Trigger and Bullets

By seveinnah

218K 4.9K 1.3K

Mine isn't your kind of tale. I am not to kiss and expect a happily-ever-after. But certainly, I am destined... More

Trigger and Bullets
bullet 1 - hellhole
bullet 2 - losing grip
bullet 3 - two orbs
bullet 4 - flame and frost
bullet 5 - in the shadows
bullet 6 - caught
bullet 7 - resurface
bullet 8 - lied
bullet 9 - the calm before the storm
bullet 10 - before the worst
bullet 11 - in for the kill
bullet 12 - desensitized
bullet 13 - darker path
bullet 14 - dusk to dawn
bullet 15 - touch move
bullet 16 - bloodstained (part 1)
bullet 17 - bloodstained (part 2)
bullet 18 - memories
bullet 19 - poison sip
bullet 20 - after the masquerade
bullet 21 - the lost chapter
bullet 22 - underneath
bullet 23 - death-kissed
bullet 24 - sunlight shadows
bullet 25 - skull and bones
bullet 26 - an epilogue
bullet 27 - unanswered
bullet 28 - harrowing touches (part 1)
bullet 29 - harrowing touches (part 2)
bullet 30 - enigma
bullet 32 - dungeon and dragon
bullet 33 - sicilian defense
I wish I could tell you how much I want to bleed but I can't write right now.
Untitled

bullet 31 - hide and seek

2.5K 95 52
By seveinnah

You are Hide and I am Seek.

I'm tired. Let's switch.

+++

Bullet thirty one

Humupa muna ang tunog mula sa dalawang putok ng baril bago niya pabalyang isinarado ang pinto ng Agera. Sa mabilis na sandaling iyon ay tila bumagal ang lahat at lumamig ang ihip ng hangin. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa kinatatayuan ko. Our eyes met and locked for a heavy moment, the nth time for this night. This time it was different. Kung kanina, sa bahay nila Cole, ay tumingin lang siya sa akin dahil sa tracker ni Lorraine ngayon ay dahil sa galit. A part of me wanted to run away. Away from the two tires I murdered and away from him. But something in me, and I wondered if it was more potent, wanted to stay... to fight back whatever spell he was casting.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo, Venice?!" Nagtatagis ang mga bagang na usig niya. Humakbang siya at hindi ko napigilang mapahakbang palikod. "Those tires are more valuable than your useless life!"

I shot a 'help me' look at Dana who was just silently watching how a monster terrifies a prey. Mukhang wala siyang balak tulungan ako dahil sumandal na siya sa Mclaren at pinagsalikop ang mga braso sa harapan niya. What the hell? I shot the tires for her!

Itinago ko ang kaba ko. "That's sad. You can't run away now," I said proudly.

"I was not running away, stupid."

"You are a liar. Aalis ka at isususuplong si Dana," wika ko sa depensibong tono.

"Damn it, idiot! Dahil sa nakakainis mong presensya gusto ko nang bawiin ang usapan namin ni Dana. Bakit ka ba parating nakikialam? I should have ended your life the first time we met. If you want to save Dana's life, huwag ka nang magpapakita sa akin."

"As if I want to see you! And what did you call me?!" Pinantayan ko na ang tono ng boses niya. Did this man really call me an idiot? Sa kabila ng galit ko sa kanya ngayon hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya sa sinasabi niyang may usapan na sila ni Dana. Walang ginagawang anuman si Dana ngayon, maliban sa manood sa amin kaya baka pabor sa amin ang tinungo ng paguusap nila. That's good except that late ko na nalaman na ayos na pala. Maybe I should say my sorry for what I did to his car. Uh. Wait, I never say sorry. Subliminal sorry na lang.

"Stupid? Idiot? Dumbass? I don't fvcking care, b!tch. I can even call you slvt, moron," sagot niya sa tanong ko.

