25th Latched

95.9K 3K 459
                                    

Latched

Restraint

"Keyla, 15 minutes to go," sabi ng staff na ikinatango ko agad.

Sumulyap si Cholo sa akin. Narito kami sa kompanya ng Moonchild Cosmetics para sa shoot ko sa aking commercial. Maya-Maya ay dadating din si Kaizen after his school for his part.

"Kanina ka pa tulala ah. May nangyari na naman?" tanong niya habang naka de kwarto sa couch.

Umiling ako at hinaplos ang aking buhok habang nag-iiwas ng tingin sa kanya. Anong sasabihin ko, I missed a very nice opportunity last night... At anong sasabihin niya? Na tigang ako sa labi ni Kaizen? No way.

"Nag-away kayo ni Kaizen?" hula niya. "Alam mong hindi kayo pwedeng mag-away dahil kailangan mo siya, Keyla. Makipagbati ka-"

"Wala nga." Iritado kong putol lalo na't hindi ko nagugustuhan ang ginamit niyang salita.

Umarko ang kanyang kilay. Umirap ako at humalukipkip.

"Eh ano iyang inaarte-arte mo?"

"Nothing. May iniisip lang ako," pagsisinungaling ko para lang matigil siya.

Tinantanan rin naman ako ni Cholo. Binura ko nalang sa aking isipan ang halik na iyon kahit na sobra ring hirap. Nagconcentrate nalang ako noong magsimula ulit ng shoot.

Tumayo ako ng maayos habang nireretouch nila ako. I am wearing a red shade of lipstick to match my red sleeveless dress and red stilleto. Ang scene ay maglalakad lang ako sa isang Bar, sa mataong lugar habang sinasabayan ang beat at mapapalingon ang lahat ng lalake sa akin, isa na roon si Kaizen na makukuha ko rin ang atensyon. I think pupunta kami mamaya sa isang Bar to shoot our commercial pero bago muna iyon ay iyong ibang scene ko muna ang kukunan.

"Nasaan na si Kaizen?" tanong ng staff sa akin.

Bago ko pa masagot, may nagsinghapan na. And there, ang kararating na si Kaizen ay pinagkaguluhan agad ng mga staff. He smiled nicely at them lalo na't may iba na nagpapapicture agad.

Sumulyap si Kaizen sa akin pero agaran ring napuputol dahil sa mga babaeng lumalapit at nakikipagpicture. Sa gilid ng aking mga mata, kitang-kita ko ang nanunuyang ngisi sa akin ni Cholo.

"Ang guwapo pala talaga sa personal! Ba't hindi nalang siya mag-artista?" Isa sa mga staff ang nagsabi noon.

Kahit iyong make-up artist na nagreretouch sa akin ay nakay Kaizen na ang tingin.

"Enough, enough girls! Bigyan na iyan ng damit at para masimulan na ang shoot!" ani Mrs. Salvaña sanhi para matigil sila sa kakadikit kay Kaizen.

He's just wearing a plain white Tshirt, dark jeans and shoes. Kahit ang simple lang ng pananamit ay nag-uumapaw ang kanyang karisma sa lahat ng babae. Nakadamit pa iyan ha...

Binigyan lamang siya ng leather jacket para magmatch sa kanyang suot at mas lalo pa siyang gumwapo na halos lahat na ng mga babaeng staff na kahit si Cholo ay napapatulala sa kanya.

Binigyan lang siya ng instruction ng staff bago simulan ang aming shoot habang seryoso siyang nakikinig at nakapameywang pa.

"Pumwesto ka sa gitna kasama ni Keyla," sabi ng photographer na ikinatango naman agad ni Kaizen.

Nagtungo siya sa gitna kung nasaan din ako. Inayos naman ng ilang staff ang lighting at itinapat iyon sa amin para mas maging maganda ang kinalabasan sa picture.

"Closer..." ani Joel, ang photographer.

Lumapit pa kami sa isa't isa. Ngumuso naman si Kaizen, nagpigil ng ngiti.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon