The Friendly Wedding (Season...

De FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... Mai multe

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Fifteen

213K 5.3K 385
De FGirlWriter

CHAPTER FIFTEEN

Habang umiinom ng gatas si Sapphire ay mataman siyang nakatingin kay Johann na palakad-lakad na naman sa loob ng bahay na walang shirt.

Parang may nagbago sa katawan nito. Pagkatapos ng birthday niya two weeks ago, mas naging komportable na siya rito. Magkaibigan na magkaibigan na ang dating nilang dalawa. Mas close pa sila kaysa sa pinaka-close friends, mas best pa sila kaysa sa mag-bestfriends.

Iyon ang rason ni Sapphire sa sarili para malaya niyang nase-survey ang pagbabago sa katawan ni Johann nitong mga nakaraang araw. Minsan, hayagan pa niyang tinitignan ito and Johann does not mind at all.

"Nakatitig ka na naman sa katawan ko, baka naman ma-inlove ka niyan," nakangising sabi nito sa kanya nang mapansin ang ginagawa niya.

Nagpunas siya ng table napkin sa bibig pagkatapos maubos ang iniinom. "Your body... Why it is your muscles are more defined now? And how the hell did you get that...that abs trace?" di makapaniwalang tanong niya rito. Kumurap kurap pa siya.

Hindi siya nagkakamali, wala pa itong abs pero...pero pumoporma na iyon sa tiyan nito.

Tumawa ito. "Nagwo-work out ako, malamang. Doon ako sa gym ni Dylan. Inalok niya ko ng program para makadevelop ng abs. Isang oras sa isang araw lang ang kailangan kong ilaan para magkaroon nito," sabay tapik pa sa medyo-may-abs na tiyan nito.

Napataas ang kilay niya. "You're going to the gym na pala? Since when?" Hindi naman kasi nababago ang oras ng pag-alis at pag-uwi nito galing sa trabaho kaya hindi halatang may oras pa pala ito na nagpupunta ng gym.

"Mula nang matapos ang birthday mo. Naisip ko, oras na rin siguro na maging mas maalaga ako sa katawan ko. Masyado akong naste-stress sa pagtuturo. At least kung gumanda man ang katawan ko, aalis na ko sa pagiging teacher. Magsasayaw na lang ako sa gay bar."

She laughed and imagined Johann dancing in a bar full of gay audience cheering for him while he's taking off his clothes to the last piece of his undergarment. Then, Johann's wiggling his nice ass.

Napangiwi siya sa sariling imagination. "So eeww, Mister." She crossed her arms. "Ang sabihin mo, mula nang birthday ko, naiinggit ka sa mga katawan ng mga pinsan mo. Admit it, they look immaculate with those freaking abs."

Nameywang ito sa harap niya. And she swear, she saw his biceps flexed. Biceps! Gosh! Halatang halata na nga ang biceps sa braso nito.

"Hindi naman ako inggitero, Misis. Wala akong kailangang ikainggit sa mga pinsan ko. At saka bakit ba? Gusto ko ng magka-abs. Tutal, nagwo-work out na 'ko."

"Are you trying to impress me?" pang-aasar niya.

"Medyo. Pero puwera doon, nagiging seryoso lang ako sa pamumuhay ng healthy. Hindi na ko ganoon kabata, ah. Sumasakit na likod ko sa tuwing pagkatapos ko mag-check ng test papers. Tsk. Thirty-three lang ako pero pakiramdam ko ang tanda tanda ko na dahil sa back ache ko."

Ngumuso siya. "Masyado ka kasing seryoso sa mga ginagawa mo. After you check your students' papers, diretso ka na sa paggawa ng lesson plan at lectures sa laptop. Siyempre lagi kang nakayuko. Paanong di sasakit ang likod mo? Diyan ka pa sa maliit na center table gumagawa ng work. May work table ka naman sa loob ng room."

