Bed friends? (Completed)

By ellesanity

374K 4.9K 313

[Completed] We were the best of friends...in bed. No strings. No attachment. No commitment. Just for entertai... More

Prelude
Chapter 1: Bed friends?
Chapter 2: Never been in love
Chapter 3: Not now
Chapter 4: Bitch mode
Chapter 5: Crush
Chapter 6: At the bar
Chapter 7: Blind date
Chapter 8: Escapade
Chapter 9: Gravity
Chapter 10: One bad move
Chapter 11: Come what may
Chapter 12: Not-so-romantic date
Chapter 13: Never look back
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: How
Chapter 16: Savior
Chapter 17: Sorry
Chapter 18: Just friends
Chapter 19: Acceptance
Chapter 20: Let go
Interlude
Chapter 21: Not really
Chapter 22: Hang-over
Chapter 23: If only
Chapter 24: Hush
Chapter 25: Even if
Chapter 26: A little too late
Chapter 27: Damn regrets
Chapter 28: Everything has changed
Chapter 29: The ghost of you
Chapter 30: Forgotten
Chapter 32: Again
Chapter 33: Daddy
Chapter 34: Can't be
Chapter 35: I won't
Chapter 36: Stay away
Chapter 37: Good old days
Chapter 38: It's complicated
Chapter 39: Shattered
Chapter 40: Still in love
Postlude

Chapter 31: Why

5.1K 82 15
By ellesanity

Chapter 31: Why

"Wait lang. Sino ka ba? Hindi kita kilala."

Panandaliang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Nanlamig ang mga kalamnan ko. Para akong binagsakan ng napakalaking bato; ang bigat sa pakiramdam.

Tumawa ako nang pilit.

Is this some kind of a joke?

"N-Nagbibiro ka ba? A-Ako? Hindi mo k-kilala?" nagtataka kong sagot.

"I'm not joking. Seriously, sino ka ba? Kilala ba kita?" Kumunot lalo ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ang mukha ko.

Hindi kaya kamukha niya lang 'to? Kamag-anak? O baka naman kakambal niya?

"Ikaw si Ella, tama? Daniella Celine Vidal Torrez?" tanong ko, para makasigurado.

Tumango siya at sinabing, "Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"

Sinabi na! Hindi ako nagkamali! Siya talaga ang kaharap ko! Hindi ako basta nananaginip lang o ano.

"Ha? Pa'nong hindi ko malalaman, magkakilala kaya tayo! Ano bang nangyari sa 'yo? Naka-drugs ka ba? Isa na naman ba 'to sa mga pakulo mo?"

"Pa'nong magkakilala? Ngayon pa lang kaya kita nakita."

May kumirot sa puso ko.

Kinalimutan niya na ba talaga ako?

"Alam kong hindi naging maganda ang huling pagkikita natin. Huwag ka naman sanang magbiro nang gan'yan. Hindi nakakatuwa." Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

Parang unti-unting dinudurog ang puso ko sa bawat oras na lumilipas.

"Hindi ako nagbibiro. I'm sorry, but I really don't know you," mahinahon niyang sagot. "Salamat sa pag-alaga sa baby namin," wika niya sabay tingin sa kasamang lalaki. "Come on, Raf."

Tumango ang lalaki at nagsimulang maglakad buhat ang bata.

Bago pa man siya makahakbang, hinawakan ko ang braso niya.

"Sandali! Hindi mo ba talaga ako nakikilala? Ako 'to, si-" Bago ko pa man matapos ang aking sinasabi, bigla niyang hinatak ang braso niya palayo sa akin.

"Ano ba! Sinabi nang hindi kita kilala!" inis niyang sabi.

Napatingin ang ibang namimili dahil sa lakas ng sigaw niya. Crap.  Ngayon, ang dami nang nakatingin sa 'min!

"Ano bang sinasabi mo? Pa'nong hindi mo ako kilala?" may hinanakit kong sabi.

Sinubukan kong lumapit sa kaniya kaso humakbang siya palayo.

"Ella..."

