S.I.A.T.T. Series Book 5: The...

由 mimzee23

80.8K 3.5K 177

WARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T... 更多

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chpater Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Epilogue

Chapter Four

2.3K 105 2
由 mimzee23

Hyacinth found herself inside a room with Agent Larson. She can't believe that she agreed to stay with him for- who knows how many nights.

A spontaneous decision was not her style, but she doesn't have much of a choice and she needs to do whatever it takes to take home that goddamn flower.

Kung tututuusin ay pupwede naman siyang kumuha na lang ng walang paalam. Magnakaw kumbaga. Ngunit hangga't maaari ay ayaw na niyang gumawa pa nang panibagong kasalanan dahil ang dami pa nga niyang nasa listahan na kailangang pagbayaran.

Gusto kasi niya na magkaroon nang malinis na pagkatao at magagawa lang niya iyon kapag napagbayaran na niya ang lahat ng mga nagawa niyang pagkakamali. At magagawa lang niyang bayaran iyon sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

That's why she joined SIATT and use this as her salvation so she can be a renowned person. She just wanted to have a second shot in this life and to make things right.

"I'm going out to explore the place. Wanna join me?" Aya ng binata sa kanya.

Isang iling lang ang ibinigay niya bago ito lumabas ng kwarto mag-isa. Hindi porket pumayag siyang makihati sa kwarto nito ay pupwede na silang maging kaibigan.

Hindi siya naroon para magbakasyon kundi ang magtrabaho. At hindi rin siya naroon para makipag-kaibigan sa isang lalaking panay ang pakikipaglandian sa lahat ng mga babae.

Nakatanaw kasi siya sa labas ng bintana at kita niya roon ang binata na may mga kasamang ibang turista at mga lokal habang kumukuha ng mga litrato sa lugar. Halatang- halata ang pakikipaglandian nito sa mga babaeng turista at maski na ang ilang babaeng empleyado ng hotel ay dinadamay din nito.

Men are really obvious when it comes to flirting. That's their tactics to get themselves in bed with women. How pathetic!

Nakatitig siya sa binata nang bigla itong lumingon at kinawayan pa siya. Tinalikuran na lang niya ito at saka umupo sa kanyang kama. Nagpadala na lamang siya ng text message kay Chief na hindi siya makakabalik ngayon at baka abutin pa siya roon ng ilang araw para lang maiuwi ang pakay roon.

Most people would take a short nap just to re-energize their bodies. But she's different. As much possible, she was refraining herself from sleeping because she doesn't want to have nightmares again.

Ipinikit na lamang niya ang mga mata para ipahinga at makapagconcentrate sa kanyang meditation.

Back in the facility, they were taught to always self meditate in order for them to have a clear mind. And that's what she's doing right now because she just clearly lost her mind a while ago when she agreed to this kind of set up between them.

Hindi na niya nabantayan kung ilang oras na ang lumipas basta't narinig na lamang niyang bumukas ang pintuan ng kwarto kung kaya't naputol ang kanyang ginagawa. Pagdilat niya ay madilim na din sa labas ng bintana.

"Dinner is served at the back porch. You can see the garden from there and you'll gonna love it. Come on." Aya ng binata sa kanya.

Hindi niya alam kung tatanggi ba siya o hindi. Pero dahil nakaramdam na din siya ng gutom ay minabuti na lamang niyang pagbigyan ang aya nito.

Maganda nga tanawin din sa likod. Kitang kita ang mga nag-gagandahang mga bulaklak sa garden. Malawak nga ang pananiman roon at halos mga rare flowers ang mga nakatanim. Nakita na niya ang mga fire lilies at mas lalo siyang nasasabik na makakuha na ng sample upang masimulan na niya ang paggawa sa antidote.

"I told you you'll gonna love it, right?" Basag ni Brickley sa tapat niya.

Nasa iisang mesa lang sila habang isa-isang hinahatid ng mga waiter ang kanilang pagkain.

Isang tango lang ang sinagot niya rito at saka nagsimulang kumain. Bumuntong hininga muna ito bago sinimulang kumain din.

Pareho silang tahimik pero ito ay panaka-nakang tumitingin sa kanya at siya naman ay pinapakiramdaman niya ang bawat kilos nito. Wala pa din kasi siyang tiwala rito at ayaw pa rin niyang magpakasiguro.

"You don't need to be so uptight when you're with me. I told you I'm not gonna do anything bad and I won't force myself in you. Like what I said the first time, I only want us to be friends. That's all." Anito at saka sumubo ng pagkain.

Tiningnan niya ito at muling binasa ang mga mata. Mukhang hindi naman ito nagsisinungaling. May kakaiba nga lang roon na hindi niya mapaliwanag.

"Why do you keep on insisting that you wanted us to be friends? I don't need a new one because I already have enough friends back home." Sagot niya at iniwas na ang tingin rito.