Umupo ito sa tabi niya. "Baka maabala kita sa pagtulog kaya dito ako sa labas gumagawa ng trabaho."

"You can do the work pa rin naman inside the room, eh. Don't mind me. In the first place, sa'yo naman ang kuwarto mo."

"Ayos na 'ko. Kaya ko naman na, lalo na ngayon. Tama na ring nakakapag-work out ako. Bonus pa ang abs para sa'yo," anito sabay kindat sa kanya.

Inirapan niya ito. "Mahirap magmaintain ng abs. Hindi pa nga refined iyan. At saka kahit wala ka naman abs, okay lang. Mag-exercise ka na lang." Ang alam niya kasi ay mas mahirap ang pagkakaroon ng abs kaysa sa simpleng exercise na puwede namang gawin ni Johann. Pagod na nga ito sa pagta-trabaho, magiging batak pa ito sa pagwo-work out?

Pinatong nito ang braso sa sandalan niya. "Tss. Ikaw, Misis, ang gulo mo. Dati, wagas mo kong inisin sa kawalan ko ng abs. Ngayon namang nagkakaron na, ayaw mo na. Ano ba? Aym konpyus."

Kapag nagkaroon na ito, ano pang ipapang-asar niya rito? At isa pa, hindi naman siya fan ng mga lalaking sobrang ganda ng katawan. Johann's body is just enough. Tama lang ang built nito. "Kung gusto mo talagang maging healthy, sumama ka na lang sa'king mag-yoga class."

"Yoga?"

Tumango siya. "Mas maganda iyon. More relaxing and healthier. Come with me on Saturday. Sabay na lang tayo sa yoga class."

Nangislap ang mga mata nito. "Napapansin ko nitong mga nakaraang araw, lagi mo na kong sinasabay o sinasama sa mga activities mo. Katulad nang sinasabay mo na ko kapag namimili ka sa grocery, sinasama mo rin ako sa pag-aasikaso ng bookstore mo. Ngayon naman, sabay tayo sa pagyo-yoga!" Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata. "Gusto ko nang isipin na masyado ka nang nagiging... Anong tawag doon? Ah! Clingy!"

Awtomatikong nagsalubong ang dalawa niyang mata. Napatayo siya at naglakad palayo. "You can say 'no' kung ayaw mo mag-yoga. Ang dami mo pang sinabi."

But she's kinda guilty of his accusation. Clingy? Is she being like that? Basta ang alam lang niya, gusto niyang laging kasama ito dahil naaliw siya sa presensya nito. And they're friends! Hindi ba ganoon ang magkaibigan? Lagi mong gustong kasama para makausap? She's too comfortable with Johann in just a span of nearly two months. Since she accepted that Johann's a friend, she does not mind being close or being too attached with him.

Hinila ni Johann ang kamay niya. "Ang hilig mong mag-walk out kapag guilty, Misis. Umupo ka nga ulit dito."

Pilit niyang binawi ang kamay pero ginamit nito ang lakas para mapaupo ulit siya sa tabi nito. Nang aksidenteng madikit ang braso niya sa hubad nitong dibdib ay agad siyang lumayo rito. She become aware of his bare upper torso. Bakit ganoon? Bakit bigla siyang nailang? Sanay naman siya na wala itong pang-itaas na palakad lakad sa loob ng bungalow nito, ah?

"O, anong nangyari sa'yo? Para kang nanigas diyan."

Umiling siya at malakas na binawi ang kamay niyang hawak nito. "Magdamit ka na nga! Huwag mo nang ipangalandakan ang katawan mo. I get it, nagkaka-abs ka na. Fine. Magdamit ka na."

"Eto naman, parang hindi ka na nasanay sa'kin. Ngayon ka na lang ulit umangal sa pagiging topless ko," natatawang sabi nito. "Sisihin mo kasi ang araw, sobrang init!"

"Maligo ka na kasi!"

"Sabay tayo?"

