Bed friends? (Completed)

By ellesanity

374K 4.9K 313

[Completed] We were the best of friends...in bed. No strings. No attachment. No commitment. Just for entertai... More

Prelude
Chapter 1: Bed friends?
Chapter 2: Never been in love
Chapter 3: Not now
Chapter 4: Bitch mode
Chapter 5: Crush
Chapter 6: At the bar
Chapter 7: Blind date
Chapter 8: Escapade
Chapter 9: Gravity
Chapter 10: One bad move
Chapter 11: Come what may
Chapter 12: Not-so-romantic date
Chapter 13: Never look back
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: How
Chapter 16: Savior
Chapter 17: Sorry
Chapter 18: Just friends
Chapter 19: Acceptance
Chapter 20: Let go
Interlude
Chapter 21: Not really
Chapter 22: Hang-over
Chapter 23: If only
Chapter 24: Hush
Chapter 25: Even if
Chapter 26: A little too late
Chapter 27: Damn regrets
Chapter 28: Everything has changed
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Why
Chapter 32: Again
Chapter 33: Daddy
Chapter 34: Can't be
Chapter 35: I won't
Chapter 36: Stay away
Chapter 37: Good old days
Chapter 38: It's complicated
Chapter 39: Shattered
Chapter 40: Still in love
Postlude

Chapter 29: The ghost of you

5.1K 90 8
By ellesanity

Chapter 29: The ghost of you

After almost four years, ngayon lang ulit ako nakabalik dito. Gano'n pa rin naman ang rest house nila Allen. Wala namang mas'yadong pinagbago.

Bigla kong naalala ang mga panahong kasama pa namin ang bestfriend ko.

Bigla tuloy akong dinalaw ng lungkot.

Mas masaya sana kung na'ndito rin siya ngayon.

Napabuntong-hininga ako.

I badly miss her. I terribly miss my bestfriend.

Gusto ko siyang makita.

"What's with the long face?" nag-aalalang tanong ng kasama ko. "Is there any problem?"

Umiling ako. "May naalala lang ako."

"Oh," aniya at napayuko. Okay, awkward.

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya. "Don't be upset. She's all in the past now. I just kind of miss her. She used to be my bestfriend and we haven't seen each other for a long time."

"Alam ko," nakasimangot niyang sagot. "H'wag kang feeling!"

Tumawa ako. "Selosa ka talaga," sabay gulo sa buhok niya.

"I'm not jealous!" she answers, grunting. "As if namang mahal kita! Asa ka naman kuya!"

"But you like me," I say with a playful smirk plastered on my handsome face.

"Yes I do like you." Napaka-straight-forward niya talaga. "And I know you like me, too. So shut up. Let's end this pointless argument. Baka naiinip na sila, ang tagal mo kasing maglakad," pagsusungit niya.

"Nagsalita," pang-asar kong sagot.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos kaya binilisan ko nalang ang paglalakad.

Nako. Nagtampo na yata. Kunwari pa kasi.

"Pikon ka na n'yan?" I suddenly blurt out.

"No. Why would I?"

"Wala naman," sagot ko. "Bigla ko lang naisip. Do you still love him?"

"Who?" she asks.

"Sino pa ba, 'di 'yong ex mo. Mukha kasing hindi ka pa nakaka-move-on sa kaniya. Mamaya ginagamit mo lang pala akong rebound. Ang guwapo ko naman para maging panakip-butas lang."

"Sinong ex? Wala akong ex," malumanay niyang sabi.

"Bitter?"

Tumawa siya. "Joke lang! Ba't mo naman naitanong? Huwag mo sabihing mahal mo na ako?"

"Wala lang. At para sabihin ko sa 'yo, hindi pa kita mahal. Maghintay ka," sagot ko at saka tumawa nang nakaloloko.

Kinurot niya ako sa may tagiliran.

"Aray ko! Ang sakit no'n ha!" hindi ko napigilang isigaw.

"Makapagsalita ka, parang atat na atat ako. Ang kapal mo talaga."

"Bakit hindi ba?"

Ngumisi siya. "Kailan ba darating ang panahong 'yon?" Ano 'yan, pahiwatig? Hindi kaya mahal na niya ako?

Tumigil ako saglit sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Hinapit ko ang baywang niya at dahan-dahang inilapit ang aking mukha sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Akala niya siguro hahalikan ko siya; hindi ko tuloy mapigilang tumawa. Namumula na kasi ang mukha niya.

"Secret," bulong ko sabay halik sa pisngi niya para matahimik siya. "Tara na!"

Mukhang effective ang ginawa ko kasi matapos no'n, hindi na siya muling nagsalita pa. Buti naman. Ayaw ko nang magtanong siya ulit tungkol sa bagay na 'yon. Hindi pa ako handa.