"There's nothing wrong in having many friends. The more the merrier. And I can sense that we can be really good friends." Wika nito na sinamahan pa nang malapad na ngiti sa labi.

"I doubt that." Tanggi naman niya. "You don't know who I am. You don't know what I have done and what I am capable of. Trust me, you wouldn't want to be friends with someone like me." Seryoso siyang nakipagtitigan rito.

"Trust me, I would." Anito na wala na ang ngiti sa labi at seryoso na din ang itsura. "I don't care what you've done or what you're capable of. I don't give a damn of who you are. I can keep up with you, I'm sure of it. You can trust me."

Hindi na niya ito muli pang kinontra dahil mukhang wala din naman itong balak magpatalo. Nasasabi lang iyon ng lalaki dahil hindi pa siya nito lubos na kilala. Ngunit kapag nalaman siguro nito ang nakaraan niya at ang mga bagay ma nagawa niya ay panigurado siya na hindi nito gugustuhin na makipaglapit pa sa kanya.

Medyo lumamig na talaga ang panahon roon at dahil nasa labas pa sila ay talagang ramdam na niya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Napayakap siya sa kanyang braso habang muling nililibot ang paningin.

May mga nagsasayaw ng slow dance sa may malapit sa hardin dahil sa musika na pinapatugtog ng hotel. May mga batang nagtatakbuhan at nagkukulitan kasama ang mga magulang nila. At may mga mag-asawang masayang nagkukwentuhan lang sa kani-kanilang mesa.

Most of the people around her were obviously happy and she was surrounded by them. She feels suffocated and she wanted to just run as far away as possible.

Nang marinig niya ang halakhak ng isang batang tumatakbo dahil hinahabol siya ng mga kapatid nito ay bigla na namang may mga imaheng lumitaw sa kanyang isipan. Isang bata na tumatakbo at hinahabol din ng isang batang babae at lalaki ngunit hindi niya makita ang mga mukha ng mga ito.

Napahawak siya sa kanyang ulo dahil bigla siyang parang nahilo. Pagkatapos ay naramdaman na lang niya na nabawasan ang lamig sa katawan dahil sa jacket na ipinulupot sa kanya ni Brickley.

"You look cold and uncomfortable. Plus you look like your getting sick and dizzy. Are you alright? Do you want some medicine?" Nag-aalalang tanong nito.

"No." Habang umiiling. "I think, I just need to get back to the room and lay in bed. I have to rest." Sagot niya at akma nang tatayo nang alalayan siya nito.

"I'll help you." Agap nito at hinawakan siya sa braso.

"I'm fine. I can manage." At iniwas ang sarili sa lalaki.

"Striker, stop being so stubborn and let me help you." Anito na ginamit pa ang codename niya dahil hindi pa nito alam ang kanyang pangalan.

Nang muli siya nitong hawakan ay hindi na siya pumalag pa. Hindi siya sanay lalo na at may kakaiba siyang naramdaman dahil sa hawak siya nito.
Tila ba may kuryenteng agad dumaloy sa kanyang katawan.

Pagkapasok nila sa kwarto ay patuloy pa rin ang pag-alalay nito sa kanya. Sinabi niya na maliligo lang siya at kung maaari ba na iwanan muna siyang mag-isa roon para naman makapagpalit siya nang maayos.

Ganoon nga ang ginawa nito at bumalik lang nang nakapagpalit na siya at nakahiga na sa kama. Sa ilalim ng kanyang unan niya inilagay ang kanyang baril at sa tabi naman niya inilagay ang kanyang katana. At dahil medyo nahihilo siya ay kaagad siyang nakaramdam ng antok at hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Pawis na pawis siya at mabilis na ang paraan ng kanyang paghinga. Pabaling-baling siya sa kama at hindi mapakali. Parang gusto niyang sumigaw ngunit wala namang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Subalit nang maramdaman niya ang marahas na pagyugyog sa kanya ay kaagad niyang idinilat ang kanyang mga mata upang gumising mula sa isang marahas na panaginip.

At dahil sa gulat niya ay naging mabilis ang pagkilos niya at binunot ang kanyang baril sa ilalim ng unan at itinutok niya iyon sa kung sinoman ang nasa kanyang harapan.

"Take it easy." Anas ng lalaki sa harap niya. "Calm yourself down. I'm just trying to wake you up because it looks like your having a bad dream." Anito na nakataas na ang dalawang palad sa magkabiling gilid nito na para bang sumusuko.

Hihingal hingal pa ang paghinga niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa baril. Naguguluhan pa siya at naroon pa ang panginginig niya kung kaya't hindi pa niya ibinababa ang baril na hawak.

Isa na namang panaginip ang dumalaw sa kanya at kakaiba na naman iyon dahil nagsimula sa maganda hanggang sa nauwi sa mga pangyayari noong nasa pasilidad pa siya.

Those dreams were always making her crazy and insane. She's tired of it but it always runs after her and she couldn't escape no matter what she does and wherever she goes. It would always find her and torture her over and over again.