Nakatikim ito ng pingot sa kanya. "Stop being a pervert maniac, Mister. Maligo ka na. Bubuksan ko ang aircon sa kuwarto. Hep! Wala akong pakialam sa electric bill natin. I can pay it kahit pa electric bill ng buong subdivision. Papa-aircon ko pa ang buong bahay natin hanggang garage para lang huwag ka nang mainitan."

Ngumiti ito. Ngiting nakaka-"fall" nga daw. Kinagat pa nito ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti pa ng todo.

"What's funny?" singhal niya rito.

"You sound so...wife-like. Handa kang ipa-aircon ang buong bahay para lang hindi ako mainitan?" Mas sumingkit ang mga mata nito sa pagkakangiti, "Sweet."

Napakurap siya. Ganoon ba ang dating ng pagkakasabi niya? "H-hindi ganoon iyon. Para lang huwag ka na maghubad, papa-aircon ko tong bahay. Kahit gumanda pa iyang katawan mo, hindi ko pa ring gusto na nakabalandra iyan sa harap ko."

Hinimas nito ang baba. "Talaga lang? Sige." Tumayo na ito at pumasok ng kuwarto. Paglabas nito ay may dalawa na itong tuwalya at pumasok na ng banyo.

Niligpit naman niya ininumang baso. Pagkatapos hugasan ay pumasok siya ng kuwarto at binuksan ang aircon kasabay ng pag-on ng laptop niya. She's going to check her blog and write a new article. Buti at free siya ngayong araw para maasikaso pa ang blog. Nitong mga nakaraang araw kasi ay laging ang bookstore niya ang pinagtutuunan niya ng pansin.

So far, organized ang mga plano niya sa future bookstore niya. May secretary na siya na nagha-handle ng lahat ng bagay na kailangan niyang asikasuhin at laging gumagawa ng schedule niya. Nakakuha na rin siya ng accountant na magha-handle ng lahat ng expenses. She also had hired engineers and architects for the bookstore's floor planning and landscape.

Buti na lang nakinig siya kay Johann na kumuha ng mga taong nabanggit niya dahil she's too foolish to think na makakaya niyang mag-isa na matayo ang bookstore niya. Stupid of her. Minsan, maganda rin talagang nakikinig siya sa ibang tao. Well, kay Johann lang naman siya natutong makinig dahil kahit pa loko-loko ito ay napatunayan naman niyang mas marami itong alam kaysa sa kanya. He was the one who recommended all the people she has now para lang maging successful ang pagtatayo niya ng bookstore. He's so supportive like a true friend.

She likes him even more because of that.

Wait. What?

Naisip niyang gusto niya ito?! Well, gusto niya ang pagiging supportive nito na kaibigan. Iyon lang yun.

Iyon lang talaga.

Iyon lang.

Why am I convincing myself? What the eff is happening to me?

Napailing-iling siya. She tried to focus her crazy head to her article. Nakapagsimula naman siyang magsulat and she finished writing two paragraphs when Johann entered the room. Napatingin siya rito at nakitang basang basa pa ang buhok nito while his towel tapered around his waist. Tumutulo pa ang tubig sa dibdib nito.

Hinawi nito patalikod ang buhok gamit ang isang kamay. Sinara nito ang pinto at napatingin sa kanya habang nakadapa siya sa ibabaw ng kama.

"Magbibihis ako. Diyan ka lang?" tanong nito.

This is not her first time to see him only covered with a towel. Pero parang napatanga na lang siya rito.

"Sapphire?"

Biglaan naman siyang napabangon. "Ah... l-lalabas a-ako." Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Muntik pa siyang mapatid sa pagmamadali.

Malakas niyang sinara ang pinto. At nang nasa labas na siya ay nakatingin lang siya sa hawak na doorknob. Napahawak siya sa dibdib. Why is her heart not on its usual beat? Bakit bigla na lang bumilis iyon ng ganoon.

Huminga siya nang malalim at napapikit. Ano ba iyan! Kanina niya pa hindi maintindihan ang sarili.

