Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

544K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 13

9.7K 387 18
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Six Years Ago

2013

Matapos ang biglaang pag-alis noon ni Rafael sa Hacienda Aurelia ay matulin na lumipas ang mga taon.

I was almost seventeen at nakatakda na akong magkolehiyo.

Katulad noong una ay bakasyon muli nang muling magtagpo ang mga landas namin ni Rafael Certeza.

"Ano ang nangyari? Bakit tayo huminto?" tanong ko kay Jako nang bigla na lamang huminto ang owner-jeep na minamaneho niya.

Sa mga panahong iyon ay boyfriend ko na siya at tanggap na rin ng mga magulang ko ang totoong pagkatao ko.

Hindi rin naman nila kami pinigilan sa relasyon namin at dahil doon ay masasabi ko na tuluyan ko na talagang naibalik sa dati ang samahan namin bilang pamilya.

Sa paglipas ng mga taon ay tuluyan na ring nawala sa isipan ko si Rafael at hindi na rin ako nakakadama ng galit sa dibdib ko.

Si Jako ay matanda sa akin ng isang taon at madalas talaga siya sa hacienda kaya panatag ang loob ng mga magulang ko na siya ang naging boyfriend ko.

Bumaba si Jako sa sasakyan saka niya binuksan ang hood ng jeep. Wala akong interes sa pagbutingting ng mga sasakyan dahil ang gusto ko lang ay gumagamit.

Hinayaan ko si Jako na gawin ang ginagawa niya.

"Ewan ko ba. Wala pa naman akong alam sa makina." sagot niya sa magkahalong iritasyon at pagkapahiya sa tinig niya.

Umikot ang mga mata ko. This is our official first date outside the hacienda.  Mula nang sagutin ko ang panliligaw niya ay ngayon pa lang kami magtutungo sa bayan nang magkasama.

Madalas kaming magsama sa school pero ibang bagay pa rin kapag sa labas ng paaralan kami magde-date.

May isang kilalang fast-food chain na binuksan sa bayan noong nakaraang linggo. Balak akong itreat ni Jako doon.

"Sana pinatingnan mo muna sa Papa mo ang jeep bago mo ginamit." sabi ko saka na rin ako bumaba ng sasakyan.

Pinanood ko siya sa ginagawa niya at sa nakikita ko ay parang hindi naman siya sigurado sa mga pinagbubu- butingting niya doon.

"Paano iyan kapag hindi na umandar?  Malayo na tayo sa amin." sambit ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya at tila napapahiya na sumulyap sa akin. Pinunasan pa niya ang pawis sa mukha niya at sa kabila ng iritasyon ay napangiti pa ako nang makita kong nagkaroon siya ng grasa sa pisngi.

Gwapo si Jako. Maputi, matangkad at may pares ng mga mapupungay na mga mata na nagustuhan ko sa kanya.
Bukod pa sa maganda ang pangangatawan niya bagay na pinanghihinayangan nang husto ng halos lahat ng kababaihan sa school dahil sa akin lang siya bumagsak.

Well, may magagawa ba ako kung ako ang nagustuhan ng lalaking ito?

"Wala tayong pagpipilian kundi ang maglakad na lang pabalik." hopeless niyang sagot.

Ginalaw niya angbkung anu-ano sa loob at napahiyaw pa siya nang mapaso siya bigla sa mainit pang makina ng sasakyan.

Pasimangot akong nagbuntong- hininga saka ko pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko.

"Hindi ko alam kung sino sa ating dalawa ang may balat. This is so frustrating. Isipin mo na lang, hindi na nga tayo natuloy sa pagpunta natin sa bayan ay paglalakarin mo pa ako pauwi." litanya ko sa kanya.

"Eh ano bang magagawa ko?" medyo naiinis na ring sagot ni Jako sa akin. "Ginusto ko ba na tumirik tayo?"

Sasagot na sana ako nang isang sasakyan ang natanawan namin mula sa dulo ng daan. Pareho pa kaming napatingin doon ni Jako.

"May parating." nabuhayan ng pag-asa na sambit niya.

"Parahin mo." sabi ko sa kanya habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa paparating na sasakyan.

Kulay puti na pickup iyon. Marahil ay bisita ni Papa ang nagmamaneho niyon dahil ang daang ito ay pribado at patungo sa hacienda.

Siguro ay isa itong mamimili ng mga prutas at balak na mamili ngayon dito sa hacienda.

Itinaas ni Jako ang dalawang kamay niya uoang parahin ang sasakyan. Agad naman iyong huminto sa tapat nito. Nagbaba ng salamin ang driver.

"May problema ba?" sabi ng baritonong tinig.

Mula kay Jako ay dumako sa akin ang mga mata niya. May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib ko dahil sa mga matang iyon.

He looks familiar.

"Itinirik kami boss." napapakamot sa ulong sabi ni Jako. "Baka may alam ka sa makina."

Hindi sumagot ang lalaki at sa halip ay nagbukas ito ng pinto saka siya bumaba ng sasakyan niya.

