L A T C H E D (NGS #4 Ineryss...

By Ineryss

6.3M 185K 72.5K

The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla... More

Latched
P R O L O G U E
1st Latched
2nd Latched
3rd Latched
4th Latched
5th Latched
6th Latched
7th Latched
8th Latched
9th Latched
10th Latched
11th Latched
12th Latched
13th Latched
14th Latched
15th Latched
17th Latched
18th Latched
19th Latched
20th Latched
21st Latched
22nd Latched
23rd Latched
24th Latched
25th Latched
26th Latched
27th Latched
28th Latched
29th Latched
30th Latched
31st Latched
32nd Latched
33rd Latched
34th Latched
35th Latched
36th Latched.
37th Latched
38th Latched
39th Latched
40th Latched
41st Latched
42nd Latched
43rd Latched
44th Latched
45th Latched
46th Latched
47th Latched
48th Latched
49th Latched
50th Latched
51st Latched
52nd Latched
53rd Latched
54th Latched
55th Latched
Untold Part
Untold Part
E P I L O G U E

16th Latched

89.7K 3.2K 564
By Ineryss

Latched

Dinner

Kaizen's text made me drain. Ilang beses ko iyong tinitigan, nagbabaka-sakaling nagkamali lamang ako pero hindi talaga. How on earth did he mark me last night? Iyon bang kiss? Blurry pero I know he kissed me on my cheek.

Bumalik rin naman ako sa kuwarto at nagscroll sa internet. Ang raming naglitawang stolen pictures namin kagabi ni Kaizen sa launching ng Akira. Nagbasa ako ng comments.

Pag nagkaanak si Keyla at Kaizen ang ganda siguro ng lahi nila.

Find someone who's going to stare at you like Kaizen.

I love them both.

Kaizen is very supportive to his girl.

Kaizen needs to enter modelling. He's a perfection.

Kaizen looks madly inlove the way he stares at her. Stay strong KeyZen!

Medyo natulala ako roon sa isang comment. Binalikan ko ang mga pictures at tiningnan ang mga stolen pictures. Halos tumitig nga lang si Kaizen sa akin ng seryoso, ni hindi lumiliko ang kanyang tingin sa nakapaligid na mga babae at nasa akin lamang.

Sinapo ko ang aking dibdib nang kumalabog ito ng husto. This isn't normal anymore... Parang... Parang nagugustuhan ko na talaga siya. Ugh. I'm so bothered!

Nagtipa agad ako ng mensahe para kay Raiden. I need to fix this or else I'm going to cheat on him. Ayoko namang habang nakakaramdam ako ng kakaiba kay Kaizen ay kami parin ni Raiden. At least I'm free from him before I make this clear with Kaizen.

Ako:

Can we talk, Raiden? When are you free?

Hindi ito nagreply agad. Bumuntong ako ng hininga at sinulyapan ang mga bulaklak na natanggap galing sa Akira. Meron rin doong mga box ng shoes as their sponsor to me and some gifts from fans. Marahil ay pinadala iyan kanina habang tulog ako.

Tumunog ang aking cellphone na halos ikatalon ko sa gulat. It's a call from... from Kaizen.

Napatagal ang pagtitig ko roon hanggang sa namatay ang tawag. Nagbeep iyon kaya kinuha ko agad para icheck. It's from Kaizen.

Kaizen:

Pwede ba nating pag-usapan yung kagabi?

I almost had a heart attack. Ano ba kasing nangyari kagabi?! Tumunog muli ang aking cellphone at halos mabitiwan ko pa iyon sa gulat. Mabilis ko nang sinagot dahil baka mamatay.

Kinuha ko ang aking unan at niyakap iyon. Sumandal ako sa headboard ng kama habang idinidiin sa unan ang aking labi.

"Keyla?" tawag niya sa baritonong boses na halos ikinatindig ng balahibo ko.

Ang laki-laki na ng epekto niya sa akin!

"B-Bakit, Kaizen?" I swallowed hard.

I heard him sighed. Nakita ko agad sa aking utak ang frustrated niyang mukha.

"I kissed you..." he whispered seriously.

Ramdam ko ang pang-iinit ng aking pisngi. Big deal ba iyon sa kanya?

"Big deal ba 'yon, Kaizen?" I laughed awkwardly.

"Big deal 'yon sa akin, Keyla."

