Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 🔸️April 7, 2019 🔹️August 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xviii

950 37 6
By aryzxxi

"Tapos? Sino raw yon?"  tanong ni Mica habang bitbit ang mga tray namin papunta sa isang bakanteng mesa katabi ng bintana.  Di pa rin nila ako tinitigilan. Gusto nilang ikwento ko ng detalyado yung mga nangyare sa naging "date" namin ni Fire.

Wala naman ng iba pang special na nangyare aside doon sa pagkakalapit naming dalawa sa fountain. Of course di ko kinuwento yon! 

"Oh! Namumula ka!" turo ni Mica sa pisngi ko. Agad naman akong nagseryoso. "May nangyare pa no?"

"Wala na nga. Bumili lang ako ng mga keychain tapos kumain kami ng halo-halo. Then, umuwi na rin."

"Eh, yung babae?"

Naupo ako sa tabi ni Chiara. "Taga roon daw sa Sta. Ana. Apo ng tindero sa palengke yata.."

Nagsimula na kaming kumain ng lunch. Nilabas ko ang kimchi na pabaon ni Mama and shared it to my friends. Si Mica lang ang may ayaw non kasi she hates gulay but Rachelle and Chiara likes it. Alam ko may baon ding ganito si Zian pero ewan ko lang kung binibigyan niya sina Edson.

"Feeling ko nakalandian niya yon," sabi ni Rachelle habang ngumunguya. 

"Hm! Si Fire pa. Di naman siguro siya lalapitan kung walang nangyare di ba?" kumento naman ni Chiara.

Kahit na hindi na bago sa akin na may nakakasamang iba si Fire ay di pa rin nawawala yung kirot sa puso ko. Hindi ko nga lang masabi kung mas masakit ba ngayon..

"Pero ngayon parang wala naman na di ba?" sabi Mica sabay tingin sa akin. Hindi ako makasagot dahil hindi ako sigurado. Nagkakasama nga kami ni Fire pero hindi naman lagi.  

We usually hang out at Mikoy's shop after ng practice ko tapos ihahatid niya ako pauwi. Zian would usually wait at our sala, minsan ay naaabutan ko pang nakadungaw sa bintana. After that, I would text him para magpasalamat. Minsan nakakapagreply siya agad, minsan ay hindi na. Magte-text na lang siya uli kapag magkikita kami. 

Parang nabibitin ako na nakukulangan. There's something bugging me pero isinasantabi ko na lang dahil kumpara noon ay mas maayos na ang pakikitungo niya sa akin at nakakasama ko pa siya. I'm fine with that.

"Hay, Ziana.." 

Napatingin kami sa nagsalita. It's Cellyn, a grade 12 student.  Pati yata ang mga kasama niya sa table ay parang nagulat dahil bigla siya nakisali sa usapan namin. 

"Fire Salvador is a playboy. Tulad ng mga pinsan niya. Don't get your hopes up, ha? Di yon papatol sa mas bata sa kanya," she said. Walang halong panunuya ang boses niya. It's like she's just stating a fact.

"Age doesn't matter ano ba," hilaw ang ngiti ng kasama niya habang sumusulyap sa akin. Nanatiling nakasimangot si Cellyn.

"You know Lovely? She's under Aspire and they're seen hanging out."

Lovely? His high school batchmate?

"Saan mo naman nalaman yan?" tanong ni Rachelle na tumigil sa pagkain. 

Kumunot ang noo ni Cellyn at nagkatinginan naman ang mga kasama niya. 

"You don't follow his social media accounts?" tanong niya na para bang taga bundok kami. Of course, I follow Fire pero tinigil ko na yung pagiging "stalker" much ko when we started hanging out. 

"Sinundo raw siya ni Fire ilang beses na sa building ng Aspire after her dance practice yata for a mall show. I thought you know? Kilala mo naman si Lovely di ba?" Cellyn continued.

I nod my head once. Yes, I know her. Lovely Sanao is a model and a talent. We occasionally see her in some commercials and mall shows bilang isang host sa mga mall show ng mga artista ng Aspire. Magka-klase sila ni Fire noong high school dito. I can remember that I admired her runway walk noong may presentation sila and the lower grade levels were given a chance na mapanood iyon. They said that she and Fire have a relationship that time pero hindi naman natinag ang mga nagkakagusto sa kanilang dalawa. It lasted until they graduated.

