Inside Her Mind (GirlxGirl)

By dark19

234K 8.8K 333

Can you love the person that everyone hated the most? This a Lesbian Love Story. (Cyrll and Roian story) More

Prologue
The Beast's Nightmare
Art of Scar
FEAR
Dark
Rose
EX
Gale
Sense
Hint
Devil beside me
Answer
The Good One
Wish
Paradise
Like
Did It
Mad
Sleep
Sweet Fever
Experimental Feelings
Through her eyes
Journal
Secret Code
Weak Point
Truth
To Stay
New Start
Other Side
Knew
Perception
Half
Capacity
Her Like
Destruction
Sweet Wine
Home
Two Worlds
Promise
Deception
Hunter's Show
Master of Sanity
Art of Betrayal
Kite
Itself
Behind Illusion
That kid!
Knife
One Step
Concern
A Paper
Starting In Her Mind
Inside Her Mind
Epilogue

Mind of it's own

3.7K 153 8
By dark19

Cyrll's POV

All my defenses fell down ng tuluyan na syang nakapasok sa grupo namin. Katakot takot na pagpipigil ko sa puso at isip ko na wag maramdaman sa kanya 'to. Kaya kahit na nasa isang grupo kami ay iniiwasan ko sya ng pasimple hanggang sa maggagraduation noong 4th year high school kami.

One day hindi ko alam kung ano yung magiging reaction ko ng dumating sya sa room namin na mugto ang mga mata. Napatingin lang ako saglit pero umiwas din agad at muling nagbasa ng libro na padala sakin ni Yuri na nag aaral sa US. Alam ko makakasundo din nila si Yuri soon na ipakilala ko sa kanila ito.At hindi na inintindi yung usapan nila.

"Nakipagbreak ka?" Takang tanong ni Carol sa kanya ewan bakit hindi ko napigilang napataas yung kilay ko dahil doon.

"I-I didn't know...nafall out ako." Mahinang saad nya.

"You are in love with somebody else...." hula ni Yvie.

"Yan din ang tingin ko....hindi ka naman mapo-fall out kung hindi ka nakatingin sa iba...." saad naman ni Shann.

Gusto kong matawa, si Yvie okay pa magpayo kase may love life sya eh...pero si Carol at Shann ang gagaling eh kay lalamig ng love life nila. Saan nila hinugot yun?

"Sa tingin mo Cy?" Tanong ni Shann sakin.

"Malay ko...never naman akong na in love...." sabi ko pero gusto kong pagmumurahin yung sarili ko dahil sa kasinungalingan na yun. I saw Gale looking Roian's face like she admire it. Bakit hindi ko magustuhan yung idea na mukhang may gusto sya kay Roian.

At parang may mabilis na sakit na dumaan sa mga mata nya....o imagination ko lang yun ng salabungin nya yung tingin ko.

Naglalakad ako papuntang parking lot  mag isa ng matanaw ko sa waiting shed si Roian mag isa. Nag aamba pang uulan. Sina Shann kase nagkayayaan pang gumala sa mall bago daw umuwi hindi naman ako pwede kase akala ko kasama si Roian doon. Kahit anong iwas ko na mangyare na dalawa lang kami sa iisang lugar at iisang pangyayare hindi ko talaga maiiwasan.

"Hindi ka pa uuwi?" Kunwari kalmadong tanong ko pero yung puso ko nagwawala na at sobrang lakas na ng kabog nito.

"Inaantay ko kase si Mama....may dinaanan pa kase sya." Alanganing ngiti nya.

Napatingin ako sa langit, magdidilim na at parang uulan pa.

"Hatid na kita..." kahit ako nabigla din sa sarili ko bakit ko nasabi yun kahit sya parang nabingi kung tama yung narinig nya.Wala na naioffer ko na eh!

"Tara na..." sabi ko at naglakad na ko papunta sa kotse ko. Gusto kong pagsasapakin yung sarili ko dahil nagawan ko pa syang pagbuksan ng pintuan sa harap.

Pagkasara ko ng pintuan ewan bakit hindi ko napigilang mapangiti...natigilan ako. Hindi! Wag!

Pagkasakay ko ng driver's seat. Parang naiilang sya kaya napataas yung kilay ko.

"Problema mo?" Tanong ko kaya napabaling sya ng tingin sakin.

"Wala. Dapat ba may problema?" I can't believe her....nagmamaldita na sya kaya napangisi ako.