"It's just a friendly kiss and I understand-"

"It wasn't. Hindi ako basta-basta nanghahalik ng babae kung hindi ko naman gusto," he said firmly.

Nagsimula na namang umatake ang mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi na naman ako mapakali at nilalamon na naman ako ng matinding emosyong umaahon sa buo kong sistema.

"Sa pisngi lang naman 'yon..." I whispered, almost losing my breath.

"It's still a kiss," he said desperately. "Dapat tinulak mo nalang ako kung ayaw mo naman palang mabaliw ako sa'yo."

"Hindi ko 'yon gagawin!" Agaran kong sagot, pinuputol ang iniisip niyang negatibo sa paliwanag ko. "Well I'm drunk and... And maybe I like it too that's why I didn't push you..." Hirap kong bigkas, halos nasapo na ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok noon.

Hindi siya umimik pero ramdam kong nakikinig lamang siya.

"I'll talk to Raiden first and... and we'll settle ours, Kaizen..." I said softly while blushing hard.

"Makikipaghiwalay ka ba?" tanong niya, ang boses ay seryosong seryoso.

Tumango ako. "Yes..." I whispered. "I mean... Di ko alam." Natampal ko ang aking noo, nabobobo na sa sarili.

Nanatili siyang tahimik kaya nafrustrate na naman ako. Feeling ko mali ang sagot ko sa kanya.

"Raiden has no time for me so... So I guess... Um, I'm going to break-up with him."

"Wala na bang ibang dahilan?"

Hinaplos ko ang aking paa. Ang bilis bilis talaga ng kalabog ng aking dibdib kaya hindi ko rin alam kung paano ako sasagot ng maayos kung pinapangunahan ako ng kaba.

"Ano ba dapat?" I asked curiously.

"Isip ka ng ibang dahilan..."

Nag-isip isip naman ako. Kaso paano ako makakapag-isip ng maayos kung mukha niya lang ang nakikita ko.

Knowing that Raiden is busy, at sanay naman sana ako dahil may career siya, but when Kaizen came into my life, I realized a lot of things. Ang dami kong napagtanto. Hindi naman ito dahil busy si Raiden, na wala siyang oras sa akin dahil may iba siyang priority. It's a realization that I deserve to be treated right.

I am sick of begging for attention, and waiting for my turn. I am not gonna break up with him just because Kaizen always there for me while Raiden is busy. I am breaking up with him because this is the right thing to do. That it is better for our relationship to stop than for us to become toxic to each other.

"Susunduin kita mamaya," ani Kaizen.

Tumango ako at pinisil-pisil ang aking pang-ibabang labi.

"What should I wear, Kaizen?" tanong ko, natutuliro na naman.

"Kahit ano basta magdamit ka lang, Keyla." Humagalpak siya na ikinabusangot ko.

I'm not sure what kind of parents he has. Baka pag hindi nila nagustuhan ang suot ko... Shut-up, Keyla. Pati sa iisipin ng parents niya ay pinoproblema mo na rin ata.

Noong natapos ang tawag ay naghanap na agad ako ng maisusuot. Nagtext si Cholo sa akin sa kalagitnaan ng aking pamimili. Dinampot ko ang aking cellphone at chineck ang kanyang text.

Cholo:

May invitation ka sa party ni Rica. Did you check your twitter?

Nagtipa ako.

Ako:

Rica who?

Inilapag ko iyon at pinasadahang muli ng tingin ang mga nakahelerang damit sa aking kama. Nagbeep muli ang aking cellphone. Iritado ko iyong dinampot at binasa ang text ni Cholo.

Cholo:

Iyong kandidata. Duh.

Nagtipa ako.

Ako:

Ah. Today?

Cholo:

Yes. She messaged me. Hindi mo raw siya sineen sa twitter.

Umupo ako sa kama at nagtipa ng reply.

Ako:

May dinner ako with Kaizen's fam. Tell her I'm busy.

Mabilis namang nagreply si Cholo.

Cholo:

Official na ba 'yan? Ang sweet niyo pa naman kagabi. Para kanang linta kung makadikit kay Kaizen.

Ako:

Whatever, Cholo.

Hindi ko na siya nireplayan pa at namili na ulit ng aking isusuot. Nagbeep iyon pero hindi ko na chineck. Noong makapili na ako ng maayos ay pinapunta ko nalang ang katulong para linisin ang ginawa kong kalat.

I checked my phone at may text doon ni Cholo, iyong kanina na hindi ko na pinansin.

