Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

544K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 14

9.9K 386 36
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Nagpasya ako na sulyapan ang lalaki sa driver's seat at sa nagsasalubong na mga kilay ay pinagmasdan ko siya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ay tinawag na Rafael ni Mama.

Napakalaki talaga ng ipinagbago niya mula nang huli kaming magkita seven years ago kaya marahil ay hindi ko siya kaagad na nakilala.

Nakita ko pa ang paglingon ni Rafael sa akin kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi niya na tila ba binibigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

"Nice to see you again, Ivan." he said huskily, pagkatapos ay binuksan niya amg pinto sa tabi niya saka na siya lumabas ng sasakyan.

Umikot pa siya saka niya ako pinagbukas ng pinto pagkatapos ay humakbang na siya patungo sa malaking bahay.

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. Natitigilan pa rin ako na pinagmasdan ang paglakad ni Ralf patungo kina Mama.

"Magkakilala kayo?" nalilitong tanong sa akin ni Jako na ikinalingon ko sa kanya.

I was shocked. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko ang mainit na pagsalubong sa kanya ni Mama.

Niyakap siya ng mahigpit ni Mama ngunit nakita ko ang tila pagkailang ni Rafael dahil nakatingin sa kanila si Papa.

Nang kumalas siya sa pagkakahawak ni Mama ay tila alanganin siyang tumingin kay Papa ngunit tinapik siya nito sa balikat kaya nawala rin ang pagkailang niya.

"Hey," pukaw ni Jako sa atensyon ko. "Hindi mo na ako sinagot."

"Magkakilala pala kayo pero hindi ka nagsasalita diyan." dagdag pa niya.

"I... I... didn't recognized him," wala sa loob na sagot ko.

"Sino siya?" usisa pa niya.

"My... my grandmother's adopted grandson." sagot ko at hindi halos lumabas sa bibig ko ang mga sinabi ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang ko nang mapasulyap sila sa amin ni Jako sa loob ng sasakyan.

Narinig ko pa na nagtatanong sila kay Ralf kung bakit kami nito kasama. Pinaliwanag naman kaagad niya ang nangyari sa amin sa daan saka na kami tinawag ni Mama para pumasok sa loob.

"Tara na," narinig kong yaya sa akin ni Jako saka na siya lumabas ng sasakyan.

Napasulyap naman ako sa dalawang maleta na nasa loob ng sasakyan pagkatapos ay lumingon ako sa dalawang malalaking kahon sa likuran ng pickup.

Napadiretso ako ng tingin sa harapan at sa nababahala na anyo ay sinulyapan ko nag main door ng villa kung saan pumasok sina Mama kasama si Ralf.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jako sa braso ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Tara na," muli niyang sabi kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang bumaba na rin ng sasakyan.

Pinasadahan ko pa ng sulyap ang dalawang maleta habang isinasara ko ang pintuan ng sasakyan.

Pagkatapos ay muli ko ring binalingan ang mga kahon sa likuran saka na ako nagpaakay kay Jako patungo sa villa.

Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa kakaibang kaba na bumalot sa dibdib ko. Hindi ko na rin matukoy kung anong klase ng mga emosyon ang naghahalu-halo ngayon sa dibdib ko.

Sa tanghalian ay hindi ko na magawa pang kumibo. Nakayuko lamang ako sa pagkain. Monopolado ni Mama ang usapan.

Kinukumusta niya si Ralf. Kung ano ba ang mga plano nito sa buhay. Kung ano ba ang mga nangyari dito sa mga nagdaang buwan na hindi sila nagkikita.

Si Papa naman ay tuwang-tuwa at sa nakikita ko sa kanya ay proud na proud siya sa mga achievements ni Ralf.

Hindi rin ako masyadong makarelate sa mga pinag-uusapan nila dahil halos lahat ay tungkol sa pagpapatakbo ng hacienda at iba pang mga bagay na konektado dito.

Hindi rin siya minsan lang tinanong ng mga magulang ko kung may girlfriend na ba siya sa Maynila. Bagay na ikinapagtaka ko dahil nakakadama ako ng inis.

