Getting To You (Azucarera Ser...

By jonaxx

29.8M 1.2M 839K

Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera... More

Getting To You (Azucarera Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 38

716K 30.3K 22.5K
By jonaxx

Kabanata 38

Perfect


Masaya ang Tita Evelyn sa pagpunta namin at mga dala ko. Nawala ang pag-aalalang nakadagan sa akin nang nakitang masigla naman siya.

"Nasabi nga ni Almira na nag-alala ka. Kaya nag-alala rin ako at ayaw kong inaako mo ang kasalanang hindi naman sa'yo."

"I just care also for the people who experienced it, po. Kasi sa industriya na pinasok ko, alam kong iyon po talaga ang problema. Iyon po ang pinakainiiwasan ko kaya naman natakot talaga ako noong inakalang sa sweets ko galing ang problema," I said honestly.

"Gustong-gusto ko ang mga gawa mo. Gusto ko rin naman iyong kay Ella at siguro hindi nga maiiwasan na minsan magkakaganoon. Sana lang huwag nang maulit pa at delikado kung malala ang nangyari."

It's a good dinner for us. Magaan ang loob ko sa pamilya ni Almira at gaya ng dati, kahit hindi naman talaga sobrang bait ni Almira sa akin, at mapang-asar pa, ayos na rin naman siya.

"Magtanong ka sa akin kapag may mga pagdududa ka rito sa kaibigan ko at hindi niya maipaliwanag ang sarili niya kasi hindi niya alam, ah!" si Almira sa malakas na boses.

Nakakahiya pa dahil naririnig kami ng pamilya niya. May narinig pa akong nagtanong sa Mama niya kung kami na raw ba ni Alonzo. Her mother answered positively and I realized... just a day with him and I feel like the whole of Altagracia will know.

Alam ko namang gusto ni Alonzo na malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa amin. Ayos lang din naman sa akin iyon pero naghihintay lang ako ng tamang panahon. Kaya lang... kung ganito na, mukhang kailangan na nga naming magsabi.

I don't want my parents to think that Alonzo is scared or something. He's not. He's just being polite. He doesn't want to pressure me so even when he wants to inform my parents, he's waiting for me.

Isa pa, ayon sa nabasa ko sa internet, isa rin iyon sa kailangang gawin sa isang seryosong relasyon. Seryoso! Seryoso na pala kami?! Thinking about us make me blush profusely.

"Salamat! Ang dami n'yong dala! Ang sasarap pa!" si Almira nang hinatid kami sa pintuan.

Hindi na sila rito nakatira at uuwi na rin daw sunod namin. May ibinigay ako para sa pamilya niya at mayroon din namang para sa kanya kaya tuwang tuwa siya.

"Hindi ka ba malulugi nito? S'yempre kahit mayaman ka, hindi puwedeng namimigay ka lang ng negosyo!" usisa ni Almira.

"Hindi naman." I chuckled.

"Ingat kayong dalawa! Magpapaalam lang kami ni Axel saglit sa loob, susunod na rin," si Almira nang nasa pintuan na kami.

Nasa labas nagpark si Alonzo. Sumakay muna ako sa sasakyan niya at ihahatid na lang sa station para kunin ang sasakyan ko at susundan niya na lang ako pauwi.

Tinanaw ko ang bakuran pagkatapos ng pagpapaalam namin kina Almira at Axel. Naglakad ako at sumunod si Alonzo. The breeze of the cold night blew as we started walking towards the gates.

Bumagal ang lakad ko para mahintay si Alonzo pero masyado kong nabagalan na bahagya siyang nauna. Sumulyap siya sa akin. Like a sudden streak of lightning, I felt that it's the right time to do it. Madilim at kaming dalawa lang... naglalakad.

Ayon sa nabasa ko, holding hands is normal in a serious relationship so it should be okay.

Slowly, I let my left hand slip on his right palm. I stiffened when his head darted at me, a bit shocked at my move.

"Ang bagal mo, Lonzo! Inunahan ka na tuloy!" sigaw ni Almira na mukhang nakatanaw pa yata sa amin sa bintana!

Napatalon ako bahagya at mabilis na binawi ang kamay. Bumilis din ang lakad ko at naiwan si Alonzo dahil nilingon pa yata si Almira.