My anger exploded. Kahit subliminal sorry ay hindi deserve ng taong ito. No one has ever insulted me a hundred times in one cursed sentence. His sharp words got me so angry I could feel my eyes beginning to well. "Then you are an asshole! You murderer! Your blood stinks!" I shouted, not caring if the whole sleeping population of Crost Fidel will hear me. Halatang hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon at ang tono ko dahil naging mas nakaka-kaba pa ang hitsura niya.

Hindi ko namalayan ang tuluyan niyang paglapit sa pwesto ko. Hinila niya ang kamay kong may hawak ng baril. I gritted my teeth as he gripped my arm that had a bruise. Kinuha niya gamit ng libreng kamay niya ang baril mula sa kaliwang kamay ko at dineskarga ang mga bala niyon gamit lang ang nagiisang kamay. Nahulog ang mga bala sa konkretong daan.

Pinilit kong labanan ang sakit ng pinipigang niyang pasa ko gamit ng pagkuyom nang mahigpit sa aking kanang kamao. "I hate you!" I told him, with all the essence of that phrase.

"You don't know me. You don't know my reasons. You don't know anything about me," puno ng galit niyang bulong sa akin. Naglaro ang mga mata niya sa mukha ko, that was when I realized that we were so freaking close.  We were just inches away and probably breathing the same air. Nagpapasalamat ako sa kadiliman ng paligid dahil hindi niya mapapansin na kulay dugo na ang mata at pisngi ko. None of those were from blushing. Those were from my blood lust. He was squeezing my bruise and I had enough pride to act like it was nothing although it hurt like burning hell.

"I hate you," ulit ko, habang pinipilit kong huminga nang maayos. He was too close.

"That is sweet. If you hate me, hate me damn hard. I really want to see you try," he whispered as dark as the night before he harshly released my arm.

Isang nakakagulat na bosina ang kumawala mula sa Mclaren. I jerked and... I don't know how it happened, I crushed myself onto Devin. 

"What the hell?!" sabay naming sita kay Dana na nasa driver's seat na. Agad ko siyang itinulak at kinuha mag-isa ang balanse ko. Tell me, how many times will I act awkward in front of a guy I seriously loathe?

"What are the two of you doing? Get in," nakataas ang isang kilay niyang tanong sa amin. She didn't mean Dana-Venice-Devin in one car, right? No. Ang shotgun na lang ang bakante so there's no way two people---the best of enemies, will squeeze in one seat. Umaandar pa lang ang reasoning prowess ko nakikita ko na si Devin na tumutungo sa pintuan ng passenger seat. Hindi ako makakapayag. Tumakbo ako para maunahan siya. Ngunit wala na, naunahan na niya ako at nanatili akong nakatayo doon at pinanood siyang eleganteng pumasok sa Mclaren.

"Hey, use your Agera. That is my seat!"

"Inisip mo sana iyan bago mo naisip na asintahin ang dalawang gulong ng sasakyan ko," walang emosyon niyang sabi.

"Saan ako uupo kung kinuha mo na ang buong espasyo?" reklamo ko. Not that I wanted to be anymore closer to him! I just needed a ride back home.

"Maybe on my lap." What?

Dana groaned. "Hindi naman magugunaw ang mundo kung maghahati muna kayo sa upuan. Sumakay ka na, Venice, I'll drop you at FDI first. Maguusap pa kami nang matino ni Devin"

Diyan nagkamali si Dana, Maaring magdulot ng pagkasira ng buong daigdig at maging ang mga kalapit na planeta kapag nagtabi kami. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan kong tiisin ang paggunaw ng sanlibutan para maka-uwi sa FDI. The devil gave me a space where I could seat. Three inches by three inches space! He was so kind he could be declared the next saint! I wished Dana will drive fast para makalayo na ako sa katabi ko.

Ilang nakakasakit ng hitang minuto ang lumipas ay hindi ko na kaya ang paninigas ng mga paa ko. Wala sa bokabularyo ni Devin Loxton ang salitang ‘gentleman’.