"Maldita talaga..." bulong ko habang kinakabit ko yung seatbelt ko. Binato nya ko ng tissue kaya natawa ako. Papaandarin ko na sana yung kotse ng mapatingin ako sa kanya, parang namula yung mukha nya nung napalingon sya sakin.

"Ano?" Alangan nyang tanong.

"Feeling ko kikiligin ka kapag ako pa yung nagkabit ng seatbelt mo..." natatawang pang aasar ko sa kanya kaya lalong namula yung mukha nya sa hiya.

"Pakayabang...." bulong nya habang kinakabit yung seatbelt nya.

Habang on the way kami sa bahay nila ay naipit kami sa traffic at umulan pa talaga.

"Sorry sa abala..." sabi nya.

"Okay lang...ako naman yung nag offer." Sabi ko. Sa totoo lang kumakalma yung buong sistema ko kapag nasa malapit sya at naaamoy ko yung perfume nya.

"Bakit ayaw mo sakin?" Tanong nya at doon ako nabigla. Hindi sa ayaw ko sa kanya kundi umiiwas ako baka magulat na lang ako sa sarili ko na lunod na lunod na ko sa pagkagusto sa kanya.

"Hindi noh...hindi naman talaga ako palakibong tao...bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko pero nanlalamig na yung mga kamay ko.

"Wala...sobra iwas mo sakin...sabi nga nina Shann may gusto ka daw sakin kaya todo iwas ka eh..." kwento nya doon ako nagulat at napasuntok ako sa busina ng sasakyan ko!

"Mga gago talaga!" Hindi ko maiwasang mainis! Mga hindi man lang sinalba yung dignidad ko ng mga hayop na yun! Bakit ko ba sila naging mga kaibigan?

Nakita ko na napaigtad din sya sa paghiyaw ko pero wala akong pake dahil nahihiya ako! Sobrang nakakahiya!

"O eh anong sabi mo nung sinabi nina Shann yun? Nag assume ka noh?" Wala na pakapalan na lang ng mukha 'to!

"What? Feelingera ba tingin mo sakin? Hindi ako naniwala noon noh...pero sa inaasal mo ngayon....napapaisip na ko." Nakangising sabi nya kaya naningkit yung mga mata ko sa kanya.

Kaya ang ginawa ko inalis ko yung seatbelt ko at dinakwang ko sya at sinadya ko na ilapit yung labi ko sa labi nya ng isang pulgada. Napalunok sya at hindi nya mawari kung sa mga mata ko ba o sa labi ko sya titingin.

Kaya ang ginawa ko ay akmang hahalikan ko sya sa labi pero nagpigil ako at imbis ay nilihis ko sa bandang tenga nya. She smell so sweet.

"Wag gawing talent yang pagiging feelingera." Natatawang sabi ko at muling bumalik sa kinauupuan ko at nagseatbelt. Saktong umandar na yung traffic.

"Jerk!" Bulyaw nya sakin at hinataw nya ko sa braso.

"Goodnight Miss Assuming." natatawang sabi ko at sukat pabalibag nyang sinara yung pintuan ng kotse ko. Kita mo 'to! Hinatid na pero maninira pa. Nagbubukas sya ng gate nila ng bigla akong nagbusina kaya napaigtad sya sa gulat kaya napatawa ako ng ang sama ng tingin nya sa gawi ko.

Kinabukasan ay may pa emergency meeting si Yvie at Shann.

"Anong kurso yung kukunin natin?" Tanong ni Yvie.

Napaikot sa ere yung mga mata ko. It's fucking 6:30am! Inagahan namin yung pagpasok sa school ng dahil lang dito? Sana nagtext na lang sila sakin regarding this.

"Engineering Management." I said.

"Okay!/Deal!/Settled!" See ang dali nilang kausap. Si Roian napatawa sa kanila dahil talagang sabay sabay pa sila.

Mayamaya ay dumating si Gale at parang pinipilit nyang dumilat sa sobrang pagkaantok. Natatawa ako dahil alam kong magwawala ito.

"Jusko! Simulan nyo na ang meeting...talagang namumuti na yung dugo ko sa kakulangan ng tulog!" Tumabi sya sakin at walang sabi sabing napasandal sa balikat ko yung ulo nya at hikab sya ng hikab.

"Tapos na yung meeting..." sabi ni Carol kaya napadiretso ng upo si Gale.

