawala.

Tatakbo na sana siya at maghahanap nang madadaanan papaalis ngunit hinila ng isang infected ang kanyang mga paa. Kahit anong gawin niyang pagwawala ay ayaw talagang matanggal ng pagkakakapit nito sa kanya, at hindi na siya makapalag pa. Patuloy lang siyang nagsisisigaw. May kumagat pa sa litid ng kanyang kaliwang paa kaya naman umagos kaagad ang mga dugo papunta sa sahig dahil dito. Nasundan pa ito ng mga ilang pagkagat sa kanyang mga paa, kaya naman hindi na siya nakaabante pa at natumba na lamang siya mula sa kanyang kinatatayuan.

Hindi ito inaasahan ni Paula kaya naman natumba ito at malakas na bumagsak sa may sahig. Agad siyang napaungol at napasigaw dahil dito. Tumama pa ang ulo niya sa may sahig kaya naman naikot pa ang kanyang mga paningin. Hindi na niya maintindihan pa ang mga nangyayari. Itinihaya siya ng isang infected at sinimulan siyang kagatin at higitin.

Dahil nga may kumakagat na rin sa kanyang mga paa, unti-unti itong nababanat at humihiwalay sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang paghihiwalay ng kanyang laman at sa buto sa kanyang paa, hanggang sa matanggal na nang tuluyan at humiwalay na sa kanyang katawan ang kanyang kaliwang paa. Napasigaw siya at napaiyak dahil dito.

Blood splaterred all over the room. Her feet were then removed from her body, and then blood starts to pool afterwards. May mga dugo na sa sahig. Umabot na ito sa head flashlight niya na tumilapon sa isang gilid. Putol na ang kanyang isang paa kaya naman hindi na siya makatayo pa. Hindi rin niya ito maituon dahil sobrang sakit kahit madali lamang nang kaunti. Hindi tama ang pagkakaputol rito kaya may nakausli pang mga buto. May lumapit pang zombie rito, kinuha ang kanyang putol na paa, atsaka sinipsip ang dugo papalabas rito.

Sinusubukan niya ang kumawala ngunit hindi talaga niya kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya kaya naman kahit anong gawin niya ay hindi siya binibitawan ng mga ito.

Bloods from her severed feet is leaking to everywhere. Naramdaman niya na may kumakagat na rin sa kanyang tagiliran. Sisigaw na sana siya ngunit may infected pala sa kanyang gilid at kinagat na rin ang kanyang leeg. Hindi na siya rito nakapalag pa.

Naramdaman niya na tila may pirasong nawala sa kanyang leeg kaya naman hindi na siya makapag-salita pa.  She covered her neck. Naagos na ang mga dugo rito at nararamdaman niya na tila magsusuka na siya. She tried to scream. Naramdaman niya na tila may nagvi-vibrate sa kanyang lalamunan ngunit hindi na siya makapagsalita pa. Inilibot niya ang kanyang mga paningin sa loob ng Theater Arts Room. May nakita siyang isang baril sa gilid malapit sa kanya. Aabutin na sana niya ito ngunit hindi na talaga niya kaya.

Ramdam na ramdam niya ang lahat ng mga ngipin na nabaon sa kanyang laman sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Pinagpipiyestahan na siya ngayon ng mga infectees at sabay-sabay na siya nitong kinakain ng mga ito.

She can feel her flesh tearing out off the bones. Hindi na siya makapalag pa dahil sobrang sakit na ng kanyang mga nararamdaman. She's now gurgling bloods. Napapaliyad na lamang siya dahil sa sakit. Maka-ilang sandali pa ay humandusay na siya kaagad sa lupa.

---------------------------

Hinahabol na ng mga zombies mula sa iba't ibang floor ang grupo nina Tom. Ang ilan sa kanila ay nagsisisigaw na at nagpapanic na rin, kaya naman wala na silang kawala dahil kahit saan man sila tumingin ay may humahabol na sa kanila.

Kinuha ni Tom ang kanyang baril mula sa kanyang bag. Sinimulan na rin niyang iayos ito at ikasa habang nagtatakbuhan sila. "The guns!" He shouted to everyone. "Get the guns!"

Everyone looked at him. Nagsimula na rin silang maghalungkat ng mga bag nila upang hanapin ang kanilang mga baril. Nasa may second floor na sila ngayon at pababa na ng ground floor. Naririnig na nila ang mga pag-ungol ng mga zombies sa kanilang likuran kaya naman mas lalo na nilang binilisan.

Sandali silang tumigil sa may hagdanan upang kunin ang mga baril. Hindi na nila alam pa kung ano ang mga maaaring mangyare kaya naman lahat sila ay kinakabahan. Habol na nila ang kanilang mga paghinga dahil kanina pa rin sila nagtatakbuhan. Inaayos na nila ang kanilang mga baril, ngunit hindi pa rin nila inaalis ang kanilang mga paningin sa may hagdanan.

Masyadong madilim ang paligid upang makita nila nang madalian ang lahat. Nakatutok pa rin ang kanilang mga atensiyon sa pagkakasa ng mga baril. Walang nakakita sa kanila sa isang zombie na nataas mula sa pagitan ng mga hagdanan, kagaya na lamang ng na-encounter nila simula pa noong nakaraan. Tahimik lang ito kaya naman wala silang kaalam-alam na nandoon na pala ito at pinagmamasdan na silang lahat. Hindi rin nila napansin na tumayo na na pala ito sa may railings, habang naghahanap nang mapagtatalunan at makakain.

