L A T C H E D (NGS #4 Ineryss...

By Ineryss

6.3M 185K 73.2K

The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla... More

Latched
P R O L O G U E
1st Latched
2nd Latched
3rd Latched
4th Latched
5th Latched
6th Latched
7th Latched
8th Latched
9th Latched
10th Latched
11th Latched
12th Latched
13th Latched
14th Latched
15th Latched
16th Latched
17th Latched
18th Latched
19th Latched
20th Latched
21st Latched
22nd Latched
23rd Latched
25th Latched
26th Latched
27th Latched
28th Latched
29th Latched
30th Latched
31st Latched
32nd Latched
33rd Latched
34th Latched
35th Latched
36th Latched.
37th Latched
38th Latched
39th Latched
40th Latched
41st Latched
42nd Latched
43rd Latched
44th Latched
45th Latched
46th Latched
47th Latched
48th Latched
49th Latched
50th Latched
51st Latched
52nd Latched
53rd Latched
54th Latched
55th Latched
Untold Part
Untold Part
E P I L O G U E

24th Latched

86.2K 3.4K 2.9K
By Ineryss

Latched

I Belong To You

Ilang sigundong natahimik sina Kaedy at Mommy. Sumimsim ako muli ng wine dahil parang malalagutan narin ako ng hininga sa mga pinagsasabi ni Kaizen. He really confessed in front of my mother!

"Keyla... Saan dito ang paborito mo?" tanong ni Kaizen sa akin, ang boses ay nangingibabaw dahil sa katahimikan.

"Um... I think masarap naman lahat. Try it," sabi ko.

Tumango naman siya at kumuha nalang ng kahit ano. Tumikhim si Mommy at ngumiti kay Kaizen. Si Kaedy naman ay uminom ng tubig.

"Do you like the food?"

Tumango si Kaizen.

"Mukhang nasa lahi niyo talaga ang magagaling magluto. Natikman ko narin kasi ang luto ni Keyla... Magaling rin siya," ani Kaizen.

"Oh... We didn't cook this. We hired some chef dahil nakakahiya naman sa'yo," ani Mommy.

"Kumakain ako ng kahit ano, Tita... Iyong mga... gusto ni Keyla," saka siya sumulyap sa akin.

Sumubo si Kaedy at hindi na makangiti. I smiled at Kaizen.

"Anong pinakain ni Keyla sa'yo at mukhang gustong gusto mo siya?" tanong ni Mommy at sumimsim sa kanyang wine glass.

"Chicken curry palang ang pinapakain ni Keyla sa akin. Pero alam ko iyong mga paborito niya katulad ng Afritada at baked chicken."

Sumubo ako at hindi na makatingin ng maayos kay Kaizen. Memorize niya ata iyong ibinigay kong listahan sa kanya.

"Oh... Iyan nga rin ang nabanggit ni Keyla. Sayang at sana nagpaluto nalang rin ako," si Mommy na inilapag muli ang wine glass.

Kaedy ate silently. Si Kaizen naman ay panay lingon sa akin, hindi mapanatili ang tingin sa harap. He's so obvious and it's really making me nervous.

"Anyway Kaizen... I hope ma meet rin namin ang parents mo. It's our pleasure to meet one of the richest clan in Asia. Hindi ba sila busy this weekend?"

"Sasabihin ko po sa parents ko para makapagset rin sila ng date at maisingit nila sa sched nila. Matutuwa po sila lalo na't gustong gusto rin nila si Keyla..."

Napatingin si Mommy sa akin, ganoon rin si Kaedy na nagpupunas na ng table napkin sa kanyang labi.

"Na meet na ni Keyla ang parents mo?" tanong ni Kaedy.

Tumango si Kaizen.

"Dinala ko siya sa bahay lalo na't gusto rin siyang makilala ng parents ko," ani Kaizen.

"Oh... Hindi iyon nabanggit sa akin ni Keyla," saka makahulugang sumulyap sa akin si Mommy.

"Busy po kasi kayo, Mommy..." sabi ko.

"Sana ma-meet rin namin ni Mommy ang parents mo, Kaizen," si Kaedy.

Tumango si Kaizen.

"I'll tell them. Para aware rin sila sa panliligaw ko kay Keyla," sagot ni Kaizen na nagpatutop agad ng bibig ni Kaedy.

"Thank you for being so nice to my daughter, Kaizen. Welcome sa pamilya namin, hijo..."

Tumango si Kaizen at ngumiti. Lumiko rin naman ang kanilang topic at napunta na sa buhay ni Kaizen. Panay ang tanong nila tungkol sa iba niya pang mga pinsan at kung ano rin ang mga pinagkakaabalahan.