"Huwag kang lalapit! Sorry, hindi talaga kita kilala!"

Um-extra na ang kasama niyang lalaki. Samantalang nakatingin lang sa amin na para bang nagtataka ang batang karga-karga nito.

"Dude, sinabing hindi ka niya kilala. Puwede ba, lumayo ka sa kaniya. Tinatakot mo ang fiancee ko," awat ng lalaki.

Fiancee?

Parang sasabog ang ulo ko dahil sa nalaman.

"Fiancee?" pabulong kong sabi. "Kailan ka pa niya naging fiance?" May halong inis sa tono ko.

"Makapagsalita ka! Sino ka ba?" inis na sabi ng lalaki.

Hindi ko siya pinansin. Humarap ako sa kasama niya.

"Matapos mong umalis nang walang pasabi, ganito pa ang sasabihin mo sa akin? Na hindi mo ako kilala? Ha? Ella?" Hindi ko sila hahayaang umalis nang hindi man lang siya nagpapaliwanag.

Naramdaman kong may kamay na humahatak sa braso ko. "Ano ba Max, tama na!" awat ni Marj. Hindi ko siya pinansin. Hinarap ko ang lalaki at sinabing,

"Naguguluhan talaga ako. Hindi ko maintindihan kung pinagti-trip-an niyo lang ba ako o nagsasabi talaga siya ng totoo. Puwede ba kayong makausap nang matino kahit saglit lang?"

"Ano pa bang tawag mo rito? Nag-uusap na tayo, hindi ba?" pabalang na sagot ng lalaki. Aba't!

Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang aking sarili.

Humarap ako sa bestfriend ko.

"Sorry sa abala. Puwede ka bang maka-usap?"

Hindi siya kumibo.

"Please?" I beg.

Tumingin siya sa kasama niya, saka muling ibinaling ang tingin sa akin. Huminga siya nang malalim saka sinabing, "Fine. Sa'n ba?"

"Tara sa Pizza Hut," yaya ko.

Tahimik lang siyang tumango at saka nagsimulang maglakad papunta sa nasabing kainan. Binayaran ko muna ang mga pinamili namin saka iniwan ang mga bitbit na dala sa may baggage counter. Saka kami sumunod ni Marj.

"Um-order na kayo. Kakakain lang namin kanina kaya busog pa kami," wika ko pagka-upo naming dalawa.

Tumango itong fiance niya kuno saka tumayo at nagtungong counter.

"Um, pakibantayan saglit 'tong baby namin. Washroom lang ako," sabi naman nitong isa sabay abot ng bata sa akin. Ice. Ang lakas ng loob niyang iwan ang sariling anak sa 'hindi kakilala'. "Baby, I'll be right back," nakangiti niyang sabi sabay halik sa noo ng bata saka siya lumakad papuntang washroom.

Ngayon, kaming dalawa nalang ni Marj ang naiwan kasama ang bata.

"Sorry talaga Marj. Sinira ko ang date natin, at nadamay ka pa sa gulo ko. Mamaya nalang ako magpapaliwanag," paumanhin ko.

"Right. Gan'yan ka naman lagi. Ngayong nakita mo na siya, siguro naman masaya ka na? Siguro naman matatahimik na 'yang kaluluwa mo," inis niyang sagot.

Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha.

Pa'no ako matatahimik sa lagay na 'to?

"Sa totoo lang, lalong nagulo ang isip ko ngayong nagkaharap na kami," pag-amin ko. "Sa tingin mo ba, nakalimutan niya na talaga ako?"

Ayan. Naka-on na naman ang switch ng dramatic side ko. Ice.

Nag-angat siya ng tingin saka ipinatong ang cellphone na hawak sa table.

"Hindi ko alam. Bakit ba ako ang tinatanong mo?"

Bakit ba siya gan'yan magsalita? Hindi ko naman siya iiwan dahil lang nakita ko na ulit ang bestfriend ko. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit niya kami iniwan. Kung bakit siya umalis nang walang pasabi. Hindi ko naman balak guluhin ang tahimik niyang buhay ngayong alam kong masaya na siya sa piling ng iba.