"Umurong ka nga!" nabibwisit ko nang sabi. Hindi siya umimik. Nakadikit na ang tuhod ko sa dashboard at itong doppelganger ni Satan naka-relax na nakaupo. Tiningnan ko ang mukha niya mula sa reflection sa bintana sa tabi ko, his eyes were closed, nagawa pa niyang matulog. Itinulak ko siya nang kaunti. "Gadd, this is exhausting."

"Huwag mong gisingin ang natutulog na halimaw, hindi mo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari kapag pwersahan mo siyang hinila mula sa panaginip," matalinghagang wika ni Dana habang pilit kong itinutulak si Devin. My knees hurt! Kailangan ko na ng mauupuang matino. "Hayaan mo muna siyang matulog, sa tingin ko'y malaking abala ang nangyari dahil sa tracker ni Lorraine. Nilipad niya siguro ang dagat, nilangoy ang bundok, inakyat ang hangin para mapuntahan agad ang tracker. Maybe he was expecting a miracle. He was tired, let the devil in distress rest."

Lorraine's already gone. Hmmp!

"I'm closing my eyes because I don't want to see Venice." Devin remarked. Talagang diretsahan? 

Sa wakas, makalipas ng ilang siglo, ay nailabas na ni Dana ang Mclaren sa Crost Fidel. Mabilis naman ang pagpapatakbo niya ngunit ang isang segundo ay tila isang minuto at ang isang minuto ay tila isang oras dahil sa halimaw sa tabi ko.

"Saan kayo pupunta, after this?" tanong ko kay Dana. I was still worried about her and her secrets. Could we really trust Devin? Tumingin na naman ako sa salamin ng bintana para i-check kung tulog nga talaga siya. But I found him quietly staring at my reflection on the same tinted window. Now, I really blushed. 

"Afraid that I'll kill her?" nananakot niyang tanong sa akin. Okay, so much for blushing. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I will give an equal fight, Loxton. Do not forget who topped the assassin's test in my batch." narinig kong sagot ni Dana.

"Now I'm scared," sarkastikong balik ni Devin.

I rephrased my question because it seemed no one wanted to answer the latter. "So... Saan niyo balak magpatayan?"

"Sa Black Haven. Kwento sa akin ni Dexter sumugod kang mag-isa doon. That was reckless," puna sa akin ni Dana. Matagal nang nangyari iyon at wala na akong pinagsisisihan doon. Kung hindi ko sinundan ang Ferrari maaaring hanggang ngayon ay hindi pa namin natutukoy kung sinong grupo ng mga assassins ang nagbabanta sa FDI. At least may naitulong ang kuryosidad at pangingialam ko.

"And annoying," dagdag ni Devin.

I hissed and snapped at him. "Just sleep and never wake up, will you?"

"Only if you will be the angel of my nightmares," kalmado ngunit may bahid pa rin ng kalamigan na balik niya sa akin. Itinaas ko ang kamay kong may nakahanda nang fvck you finger sign at siniguradong makikita niya iyon.

I heard Dana laugh. Then she did something to the car. Kahit hindi ko iyon nakita, alam kong saglit niyang tinapakan ang preno at sunod ang gas, making the car bounce out of the blue. I lost my balance on the seat and I was preparing for another humiliating moment---I knew I will fall off the seat! But an arm caught me on my waist. He snaked his arm across my waist and pulled me closer to him. That caught me off guard.

“H-hey. Y-your—“

Mas hinila pa niya ako. “Shut up,” bulong niya.

For the rest of the ride his hand stayed firm on my waist, fastening me on the seat and on his side. Ang nakakairita pa ay wala nang umimik pa matapos noon. It suddenly became hard to breathe for me, and if it's hard to breathe it's hard to talk. Sinilip ko ang repleksyon niya sa bintana. Seryoso siyang nakatuon sa harap. I suddenly wanted to know what he was thinking. Lorraine? Tss. Kapag nakikita ko na si Devin hindi ko mapigilang maisip si Lorraine.

