17th Latched

89K 2.5K 571
                                    

Latched

Issues

Naging komportable agad ako sa parents ni Kaizen pagdaan ng ilang oras ng pakikipag-usap ko sa kanila. Sobra ako nilang inientertain at ayaw pang ma out of place lalo na't palagi rin akong kinakausap ng Mommy ni Kaizen.

"I like your parents," ang bukambibig ko kay Kaizen nang sinamahan niya akong mag cr.

He licked his lip and smiled.

"Pasado ba bilang pangalawa mong magulang?" he asked me, almost smirking.

Tumawa ako. "Why not."

Tumawa rin si Kaizen at nailing. Medyo ilang parin naman ako sa kanya dahil sa mga pinaparamdam niya sa akin pero minsan ay nagiging komportable rin talaga ako. Siya iyong tipo ng taong kakabahan ka pag kasama mo pero komportable rin at the same time.

Elle is not as friendly but she knows how to make you feel welcome. Ngumingiti siya sa akin minsan pero minsan rin naman ay seryoso lang. Caden smirks alot. Mahilig silang tumawa kaya nakakagaan rin sa pakiramdam at hindi ako masyadong naiintimidate lalo na't nakakaintimidate talaga ang parents nila.

Nanatili kami sa pool area while having some dessert. Hindi parin tapos si Tita Ellie sa kakatanong sa akin ng kung ano-ano.

"Retired actress po ang Mommy ko at nasa showbiz naman po ang kapatid kong si Kaedy, Tita," paliwanag ko nang magtanong siya tungkol sa aking parents.

"Oh... Nasa lahi niyo pala talaga. Ikaw ang bunso?"

Tumango ako. Ang kanyang asawa at ang kambal ay naroon rin sa harap ng pool, may kung anong topic habang kami naman ay nandito lang sa may mesa, kasama si Elle na kumakain ng dessert.

"Are you planning to continue your studies? Sayang kung hindi mo tatapusin," ani Tita.

"Homeshooled naman po ako pero gusto kasi ni Mommy na magfocus ako sa modeling career ko."

"Mahirap bang isabay?" tanong ni Elle, nakakunot na ang noo.

"Sa dami ng projects ko mahirap..."

"Well, I gave-up my modeling career when I was at your age just to focus on my studies... Since may personal reasons rin ako," si Tita.

"Mahilig pala ang pamilya natin sa mga models. From Daddy to Kuya..." si Elle.

Ngumisi si Tita. Ngumiti rin ako at ginalaw ang aking panghimagas.

We just talked about random things. Si Elle naman ay masyadong curious sa mga nakakasangkutan kong issues na tinanong niya talaga ang mga iyon. She's curious why I have a lot of bashers at marami siyang nabasang articles tungkol sa akin.

"Your bashers said you're a mean brat model at marami kang nakakaaway na co-models. Ang raming pangit na sinabi nila sa'yo," si Elle nang maiwan muna kami ni Tita Ellie para magcr.

I think nagresearch siya. Ang rami rin kasi noon sa internet. Naka save doon lahat ng issues ko noon sa mga co-models ko lalo na't sa public talaga ako nagbibitaw ng mean comments na hindi nakakaligtas sa camera kaya nagleleak agad unlike sa kanila na sa social media ako palaging ginigyera. Panay ang patama sa akin sa twitter.

"Bashers will never say something nice." Nagkibit ako roon.

"So okay lang sa'yo na sinisiraan ka ng marami sa internet?"

Tumango ako at hinaplos ang aking buhok.

"They're not important to me anyway."

Nilingon niya saglit ang kinaroroonan nila Kaizen. I think they're drinking some beer at nasa pool ang tingin. Ibinalik rin naman ni Elle ang kanyang mga mata sa akin.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now