Mga Pagkakataon

By Craey_JC

480 1 1

Bahagi sa isang demokratikong bansa ang ekspresyon ng saloobin - sinasang-ayunan man o hindi ang iyong mga ku... More

Ang Bagong Simula
Hi sa inyo!
Pagkakataon#1 - Ubo
Pagkakataon #3 - Lilipas Din
Pagkakataon#4 - Password
Pagkakataon#5 - Mahangin
Pagkakataon#6 - Sago
Pagkakataon#7 - Batang Hamog
Pagkakataon #8 - Horror
Pagkakataon #9 - Watergun
Pagkakataon # 10 - Relo
Pagkakataon #11 - Araw ng Manok
Pagkakataon #12 - Kwentong Manok
Pagkakataon #13 - Honesto
Pagkakataon #14 - Musika
Pagkakataon # 15 - Halo-halo
Pagkakataon #16 - Bulong ng Palad
Pagkakataon #17 - Tawag
Pagkakataon #18 - Employed

Pagkakataon#2 - Kitty Purry

35 0 0
By Craey_JC

Nalaman ko na ang pangalan ng pusa ni Katy Perry ay Kitty Purry. Ano kaya ang pwede kong ipangalan sa sarili?

***

Ano nga ba ang pwedeng ipangalan sa isang nag-aalapusang tao? PUSATAO [poo-sah-tow] kaya, pwede? Pero teka, nagbibigay ka ba ng pangalan sa alaga mong hayop? Infairness, kakaiba ang pinapangalan ninyo kapatid. May Beyonce, Princess Lala, Princess Lulu, Tiger, Bagwis (kahit pusa naman), Michael, Silver, Blacky kahit nabrown, Browny kahit na black. Anu-ano nga ba ang alituntunin kung paano magbigay ng pangalan sa isang alagang hayop? Mag-imbento tayo.

Dapat, bagay sa kanya. Alangan naman bigyan mo ng pangalang Beauty ang isang Bulldog o Lizardo ang isang Isda? Kumusta ka naman. Nasa ugali {o nauugali?} na natin gawing kakatawanan ang mga bagay-bagay. Minsan nga, yung para sa hayop tinatawag na din natin sa tao. Halimbawa na lang ang pangalang Porky, Horsy at Donnie, este, Donky. Hehe...Mga pinoy lang ata ang gumawa nito. Halimbawa ulit ng Buwayang Pulis, Baboy na kongresista, kapit-tukong asawa, lamang-lupang sanggol, lintang syota, atbp.. Hintay, mga patalinghagang salita ata ang mga iyon. Ha-ha! Pero, sa iyo naman ang hayop. Kaya okay lang siguro kung ikaw ang masusunod.

Kung nagbibigay pangalan, dapat napapanahon. Kung nakabili ka ng isda sa tag-ulan, huwag mo namang bigyan ng pangalang Summer Salt o Fishy Drop. Pwede namang Rainy Fin o Floody Blub. Pero, sa iyo naman ang hayop. Kaya okay lang siguro kung ikaw ang masusunod.

Napapansin ko, kung nagbibigay tayo ng pangalan, inaayon natin sa pisikal na anyo ng hayop o kung ano ang mga obyus nitong katangian. Kapag masyadong maputi ang isang pusa, mabalahibo, pwede natin siyang pangalanan ng Snowbelle. Kung masyadong maingay ang isang unggoy, Rowdy Scot. Kung saan-saan napapadpad, Pusang Gala. Minsan, I mean kadalasan, yung inuulit-ulit. Pero, sa iyo naman ang hayop. Kaya okay lang siguro kung ikaw ang masusunod.

:3

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...