7th Latched

85.2K 3.4K 1.8K
                                    

Latched

Goodluck Kiss

I did some boxing after having a breakfast with Kaedy. Inilabas ko lahat ng aking frustrations sa punching bag suot ang isang boxing gloves sa mga kamay, tanging sports bra, leggings at nike shoes habang nakaponytail ang aking buhok. Tumutulo na ang aking pawis lalo na't kanina pa ako sumusuntok doon.

"Easy... Sino bang kaaway mo?" tanong ni Cholo at hinawakan ang punching bag.

Hinabol ko ang hininga at tiningnan ang tiyan kong namamasa na rin dahil sa pawis.

"Si Raiden..."

Nagulat siya sa aking binigkas.

"Nagkausap kayo? Himala at may time sa'yo." Tumaas ang kanyang kilay sa akin.

Pinuntahan ko ang aking tubig at pinulot iyon. Hinubad ko ang isang boxing gloves saka ko iyon ginamit para pambukas.

"He called me kagabi," sabi ko.

"At?"

Uminom ako, sa gilid ng aking mga mata ay titig na titig naman si Cholo sa akin. Pagkatapos kong uminom ay inilapag ko iyong muli at isinuot ulit ang gloves. Nagtungo ako sa kanyang gawi.

"Niyaya niya akong makipagsex." Ngumisi ako kay Cholo na nalaglag ang panga.

Pinaulanan ko agad ng suntok ang punching bag kaya mabilis niya iyong hinawakan ng mahigpit habang sinisilip ako.

"Eh 'di ba at niyaya ka rin niya noon?"

Tumango ako. Cholo knows about us since sa kanya ko minsan nakukwento lalo na't siya lang rin ang nakakausap ko. Hindi niya rin naman iyon ipagsasabi lalo na't kailangan niya ring alagaan ang image ko.

"Yes. Of course I told him I'm not yet ready. Wala pa sa utak ko ang ganoong bagay, Cholo. I'm just 18. Ibang usapan na ang sex." Sinuntok ko ng malakas ang punching bag.

"Tigang na ata si Raiden," aniya.

Hindi ako umimik sa bagay na iyon. Hindi ko rin talaga kasi magets ang biglaan niyang pagyayaya. I think he's horny last night. Ano, naiisip niya lang akong tawagan pag horny siya? It's really disappointing.

"Eh kung kay Kaizen ka pa edi wala kang problema." Ngumisi agad ng malawak si Cholo.

Tumigil ako sa pagsuntok at namaywang na habang hinahabol ang aking hininga.

"Why are you so into him?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gaga! Sino bang babae ang aayaw sa kagaya niya, Keyla?"

Umirap ako. "Ako."

Umirap rin siya sa akin.

"Nagbubulagbulagan ka kasi sa maling lalake kaya di mo makita si Kaizen," aniya.

"So you're saying tamang lalake siya?"

Tumango siya. Umismid ako at umupo sa sahig. Inihilig ko ang aking mga kamay roon at tumingala habang naka half-open ang aking labi.

"Just break-up with Raiden and become Kaizen's real girlfriend," he suggested.

"No," matigas kong sabi at pumikit, hinahayaan ang pawis kong matuyo.

Sa hapong iyon ay nakipagkita rin kami sa isang brand ng isang sikat na foot wear. They offered a contract at pinag-usapan ang gagawing commercial ko. Si Cholo ang bumasa at ako naman ang pumirma.

"Thank you so much for letting us work with you, Miss Keyla," ani Mr. Castillan, ang CEO ng kompanyang nagmamay-ari ng brand.

"It's an honor rin po for me. Thank you for choosing me Sir..." sabi ko habang nakikipagkamay ako sa kanya.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now