"Apat po ang babae sa amin. Iyong kapatid ko na si Elle, ang kaedad niyang si Zera, si Nana at si Brandy."

"Nandito lang sila sa Pilipinas?"

"Si Brandy at Nana nasa ibang bansa," sagot ni Kaizen, hindi masyadong naglalahad ng kanilang buhay.

"Wala bang pumapasok sa inyo sa showbiz?" tanong naman ni Mommy.

Umiling si Kaizen. "Wala po kaming interes sa ganoon."

"May modelo rin sa inyo?" tanong ni Kaedy.

"Wala rin. Mas focus kami sa business ng pamilya at sa mga career namin."

Umikot ang topic sa angkan nila Kaizen lalo na sa kanyang Grand Uncles na kilalang mga business tycoon. Rich clan in Asia... It's easy to pronounce but it's hard to process how rich their clan is.

"Ang swerte pala ng mapapabilang sa angkan niyo 'no?" ani Kaedy na kumikislap na ang mga mata.

Sumulyap muli si Kaizen sa akin nang mabanggit ang salitang 'swerte'. Kinagat ko ang aking labi at inabala ang aking sarili sa isinerve na dessert.

The dinner lasted for an hour. Masyadong napasarap ang kanilang pag-uusap at pagtatanong ng kung ano-ano kay Kaizen.

Sinamahan ko rin naman si Kaizen sa loob ng bahay nang magpasama siyang magcr pagkatapos ng dinner. Hinatid ko siya sa first floor ng aming comfort room habang si Mommy naman ay may katawagan kaya nagpaalam rin muna.

"Nag-enjoy ka?" tanong ko habang naglalakad kami.

Tumango siya.

"They're nice..."

Tumawa ako. Lahat naman ata ay mabait sa kanya pero sabagay, ang ganda rin ng pakikitungo ni Mommy at Kaedy sa kanya. Asikasong asikaso nila si Kaizen.

Hinintay ko nalang siya sa labas ng cr. Nakita ko pa ang pagngisi ni Manang Letty sa akin at nagthumbs-up. Ngumisi ako sa kanya at nailing.

"Ganda mo," ani Manang Letty at pumalakpak pa habang patungong muli sa labas.

Doon lang ako umayos ng tayo nang lumabas muli si Kaizen.

"Uuwi kana?" tanong ko at naglakad kaming muli patungo sa pool area.

"I'll stay for an hour. Pero kung gusto mong umuwi na ako..."

Umiling agad ako. Nagulat siya pero kalaunan ay kinagat rin ang nakangiting labi. Pagdating namin sa sala ay nasa dulo ni Mommy, may hawak na wine glass at may kausap sa cellphone habang nakasandal sa mahogany door ng aming veranda. Nilingon niya kami at sinenyasan lamang na mauna na kaya tumango ako saka kami bumalik sa pool.

Narinig ko ang tunog ng tubig sa pool, tila may naliligo. Paglabas namin ay sakto naman ang pag-ahon ni Kaedy suot ang isang two piece bikini. Sa sobrang nipis noon ay halos bumakat na ang kanyang nipis na katawan. Sinuklay niya ang basang buhok at napatingin sa amin.

"Baka gusto niyo ring maligo? Hindi na ako nakapagtimpi lalo na't ang init rin kasi..." ani Kaedy sa malambing na boses.

Umiling ako. Sinulyapan niya naman si Kaizen na agaran ring umiling saka ibinalik ang tingin sa akin at inilagay ang kamay sa aking baywang.

"Enjoy, Kaedy," sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa mesa.

Tumango siya at ngumiti ng tipid saka muling lumangoy. Gumagalaw ang mga lotus scented candles doon dahil narin sa paggalaw ng tubig kaya ang gandang panoorin.

Bumalik kami sa upuan. Kaizen drag his chair towards my chair. Kapwa kami nakatalikod sa pool.

Inilagay niya ang kanyang palad sa aking tuhod at inihilig ang isang kamay sa mesa habang nakatingin sa akin, ang mga mata ay namumungay.

"Your freckles look perfectly good on you," aniya sa malalim na boses.

"Your lip piercing looks good on you," sabi ko at ngumisi na ikinangiti niya narin. He brushed his hair and licked his lips.

"You look good on me more than my lip piercing," he whispered.

Tumaas agad ang aking kilay lalo na't hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig. Tumawa ako at hinampas ang kanyang braso.

"Bagay rin kaya sa'yo ang lip piercing mo," sabi ko habang tumatawa.

Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang palad.

"Mas bagay ka sa'kin..."

I giggled softly. Kaizen chuckled, too.

"I think you're drunk, Kaizen... Kahit ano na ang pinagsasabi mo."

Inalis niya ang kanyang palad at tiningnan ako. He even leaned closer.

"Hmm... You think so?"

Ngumuso ako at tumango habang nakatitig sa kanyang labi. If he's going to kiss me right now then I'm not sure if I can stop myself. I might even pull him to my room and have our own privacy damn it! He's insanely gorgeous!

I touched his cheek and played with his lip piercing using my thumb. Pumikit si Kaizen, hinayaan ako sa ginagawa ko. Ba't kaya ang guwapo nito? He's the most handsome guy I met!

Inihilig niya ang kanyang ulo sa kanyang kamao. Tumigil ako sa kanyang lip piercing at ang buhok niya naman ang aking pinaglaruan sa aking daliri. It's soft and addicting! Anong shampoo niya?

Nanatili siyang nakapikit pero alam kong hindi siya natutulog dahil narin sa kakulitan ng isa niya pang kamay sa aking tuhod na gumagalaw. It quite tickles me but its bearable.

"Ang gugwapo at gaganda siguro ng mga magiging anak mo," sabi ko.

"Hmm... Kung papayag kang magpalahi sa akin."

Tumawa ako pero hindi rin makaangal. Bumabang muli ang aking kamay at napunta na ulit sa kanyang labi. Umawang pa iyon at kinagat ako ng hindi gaanong malakas. Hay... Buti pa ang daliri ko nakatikim na ng kagat sa kanya.

"Give me back my thumb..." I giggled.

Binitiwan niya rin naman iyon at natawa. He brushed his hair and opened his eyes. Humilig narin ako sa mesa kaya magkalebel na ang aming mga mukha. Nakipagtitigan ako sa kanya. Nanatili kaming ganoon at hinayaan ang aming mga matang mag-usap kaso palagi talaga akong natatalo at nagpasyang mag-iwas ng tingin. But Kaizen didn't let me. Hinawakan niya ang aking baba at iginiya muli ang tingin ko pabalik sa kanya.

"Let me stare at you," he said on a raspy voice.

Pero bago pa ulit iyon lumalim ay narinig na naming magsisigaw si Kaedy sa pool, humihingi ng tulong.

"Help! I can't move my feet!" saka siya lumubog at muling umahon. "Help!"

Mabilis naman ang aming pagtayo ni Kaizen. He immediately ran and jumped into the pool to save my sister from drowning.

"Oh my God?! What happened!" Ang nagmamadaling si Mommy naman ay lumabas na.

Natataranta narin akong pinanood si Kaizen na lumangoy sa dako ni Kaedy na kumakapa sa tubig.

"Nagka cramps ata si Kaedy, Mommy!" sabi ko sa sobrang pagpapanic.

Mabilis siyang nakuha ni Kaizen. Tumakbo kami ni Mommy sa kabilang dako ng pool lalo na't doon siya iniaahon ni Kaizen. He carried her and laid her on the side of the pool.

"Kaedy!" Ang nag-aalalang si Mommy ay halos mamutla nang makitang walang malay na si Kaedy.

Nanginginig narin ako sa takot. Lumuhod si Kaizen sa kanyang harapan at binigyan siya ng cpr saka binigyan si Kaedy ng compression sa parteng dibdib. Inulit-ulit lamang iyon ni Kaizen hanggang sa umubo si Kaedy at mukhang bumabalik na sa sarili.

"Mommy..." Umiyak agad si Kaedy.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabilis na nagtungo si Manang Letty at binigyan ito ng bath robe habang ang ilan ring katulong ay nakikiusyoso na.

Inalalayan ni Kaizen ang kapatid kong tumayo. Nanginginig pa ako at halos mablangko sa pagtitig sa kanila.

"Thank you Kaizen," ani Mommy.

Tumango si Kaizen, basang-basa at sinuklay ang buhok paatras.

"Ako na ang aalalay Sir Kaizen," ani Manang Letty at kinuha ang isang kamay ni Kaedy para alalayan ito.

"Let's get her inside," ani Mommy na iniyakap na ang roba sa katawan ni Kaedy.

Kaizen went to me. Sumulyap ako sa kapatid kong umiiyak habang niyayakap ni Mommy saka ko ibinalik kay Kaizen na basang basa na.

"Keyla..." Hinawakan ni Kaizen ang aking pisngi at may kung anong pinunasan doon.

Namalayan ko nalang na may tumulo na palang luha sa aking mga mata dahil sa takot at pagkataranta.

"She's already fine," sabi ni Kaizen.