"Tang ina paano? Bakit?....wag nyong sabihin na 5am nandito na kayo?" Naguguluhang tanong nya pero nasesense ko nagsisimula na syang magalit dahil hindi sya sinama. Tinaasan ko ng kilay sina Shann at Yvie. Bahala silang magpaliwanag.

"Cyrll will explain it to you...cafeteria lang kami..." sabi ni Yvie at nagmamadali silang lahat na umalis.

Tang ina ako pa din?

"Ah...it's all about...what course...." hindi ko alam kung saan ko sisimulan dahil nagsisimula ng magsalubong yung mga kilay nya kaya napalunok ako.

"Course? As in course in college?" Pagsisiguro nya at talagang nababalot na ng pagkainis yung mukha nya.

"Yes..." talagang napapangiwi na ko.

"TANG INA GINISING NYO KO NG DAHIL LANG DYAN! WE HAVE DAMN 2 MONTHS PARA SA ENTRANCE EXAM! AT TALAGANG NAGSET KAYO NG MEETING IN THE MIDDLE OF FUCKING MARCH! AT SA HINDI NORMAL NA ORAS!"  Sigaw nya sakin. See magagalitin talaga sya!

"Okay relax....It's Shann's Idea by the way..." pagpapakalma ko sa kanya.

Inirapan nya ko bago galit na galit na pumunta sa cafeteria. Ow Gosh! Shann you are dead!

A day before graduation, I received a letter and handwritten ito ni Roian.

"Pinapabigay ni Roian...need ko ng pumunta sa room nagpapatulong si Yvie at Bianca na magbuhat ng mga box" sabi ni Shann at inabot ko iyon bago sya tuluyang umalis.

Halos nawalan ng lakas yung mga tuhod ko sa nabasa ko at yung kabog ng dibdib ko ay hindi ko makontrol. Yung puso ko ang bilis bilis ng tibok nito.

'Cyrll can we talk in rooftop.....I know everything....I know you like me. Gusto kong marinig ito galing sayo and I'm glad the feeling is mutual. I'm waiting here in rooftop. Please come!'

All the way alam nya? Paano? Halata ba ko?

The feeling is mutual

The feeling is mutual

The feeling is mutual

Paulit ulit sya sa isip ko. Promise hindi na ko makapag isip ng maayos. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa rooftop sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko sa kilig, sa takot, sa kaba at higit sa lahat sa pagkatulig ko sa pagkagusto ko sa kanya.

Pagkarating ko doon naabutan ko syang nakatayo doon at mukhang nag iintay sya sakin kaya lalong nagkagulo yung sistema ko sa kilig na nandito sya.

Hayop! Kahit walang salamin alam kong namumula na yung mukha ko. Haist! Nilalamon na ko ng kaba!

Nung nagawa ko ng tumikhim ay parang nagslow motion yung paligid ko ng dahan dahan syang humarap sa akin.

Akala ko hindi totoo yung mga nababasa ko na kapag daw napatingin ka sa mga mata ng taong mamahalin mo ay makikita mo yung future na kasama mo syang tatanda.

From the moment na napatingin ako sa mga mata nya.....I see my future that she's here in my arms watching sunsets as my wife and we both love the gray hairs we earn together. It may sound crazy because we are just high school students but I never been sure in my life....I know it will happen!

Hindi ko alam kung ano anong emosyon yung nasa mga mata nya ngayon habang nakatitig sa akin.

"A-are you ready to say it?" Kinakabahan din sya?

Huminga ako ng malalim at yung buong lakas ko pilit ko ibinabahagi sa bawat parte ng katawan ko dahil nalulusaw ako sa mga titig nya. Ayos lang 'to! Kung madudurog man ako dahil sa pagmamahal ko sa kanya atleast....nasunod ko yung iniisip ng puso ko na sumugal sa kanya.

"I love you..." buong buhay ko ay isinama ko na ng bigkasin ko yan. Tulad ko parang nahigit din nya yung hininga nya at gaya ko tumulo din yung luha nya.