"It's okay, Striker. It's just me." Ani ng lalaki at nang hawakan nito ang kanyang kamay na may hawak na baril ay saka lamang siya kumalma nang kaunti.

Hinayaan na niya ito na kuhain mula sa kanya ang baril. At pagkatapos ay saka nito hinaplos ang kanyang mga kamay para alisin ang panginginig roon.

Gusto niyang alisin ang mga kamay at patigilin ito pero tila wala na siyang lakas para pa tumanggi. Pinabayaan na niya ang binata sa ginagawa nito, pati na pagpupunas ng mga butil niyang pawis.

"Here drink some water." Sabay abot sa kanya ng bote ng mineral. "Then take some deep breaths after to calm your senses." Utos nito na sinunod naman niya.

Kakaiba talaga siya dahil imbes na makapagpahinga siya kapag natutulog ay para bang mas napapagod pa siya nang dahil sa mga panaginip niya. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nakatulog nang mahimbing.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito pagkalipas ng ilang minuto.

Kinunutan niya ito ng noo dahil sa pananagalog nito.

"I'm sorry. I thought you can understand tagalog because I heard you talking in your sleep." Paliwanag nito.

"Narinig mo?" Tanong niya na may pagtataka. "N-nagsasalita ako ng tagalog? Anong sinabi ko?"

Kita niya ang gulat sa mata nito nang magsalita na din siya ng tagalog.

"Sumisigaw ka na huwag kang iwan. Nagmamakaawa ka. Tinatawag mo ang ate mo." Paliwanag nito.

Napahawak naman siya sa kanyang ulo nang sumagi muli sa isip ang kanyang panaginip. Tumatakbo daw siya dahil hinahabol siya ng isang batang babae. Pareho silang bata pero hindi niya makita ang mukha nito. Ang boses lang ang malinaw na naririnig niya.

"Stop running! Papagalitan tayo nina Mommy at Daddy. Hanap na din tayo ni Kuya." Sigaw sa kanya ng batang babae.

"Laro pa tayo Ate!" Sabi naman niya.

"Sa bahay na lang tayo maglaro. Come on, let's go back inside the house. Bawal tayo lumabas at lumayo." Aya nito sa kanya.

Pero bago pa man siya makatakbo pabalik rito ay biglang may bumuhat sa kanya at itinakbo siya palayo sa batang babae.

"Ate!!! Help me! Please! Wag mo akong iwan, Ate! Ate!!!"

Iyon nga ang kanyang naging panaginip. Pagkatapos ay bigla na lamang napunta roon sa lugar kung saan na siya lumaki. Hindi niya alam kung totoo bang nangyari iyon sa kanya o gawa-gawa lang ba iyon ng kanyang isipan.

Pero kung totoo man iyon, baka parte iyon ng memoryang nawala sa kanya noong bata pa siya. At kung talagang memorya niya iyon ay ibig sabihin ay dinakip nga siya noong bata pa siya mula sa kanyang pamilya.

"Ano ba ang napanaginipan mo?" Untag sa kanya ng binata kung kaya't naputol ang kanyang pagbabalik-tanaw.

"Nothing." At umayos na sa pagkakaupo. "Don't mind me. Ayos na ako. Salamat na lang sa pag-gising sa akin. But next time, don't do that again. I told you to mind your own business, right? I could've killed you awhile ago, you know? So do not dare do that again. If I were you, just keep your distance from me as far as possible." Aniya at saka kinuha ang baril niya sa gilid nito.

"I know you wouldn't do it. You wouldn't kill a person just like that. You can never hurt someone who isn't a criminal because you're an agent." Sagot nito na ikinatagis ng kanyang panga.

Napakuyom din ang kanyang mga kamao dahil sa narinig. Parang gusto niyang tumawa nang bahaw ngunit hindi naman niya kaya.

"That's where you are wrong about me. You don't know anything, so just shut the fuck up!" Sigaw niya at saka tumayo habang hawak ang kanyang katana at binuksan ang salamin na bintana.

"Hey where are you going? It's fucking cold out there!" Anito na tila ba pipigilan siya sa kanyang gagawin.

"None of your damn business! Stay away from me!" She snapped at him and then she jumped out of the window and run as fast as she can away from that place.

She kept on running and she never looked back. She needed to escape even just for a moment.

No one would understand, no one will ever care. Because no one would ever dare, nor will anyone should ever trust a killer! For she is the same monster she once was, is, and always will be.

繼續閱讀

You'll Also Like

4.3K 114 37
WARNING SPG R-18 When a normal citizen meets the prince, what could anything go wrong? When Violet was left behind at the altar by her soon to be hus...
274K 4.3K 48
SPG (R18) Loretta and Sean StupidiciousPink
10.7K 309 34
Giulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampir...
53.6K 2.1K 34
Dylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed w...