"O, ayan na pala ang dalawang love birds!" wika ni Aero pagkakita nila sa amin.

Napatigil sa pagkukuwentuhan ang iba at agad na napalingon sa amin.

Sinalubong nila kami ng bati na may kasama pang yakap. Parang ngayon lang kami nagkita-kita matapos ang napakahabang panahon samantalang kagagala lang namin nitong nakaraang linggo.

"Happy anniversary 'tol!" bati ko kay Allen sabay yakap sa kaniya. "Best wishes! Kailan ang kasal?" dagdag ko pa pagkabitaw mula sa yakap niya. Pasimple kong inilibot ang aking mga mata sa buong lugar. Mukhang wala siya rito.

"Salamat 'tol! Sa December 18," sagot niya.

"O? Malapit na pala," wala sa sarili kong sabi. Napansin niya yatang lingon ako nang lingon kung sa'n-sa'n.

"Sinong hinahanap mo?" nagtataka niyang tanong.

Umiling ako, saka umupo sa tabi niya.

"Wala siya rito. At wala pa rin kaming balita tungkol sa kaniya," malungkot niyang sagot.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kunwari wala akong narinig. Dinukot ko ang aking cellphone at nagkunwaring may binabasang text message o kung ano.

Maya-maya, namalayan kong may tumabi sa akin.

Paglingon ko, si Marj pala. Inilapag niya sa table ang mga pagkaing dala niya, saka nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko.

"Naks naman! Ang tamis! Alagang-alaga! Pinaghahanda pa ng pagkain," hirit ni Aero na kanina pa pala nakatingin sa aming dalawa ng girlfriend ko.

Napangisi ako.

"Inggit ka lang."

"Ikaw na," sarcastic niyang sagot sabay hithit ng sigarilyo.

"Single pa rin?" tanong ko.

"Huwag kang mag-smoke rito! Ang baho," singit ni Mart. O, narito pala 'tong gagong 'to. Isa nalang talaga ang kulang.

"Andito ka pala, 'tol," bati ko. Nag-hand shake kami na may kasama pang fist bump. "Kailan ang kasal?" Lahat nalang yata tinatanong ko n'yan. Wala na ba akong ibang masabi?

"Hindi pa nga nagpo-propose sa 'kin 'yan, kasal agad?" natatawang sabi ng girlfriend niyang si Shara, sabay higop ng iced tea.

"Nagpaparinig ka ba? Hayaan mo, bukas na bukas, magpo-propose ako sa 'yo," banat ni Mart.

Napuno ng asaran at hiyawan ang buong garden dahil sa sinabi niya. Talaga naman!

"Nak'naman! Ang cheesy!" hirit ko. "Iyong isa kaya, kailan magkaka-girlfriend? Kawawa naman kasi. Pinaninindigan na yata ang pagiging forever alone," mapang-asar kong sabi sabay tingin kay Aero.

"Shut up dude! I'm not alone! I have lots of flirt-mates, mind you," aniya sabay shot ng alak. Ang aga-aga, inuman agad. Ayos. Halatang bitter pa rin! Tsk!

Nagsalin ako ng alak sa isang baso. Magsha-shot na sana ako kaya lang pinigilan ako ng girlfriend ko.

"Mamaya na ang alak! Kumain ka muna," aniya sabay agaw sa basong hawak ko. Itinapat niya ang isang kutsarang may lamang kanin at ulam sa bibig ko. "Say ah!"

Wala akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang isinubo niyang pagkain. Anong nangyari rito? Bakit bigla yata siyang naging sweet ngayon? Hindi naman siya ganito. Nakakapanibago naman. 

"Naks naman, o! Sinusubuan pa," wika ni Allen sabay tingin kay Nica. "Naiinggit ako, babe. Subuan mo rin ako," aniya sabay pout. Talaga 'to! Hindi ko napigilang tumawa.

Napailing nalang si Nica. Sumandok siya ng kanin na may kasamang ulam sabay subo kay Allen. "O, ayan na po babe! Masaya ka na?"

Nilunok muna ni Allen ang kaniyang kinakain saka nagsalitang muli. "O, ako naman magsusubo sa 'yo!" energetic niyang sagot. Para siyang bata na tuwang-tuwa dahil nabigyan ng candy. Sumandok din siya ng kanin na may kasamang ulam at itinapat sa bibig ng girlfriend slash fiance niya ang kutsara. "Kailangan mong kumain nang marami para lumusog si baby. The airplane is coming! Say ah!"

Saglit akong natulala dahil sa salitang narinig.

Airplaine.

Bigla nag-flash-back sa utak ko ang araw na umalis siya nang wala man lang pasabi.

"Natulala ka na?" Nagising ako sa katotohanan nang magsalita si Marj.