"So, Ziana.. focus ka na lang sa studies mo and your dream to become an idol. Wala kang mapapala sa kanya kaya wag kang papabiktima kay Fire. Mukha kasing mga aspiring idols ang gusto niya," sabi niya sabay tayo. Mukhang litong sumunod ang mga kasama niya sa kanya.

Walang umimik sa aming apat. 

"Oh, tahimik kayo?" lumapit sa amin sina Edson. Hinawakan niya ang balikat namin ni Chiara. Parang saka lang kami natauhan nang ginawa niya iyon. "Ayos lang kayo?"

"O-Oo!"

Edson frowned,"Okay.. Bilisan niyo na diyan. PE sunod na klase, magpapalit pa ng damit."

We didn't talked about it habang nagpapalit ng damit sa locker room hanggang sa PE class. 

"Okay! For our activity today, I need three girls and three boys sa section na ito. You're going to play against the other class." sabi ng guro namin. 

Agad namang nagtulakan kung sino-sino ang isasalang sa laro. Kami ni Zian ang unang tinulak papunta sa harap, sunod ay sina Edson, Junrick, Nika at Jaya. Ang mga kaibigan ko ay agad na tumakbo papunta sa first row ng bench. The others helped in arranging the volleyball net.

Umingay ang kabilang side ng court at nagtakbuhan ang ibang mga estudyante sa benches. They started cheering at may nagcartwheel pa papunta sa court! Sinundan pa iyon ng dalawang lalake na nagcartwheel rin at tumbling. Mas lalong  lumakas ang hiyawan nila. 

"Quiet! My goodness! Bakit ba napunta sa akin ang section na ito," reklamo ng guro nila. "Kahit ang mga babae, pasaway!"

Tumawa ang teacher namin. I saw Rayn fixing her hair into a ponytail pagkatapos ay ang kanyang jogging pants na tinupi niya hanggang tuhod. Ginaya siya ng iba at tumakbo na papunta sa kabilang side ng court. 

"Okay! Listen up! Kung sino man ang mananalo sa larong ito ay exempted sa finals."

Nagsigawan ang mga estudyante sa kabilang section. Hindi rin tuloy namin napigilan ang mapahiyaw.

"Quiet! Alam niyo naman na siguro kung paano maglaro ng volleyball right? We'll have five sets and the one who wins three sets will be exempted pati na ang buong klase nila. Let's have two line judges from each section. Toss coin na rin kayo diyan kung kanino ang bola," our teacher instructed.

"Zian, ikaw na ang captain ball," sabi ni Jaya. She's part of the varsity team but bihira lang ipasok sa laro dahil sa seniors. Tumango naman ang kakambal ko. He stepped in front at nanlaki ang mga mata niya nang si Rayn ang napiling captain ball sa kabila.

"Hi, Zi!" bati niya sa kakambal ko. Tumawa si Edson sa likod ko at napatingin ako sa kanya. Umiling-iling lang siya habang tinitignan si Zian na nakasimangot. "Heads kami."

"Then we're tails."

Turns out sa amin ang bola. Agad kaming pumwesto. Katabi ko si Zian na nasa gitna ng net at katapat si Rayn na nakangiti at naka pamewang. Hinihintay lang ni Junrick ang pito bago magserve.

When we heard the whistle ay nagsimula na ang laro. The first point is ours dahil sa palo ni Jaya na hindi hinabol ng kabila. Nagtawanan lang sila. Sa amin pa rin ang bola at si Junrick ang nagservice. It touched the line pero hindi uli nila hinabol.

"Ano yan!" sigaw ng guro nila habang nagsusulat ng puntos.

"Bakit di nila hinahabol?" bulong ng mga kaklase namin. Rayn is just smiling.

Sa sunod na service ay na-receive na nila ang bola. Hindi kami nahirapang ibalik iyon sa kanila. 

"Zia," tawag ni Edson. Hinabol ko ang bola at inangat iyon para sa papalong sina Zian at Nika. 

My twin brother got it at naipasok sa kabilang court pero walang gumalaw sa grupo nila Rayn. Pagkabagsak ng bola ay tinitigan lang nila iyon. Sa amin uli ang puntos. Nagtawanan sa kabilang section.

"Dumi niyo talaga!"

"Habol! Hahahaha!"

"Tinitira yan di tinititigan lang!"