Cholo:

Hihiwalayan mo na si Raiden?

Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo. Hindi ko nalang nireplayan at inilapag muli ang aking cellphone pero nanatili iyon sa aking isipan.

Inaamin ko hindi ko talaga naramdaman ang ganito kay Raiden. Basta bata pa ako, itinatak ko lang sa utak ko na gusto ko siya hanggang sa nadala ko iyon paglaki ko at naging kami. Or maybe Cholo is really right... I am just infatuating. I made myself believe that I'm in love with Raiden. Maybe I just like the idea of being in love with him that's why I got fooled by my own idea. Pinaniwala ko lang ang sarili ko hanggang sa naniwala na rin ako sa paglipas ng panahon.

Kung ikukumpara ko kasi ang pakiramdam na nabibigay ni Kaizen at Raiden ay para akong nagkumpara ng isang bato na inaakala kong ginto at isang ginto na ang akala ko ay simple lamang na bato. Ganoon ako kabobo na kahit masyado nang obvious ay mas naniniwala ako sa sarili kong iniisip.

"Ma'am, may bisita po kayo sa ibaba..." ang kasambahay noong 7:30 PM na.

"Magbibihis lang ako. Tell him to wait me for a while," sabi ko at mabilis nang tumayo para makuha ang damit ko sa kama.

Nagbihis ako. I wore a polka dot ruffle hem cami dress and paired it with white sneakers. Pinagpapasok ko na sa aking sling bag ang iilan kong make-ups and my phone saka ako nagmadaling lumabas.

Pagkarating ko sa may gate, palabas na ng aming bahay ay natanaw ko agad si Kaizen na nakahalukipkip sa kanyang kotse habang ang tingin ay nasa kabilang banda suot ang isang dark blue shirt, dark pants and shoes. Lumingon siya sa akin, ang mga mata ay mabilis na bumaba at dahan-dahang umakyat.

Namula ako sa kanyang paninitig kaya nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng hinaplos ang aking buhok. Pinagbuksan niya rin naman ako ng front seat.

Para akong robot na naglakad papasok. Masyado akong kinakabahan sa kanyang presensya kahit na hindi naman ito ang unang beses naming pagkikita.

"Ang ganda mo," aniya nang mapadaan ako sa kanyang gilid habang papasok ako sa loob.

Oh damn it...

Pumasok din naman ako at nagseatbelt habang umiikot siya patungong driver's seat.

"Kinakabahan ka?" tanong niya nang makapasok.

"Hindi naman. It's just your parents." Tumawa ako, pilit pinapagaan ang sarili at umaaktong okay lamang.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumango.

"Mababait naman sila, Keyla," aniya, na akala mo iyon ang pinoproblema ko.

Pilit kong kinontrol ang emosyon kong nag-uunahan na. Kaba, excitement, at ang atraksyon ko sa kanya na laging nananalo sa laban.

Sumulyap siya sa aking muli kaya hindi ko rin kinaya at nilingon siya. Ngumuso siya, dahan-dahang umiwas ng tingin at kinagat ang labing kumurba na. Pasimple narin akong nag-iwas at itinuon sa labas ng bintana, halos mapunit ang labi sa laki ng aking ngiti. Gosh... This is so weird!

"Sumakit ba ang ulo mo kaninang umaga?" tanong niya bigla.

Umahon ang aking tingin at nilingon siyang muli.

"Kaonti. Sabi ni Kaedy sa akin kinarga mo raw ako."

"Tulog na tulog kana kagabi," aniya at nilingon ako.

"Ganoon ako pag masyadong nalalasing. Nakakatulog agad."

"Tell me if you want to drink para masamahan kita lagi."

I smiled and nodded. Pati... pati ito, hindi bawal? Kasi... akala ko... I sighed. Stop making up some excuses to defend the toxic relationship you have with Raiden!

Dumating rin naman kami sa kanilang bahay. Nagpapasalamat ako ng husto at hindi niya nabanggit ang usapan namin kanina sa cellphone at iyong nangyari kagabi. I just feel like I'm not ready to talk about it in personal. Mamumula lamang ako at mahihiya.

Ipinasok niya sa malawak nilang garahe ang kanyang kotse. Huminto iyon at nauna siyang lumabas saka ako pinagbuksan ng pinto. Ibinulsa ni Kaizen ang susi at iginiya na ako papasok.

