Inside Her Mind (GirlxGirl)

By dark19

234K 8.8K 333

Can you love the person that everyone hated the most? This a Lesbian Love Story. (Cyrll and Roian story) More

Prologue
The Beast's Nightmare
Art of Scar
FEAR
Dark
Rose
EX
Gale
Sense
Hint
Devil beside me
Answer
The Good One
Wish
Paradise
Like
Did It
Mad
Sleep
Sweet Fever
Experimental Feelings
Through her eyes
Journal
Secret Code
Weak Point
Truth
To Stay
New Start
Other Side
Knew
Perception
Half
Capacity
Her Like
Destruction
Sweet Wine
Home
Two Worlds
Promise
Deception
Hunter's Show
Master of Sanity
Art of Betrayal
Kite
Itself
Behind Illusion
That kid!
Knife
One Step
Concern
A Paper
Mind of it's own
Inside Her Mind
Epilogue

Starting In Her Mind

3.6K 142 5
By dark19

Cyrll's POV

Nakaipit sa mga braso ko ang ulo at leeg ni Shannon habang kinakaladkad ko sya papuntang parking lot ng school.

"What the.....B-bitawan mo nga ako!" Aba't sya pa ang nagmamaldita! Kaya lalo ko syang inipit sa mga braso ko. Sina Yvie natatawang nakasunod lang sa amin.

"Cyrll! Ano ba?" At pilit syang kumakawala sakin.

"That's freaking 5days Shann! Malapit na yung quiz ball!" Singhal ko

"Tang ina naman matalino ka naman kahit hindi ka magreview!" Napakagaling nga naman ng kaibigan kong ito!

"Anong sabi mo?" Talagang winasiwas ko yung ulo nya sa sobrang inis ko. Nagagawa pa nyang sumagot!

"Aray! Cyrll! Papatayin mo ko ng dahil lang sa ganyan!" Kinurot nya ko sa tagliran kaya nakawala sya at maarteng inayos yung buhok nya. Napakahudas ng isang 'to!

"You know what Cy....first time kitang nakitang tumitig sa isang babae na may paghanga sa mga mata mo...." out of nowhere na sabi ni Carol at parang napatulos sya sa kinatatayuan nya ng marealize kung ano yung sinabi nya.

Napaatras sya ng humakbang ako papalapit sa kanya at nagpunta sya sa likod ni Gale pero napairit sya ng hilahin sya ni Gale at tinulak papalapit sakin kaya sya yung iniipit ko yung ulo sa mga braso ko.

"Really? How about the desire in my eyes to kill the both of you, haven't you see it comming?" Saad ko at para kaming mga tangang pinagtitinginan ng ibang estudyante.

"Hindi na uulitin promise!" Naiiyak na muryot ni Carol kaya binitawan ko sya. Napabuga ako ng hangin. Walang matino sa kanila.

Nagulat kami ng biglang may sumulpot at dumamba ng sakay sa likod ni Yvie.

Tawang tawa si Bianca habang nakapasan sa likod ng kaibigan namin.

"Uwi na tayo...." nakangiting saad ni Bianca at humalik sa pisngi ni Yvie.

Si Shann naman ay pumilit na sumingit sa braso ni Gale at nagpaakbay dito. We know she like Yvie so much pero wala syang magawa dahil takot syang umamin sa kaibigan namin dahil baka layuan sya nito at masira yung pagsasamahan namin.

"Sabay ako sayo Gale...." saad ni Shann.

"Tara, libre kita may masarap na kainan sa 4th street." Nakangiting sabi ni Gale bago tumingin sakin. "Sama ka?" Tanong nya sakin.

"Dadaan pa ko sa ofice ni Mommy...next time na lang..." sabi ko at tumango sya.

"Sama ako Gale..." at nagpaakbay din sya kay Gale.

"Hayop! Kay papanget ng mga girlfriends ko." Natatawang sabi ni Gale bago sila naglakad papunta sa kotse ni Gale.

Bumaba sa pagkakapasan sa likod ni Yvie si Bianca.

"Hope someone can melt the icy heart of Cyrll Altamirano....." turo ni Bianca sa puso ko habang nakaholding hand yung isang kamay nya sa kamay ni Yvie.

"And then what? Destroying my mind and my feelings afterward?" Kaswal na sabi ko.