Shoot. Kanina pa pala sila nagkakagulo dahil sa sinabi ni Allen. Umiling ako at saka uminom ng isang basong tubig.

"Sinabi mo bang baby? Buntis ka? Kailan pa?" sunod-sunod na tanong ni Yna sa kaibigan namin.

"Buntis ka? Wow! Congrats!" bati naman ni Aero.

"Congrats!" singit ni Shara.

"Ayos! Magkaka-baby na ang barkada!" natutuwang sabi ni Mart.

"Congrats 'tol! Magiging daddy ka na!" bati ko kay Allen. "Ako ninong, ha!" pahabol ko pa.

"Basta alam na! Mga ninong at ninang kaming lahat," nakangiting sabi ni Marj.

"Wait lang mga 'tol! Chillax! Joke lang 'yong sinabi ko! Hindi talaga siya buntis. Hindi pa," tumatawang sabi ni Allen.

"Ay, ano ba 'yan! Kainis! Na-excite pa naman ako!" nanghihinayang na sabi ni Yna.

"Ikaw talaga, hilig mong magbiro!" sigaw ni Mart sabay batok kay Allen. "Napaniwala mo ako! Kala ko totoo. Sayang, akala ko magkaka-baby na ang barkada," dagdag pa nito.

"Bakit hon? Gusto mo na bang magka-baby? Tara! Gumawa rin tayo ng atin mamaya," hirit ng girlfriend niya.

Gulat na gulat si Mart sa kaniyang narinig. Pulang-pula ang mukha ng loko! Sasagot na sana siya kaso biglang nagsalita ang girlfriend niya.

"Joke lang hon!" sabay halik sa pisngi niya. "Peace! Saka ka na mangarap ng baby kapag kasal na tayo."

Nagtawanan kaming lahat.

Nagkamustahan at nagkuwentuhan lang kami tungkol sa maraming bagay habang kumakain na sinabayan pa ng kantahan at inuman.

"Before I let you go, I want to say I love youuu!"

Kumakanta na naman si Aero. Land'yo. Sakit talaga sa tainga ng boses nito!

"Awat na 'tol! Kumukulimlim na ang langit!" tumatawang sigaw ni Mart.

"Tama na, dude! Maawa ka! Baka bumagyo! Mag-drums ka nalang!" banat ko.

"Fuck you!" aniya sabay pakita ng middle finger niya. Nagsitawanan lang kami.

Sige, idaan mo pa sa kanta 'yan 'tol! Hugot pa! Ayaw nalang kasing sabihin! 

"Shot pa! Wooo!"

May amats na 'tong si Aero! Nagsalin ulit siya ng alak sa isang baso. Lumapit siya kay Allen at Nica na naglalandian, I mean, naglalambingan sa isang sulok.

"Shot mga 'tol!" alok niya sa dalawa.

"Mamaya na," sagot ni Allen.

Si Nica naman ang inalok niya. "Shot!"

"No thanks!" tanggi nito.

"Sige na! Shot! Shot! Shot!"

Hindi umimik si Nica.

"Cut it out, dude. You're drunk," awat ni Allen.

Itinaas ni Aero ang shot glass na kaniyang hawak sabay sabing, "Damayan niyo naman ako at ang puso kong sugatan!"

Ngayon, lahat kami nakatingin sa kaniya.

Lumingon ako kay Yna. Umiwas siya ng tingin at yumuko nang magtama ang mga mata namin.

She looks so damn guilty.

Ano ba talagang nangyari sa dalawang 'to? 

"Hindi ako puwedeng uminom, iba nalang alukin mo," sagot ni Nica kasi patuloy pa rin siyang kinukulit ni Aero.

"At bakit naman hindi?" nagtatakang tanong ni Allen.

Bakit nga ba? Pati ako naguluhan sa sinabi niya.

Lahat kami napatahimik at sa kanila lang nakatingin; naghihintay ng kasagutan.

"Uhm, guys. Ang totoo kasi n'yan..."

Hindi mapakali si Nica habang nagsasalita. Malikot ang kaniyang mga mata at tila ba'y hindi malaman ang sasabihin. Huminga siya nang malalim. Ilang saglit ang lumipas bago siya nakapagsalita.

"The truth is, I'm pregnant."

Akala ko ba joke lang 'yong kanina?

"Hindi nga?" sabay-sabay naming sagot. Ice! Parang sabayang-bigkas lang.

"Ayaw niyong maniwala?" masungit niyang sagot. May dinukot siyang kung ano sa kaniyang bulsa at saka ipinatong sa table. "O ayan!"

Isang parihabang bagay na kulay puti at yari sa plastic. May dalawang linyang kulay pula.

Pregnancy test.

Positive.