Pinakamalapit sa may grills ng hagdanan si Heart. Nakatalikod siya mula rito, kaya naman exposed na exposed ang kanyang batok mula sa puwesto ng infectee. Nakatutok sa kanyang bag ang head flashlight kaya naman wala siyang ka-alam-alam sa mga nangyayare. Nahulog ang kanyang baril kaya naman yumuko siya at pinulot ito.

The zombie then jumped on her back. Nagulat naman dito si Heart kaya naman muntikan pa siyang madapa at mahulog sa hagdanan. Napatayo siya dahil sa gulat at naglakad papauna upang ma-maintain niya ang kanyang balance. Akala niya noong una ay prank lamang ito ngunit nakaramdam na lamang siya ng pagkagat sa kanyang leeg, kaya naman nagsimula na rin siyang magsisisigaw dahil dito.

Napalingon ang kanyang mga kasama sa kanya. Nagulat na lamang sila nang makita nilang may infected na pala na nakasabit sa kanyang likod at kinakagat na siya. Nakikita nila na may mga natulo na ring mga dugo sa sahig, ngunit wala silang nagawa dahil baka si Heart lamang ang kanilang mabaril at mapatay nila ito nang tuluyan.

The zombie is still biting her neck. Nakahawak pa ang infected sa mukha ni Heart kaya naman wala siyang makita. Patuloy lang siyang naglalakad at nagpapaikot-ikot dahil hindi niya ito matanggal mula sa kanyang likuran. Nakatabingi rin ang kanyang ulo dahil nakapasok sa may bandang leeg niya ang ulo ng infectee.

"GET THIS SHIT OFF ME!" She shouted continuously. Hindi na alam pa ni Heart ang kanyang gagawin upang matanggal ang zombie na nakalagay sa kanyang likuran. Patuloy nitong nakakagat ang kanyang leeg. Ramdam na ramdam niya na natatanggal ang kanyang laman sa bahaging ito, kaya naman nanghihina na ang kanyang mga tuhod at nais na niyang matumba.

Lalapitan na sana nila si Heart ngunit napaurong sila nang makita nilang natapilok ito. Dahil nakatakip sa kanyang mga mata ang infected, hindi na alam pa ni Heart ang kanyang gagawin. . . Nahulog ito pababa ng hagdanan.

Heart's head hit the railings first. Nakasakay pa rin sa kanyang likod ang zombie kaya naman nahulog na ito pababa ng first floor. Her body then fell on every steps, with her head hitting the edge of the stairs and even her bleeding neck. Bawat pagtama niya sa baitang ng hagdan ay may pumupulandit na dugo. Nagbukas na ang kanyang noo dahil sa tama nang pagkakauntog niya sa may railings at sa may hagdanan kaya naman kita na nila ang bungo ni Heart habang nangyayare ang mga ito.

Her body fell on the ground. Nagsisimula na ring kumalat ang dugo na nagmumula sa kanyang ulo. Tinapatan nila ng flashlight si Heart. Nakabukas pa ang kanyang mga mata ngunit kahit bibig niya ay naglalabas na rin ng mga dugo. Her body is now laying on the first floor. Nasa baba nila ito at tila tinitignan pa sila.

"Holy shit. . . The jumping zombies just got their first official kill." Marck said, out of nowhere. Napailing na lamang ang lahat ng kanyang mga kasama.

Nagtuloy-tuloy na sila pababa. Itatabi na sana nila ang katawan ni Heart ngunit dumating na ang mga zombies. Ayaw man nilang iwan si Heart nang nasa ganitong posisyon, wala na silang nagawa pa dahil patay na ito at nakahandusay na sa kanilang harapan.

Heart's corpse slowed the zombies, which gave them some time. Tumigil muna ang mga ito rito at kinain ang kanyang katawan. Bumagal tuloy at kumaunti ang mga zombies na nahabol sa kanila dahil dito. Masakit man na makita nila na kinakain ng mga ito ang kanilang kaibigan, ayaw rin nila na makain ng mga ito kaya naman nagtakbuhan na lamang sila.

They are now on the lobby of the front building. Malakas na ang ulan at ang hangin sa labas. Mula sa kanilang puwesto ay nakikita na nila ang Department Building kung nasaan ang Principal's Office. Back there, naririnig na nila ang napakaraming mga zombies na nagtatakbuhan papunta sa kanilang direksiyon.

Everything is now in chaos. Naulan, malakas ang hangin, at tila nabagyo pa. May mga zombies na rin sa kanilang likuran at wala pang source ng kuryente o kahit ng ilaw man lang bukod sa flashlight na nasa noo nila. Napailing na lamang sila nang maramdaman nila na tila talo na sila at wala na silang magagawa pa sa mga pagkakataon na ito.

"Life is shit." Aidan said. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Life sucks." Faith continued, and then smiled. "Good luck."

Nagsimula nang magtakbuhan ang lahat papunta sa Principal's Office.

Continue Reading

You'll Also Like

158K 4.6K 76
Ang kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang ap...
90.3K 4.5K 106
[ COMPLETED-OLD VERSION ] "The Secret School of Magic 1: Just a DREAM." Written by: Former UN @Kimjof_14 Check the New Version of this Story... https...
163K 2.6K 27
Paano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kaka...
299K 8.9K 48
Nang dahil sa isang pangyayari, magbabago ang lahat.... At dahil dun, naging isang Detective si Sayuri... Malalaman niya kaya ang buong katotohanan?