"They're here!" Pumaibabaw agad ang boses ni Elle, suot ang isang mini dress at nakalugay ang maalong buhok sa ikalawang palapag ng bahay.

Ilang sandali lamang ay may lumitaw naring bago sa aking paningin. Bumaba sa hagdanan ang isang eleganteng babae suot ang long dress at naka bun na buhok. Sa kanyang likuran naman ay ang isang lalakeng nasa mid 40's na ata at sobrang kamukha pa ni Kaizen.

"Hi!" Binati ako ng Mommy ni Kaizen at lumapit sa akin para makapag beso-beso.

"Hi po..." Ngumiti ako sa kanya at sumulyap narin sa Daddy ni Kaizen na nakangiti sa akin.

Bumaba rin naman sa hagdan ang isa pang kapatid ni Kaizen na inaayos pa ang sleeves ng suot niyang itim na shirt kasama ang kanyang babaeng kapatid na titig na titig sa aking suot.

"Ang ganda mo. I heard a lot about you... Nagulat nalang kasi kami noong may nabalitaan kaming girlfriend ni Kaizen," sabi ng Mommy ni Kaizen.

"Naging excited kami na makilala ka. Dapat nga ay noong nakaraang buwan pa but we were so busy..."

"It's okay po," sagot ko naman, namamangha sa mukha niyang maganda.

Nagtungo rin naman kaming lahat sa likod ng bahay nila, kung nasaan naka set-up ang aming dinner. Kumikinang ang paligid dahil sa mga fairylights na nakalagay sa kanilang halaman ganoon rin ang tubig ng pool dahil doon.

Para akong nakatingin sa tatlong Kaizen, ang isa ay panay ngisi habang ang isa naman ay masyadong manly. Elle is the mixture of her Mom and Dad. Ang ganda ng kanilang lahi at hindi ko masisisi ang mukha ni Kaizen kung ba't naging ganyan ang resulta lalo na't produkto siya ng gwapo at maganda niyang ina.

"Ilang taon kana ba, Keyla?" tanong ni Tita Ellie, katulad ng gusto niyang itawag ko sa kanya.

"I'm turning 19 this year po," sagot ko habang hinihiwa ang steak.

"Oh... 2 years pala ang gap niyo ng anak naming si Kaizen," si Tita Ellie.

"'Di ba modelo ka? May kakilala ka bang Irah?" Iyong kapatid naman ni Kaizen na si Elle ang nagtanong.

"Buenaventura?" paglilinaw ko.

Nagulat siya. "Oo. Model rin siya eh," sabi niya.

"Nasa ibang agency siya pero nagkikita kami minsan pag may event," paliwanag ko.

"Bagay sa'yo ang magmodelo lalo na't matangkad ka ring babae," si Tito.

Ngumiti ako at pasimpleng sumulyap kay Kaizen na nakangiti rin.

"Marami siyang bashers, Dad," sumbong ni Elle na ikinagulat ng kambal ni Kaizen.

"Elle," saway niya sa kanyang kapatid.

"Ganoon talaga ang mga sikat, Elle. May mga bashers," si Kaizen naman at sinalinan ng juice ang aking baso.

Tumango ang kanyang Mommy.

"I agree. H'wag mo nalang pansinin ang mga ganoong tao."

Tumango naman ako at dinampot ang baso ng sinalinan ng juice ni Kaizen saka uminom doon.

"Kailan kayo magpapakasal?" biglaang tanong ng kanyang ama na ikinaubo ko.

Naibaba ko ang baso. Mabilis akong binigyan ng table napkin ni Kaizen, ang kanyang kambal naman ay natawa at ang kanyang Mommy ay nailing.

"Pa..." Humagalpak ang kambal ni Kaizen.

"Dad. They're not true couples!" si Elle.

Nagulat ang mukha ng kanyang ama.

"Akala ko ba sabi niyo sila?" Nagtatakang tanong ni Tito sa kanyang mga anak na pabalik-balik niya nang tiningnan.

Hinaplos ni Kaizen ang aking likod. Pinunasan ko naman ang aking baba nang makabawi sa pagkasamid.

"Fake couple lang sila, Dad," ani Caden, tumatawa parin.

"Sinabi ko sa'yo kanina 'di ba?" si Tita Ellie naman sa asawang nagkakasalubong ang kilay.

"Sinabi niyo ba?" saka siya sumulyap kay Kaizen. "Bakit fake? Ayaw mo bang totohanin?"