Tumawa uli sila. Nang sumablay si Junrick sa service ay sa kabila na ang bola. Nagrotate sila. Umatras sina Edson at naghanda sa likod. Pareho naman kami ni Nika na nakabantay sa net.

The guy's service is quite heavy! Napaatras si Edson at agad namang hinabol ni Nika ang bola. Zian received it para dalhin sa kabila. Pagkabuwelo niya ay agad na na-block ni Rayn ang bola. Sobrang bilis ng pangyayare! Napatitig kami sa bola ng matagal habang naghihiyawan ang kabila at parang wala lang sa kanila ang nangyare.

Panalo kami sa first and second set. Bago tumuloy sa pangatlo ay nagpahinga muna kami. Nagpupunas si Zian ng pawis sa noo habang nakatingin sa kabila. I followed his gaze. He's looking at Rayn na pinapaypayan ng dalawang lalake at may isang pabirong lumuhod sa harap niya para abutan siya ng tubig.

"Isa na lang panalo na tayo!" sabi ng kaklase namin. We cheered. Bawas din sa aalalahanin ang finals sa PE.

"Anong problema?" tanong ko sa kakambal ko.

"Wala," he said then went at the court.

Hindi nagbago ang pwesto namin sa set na ito, ganon din sa kabila. Inayos uli ni Rayn ang pagkakatali ng buhok niya while looking at my brother.

"Ganda ko no?" sabi niya. Sumimangot si Zian kaya tumawa siya. "Don't be too serious. Chill ka lang Ian."

Kung ano-ano ang tawag niya sa kakambal ko. Hindi ko na lang pinansin. Sa kanila ang bola ngayon. Pagkapito ay agad na nagserve ang babae. Hindi nahabol ni iyon dahil ang tulin. Saktong tumama rin sa linya.  Umayos si Edson pero sa limang sunod na service ay nagpaikot-ikot sa magkakabilang linya ang service niya. Kahit noong hinabol namin ito ay hindi namin naibabalik sa kabila dahil nalilihis ang bola. 

Rayn is just standing in front, her hand is on her hip habang nakatingin sa amin na hirap habulin ang bola. Nilingon niya ang nagseservice at may sinenyas. Then, Junrick received the ball at ako naman ang pumalo pabalik sa kabila. Sinalo iyon ng isang lalake at inangat para kay Rayn. 

My twin brother prepared himself at sumunod naman ako sa kanya. Pagkatalon ni Rayn ay bumwelo na rin kami. We raised our arms to block the ball but what we're expecting didn't happen! Marahan niya lang palang tinapik ang bola patagilid sa net at bumagsak ito sa gilid ko! We thought she'll do a powerful offense.

Nagtawanan ang mga kaklase nila while ours just kept on cheering us. Ilang beses kaming naloko sa opensa nila. They won the third set with twenty-five points samantalang kami ay walang naipuntos! Gulat na gulat ang guro namin sa naging resulta, pati rin kami! The other section is just chilling. 

"Paanong.."

"Bawi tayo!!"

Sa pang apat ay nanalo uli sila with twenty-five points at kami ay naka fifteen lang! Pakiramdam ko ay pinagbigyan lang nila kami doon. 

"Kaya natin yan. Para sa finals!" Edson and Junrick cheered. 

Nagpunas ako ng pawis habang tinititigan ang grupo nina Rayn. Their section is known to be the naughtiest among the school. Sinubukan silang paghiwalayin noon pero parang lumalala lang daw dahil sa iba't-ibang klase naman nagkagulo. They're quite troublesome  pero hindi nagpapahuli sa mga competition and Rayn seems to be the leader of the class. 

"Okay ka lang Zian? Kanina ka pa tahimik," tanong ni Nika sa kanya.

"Ayos lang." sagot niya. Inakbayan naman siya ni Edson.

"Kanina ka pa hinaharot ni Rayn, ah? Wag kang papaloko doon!"

Natigilan ako sa mga salitang iyon. Wag papaloko.

"She's distracting you, Zian. Hm! Sabagay, maganda siya," sabi ng isa.

Nagtilian sila at inasar bigla ang kakambal ko. They're saying na baka raw naaakit si Zian kay Rayn dahil kanina pa ito titig na titig sa kanya. Oh! Akala ko ay ako lang ang nakakapansin non. Mapang-asar ko ring tinignan ang kapatid ko.

"Tss.." sabi niya at bumalik sa court. Nagtawanan kami.

"Oh, excited bumalik sa laro! Yiee!"