Ang mga mata niya ay sandaling dumaan sa akin bago siya humakbang patungo sa manibela ng jeep at saka niya pinaandar ito.

Ilang beses din niyang pinihit ang susi sa ignition bago siya humakbang patungo sa hood ng sasakyan.

Tahimik lamang ako na nakatayo sa may lilim ng puno. Pinagmamasdan ang bawat galaw ng lalaking tumutulong sa amin ngayon.

Matangkad ito. Malaki ang katawan. Ang balat niya ay kakulay ng pulang lupa. He could be mistaken for an Indian.

And I must have been watching a lot of foreign movies lately para iyon ang ihambing ko sa lalaking ito.

Kung ikukumpara ko siya sa mga kilala kong mga gwapo at mga foreign idols na hinahangaan ko ay hindi gwapo ang lalaking ito kung tutuusin.

Ngunit napakalakas ng kanyang dating at hindi mo masasabi na pangit siya. Sa katunayan nga ay kung pagmamasdan mo lang talaga siya ng mabuti ay saka mo lang malalaman na gwapo pala siya.

Hindi rin maikakaila ang pang-akit na taglay niya. At higit sa lahat, he's sexy sa puntong ang lumang blue jeans at T-shirt na suot niya ay nagmumukhang mahalay tingnan.

Oh, gosh, I'm only sixteen. Ano ba ang malay ko sa salitang sexy pagdating sa mga lalaki. Pero sa pamantayan ko ay ang kagaya ng lalaking ito ang masasabi ko na sexy.

Sumulyap pa ako sa suot niyang pantalon. Bakit ba sa tingin ko ay napakasikip nito at halos nakayakap na ng mahigpit sa mga binti niya.

Sumulyap na naman siya sa akin at nakadama na ako ng pagkailang. Hindi ito normal na nagyayari sa akin. Kadalasan ay nakakadama pa ako ng tuwa dahil nakakatawag ako ng pansin sa iba.

Dahil ba sa maiitim niyang mga mata na tila humahalukay sa sikmura ko sa tuwing pagmamasdan niya ako? There's something familiar about those eyes.

Muli niyang itinuon ang atensyon niya sa sasakyan na inaayos niya. Ilang sandali pa ay umangat na muli ang katawan niya mula sa pagkakayuko sa hood ng sasakyan.

"You're out of gas." he said.

"Out of gas!" naiiritang bulalas ko sabay sulyap ko kay Jako nangbmay akusasyon sa mga mata. "Hindi mo muna tiningnan kung may gasolina ang sasakyan bago mo ginamit?"

"Sira kasi ang fuel gauge." nakaguhit ang guilt sa alanganing ngiti ni Jako. "I'm sorry, Ivan. Ginamit kasi ni Papa ang sasakyan kahapon kaya ang inakala ko ay marami pa iyang lamang gasolina."

"Sorry?" umikot paitaas sa kulay asul na kalangitan ang mga mata ko. "You are so unreliable, alam mo ba iyon?"

"Ivan, naman." sabi niya na napapahiya dahil may ibang tao na nakakarinig sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Ginusto ko bang mangyari ito?" dagdag pa niya. "Huwag ka nang magalit. Babawi na lang ako sayo sa ibang pagkakataon."

"What now?" naiinis na tanong ko sa kanya.

Napahugot ng paghinga si Jako saka siya sumulyap sa lalaki na nakasandal sa hood ng sasakyan habang amused na pinapanood ang sagutan naming dalawa.

Kahit paano ay nakadama ako ng pagkapahiya dahil sa naging attitude ko.

"Excuse me, Sir." sabi ni Jako na sinabayan ng tikhim. "Pribado po ang lugar na ito at ang tunutumbok ng sasakyan ninyo ay ang Hacienda Aurelia. Doon po ba kayo patungo ngayon?"

"Doon ang punta ko." sagot ng lalaki sa malalim na tinig.

"Kung gusto ninyong makisakay..." sumulyap muna ito sa akin at matamis niya akong nginitian. Pagkatapos ay nagkibit ng ng mga balikat saka niya idinagdag: "...be my guest."

Kumislap ang mga mata ni Jako saka siya masayang bumaling sa akin. "Come on, Ivan." sabi niya.

Nagtungo siya sa jeep saka niya hinugot ang susi mula sa ignition pagkatapos ay isinara niya ang hood at ang mga pintuan ng sasakyan.

"Mabuti na lang mabait si kuya. Magpahatid na lang tayo sa inyo. Saka ko na pababalikan ang sasakyan. Pasensya ka na talaga sa nangyari. Alam ko kasalanan ko ito." ani Jako.

Sinulyapan ko ang lalaki at hindi pa rin nawawala ang mga mata niya mula sa pagkakatitig sa akin.

Ano ba ang problema ng lalaking ito? Masyado ba siyang nagagandahan sa akin kaya kanina pa hindi maalis ang mga mata niya sa akin?