Ayaw kong mainlove. Feeling ko hindi ko kakayanin dahil may sakit akong possession. Dito nga lang sa mga kaibigan ko ang damot damot ko na what more kung sa taong magugustuhan ko pa kaya hindi pa ko ready. Walang may kayang tumbasan ng isang tao yung feelings ng isa pang tao kaya feeling ko hindi magandang ideya yung mainlove. Walang equal sa mundo.

"Love makes you grow...even if you feel pain...walang makakagamot nun kung hindi pagmamahal lang....it is part of everyone's emotion and whether you like it or not meron ka din nun....mas mahirap nagpipigil...it may lead to heart attack." Natatawang sabi ni Bianca.

They really meant to be. Yvie is full of life while Bianca is full of love, she never hate someone kaya sobrang mahal sya ng lahat.

Kinabukasan, imbis na nasa library ako ng mga oras na 'to ay nasa community service kami ng kaklase kong hindi ko alam ang pangalan. Pinagtatanim kami ng TLE teacher sa harap ng classroom nya.

"Nakakainis ang init..." mahinang daing nya at naupo sa may plantbox. Sobrang pula ng mukha nya.

"Kasalanan mo ito tapos magrereklamo ka...." bulong ko habang nagtatanim ng mga halaman. Mahihindik talaga yung pamilya ko kapag nakita nila kong ganito ang pinaggagawa ko. Inirapan lang nya ko bago uminom ng tubig. Napailing ako ng napatingin ako sa labi nyang nakadikit sa bote ng tubig nya. Napalunok ako at muling napatingin sa mga halaman na tinatanim ko. Mas masamang makalapit sa kanya.

"What is your name again?" Tanong nya sakin habang sinasarado yung bote ng tubig.

"Yvie Arcelo." Saad ko at napatango tango lang sya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko yung nakakalokong ngisi nya.

Napatingin ako sa may gate dahil parang may pinapagalitan yung guard at napatayo ako dahil si Gale yun. Bakit hindi sya nakakotse at bakit late sya? Kaya lumapit ako sa kanya, nagulat pa sya nung pagharap nya.

Napahawak ako sa braso nya at lumakas yung kabog ng dibdib ko ng makita kong may sugat sya sa pulsuhan nya.

"A-ano 'to? Are you trying to kill yourself?" At hinila ko sya sa may bench. Ang lalalim at ang dami.

"I'm fine...." she said in low voice at parang wala sa sarili.

"Your fine? Really?.....I know your not!" Mahinang singhal ko. But she just smiled at me....a faint smile.

"If I lost my track can you drag me back from the right track  where you walking? I want to spend my life having you with by my side....." she said and pain passes through her eyes.
Napalunok ako. At tumango sa kanya at parang doon sya nabuhayan at sinabing pupuntahan na nya sina Shann.

Nababahala ako sa kaibigan kong yun, madalang kase syang mag open up sa amin ng problema nya.

Nang pagpasok namin sa Math subject namin, mga ilang minuto ay may humahangos na estudyante papasok ng room namin at parang galit na galit.

"Sinong sumira ng plot namin sa TLE?" Sigaw nya sa galit at napataas talaga yung kilay ko tapang nito! Wala pa naman si Ma'am at parang nag extend pa sya sa kabilang section.

"Yvie Arcelo." Sabi nung bagong kaklase namin at nakaturo sa akin kaya napatawa ako.

"Tang ina!" Parang nataranta si Yvie.

Nagulat kami ng may nagliliparan ng gamit doon sa sumugod sa amin. Si Gale nagwawala na sa galit! At hindi sya maawat nina Carol.

"Hindi ka lalayas!? Tang ina nyo babalian ko kayo ng mga buto!" Napatulala ako sa pagwawala ni Gale at talagang susugurin nya yung grupo ng mga estudyante sa may pintuan ng classroom namin at ang dami lang umaawat sa kanya.

"Tang ina kapag may nasira talagang kami agad?" Talagang namumula sa galit si Gale. Ewan kung matatawa ba ako o ano dahil si Carol nakikibato na din ng gamit habang nasa likod ni Gale. Sino bang hindi magdududa sa amin dahil laging pasimuno yung section na 'to sa gulo.