"Rayn! Rayn!" tawag ni Edson. Agad siyang nilingon ni Zian at nilapitan. He looks flustered not because of the game, I know. "Ra-"

Naghabulan sina Edson at Zian hanggang sa pumito ang guro namin para makabalik na sa laro. This set became exciting at parang hindi lang kami ang involved. Our classmates continued cheering for us.

Sina Rayn at Zian lagi ang inaabangan at sa tuwing nagkakaharap sila ay lumalakas ang hiyawan. Nararamdaman ko na ang pagod pero wala pa kami sa kalahati ng laro. 

"Zian!" tawag ko bago i-set ang bola. Zian eyed the ball and jumped. Rayn and her classmate tried to block the ball pero pumasok pa rin ang tira ni Zian at hindi na nila iyon nahabol pa. Lamang na kami ng isang puntos! Nineteen, eighteen na!

"Ah!"

Rayn is sitting on the floor holding her foot. Agad siyang nilapitan ng mga kasama niya. Hindi yata maganda ang pagkakabagsak niya!

"Dalhin niyo siya sa infirmary!" utos ng guro nila. Bago pa makakilos ang katabi ni Rayn ay inangat ni Zian ang net at lumapit sa kanila.

"Ako na po," he volunteered.

"Pero Zian.." Jaya protested.

"A-Ayos lang po ako, ma'am!" Rayn tried to stand up. Inalalayan siya ng kaklase niya.

"Rayn, ilang beses ka ng nagka-ganyan. Zian please escort Miss Martinez."

Aakbay sana si Rayn sa kakambal ko pero nagulat kami nang bigla niyang binuhat si Rayn ng walang kahirap-hirap! Hindi ko napigilan ang pagsinghap. Oh my!

Nagpo-protesta si Rayn pero di siya pinakikinggan ng kakambal ko. Inaasar sila ng mga kaklase niya habang ang side namin ay tahimik lang na nanonood.

"I think it's just fair no? Zian and Rayn are out of the game. Magpasok kayo ng isa to substitute them!" 

The game resumed and it's still intense. Unfortunately, we lose! Ang galing nilang maglaro kahit na parang di sila nagseseryoso. Nagkamayan kami sa huli. 

"Good game!" bati namin sa isa't-isa.

Binigyan kami ng time para magpalit ng damit bago kami bumalik sa mga classroom namin. PE is our last subject before we go to our respective club activities. Dahil tapos na rin naman ang play ay wala na akong gagawin so I can go home na. 

"Dadaanan mo ba si Zian?" tanong sa akin ni John.

"Oo. Bakit?"

Ngumisi siya. "Ang tagal naman niya sa infirmary.."

We smiled. This is the first time my twin brother has been with a girl for that long kaya medyo big deal. 

"Sige, puntahan ko lang." kinuha ko ang bag ni Zian at lumabas ng classroom.

The infirmary is at the second-floor habang ang gym naman ay nasa kabilang building pa. So, buhat ni Zian si Rayn hanggang dito? Wow.

Binati ko ang nurse na nasa tanggapan and she told me that my brother is with Rayn. Aba, hindi umalis! Hmm.

"Zian," tawag ko. Hinawi ko ang puting kurtina na nagdi-divide sa bawat kama rito. "Oh my! What are you-"

My brother is pinning Rayn's arms above her head! Agad na binitawan ni Zian si Rayn at lumayo. Nabangga niya pa ang upuan sa gilid niya. Rayn is just smirking pero unti-unti rin iyong nawala.

"I'm taking you home."

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. It's Hughes! Kinuha ni Zian ang bag niya sa kamay ko at hinila ako palabas ng infirmary. Sinubukan kong lingunin sina Rayn pero dahil sa paghila sa akin ni Zian at paulit-ulit na pagsabing magpasundo na dahil uuwi na kami.


____

Hi! It's been a month! Sorry, it took me some time to update.






Continue Reading

You'll Also Like

79.8K 1.4K 27
When Eris, Zayn's best friend, finally joins the boys on tour, will Zayn and Eris maintain their special bond? Will Zayn's new fiancé get in the way...
55.8K 2.9K 19
He was in hurry. She was in a hurry too. He only saw her back. She didn't saw him at all. But he pick up something from her. He thought it was a book...
80.2K 1.9K 32
okay so babies as I said from now on this story will be continued from where I left .... from part 26.....and for those who haven't read the pervious...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...