Sa sobrang tuwa ni Allen, hindi siya nakapagsalita. Bigla nalang niyang hinalikan si Nica.

"Get a room, you two!" Talaga 'tong si Aero, panira ng momentum!

Nagsalin ako ng alak sa baso.

"Para kila Allen, Nica at sa bago nilang baby," panimula ko sabay taas ng shot glass. "Cheers!"

Everything's going smooth. Masaya naman ako, kami. Tahimik ang buhay namin. Wala namang bagay na bumabagabag sa akin; that's what I've thought.

Hanggang sa isang gabi, isang linggo matapos ang aming mini reunion at celebration, napadpad kaming magbabarkada sa bar nila Aero. 10th anniversary na kasi ng bar nila at inimbitahan kami ng dad niyang tumugtog para sa celebration. Dahil may promo/discount sa drinks, maraming dumalo. Bukod pa ro'n, dumayo rin ang iba dahil nalaman ng mga fans naming tutugtog ulit ang aming banda makalipas ang halos dalawang taon. Hindi na kasi kami gano'n ka-active sa pagbabanda dahil busy kami sa kaniya-kaniyang trabaho.

Nasa table malapit sa stage naka-puwesto ang ilan sa mga kabarkada namin, masayang nagku-kuwentuhan habang nag-i-inuman at naghihintay sa performance namin.

Matapos naming ihanda ang mga instrumentong kakailanganin, umakyat na kami sa stage at nagsimulang tumugtog. Umpisa pa lang, panay na ang hiyawan ng crowd. Lalo na nang magsimulang kumanta si Allen, mas lumakas ang tilian ng mga manonood.

"I never said I'd lie and wait forever. If I died, we'd be together. I can't always just forget her. But she could try..."

Napapikit ako at dinama ang kanta kasabay nang pag-strum ng gitara. Maya-maya ay napadilat ako dahil sa cheer ng mga kasama namin.

"Go Ignite! Woo! Ang guguwapo niyo!" sabay-sabay na sigaw ng mga kasama namin. Imba. Daig pa yata nila ang fan girls namin sa lakas ng tili nila.

"I love you Allen!" sigaw ni Nica sabay kindat.

Lalong ginanahan ang vocalist namin dahil sa kaniya.

"Go Max! Wooo! Go! Go! Go!" sigaw naman ng girlfriend ko.

Ngumiti lang ako sabay kindat sa kaniya. Nag-flying kiss naman siya bilang kapalit. Ice! Mga galawan.

"At the end of the world. Or the last thing I see. You are never coming home, never coming home. Could I? Should I? And all the things that you never ever told me... And all the smiles that are never ever... Ever..."

Sumabay rin ako sa pag-awit habang patuloy sa pagtugtog ng gitara.

"Get the feeling that you're never... All alone and I remember now. At the top of my lungs in my arms she dies... She dies..."

Hindi ko alam kung bakit; siguro mas'yado kong dinamdam ang lyrics ng kanta kaya bigla ko na naman siyang naalala. May papikit-pikit pa akong nalalaman. Biglang nag-flash sa utak ko ang larawan ng ngiti niya.

"At the end of the world. Or the last thing I see. You are never coming home, never coming home. Could I? Should I? And all the things that you never ever told me... And all the smiles that are ever gonna haunt me..."

Saktong pagdilat ko, nakita ko siya sa may crowd, nakatayo hindi kalayuan sa puwesto ng mga kaibigan ko. Nagtama ang mga mata namin at tila ba tumigil sa pag-ikot ang mundo. Ngumiti siya nang malungkot. Kusang tumigil sa pagtugtog ang mga daliri ko.

I won't let her get away this time.

Binitawan ko ang gitara at tumalon pababa ng stage. Hindi ko pinansin ang tawag ng mga kabanda ko. Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya habang sinisigaw ang pangalan niya. Nakipagsisikan at nakipagtulakan ako sa crowd, makita lang siya. Halos suyurin ko na ang buong bar ngunit hindi ko pa rin siya nakikita/nalalapitan. Patakbo akong lumabas ng bar at nagtungong parking lot at hinanap siya.

Kaso mukhang nahuli na naman ako.

Hindi ko na siya nakita.

Hindi ko siya inabutan.

Bigla nalang siyang nawala na parang bula.

Napaisip ako.

Siya ba talaga 'yong nakita ko? O baka naman namamalik-mata lang ako kanina?

Totoo bang nagbalik na siya?

***

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 2K 60
PROLOGUE Every great dream begins with a great dreamer. Dalawang matapang na kababaihan ang nakikipaglaban para sa katarungan ng karamihan. Tapang...
137K 2.3K 38
|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August 18, 2019 / Continued: June 21, 2020 Fini...
1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
3.4K 157 45
Peach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. C...