After ng sigalot na yun ay pinaupo namin sa gitna yung kaklase namin na nagturo sa pangalan ni Yvie. Sabi na eh may gagawin syang kalokohan.

Hinihilot ni Yvie yung sentido nya habang nakaharap sa bago naming kaklase.

"Ganito kase yun Roian...." panimula ni Yvie. Owkay! Roian pala pangalan nya! Nakita ko na napapakagat labi sya sa kahihiyan. Nilabanan kong mapangiti kase ang cute ng gesture nyang yun. Kainis! Itanggi ko man pero nagsisimula na syang mag invade sa isip ko....

"Makipag usap ka sa amin para alam mo yun maliwanagan ka....kase ako si Yvie Arcelo." Nakangiwing saad ni Yvie at halos mapatawa ako sa pagkagulat ni Roian.

"Oo, ako si Yvie....mukha kaseng yung grupo lang namin yung ayaw mong makilala sa loob ng klase na 'to....Sya si Carol...sya si Shannon...tapos yung magagalitin...sya si Gale..." at isa isa nyang tinitingnan yung mga pinapakilala ni Yvie.

"At sya naman si Cyrll...." pakilala sakin ni Yvie. And the moment our eyes met....parang sa second time around simula ng makita ko sya ay huminto na naman yung paligid namin...mali yung paligid ko lang pala. Nakakainis talagang nadadala na ko sa mga mata nyang yan. Partida simpleng tingin lang nya 'to pero nadadala na ko. See, ang unfair kung titingnan mo sya parang wala lang ako sa kanya pero ako, halos sambahin ko na yung ganda at presensya nya.

Nilabanan ko. Kailangan tatagan ko yung dipensa ko sa taong ito.

Ngumisi ako sa kanya at sobrang bilis na napalitan ng pagkainis yung mukha nya dahil sakin.

"Turo ka pa ah!" Nang aasar kong sabi at saka ako nagsuot ng headset ko. Ayokong marinig yung reklamo nya....I mean yung boses nya...naiiuuwi ko kase sa bahay hanggang sa bago matulog parang umeecho sya sa isip ko.

Sobrang patang pata yung katawan ko tuwing uwian dahil kada breaktime ay nasa Community service kami.

Kahit pagod na pagod ay bumaba ako ng kwarto ko para dumalo ng dinner na inihanda ni Mommy para sa kaibigan nya dahil kakauwi lang daw nito galing US.

Nagulat ako ng ipitin ni Kuya Jayson yung ulo ko sa mga braso nya habang ginugulo yung buhok ko at natatawa sya.

"Jerk!" Sigaw ko pero ayaw pa din nya ko tantanan!

"Nakakainis! Nabasted ako!" Natatawa man si Kuya pero alam ko nasasaktan sya dahil may dalawang taon na syang nanliligaw doon sa babae. At pinakawalan nya ko. Ang ginawa ko ay pumasan ako kay Kuya.

"Hanap na lang kita ng bago kuya....wag ng malungkot." Sabi ko at napangiti sya.

"Wag kang malikot baba na tayo ng hagdan..." at kinarga nya ko ng maayos.

"Aye! Aye! Captain!" Masiglang sigaw ko at wala akong paki kung marinig kami ng bisita dahil bahay naman namin ito.

Pagkababa namin ng hagdan ay natatawa akong bumaba ng pasan kay Kuya. Pero nawala iyon ng marealize ko na nakatingin silang lahat sa amin at parang naaaliw. Pero may nakita ako sa mga bisita ni Mommy....bakit nandito sya?

Pinakilala kami ni Kuya sa mga bisita.

"Cy this is Roian...." pakilala ni Mommy.

"She's my classmate Mom...." walang ganang sabi ko at nakita ko na nagpoform na naman ng pagmamaldita na naman si Roian.

"Really? That's good to hear that....ipasyal mo sya sa garden mo habang hindi pa ready yung dinner...." sabi ni Mommy.

Kaya wala akong nagawa kundi pagbigyan si Mommy. Tahimik syang nakasunod sakin hanggang sa makarating kami sa garden na binuo ko. Naupo kami sa kahoy na flatform.

Sina Yvie lang yung pinapatungtong ko dito dahil ayaw ko na may ibang tao na nandito dahil nagmamarka sa isip ko yung magiging memorya ko kung sino man yung pinapatungtong ko dito. And it's a bad idea that I let her to be here.