Pero parang malalagutan ako ng hininga ng bumaba yung mga mata ko sa kamay nya. M-may hawak syang papel....kagaya ng papel na hawak ko na bigay ni Shann...naliliyo ako! Sana hindi! Lord please sana hindi po mangyare yung iniisip ko! Tang ina hindi sa ganitong pag amin yung dapat kong gagawin eh! I want it to be special and romantic!...lumapit ako sa kanya at kinuha yung papel sa kamay nya. Lalong tumulo yung luha ko ng makilala ko yung hand written sa papel na hawak nya.  Tang ina! Hand written ni Carol 'to eh! At naalala ko yung talent ni Shann na manggaya ng sulat kamay ng mga tao.Para akong binitay! Tang ina nakakahiya! Gusto kong magwala!

Nabitawan ko yung mga papel sa kamay ko sa sobrang panghihina na nararamdaman ko. Ayoko na sa Earth! Jusmiyo!

"C-Can you...Can you forget it?" Hindi talaga ko makatingin sa kanya. Wala na! Nilugmok ako ng mga kaibigan ko sa kahihiyan at nilibing nila yung dignidad ko!

Nagulat ako ng sinampal nya ko at umiiyak sya. Hindi ko na naramdaman yung sakit ng pagsampal nya dahil nataranta na ko ng umiyak sya.

"Pinaglalaruan mo ba ko!" Tinulaktulak nya ko kaya pilit kong hinuhuli yung pulsuhan nya para pigilan sya.

"N-No...I'm just...." hindi ko matuloy tuloy yung sasabihin ko dahil sobrang darag na darag na ko sa kahihiyan.

"You are just what? Tell me! Na ano lahi nyo lang 'to?Normal lang sa inyo yung manloko!?" Nalilito man ako sa kinikilos nya haist bahala na....

"I'm just afraid of.....rejection. Sobrang takot kase ako sayo. Sobrang takot akong masanay sa presence mo...sobrang takot ako na lumayo ka after nito...sobra ang takot ko na bumalik ka sa ex boyfriend mo....sobrang takot ako na iparamdam sayo yung feelings ko para sayo  dahil baka di mo magustuhan....Sobrang takot ako sayo na kapag minahal kita ng higit sa kakayahan ko baka hindi ko na makilala yung sarili ko dahil sayo na lang talaga tatakbo yung buong mundo ko.....Sobrang natatakot ako na hindi matupad yung pangarap ko na dapat ako lang yung nasa tabi mo para araw araw kang mahalin!" pag aamin ko at yung luha ko tumulo na dahil ilang taon ko itong kinimkim! Ilang taon akong nagdusang iwasan sya at yung nararamdaman ko.

"Simula ng makilala kita araw araw akong natatakot na baka  mahalata mo na mahal kita...." pagsusuko ko at tumulo ulit yung luha ko.

Nagulat ako ng sinugod nya ko ng yakap at nakapalupot na yung mga braso nya sa leeg ko.Parang naubos lahat ng lakas ko...

"Cyrll...Wag ng matakot.....Mahal kita." Bulong nya na sapat para marinig ko.

Bigla parang pakiramdam ko ay nakalutang na ko sa langit sa sobrang saya! Kaya yinakap ko sya pabalik! Mapagsusuntok ko talaga sina Yvie sa sobrang saya ko ngayon! Mga hayop sa pakikialam ng love life ko!

Humarap sakin si Roian habang nakapalupot pa din yung braso nya sa leeg ko at ako naman ay nakakapit sa bewang nya. Tulad ko nagniningning din yung mga mata nya sa saya. Mahal nya ko! Sakin na sya...

May sasabihin dapat sya pero sinunggaban ko na ng halik yung mga labi nya....Yung mga labi nyang araw gabi kong pinapangarap. Ang tamis ng labi nya and it is fit to my lips. Halos mawala ako sa katinuan ng gumanti sya sa halik ko. A sweet wine!

"You're mine...at bago ako mawala sa katinuan sa mga oras na 'to...bumaba na tayo at may pagsasakalin lang ako...." I said between our kisses at napatawa sya.

Kainis ang lalakas nilang mambiktima!

..................

Thank you for Reading

2 chapters na lang! Ending na!

Vote and comment guys

~dark19













Continue Reading

You'll Also Like

178K 10.1K 40
Lesbian Love Story Santillan Series
104K 4.1K 29
Lara, The arrogant, boastful heiress of her Father's company meets Brei, a girl who lived through poverty and is willing to do anything for her famil...
142K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
10K 1.7K 71
Anathema Series #1: Sexuality Xiana Michelle Lim ay isang grade 10 student sa Notre Dame University-Junior High School kung saan lagi na lang siyan...