"Mabuti na lamang at nadaanan mo sina Ivan at Jako sa libis, Rafael." sabi ni Mama kapagkuwan na ikinaangat ng tingin ko sa kanya.

"Kung nagkataon ay naglakad sana pauwi ang mga iyan. Kung bakit ba naman kasi napakabata pa ay nagdi-date na." dugtong pa ni Mama.

"Ma," sabi ko. Nakikiusap ang mga mata ko na tiningnan si Mama pagkatapos ay nagbaling ako ng tingin kay Papa.

Hindi ko gustong pag-usapan lalo na sa harapan ng lalaking iyon ang tungkol sa tunay na kasarian ko. Hindi ako komportable.

Bagaman tanggap naman iyon ng mga magulang ko ay palagi pa rin nila akong pinapaalalahanan.

"Honey, pinayagan mo ang dalawa, hindi ba?" sabi ni Papa sa mahinahon na tono matapos ko siyang sulyapan.

Nagkibit lamang ng mga balikat si Mama na tila hindi rin mahalaga para sa kanya ang pag-usapan kami ni Jako.
Bagay na kahit ako ay gusto ko rin.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Ralf saka siya makahulugang sumulyap sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil nakakadama ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Sa gandang lalaki ni Ivan ay inaasahan ko na maraming babae ang magkakagusto sa kanya." aniya.

Hindi ko alam kung iniinsulto ba niya ako o pinupuri dahil sa hindi malinaw na laman ng mga salita niya.

"Sayang nga lang at gwapo din ang gusto." biro ni Papa.

"Pa!" sigaw ko saka ko sinulyapan si Jako na tahimik lamang na nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.

Natawa naman si Papa. "Nagbibiro lang ako. Alam mo naman na kung saan ka masaya ay palagi lamang kaming nakasuporta sayo ng Mama mo."

"Lalo na at hindi na rin naman naiiba sa pamilya natin si Jako. Mabait na bata at masunurin sa mga magulang." dugtong pa niya na pinupuri ang pagiging masunuring anak ni Jako na palagi na lamang ibinibida sa amin ng ama niya.

Hindi pa rin inaalis ni Rafael ang tingin niya sa akin na tila ba amused na amused siya dahil sa mga nalaman niya na mas lalong nagpapatindi ng inis ko.

"Sana naman ay totoo na ang pananatili mo dito, Rafael. Nagkaka-edad na si Lyndon at hindi na magampanan ng maayos ang mga dati niyang trabaho." pag-iiba ni Mama sa usapan.

Mula sa pagkakayuko ay pailalim kong sinulyapan si Ralf na tumingin din sa akin bago nagsalita.

"Nangako ako kay Lola Corazon, Tita Aurelia." sabi niya habang sa akin pa rin nakatuon ang mga mata.

"You don't know how you made me happy." nasisiyahang sagot ni Mama.

Kung ano man ang ibig ipakahulugan ni Mama sa sinabi niya ay hindi ko alam. Ngunit nakitaan ko ng malisya ang paraan ng pagtitig niya kay Rafael.

Para bang gusto niya itong yakapin at halikan sa paraan ng pagkakatitig niya kasabay ng makahulugang mga ngiti.

Hindi na sinagot pa ni Ralf ang sinabing iyon ni Mama. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain matapos ang tila naiilang niyang pagsulyap kay Papa.

Hindi naman nahalata ni Papa ang mga kakaibang kilos ng dalawa na napansin ko. Sa halip ay masuyo pa siyang nagtanong ng mga makabagong paraan ng pagsasaka.

Mahusay naman ang mga naging mungkahi ni Ralf. Tahimik lang kami ni Jako na nakikinig kaya nagulat na lamang ako nang iderekta ni Ralf sa akin ang sinasabi niya.

"How fast you've grown, Ivan." kaswal niyang sabi na tila ba umalis siya noon dito sa hacienda na magkaibigan kami.

"Nasaan na yung cute na bangs mo noon?" dagdag pa niya. Pinapaalala ang anyo ko noong unang beses siyang magbakasyon dito sa hacienda.