"You can't draw?" Tanong nya.

"Eh ano ngayon?" Lakas makainsulto ng babaeng 'to.

"Hindi ikaw yung may gawa ng chibbi drawing...." mahinang sabi nya.

"Finally! Naisip mo din....thank you sa sampal..." sarcastic kong sabi at parang wala lang sa kanya.

"Sana sinabi mo agad!" Singhal nya at doon ako napangiwi. Lintik! Parang kasalanan ko pa!

Tumayo sya at akmang aalis pero nahagip ng mata ko na mapapatid sya kaya maagap akong napatayo din at nirespondihan ko sya....

"Roian Kaye carefull..."

Pero wala na pareho na kaming nabuwal dahil hindi ako nakabwelo para matatagan yung tuhod ko dahil nung nahawakan ko sya sa braso nya ang bilis agad ng pintig ng puso ko at nanghina ako.

Nakapatong na sya sakin at ako yung nasa ilalim at namalayan ko na lang na nakaprotekta pala ako sa ulo nya.

Ang lambot ng katawan nya at ang bango nya. Napalunok ako. Natataranta syang bumangon pero ako ay dahan dahan dahil nahilo ako.

"Gosh! Cyrll..." at parang namutla sya. Napahawak ako sa batok ko dahil parang may mainit na tumutulo dito.

Nataranta ako dahil may dugo sa palad ko.

Parang hindi ako makahinga at umikot yung paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nang magising ako ay nag aalalang mukha ni Roian yung nabungaran ko. Nasa kwarto kami. May benda na ko sa ulo.

"S-sorry..." napatitig lang ako sa mga labi nya habang kinakagat nya yung lower part. Torture! Inaakit ba nya ko? Promise ang effective eh!

"Kasalanan ko kung bakit......" ang dami nyang sinasabi pero wala akong maintindihan dahil yung atensyon ko nasa mga labi nya. Parang natutuyuan ako ng lalamunan habang nakatitig ako doon. Bakit biglang nauhaw ako?

"Don't...." hindi ko alam kung paano ko sya susuwayin na wag nyang kinakagat yung lower lip nya sa harap ko dahil nakakabaliw ito sa part ko. O diba napaka one sided lang lagi ng sitwasyon.

What will be the feeling if I landed my lips to her lips? Thus, my mind will calm down or my heart go crazy?

Para na kong lalagnatin sa pagpipigil.

"R-Roian stop it..." mahinang bulong ko at parang napahinto sya.

"Huh?"

"Stop invading my mind! I hate it!" Talagang nakakalito na eh! Hindi na sabay mag isip yung puso at isip ko regarding sa kanya. May pagkalito sa mukha nya sa tinuran ko. Ang galing kase nyang mang raid sa buong sistema ko....ilang araw lang nasakop na nyang lahat.

"Stay away from me...." walang emosyong sabi ko at parang nagulat sya at may lungkot sa mga mata nya bago alangan ngumiti at tumango bago lumabas ng kwarto ko. Why I hate it to see her like that?

Bianca is a liar! She said love can heal pain....bakit sakin sakit yung binibigay nito?

"Unbelievable Cyrll! You like the person who have a damn boyfriend!" Mahinang pagalit ko sa sarili ko.

Makisama kayo puso at isip dahil pare-pareho tayong mawawasak kapag pinilit nyo yung emosyon na nagpapaligaya sa inyo na alam nyo namang mali!

...............
To aihara019 thank you sa pagcomment and pagvote. At sa lahat ng bumoboto sa story ko na 'to thank you..

3 to 4 chapters na lang siguro o mas less pa ending na. Hahaha suporta lang guys masaya na si author.

Vote and comment guys

Thanks for reading

~dark19






Continue Reading

You'll Also Like

248K 9.2K 54
Valerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang is...
193K 5.9K 28
Si Charline Victoria ay isang sikat na actress, singer, and dancer. Halos lahat ng katangian na hinahanap mo sa artista ay nasa kanya na. Hinahangaan...
10K 1.7K 71
Anathema Series #1: Sexuality Xiana Michelle Lim ay isang grade 10 student sa Notre Dame University-Junior High School kung saan lagi na lang siyan...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...