She's being clingy. She's being unconciously caring. She's being too observant to Johann. Parang lahat na lang, napapansin niya rito. Parang lahat na lang ng oras, gusto niya itong kasama. Parang lahat na lang ng kailangan o gusto nito ay ibibigay niya.

Is she acting like a friend? Ugh! She has no idea how to be a friend. So baka tama lang ang ginagawa niya. Ganoon din naman kasi si Johann sa kanya.

"Huy!"

Literal na napatalon siya mula sa malalim na pag-iisip. Nakita niya si Johann na nakadamit na at binuksan na pala nito ang pinto.

Natawa ito sa reaksyon niya. "Gulat na gulat ka naman, Misis. Ganyan na ba ang reaksyon kapag nakakita ng bagong ligong pogi?"

"Umalis ka nga diyan!" Malakas na hinawi niya ito at pumasok na ulit siya ng kuwarto. Mabilis siyang sumampa ng kama at kinuha ang laptop. Nakipagtitigan siya sa screen niyon.

Sinara ni Johann ang pinto ng kuwarto at humiga ito sa tabi niya. "Gisingin mo 'ko ng four PM. Siesta lang ako at marami pa 'kong gagawin para sa Lunes."

Hindi niya ito pinansin. Pinipilit niya kasing alamin kung paano pakakalmahin ang puso. Ayaw talagang timigil sa mabilis na pagtibok niyon.

"Misis..." malambing na tawag ni Johann. "Narinig mo ba 'ko?"

Salubong ang mga kilay na binalingan niya ito. "My heart... it won't stop beating fast."

Napakunot noo ito sa sinabi niya. "Huh? Inaatake ka ba?"

Umiling siya. Wala naman kasi siyang sakit sa puso.

Napabangon ito at nilapat ang kamay sa tapat ng puso niya. "Oo nga! Ang bilis nga! Para kang tumakbo kasi hinahabol ka ng aso. Hinga kang malalim. Ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang wika nito.

Hindi siya makasagot dahil iyon din ang tanong niya sa sarili.

"In love ka ba?" he joked.

Natigilan siya at napatingin rito. Tumingin din ito sa kanya kaya nagsalubong ang mga tingin nila.

And when she looked into his wondering eyes and realized how his face too closed with hers... parang kakapusin na talaga siya ng hininga.

Oh, my gosh. This. Can't. Possibly. Be.

"I-I'm inlove...?" nabulong niya sa sarili.

"Ano?"

Napatingin siya sa mga labi nito. And she had this urge to kiss him. Oh no. That's not normal. That's not how friend thinks of her friend's lips.

"Sapphire, Misis? Mas lumakas tibok ng puso mo! Namumula na rin mukha mo. Allergy ba iyan? Sugod na kaya kita sa ospital?" natatarantang sabi na nito.

"No... No..." umiiling na sabi niya. Nagsalubong ulit ang mga mata nila. "Johann..."

"Ano na? Sugod na kita sa ospital?"

Napalunok siya at tinulak ito ng malakas. Binaba niya ang laptop sa kama at saka siya tumakbo palabas ng kuwarto.

"Sapphire!"

Tumakbo siya papunta sa loob ng banyo at kinulong ang sarili sa loob.

"Inlove ka ba?"

Tinignan niya ang sarili niya sa salamin. Her face was flushed. Her crazy heart just can't stop running! Suddenly, she felt the butterflies in her stomach.

"Sapphire?" pagkatok ni Johann sa pinto ng banyo. "Anong problema, Misis? Ayos ka lang ba? Nag-aalala ako..."

Napakurap siya.

"Inlove ka ba?"

Her husband's question still running inside her head.

"Inlove ka ba?"

If that's the feeling of being in love... then, maybe... Just maybe, she is falling inlove with Johann.

Oh, boy. This is not good.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
89.2K 7.7K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
17.5K 259 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...