Tumango ako, halos hindi na makapagsalita. Hindi ko alam kung anong irereact. Nagpapasalamat ako sa ginawa niya pero hindi ko rin kayang bigkasin.

"Pahiram ako ng damit, Keyla," sabi niya.

Bumalik ako sa sarili. Basang basa pala siya. Tumango lang akong muli at pinasunod siya sa akin sa aking kuwarto. Dumaan pa kami sa kuwarto ni Kaedy at narinig ko ang kanyang iyak sa loob. Gusto ko sanang pumasok pero nang maalala ko ring magpapalit ng damit si Kaizen ay naglakad na ulit ako sa aking kuwarto.

Nauna akong pumasok at sumunod naman siya. May mga extra pa naman akong malalaking tshirt at isang jersey short kaya iyon nalang ang ibinigay ko.

"Magbihis ka agad baka magkasakit ka pa, Kaizen," sabi ko.

Tumango naman siya at Nagbihis na sa aking banyo. Umupo ako sa aking kama at sinapo ang dibdib kong sobrang lakas ng pagtibok. This is so frustrating.

Lumabas rin naman siya habang ginugulo ang buhok niyang basang-basa. Dala-dala niya iyong mga damit.

"Iwan mo nalang sa banyo ko ang damit mo. Palalabhan ko nalang."

Tumango siya at bumalik ulit sa loob. Bumuntong ako ng hininga at inayos ang aking sarili. Tinampal ko pa ang aking noo para lang mailabas ang mga pinag-iisip ko roon. Wala sa lugar, Keyla. Aksidente iyon and worst pag di iyon ginawa ni Kaizen, maaaring mapahamak ang kapatid mo.

Pero sobra talaga akong nafufrustrate na nanlalabo ang aking mga mata. Why am I so shallow? This is so shallow!

Nadatnan ako ni Kaizen sa ganoong ayos. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Tumayo agad ako.

"Ihahatid na kita," sabi ko at naunang lumabas. Sinapo ko pa ang aking dibdib para matigil lang ito sa paninikip.

Bumaba ako. Nakasalubong ko pa si Manang Letty.

"Okay na ang kapatid mo Miss Keyla," aniya, marahil nakapaskil parin sa aking mukha ang pag-aalala.

Nauna akong lumabas sa veranda at nagtungo sa kotse ni Kaizen. Nilingon ko siya at nakitang naglalakad narin, nagpapaalam muna kay Manang Letty at mukhang pinapasabi niya pa ang pag-alis niya.

Humalukipkip naman ako at dinama ang malamig na hampas ng hangin, tila niyayakap ako at nakikidalamhati sa akin. I shouldn't be sad but I really can't help it. Para akong papatayin sa nararamdaman ko.

Tumunog ang kotse ni Kaizen at nag unlock na. Binuksan niya ang front seat saka sumulyap sa akin. Sinenyasan niya akong pumasok doon sa pamamagitan ng paggalaw ng kanyang ulo.

Wala akong sinabi at naglakad na papasok. Isinara niya iyon at umikot rin sa drivers seat. Pumasok siya saka muling isinara ang pinto. I sighed silently as my eyes drifted away.

May kung ano siyang kinuha sa likod. Noong nilingon ko siya ay nagsusuot na siya ng itim na jacket na may brand name sa harap. Nag-iwas ulit ako ng tingin at itinuon sa labas ng bintana.

"Ba't ka tahimik?" Hinaplos niya ang siko ko, kinukuha ang aking atensyon para lingunin ito.

Hindi parin ako umimik kahit na para nang sasabog ang loob ko. It's shallow... Ayokong isipin niyang napaka immature ko para isipin ang ganoong bagay sa hindi sinasadyang pangyayari.

"Keyla." Hinawakan na ni Kaizen ang aking braso.

"Ano?" malamig kong sagot.

"Cpr iyon..." he explained to me like I don't have an idea about it.

"Alam ko, Kaizen. Hindi naman ako bata na walang alam." Hinawi ko ang kanyang kamay.

"Eh ba't ka galit?" tanong niya na ipinagsalubong ng aking kilay.

"Hindi ako galit," matigas kong sagot. "Ba't ako magagalit? Dapat matuwa ako dahil niligtas mo ang kapatid ko. At masyadong mababaw kung magagalit ako dahil lang sa CPR."

Hindi siya umimik kaya pinakalma ko ang tumataas baba kong balikat dahil sa umaahong emosyon. Darn it!

"So you're not mad?"

"Hindi nga!" giit ko at napataas na ang boses. Ang kulit!