Gusto ko lang ng closure.

"Sungit! Huwag ka ngang sumimangot! Tinatakot mo ang bata!"

"Ay, sorry na baby," sambit niya, sabay ngiti.

"Okay lang."

"Hindi naman ikaw ang sinabihan ko! Iyong bata," pahabol niya pa. "Napaka mo."

"Alam ko! Bakit ba ang highblood mo? Daig mo pa yata ako. Chillax! Ako dapat ang nagpa-panic ngayon - aw, aray! H'wag mo akong sabunutan baby girl!" sagot ko sabay hawi sa kamay ng bata. Lastik. Tuwang-tuwa sa buhok ko. Nagulat ako kasi pagtingin ko sa bata, ayon! Parang iiyak na. "Aw, don't cry baby girl. Hindi ako galit. Paglaruan mo na ulit ang buhok ko, okay lang talaga."

"Lastik ka! Pati bata inaaway mo," hirit ng katabi ko. Tinitigan ko siya nang masama. "Tsk! Makatingin ka - o, shoot! And'yan na siya!" Umayos siya nang upo at nagkunwaring may hinahalungkat sa bag.

Pagtingin ko, nasa harap na pala namin 'yong lalaki. Ipinatong niya sa table ang tray na naglalaman ng mga pagkaing in-order niya.

"Daddy!" masiglang bati ng bata pagkakita sa lalaki.

Tumayo ang lalaki at kinuha ang bata mula sa akin. Walang alinlangang sumama ang bata sa kaniya.

"Anak niyo?" itinanong ko, kahit alam ko na ang sagot.

Malay niyo naman kapatid, pamangkin, pinsan o ano lang pala nila. Asa pa naman ako.

Tumango lang ang lalaki. Kasabay nito ay ang paghigpit ng kapit ni Marj sa kamay ko.

Kaya ba?

Kaya niya ba kami nagawang iwan? Dahil sa lalaking 'to?

Ibinaling ko ang tingin sa bata. Hindi ko maipagkakailang may pagkakahawig sila ng bestfriend ko.

"How old are you baby girl?" I ask.

Iwinagayway ng bata ang kanang kamay niya at ipinakita ang tatlong daliri. "Three po."

Tatlong taon.

Sakto. Halos apat na taon na rin ang nakalilipas mula nang umalis siya.

Hindi ko alam kung anong dapat isagot kaya ngumiti nalang ako nang mapakla.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala," singit ng lalaki. "Ralph Baltazar. Raf nalang," pakilala niya sabay abot ng kamay.

Labag man sa loob ko, nagkamayan kaming dalawa.

"Kendrick Maxwell Castillo. KM nalang," pakilala ko naman.

Sakto, biglang dumating ang bestfriend ko. Umupo siya sa tabi ng fiance kuno niya, sa harap ng girlfriend ko.

Humigop muna siya ng softdrinks, saka nagsalita.

"Ano bang gusto mong itanong?"

"Bakit ka umalis nang walang pasabi? Bakit bigla mo nalang pinutol ang connection mo sa 'min? Bigla nalang tayong nawalan ng communication. At bakit ngayon ka lang dumating? Kailan ka pa nagka-fiance? Kailan pa kayo nagka-anak?"

"Ang dami mo namang tanong. Pa'no ko 'yan sasagutin? Sinabi ko naman sa 'yong hindi kita kilala," mahinahon niyang sagot sabay kagat ng pizza.

"Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo. Hindi mo ako maloloko. Ano? Umalis ka lang, nakalimutan mo na ako bigla?"

Nababanas na ako. Kung galit siya sa 'kin, sabihin niya! Hindi 'yong ginaganito niya ako. Ang ayaw ko sa lahat, pinagmumukha akong tanga.

"Nagsasabi siya ng totoo. Siguro kilala mo talaga siya. Ngunit hindi ka niya kilala," singit naman ni Raf.

Tangina, hindi ikaw ang kinakausap ko!