Okay... Don't tell me magiging topic namin ang pagpapanggap ni Kaizen as my boyfriend?! H-Hindi ba sila magagalit?

Napunta agad ang tingin sa akin ni Elle. Ang kanyang Mommy naman ay sumubo na, ang mga mata ay nakay Kaizen habang si Caden ay naninimbang ang mga mata sa akin habang ngumunguya.

"Tinutulungan niya lang ni Kuya si Keyla para hindi mabash, Daddy," si Elle na sumubo rin.

Lumunok ako, medyo kinabahan sa mga sumbong ni Elle.

"Talaga, Kaizen?" tanong ng kanyang ama.

Tumango naman si Kaizen at binasa na ang pang-ibabang labi.

"That's good to hear son."

Ngumisi naman si Tita Ellie. "Malay mo may gusto rin sila sa isa't isa."

Marahang tumawa si Kaizen at hinaplos ang batok. Ngumiwi naman si Elle habang si Caden ay ngumingisi pa.

"Halata naman. Under 'yan si Kaizen. Isang utos sunod agad." Humagalpak si Caden.

"Shut-up," si Kaizen na humagalpak narin.

"Nagkalagnat pa si Kuya kakasunod na parang aso," si Elle naman.

Ngumuso ako at tiningnan ang aking pagkain. Humagalpak narin ang kanilang ama kaya medyo naibsan ang pangamba kong baka mapagalitan ako.

"Sumusunod ka ba sa yapak ko, Kaizen? Under sa Mommy mo?" si Tito na ikinangisi ko lalo na't tumaas agad ang kilay ni Tita Ellie.

"How dare you. Kailan kita in-under?"

Humagalpak na ang tatlo dahil sa dumaang inis sa mukha ni Tita. Kinagat ko ang aking labi at hindi narin napigilan ang aking ngiti.

"Ayaw mo bang under ako sa'yo?" si Tito na matamis na ang ngiti habang nakatingin sa asawang matalim ang mga mata sa kanya.

"Hindi kita ina-under," giit ni Tita Ellie.

"I'm not really saying na ina-under mo ako-"

"Kakasabi mo lang na under ako. So bingi ako? Purket may edad na?" Naningkit na ang kanyang mga mata.

Naghagalpakan ang kambal. Marahan narin akong natawa lalo na't nagtatalo na ang kanilang parents in a cute way. Umiling na lamang si Elle at sumubo.

"Stop. Your wrinkles are showing." Hinalikan ni Tito ang kanyang balikat na ikinalaglag naman ng panga ni Tita Ellie.

Nagtawanan kami lalo na't halatang inaasar niya lang ang kanyang asawa.

"Ganyan talaga silang dalawa. Madalas magtalo sa maliliit na bagay," bulong naman sa akin ni Kaizen.

Nilingon ko siya. "They're cute..."

Ngumiti siya sa akin. Humirit naman ang kanyang kambal.

"Just accept the fact you're turning old, Mom. Kaizen has a girlfriend at baka bukas may apo kana," biro ni Caden.

"God, Kaizen. H'wag muna. Ayaw ko pang maging Lola," si Tita na namimilog na ang mga mata.

"Ako gusto ko na," si Tito naman na mukhang excited.

"Hindi nga sila real couples," giit naman ni Elle sa matigas na boses.

"Hush, Elle. Doon rin naman kami papunta ni Keyla," sabi ni Kaizen habang nawiwili sa pagngiti.

My cheecks blushed hard lalo na't napunta agad sa akin ang kanilang mga mata. Ngumiti si Tita sa akin saka inabot ang aking kamay at marahang pinisil.

"Mas matutuwa ako kung mauuwi kayong dalawa sa seryosong relasyon, Keyla. My son is a nice guy... Hindi ka niya ipapakilala sa amin kung hindi siya seryoso."

Lumunok ako at sumulyap kay Kaizen. Sumubo siya at hindi makatingin sa akin, seryoso nang kumakain.

"I'll punch him if he hurt you, Keyla," si Tito naman na pabiro iyong sinabi.

"I'll punch him too," si Caden naman.

"Hindi ko 'yon gagawin kay Keyla," seryosong sagot ni Kaizen.

Darn... This is really getting serious. Kailangan ko na talagang makipag-usap kay Raiden.

Continue Reading

You'll Also Like

5M 142K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.5M 134K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
4M 117K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...