Naiinis lang ako dahil bakit sa tuwing nasa bahay siya, ba't parang lapitin sa disgrasya itong si Kaedy. Naiinis ako dahil hindi ko napipigilan ang emosyon ko. Naiinis ako dahil parang pinapatay ako sa...

"Lalabas na ako. Umuwi kana," sabi ko at akmang bubuksan ang pinto nang hinila ni Kaizen ang aking braso.

Nilingon ko siya habang nagkakasalubong ang aking kilay pero sinalubong niya rin ang nakaawang kong labi. My eyes widened. Natigilan ako sa paglapat ng kanyang labi sa aking labi. His lips was pressed against mine as I felt the cold metal of his lip piercing.

Shocked and stunned, Kaizen pulled away. He was staring at me intensely with his half open lips habang ang kanyang palad ay nasa aking pisngi.

"That's how I kiss, Keyla." He licked his lowerlip.

Hindi ako nakakibo at gulantang pa rin.

"Natutunaw ako sa pagiging selosa mo..." he whispered to me and leaned closer again.

Umalon ang aking tiyan. Napahawak ako sa kanyang braso at nakalimutan ang aking ikinakagalit. Para akong nalasing sa dampi ng kanyang labi na hinahanap-hanap ko agad iyon.

"One more, Kaizen..." I whispered to him.

Namungay ang kanyang mga mata, ganoon din akin. I can feel his heavy breath. Pumikit ako, halos sabayan narin ang kanyang paghinga.

I felt him showered me with small kisses on my cheek. Ang kanyang kamay ay dumaosdos na sa aking leeg at doon humawak. His lips traveled on the side of my lips giving me some soft kisses and I swear, I've never been so greedy in my entire life. Ngayon lang...

Mahigpit akong napakapit sa kanyang braso hanggang sa ibaon ko na ang aking kuko roon. My eyes shut harshly. Dinama ko ang hagod ng kanyang labi at halos matangay na ako sa sobrang sarap noon.

"Akin ka lang dapat, Kaizen..." I whispered with so much pain in my voice. "Ayoko... Ayokong mapunta ka sa iba. Gusto ko, akin ka lang..."

Kaizen stop from kissing me. Nanlalabo na ang aking mga mata sa pag-amin. Sobrang bigat ng aking pakiramdam na pag hindi ko iyon ilalabas ay malalagutan ako ng hininga.

Dumilat ako. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha, ang nakaawang niyang labi dahil sa aking pag-amin.

"Nafufrustrate ako dahil pakiramdam ko..." Sinapo ko ang dibdib kong sasabog na ata. Kaizen stared at me deeply.

"Pakiramdam ko maaagawan ako!" Pumatak ang malalaking luha sa aking mga mata. Ang bumabagabag sa akin gabi-gabi ay tuluyan ko nang nailabas.

"Hindi ko alam kung ba't ko ito nararamdaman pero parang..." Pinalis ko ang aking luha at humikbi. "Parang maaagaw ka sakin!" sigaw ko sa sobrang frustration.

"You said you don't want to get obsess with me and now I think I'm the one who's obsess!" Hinabol ko ang hininga ko, halos mafrustrate na sa aking inaamin sa kanya.

Hinawakan niya ang aking pulso at tumulong sa pagpupunas ng aking luha. Kinagat ko ang aking labi, hindi malalam kung bakit sobra kong emosyonal. Ang bigat bigat na talaga ng nararamdaman ko kanina pa at ngayon ay sumabog na.

"Pakiramdam ko... Parang... Parang ako lang ang masaya pag pinili kita." Mas nalaglag ang panibagong luha.

Seryoso niyang pinunasan ang mga iyon, halos saluin ang bawat pagpatak. Humikbi ako at pumikit.

"Bakit wala akong nakukuhang suporta sa kasiyahan ko?" Nanliit ang aking boses, parang batang humahagulhol at isinusumbong lahat sa kanya ang aking nararamdaman.

"Sobra na akong nafufrustrate... Dapat hindi ko binibigdeal pero... Pero hindi ko naman kayang kimkimin habang buhay. Para na akong sasabog..." Sinapo ko ang aking dibdib at bigong bigo na umiyak sa kanyang harapan, lahat ng frustrations ko ay naipon na at nailalabas ko na sa kanya.

Kaizen hugged me tight. Umiyak ako sa kanyang balikat.

"Pag naagaw ka... Sino nalang ang susuporta sa akin, Kaizen?" I said painfully.

Hinagod niya ang aking likod at mas humigpit ang yakap. He squeezed me more.

"What's yours is yours, Keyla. No one can have me unless it's you. My heart only belongs to you. I belong to you..." Hinalikan niya ang aking ulo.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 114K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.9M 181K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...