Gusto ko 'yang isigaw sa lalaking 'to kaso hindi ko ginawa; ayaw ko namang gumawa ng gulo rito sa mall.

"Anong ibig mong sabihin?" may bahid ng pagtataka sa tono ko.

"She has an amnesia," kalmadong sagot ng fiance kuno niya.

Amnesia? Nagpapatawa ba sila? Ano kami, nasa telenovela?

"Amnesia?" may pagdududa kong sabi.

Hindi ako naniniwala.

Hindi.

Mas tama siguro kung sasabihin kong...

Ayaw kong maniwala sa sinasabi nila.

Hindi ko kayang tanggapin.

"Six months ago, bago kami makabalik dito, she got into a car accident. Nabagok ang ulo niya at na-comatose siya for a week. Pagkagising niya, wala na siyang maalala. According to her doctor, she has a long term amnesia. It will take time bago siya tuluyang maka-recover. May possibility rin na hindi niya na ma-recover ang past memories niya." Blanko ang mukha ng fiance niya habang sinasabi 'yan.

Ibinaling ko ang aking tingin sa bestfriend kong kasalukuyang pinapakain ang anak nila.

"Is it true?" I ask, hoping that she will say no; hoping that she will take back everything that she has said.

"Yes. Siguro kaya hindi kita makilala, kasi nakalimutan kita."

That hit me hard.

Am I that easy to forget?

Why?

After all that we've been through...

Why do you make me feel so worthless?

"I'm sorry. Kahit anong pilit ko, hindi talaga kita maalala," malungkot niyang sagot.

Damn! I hate to admit it, but she's telling the truth. I can see it in her eyes.

Napayuko ako.

Kung bangungot man 'to, pakigising naman ako.

"Wala ka bang gustong itanong?"

Ayan na naman 'tong fiance niya. Ang angas, ha! Ba't ba siya nakikisingit?

"Kailan pa naging kayo? Pa'no kayo nagkakilala?"

Magsasalita na sana si Raf nang biglang sumingit si Marj.

"Excuse me. Washroom lang ako," she says. I just nod as an answer.

Agad siyang tumayo at mabilis na naglakad papuntang washroom. Sinundan lang siya ng tingin nitong fiance ng bestfriend ko. Nang tuluyan nang mawala si Marj sa paningin namin, saka nagsalita si Raf.

"Nagkakilala kami two years ago sa isang university na pinasukan naming dalawa. Hindi man kami classmates, nagkikita pa rin kami kapag may pagpupulong ang club/org na sinalihan namin. Hindi pa kami close no'n kaya bihira kaming magka-usap. Isang araw, natapunan niya ng paint ang papers ko habang nakatambay kami sa room ng org namin. Nasa tabi ko kasi siya, nagpi-paint nang bigla niyang natabig ang lata ng pinturang nakapatong sa table. Nagalit ako kasi ipapasa ko na dapat 'yon kinabukasan. Pinagpuyatan ko pa naman 'yon. Nag-sorry naman siya sa akin. Para makabawi, tinulungan niya akong tapusin ang papers ko. Nilibre niya rin ako ng pagkain sa isang coffee shop hindi kalayuan sa university namin. Simula no'n, madalas na kaming magkita. Nang tumatagal, lalo kaming napalapit sa isa't-isa. Nagkagustuhan. Nagkaligawan. Kita niyo naman, ikakasal na kami next month," pagsasalaysay niya, saka hinawakan ang kamay ng bestfriend ko at hinalikan ang ibabaw nito. Nakita kong kuminang ang diamond ring sa palasing-singan ng kamay niya.

Nanlumo ako dahil sa narinig.

Ikakasal na sila next month?

Ang bilis naman yata!

"Bakit parang gulat na gulat ka yata?" nagtatakang tanong ni Raf.

"Hindi ko lang inasahan. Bigla nalang kasi siyang umalis ng bansa nang walang pasabi halos apat na taon na rin ang nakalilipas. Magmula no'n, wala na rin kaming balita sa kaniya hanggang sa bigla nalang kaming nagkita ngayon. Nagulat lang ako," nakapangalumbaba kong sagot.

Naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. "Sabihin mo, sino ka ba talaga sa buhay niya?"

Napatingin ako sa bestfriend kong abala sa pagpapakain sa batang karga-karga niya. Umangat ang tingin niya at nagtama ang mga mata namin. Agad naman akong umiwas ng tingin, bumuga ng hangin, saka sumagot.

"Just an old friend," halos pabulong kong sabi na sinamahan ng malungkot na ngiti.

Tumingin ako sa wristwatch ko.

4:58 ng hapon na pala.

Sakto, nakita ko sa peripheral vision kong palapit na si Marj.

"Muntik ko nang makalimutan! May lakad pa pala kami ng girlfriend ko! Mauna na kami. Salamat sa oras. Sorry sa abala," sabi ko at saka tumayo. Nang makalapit ay saka ko hinawakan sa braso ang girlfriend ko. "Tara na, Marj."

Wala naman talaga kaming pupuntahan pagkatapos. Sadyang hindi ko na kayang magtagal dito kasama silang dalawa.

"No problem! Salamat ulit sa pag-alaga sa anak namin! Attend kayo sa kasal namin, ha!" nakangiting sabi ng bestfriend ko. Sadista ba siya? Hindi niya ba napapansin kung ga'no kahirap para sa 'kin ang tanggapin ang lahat ng 'to? Sa bawat salitang binibigkas ng mga labi niya, lalong nadudurog ang puso ko. "Say thank you to tito, baby," dagdag niya pa sabay kuha sa kamay ng anak niya't iwinagayway.

"Thank you po! Bye-bye," nakangiting sabi ng bata habang kinakaway ang kaniyang kamay.

Hindi ko na kayang ngumiti pa kaya tumango nalang ako, tumalikod saka nagsimulang maglakad palayo.

Tahimik lang kami habang naglalakad pabalik sa super market. Babalikan pa kasi namin 'yong mga pinamili namin. Maya-maya, nang tuluyan na kaming makalayo sa dalawa, biglang nagsalita si Marj.

"Fuck it! Ang kapal talaga ng mukha niya! Kung kumilos siya, para bang walang nangyari! Para bang wala lang sa kaniya ang lahat," galit na sabi ng kasama ko. Sinabi na! Kaya pala!

"What a small world," nasabi ko nalang.

"Sino ba namang mag-a-akala 'di ba? Ang lupit talaga ng tadhana," inis niyang sagot.

Bigla nalang akong nakaramdam ng galit. Hinaluan pa ng sakit. Lungkot. At panghihinayang. Parang nag-umapaw bigla lahat ng nararamdaman ko.

All this time? Kaya niya ba ako iniwan nang walang pasabi dahil sa isang lalaki? At ngayon may anak na sila! Malapit na rin silang ikasal! Nagawa pa talaga akong imbitahan. Talaga naman! Palakpakan.

"Tangina! Tadhana? Choice niya 'yon. Ginusto nila 'yon. Tangina nila. Magsama sila."

Bullshit!

Sana pala nagka-amnesia nalang ako.

***

A/N: *Speechless*

HAHAHAHAHAHA move-on na kasi :p 'Di lahat ng bagay a-ayon sa gusto niyo, 'kay? Aral muna kasi bago landi - anong connect? Puro kayo love love love. E wala nga kasing forever #Bitter HAHAHAHUHUHU (Nagpapaka-realist kuno. lol) Stay tuned for more events! Thanks for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

43.4K 379 7
Jade Pangilinan is livingg her miserable life being a freelance writer. She has been all by herself. Nobody wants to be with her. Nasanay na siya sa...
804K 1K 5
Mature Content (Some Scenes are extremely explicit.) R-18 Life is unfair. That much is true. Hindi lahat biniyayaan. Hindi rin naman lahat pinabayaan...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
20.1K 484 20
R18 || MATURE CONTENT Neriza and Adon Story. Her Feminine Lover Side Story 3rd Person POV Date Started: 09/26/22