Straight cut ang bangs ko noon na hanggang sa itaas ng mga kilay ko na tumatakip sa buong noo ko. Ngayon ay nakataas na iyon at kitang-kita na ang noo ko.

Naunahan naman ako ni Mama sa pagsagot sa tanong ni Rafael.

"Naku, ang batang iyan ay nagmamadali sa pagbibinata. Teenager pa lamang ay parang kaedaran mo na kung gumayak at mag-ayos."

Natawa naman si Ralf. "Hindi naman po ako mahilig pumorma. Mas maporma pa po siya kaysa sa akin kung tutuusin." sagot niya.

"Sabi ko nga'y samantalahin niya ang pagiging bata niya, pero hayan at mukhang may boyfriend na." sabi ni Mama.

"Future boyfriend pa lang." singit ko sa sinasabi niya.

Napailing na lang si Mama bago siya muling bumaling kay Rafael. "I'm glad you're here now, Rafael. Mababantayan mo ang batang iyan."

Dumilim ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi ni Mama.

"Ma, Agrikultura ang tinapos ni Rafael hindi bodyguard." inis na sabi ko.

Palihim kong sinulyapan ng matalim si Ralf and to my surprise unti-unting lumitaw ang isang ngiti sa mga labi niya.

Bahagya ko nang hindi mapigil ang mapasinghap dahil sa taglay niyang kakisigan.

Napailing ako dahil sa mga naiisip ko. Bakit ba nag-mature ng ganito kakisig ang lalaking ito? Napakahirap niyang iresist.

"I am a flexible man, Ivan. I can do both." sabi niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya na ngayon ay nahahaluan na ng amusement.

I don't doubt it. Gusto ko sanang isagot pero pinigilan ko ang sarili ko na sabihin iyon.

His smile melted me. Kasabay noon ay ang inis na naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

Mukhang sa pagkakataong ito ay mas magiging problema ko na si Rafael kumpara noon na sa tuwing inaapi ko siya ay nananahimik lang siya.

Maliban sa pagkakataon na nahuli niya ako na ginugupit ang baseball cap niya na naging dahilan ng pag-alis niya sa lugar na ito noon.

Matapos ang tanghalian ay namasyal na lamang kami ni Jako sa loob ng hacienda.

Hinayaan ko na ang mga magulang ko kasama ni Ralf. Hindi rin naman ako matutuwa sa mga pag-uusapan nila.

Maiinip lang ako at maiinis kung pakikinggan ko sila na nag-uusap maghapon.

Alas-kuwatro na nang magpasya kaming bumalik sa villa. Naroon na ang sundo ni Jako kaya nagpaalam na rin kaagad siya sa mga magulang ko.

Pagkaalis ng sasakyan niya ay nagpasya na ako na pumasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Hindi ko inasahan na maaabutan ko doon si Ralf na nagtitimpla rin ng kape.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Kape? Sa hapon? So weird!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig saka ako nagsalin sa baso.

"Kumusta ka na?" bigla ay tanong ni Ralf habang hawak niya ang tasa ng kape niya.

"I'm good! Ewan ko lang ngayon na nandito ka na ulit." malamig na sabi ko saka na ako uminom sa baso.

Ngumiti si Ralf saka siya muling humigop sa tasa niya.

"Hindi ako nagpunta dito para makipag-away sayo, Ivan. Kung ano man ang mga naging hindi pagkakaunawaan natin noon ay sana kalimutan na lang natin. Magsimula tayo nang hindi nag-aaway. Bilang magpinsan."

"Hindi kita pinsan at hindi ko maipapangako sayo na hindi tayo mag-aaway. Basta huwag mo lang akong papakialaman ay magkakasundo tayo." masungit na sabi ko saka ko na siya iniwanan.

Umakyat na ako sa silid ko saka na ako naligo. Nagkita kami muli ni Rafael sa hapunan ngunit mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makaiwas sa mga nakakainip na usapan nila habang nasa hapag kami.

Continue Reading

You'll Also Like

932K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
14.2K 864 48
ABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well...