We pulled over near FDI Gate Four.

"Sleep. You need sleep after what happened," sabi ni Dana bago ako umibis mula sa Mclaren. Ang tinutukoy niya sigurong nangyari ay ang insidente sa Brent University. I rolled my eyes. Mas napagod pa akong kasama si Devin kaysa sa pangyayari roon. "Alam kong kasingtigas ng bungo ang utak mo pero pwede bang sundin mo ang inuutos ko? At huwag ka munang pumunta kay Madam Fronda," dagdag niya. Pati ba naman pagpunta kay Mommy ipagbabawal niya na naman?

"Whatever, Easton. Just don't die, yet," seryoso kong sabi nang nakatingin kay Devin. I could still feel his hand on my waist kahit na hindi na niya ako hawak. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin at bumalik na ang tingin niya sa windshield. Parang siya talaga ang sinasabihan ko ng Don't Kill Her or I Will Kill You. I don't know... sa palagay ko lamang si Devin kung magsasabong silang dalawa. But she's Dana! The Empress of all the assassins.

Tinakbo ko ang mahabang daan patungo sa lobby ng gitnang gusali ng FDI. Alas dos na ng madaling araw kaya ang mga guwardiya na lang ang mga nilalang na gumagala pa sa grounds ng Compound. Gusto kong dumiretso sa unit na tinitirhan ni mommy subalit dapat ko na yatang bawasan ang pagsuway ko kay Dana. I decided to postpone meeting my mom. Bukas nang maaga ay agad ko siyang pupuntahan.

Nang makatapak na ako sa lobby binati ako ng mga receptionist. I gave them a stiff nod. Dalidali akong tumungo sa kinalalagyan ng elevators. Nahuhulog na ang mga talukap ng mata ko at halos hindi ko na mabuhat ang katawan ko. I felt the exhaustion from the past day. Hell, I had planned jeopardizing a marriage, I was abducted, I almost killed a bastard, I chased Devin... It was an eventful day. Kung pwede lang humilata na sa makintab na sahig dito ay ginawa ko na.

Nag-iinat ako habang pumapasok sa bakanteng elevator, pagpihit ko sa loob paharap sa pintuan ay nakita ko ang pigura ng ama ni Isagani na dumaan sa labas ng elevator. Agad kong itinaas ang hood ng suot ko at gumilid nang maramdamang may mga lalaking sumusunod sa paglalakad niya.

What was he doing in FDI? Sa pagkakaalam ko ay wala na kaming koneksyon sa mga Alabanza. O obsolete na ang ideya ko? Kahit na. No one will have a business transaction at this time. I bit my lip. Come to think of it, dating ka-business partner ng mga Fronda ang pamilya ni Isagani. Hindi sila nagkasundo, on a matter that no one outside the parties knew, at hindi na nagkaroon pa ng mga projects nang magkasama. Isagani's father owned a big share in the company---hindi ko sigurado kung hanggang ngayon ay may shares pa siya. So he might be or was a board member.

Suspicion ate up and eroded my tiredness. Sa listahang nakita ko sa kuta nila Devin, hindi ko siya nakita. All of the board members were listed there and those who were killed by Dexter's team had a red mark. I almost heard a click inside my brain. Kira won't write his name on a deathnote book. Kung ganoon... he was a past board member or the present board member who made the list. Wala pa akong pruweba ngunit talagang naniniwala ako sa guts at instincts ko. Hindi ko ito maaaring ipagsawalang bahala.

Real sheeet. I didn't have my phone with me, I couldn't call Dana. Luisa was still with Cole and Ella so this would definitely fall under solo flight. Dala ko ang baril na ginamit ko sa mga gulong ni Devin ngunit walang bala. Empty! Damn him. Kung hindi niya dineskarga ang baril kanina ay may armas sana ako ngayon.