Lihim akong natawa sa mga kalokohang naglalaro sa isipan ko. Feeling babae ampota.

Hindi ko ugali na magtiwala at makisakay sa kahit kanino man na estranghero. Pero nasa loob kami ng Hacienda Aurelia at kasama ko si Jako.

Sa mga ganitong sitwasyon ay praktikal na ang makisakay kaysa sa maglakad kami ng tatlong kilometro pabalik ng villa.

Nagpatiuna nang naglakad ang lalaki pabalik sa sasakyan niya. Sumunod naman kaming dalawa ni Jako.

Si Jako na ang nagbukas ng pintuan sa likuran ng pickup. Kaagad naman akong sumakay doon. Akala ko ay tatabi siya sa akin ngunit natigilan ako nang bigla niyang isinarado ang pinto saka siya sumakay sa harapan katabi ng driver.

"Bakit ka diyan sumakay?" sabi ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin saka niya ako sinagot. "Nakikisakay lang tayo, Ivan. Hindi naman magandang tingnan kung pareho tayong nasa likuran. Hindi naman natin driver si Kuya." paliwanag niya.

"Fine!" sabi ko saka ko inikot ang mga mata ko.

Mula sa pagkakasulyap ko sa tabi ko ay narealize ko na hindi rin pala kakasya si Jako kahit sumakay siya sa likod.

Sa bandang kaliwa ko ay may nakalagay na dalawang maleta. Isa sa may upuan at isa sa sahig.

Nagsalubong ang mga kilay ko doon. Sumulyap ako sa bandang likuran at nakita ko na may nakalagay doon na dalawang malalaking kahon.

"Komportable ka ba diyan?" lingon sa akin ng estrangherong nagdadrive ng sasakyan.

Isang tango ang isinagot ko saka ko rin kaagad na iniwas ang mga mata ko sa kanya.

Sa pagkakaupo ko ngayon dito sa likuran ay komportable ako. Ngunit hindi sa presensya at mga nakakailang na titig sa akin ng lalaking ito.

At hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Marami nang naging bisita ang mga magulang ko dito sa hacienda at karamihan sa mga iyon ay halos mga negosyante at kilala talaga sa lipunan ang iba ngunit hindi ako nailang ng ganito sa kanila minsan man.

"Mabuti na lang po at nadaanan ninyo kami." magalang na sabi ni Jako habang tumatakbo ang sasakyan dahilan upang mapasulyap ako sa kanya.

"Kung nagkataon po kasi ay baka nilalakad na lang namin ngayon ni Ivan ang napakalayong kalsadang ito pabalik sa bahay nila."

Nangiti naman ang lalaki saka niya sinulyapan si Jako.

"Sa susunod na gagamit ka ng sasakyan ay siguraduhin mo muna na natingnan mo ng mabuti ang mga dapat i-check. Lalo na ang gas at ang preno. Importante ang mga iyon." kaswal na sabi niya saka na naman niya ako muling sinulyapan sa rearview mirror.

Nagsalubong ang mga tingin namin doon. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ng matagal ang mga mata niya.

"Lalo na kung malayo ang biyahe ninyo." dagdag pa nito.

"I'll remember that next time." nakangiting sagot ni Jako.

"Saan mo gusto na ihatid kita?" tanong ng lalaking estranghero sa boyfriend ko.

"Ihahatid ko na po muna si Ivan sa bahay nila. Pagkatapos ay tatawag na lamang ako sa bahay namin saka ako magpapasundo sa mga tao doon." sagot ni Jako.

Tumikhim ang lalaki saka niya ako muling sinulyapan sa rearview mirror. "Don't worry about him. Ihahatid ko siya ng ligtas sa villa matapos kitang maihatid sa inyo." sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "No!" mabilis kong naisagot na may kasamang takot.

Napakatikas ng katawan ng lalaking ito at kung pagtatangkaan niya ako ng hindi maganda ay siguradong wala akong kalaban-laban sa kanya.

"I mean... hindi pa kasi uuwi si Jako sa kanila. Baka mamaya pa. Kaya pareho mo na lang kaming ihatid sa villa." sabi ko na pilit itinatago ang takot sa mukha ko.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki saka na siya nagconcentrate sa pagmamaneho niya.

Hindi na siya nagtangka pa na magsalita hanggang sa makarating kami sa villa.

Kaagad naman nakita nina Mama at Papa ang sasakyan saka sila mabilis na nag-abang sa labas ng villa.

"Rafael!" malakas na sigaw ni Mama nang maiparada na ng lalaki ang sasakyan sa tapat ng villa. Kasunod naman niya ang nakangiti na si Papa na sinundan ang asawa.

Napakurap ako at napahinto sa paglabas ko ng sasakyan nang marinig ko ang pangalan na isinigaw ni Mama.

Rafael.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
189K 8.3K 53
ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs Si Timmy ay isang avid fan ng napakasikat na boyband group na Nirvana Redux kung saan pati pinakamaliit na butas ng karayom ay h...