Lumabas ako sa elevator at tahimik na bumuntot sa kanila, still with my hood up. I wouldn't appear suspicious under their eyes because they were under my territory. Nag-iwan pa rin ako ng distansya sa kanila at sinikap maging invisible sa pamamagitan ng pagtatago sa mga haligi na nadaraanan nila. I felt like I was a spy but I wasn't enjoying the feeling. He could be Jack, for Pete's sake. The man who murdered those on the list and who liked most what the Chemo Second Phase could give.

Ilang liko at lakad ang sinundan ko at nagtapos lahat sa parking space sa kaliwang gusali ng FDI. Ikinubli ko ang sarili ko sa isang malaking paso sa hindi kalayuan sa kanila. Watching how his guards move was like watching an army of Luisa. Sakto. Walang kulang o sobrang galaw. Their moves were even synchronized. Kinilala ko ang mga likuran nila---at maging ang awra, kung meron akong makikilalang miyembro ni Socrates. Naalala ko pa ang mga mukha at awra ng mga kasamahan niya. Luckily, none of the Alabanza's guards resembled to them. Wala ang matangkad na lalaki na may peklat sa mukha at ang kambal na sumalubong sa akin sa Black Haven.

Pinagbuksan nila si Alabanza ng pinto ng isang Limo at siya'y pumasok doon. Agad agad na pumasok sa dalawang SUV ang ibang guwardiya at sumunod sa naunang Limo. Hinintay kong pumasok sa natitirang kaparehas ng mga naunang SUV ang mga naiwang guwardiya para makabalik na ako ng hindi palihim sa gitnang gusali. I will call Dana, maaaring hindi pa sila nakakalayo sa FDI. But it seemed like we were doing the same thing, they too were waiting.

That means may hinihintay pa sila sa loob. Hindi ko gusto ang naisip ko. Masyado akong naka-focus sa naunang grupo at hindi ko na napansin kung--

"You are always this curious," isang boses ng lalaki mula sa aking likuran ang nagpatigil sa daloy ng pag-iisip ko. His voiced didn't startle me. It was kind and the same. Agad akong humarap sa kanya. "Anong ginagawa mo sa labas sa ganitong oras?" tanong niya.

"Isagani," tanging wika ko. Nagbalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa mga guwardiyang nakatingin na sa amin.

"Pumasok ka na sa loob bago pa bumaba ang hamog. I know how you can't stand fog," aniya habang naglalakad patungo sa grupo ng mga guwardiya. Something felt weird. At hindi ko ma-pin point kung ano ito. Maybe his eyes? Masyadong malungkot. Minsan ko na nakita ang mga mata niyang ganoon. Ito ay noong pumanaw ang ina niya bago kami pinagkasundo. Siguro nagkataon lang na nandito ang mga Alabanza. Naging malapit din naman ang aming mga pamilya so maybe they were just checking my Mom dahil nakauwi na siya. Nag-umpisa na ako tumakbo pabalik sa gitnang gusali. 

Isagani's mother died from bone cancer, sumagi sa isipan ko.

Dahan-dahan akong napahinto hanggang sa natanim na sa damuhan ang mga paa ko, nakatuon ang mga mata ko sa kawalan. Unti-unti akong napalingon kay Isagani, pasakay na siya sa SUV.

Her mother was one of the chemists who had worked with my mom.

+++

You better watch out. You better not cry. Updates will come sooner than Santa this time. Oh, it rhymed. Fifteen chapters to go.

Thanks, Miss pervertedgreen for the cover.

-sev

Score: Already Gone - Kelly Clarkson

Continue Reading

You'll Also Like

157K 11.9K 41
Itutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala...
17.8K 1.7K 200
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...
13.9K 2.3K 56
Isang retiradong sundalo na nais mag bago, Gamit ang larong babago sa buhay na kanyang nakasanayan. (Chapter 1-4 Training) (Chapter 5-28 Member Story...
37.1K 1.4K 37
DESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company a...