"Laki ng taya ko sa'yong manok ka! Ayusin mo kasi!" I heard Almira and I realized Alonzo probably mouther her something.

Palapit na kami sa gate nang hinawakan ni Alonzo ang kamay ko. Natigilan ako at napatingin sa kamay namin. Humigpit ang hawak niya. Nagkatinginan kami.

I heard Almira's shriek drowned by Axel's hearty laugh somewhere. I stiffened again because I'm sure they're watching us.

"Hayaan mo na si Almira," ani Alonzo.

Unti-unti kong sinubukang kumalma. Hinayaan ko ang kamay naming magkahawak hanggang sa pinagbuksan niya ako ng pintuan. Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Sinarado niya ang pintuan at umikot.

Kitang-kita ko ang malalim niyang iniisip habang naglalakad patungo sa driver's seat. Uminit ang pisngi ko nang nadagdagan pa ang naiisip.

Ayon din kasi sa nabasa ko, normal daw ang... halikan.

I know I've kissed him before... on the lips but it's just... different. I know better now. I was too aggressive back then. Siguro nalason ni Steffi ang isipan ko pero hindi ko talaga naisip man lang na puwede namang... sa cheeks lang!

My mind is filled with thoughts about a kiss when there's something more important that we need to do!

"Ngayong Biyernes ang uwi nina Mama at Papa pero may bibisitahin pa sila sa na mga kaibigan kaya baka sa Sabado... puwede ka ba no'n?"

"Oo. Pupunta ako sa inyo!" sabi ko.

"I tried to convince them to come home tomorrow since I decided to have a half day break tomorrow."

Napakurap-kurap ako. Wednesday bukas at hindi sana ako magtatrabaho rin dahil nagpapahinga pa ako. Sa Thursday na ako babalik.

"Break?"

Sumulyap siya. "Oo. Ihinahanda ko lang din ang schedule ko kasi gusto ko rin sanang gawing break ang Wednesday. Though, I have a patient so I might visit him tomorrow and leave after. Hindi ka pa magtatrabaho bukas, hindi ba?"

"Uhm. Oo."

Malalim ang iniisip ko. Napasulyap ulit si Alonzo sa akin habang nagmamaneho. Paliko na ngayon sa station.

"I realized... marami nang nakakaalam tungkol sa atin," sabi ko.

Nagpark na ang sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ko. Nilingon niya ako at tumango siya. Tinanggal ko ang seatbelts para maharap siya.

I am not sure, though, if he's ready. This might be a shock to him. I know I said we'll take it slow but not keep it a secret but at this point... news will fly fast to my parents and it's weird if we'll keep quiet.

"Sina Almira... si Ella. Tapos kahapon, nasabi ko rin kay Kuya Manolo."

Tumango siya at medyo natigil sa huling sinabi ko.

"Hindi ko pa nasabi kay Mommy at Daddy kagabi kasi nahihiya pa ako kaso kung marami nang nakakaalam... pati pa ang nasa salon kanina, alam na boyfriend na kita. Baka lang kumalat na at mahuli sina Mommy at Daddy."

Tumango ulit siya. "Puwede akong bumisita bukas sa inyo, Sancha. Para masabi natin sa Mommy at Daddy mo."

Tumango rin ako. Iyon nga ang iniisip ko!

"I'll talk to them when I get home tonight. And tell them you'll be in our house tomorrow. Anong oras ka puwede?"

"Umaga, puwede na ako, Sancha."

"Umaga?" medyo nagulat ako.

"Do you prefer it dinner tomorrow?"

"Hindi. Kung kailan ka puwede. Puwede na 'yong umaga!"

He chuckled. "Sorry. I just think I should do it earlier so they won't worry for you."

Kumunot ang noo ko at natawa na lang. "Worry about me? Because you're my boyfriend? I don't think so..."

Natawa rin siya. Sa huli, pareho kaming nagbuntong-hininga. Kabado ako at siguro kabado na rin siya.

"Sigurado kang hindi na kita sasamahan ngayon? Kung sasabihin mo na sa mga magulang mo?"

"Ayos lang. I think I'll be comfortable if I talk to them alone first. 'Tsaka kung isama na agad kita, baka lang... mabigla sila sa pagbisita mo. That will be the first time you'll visit since... then."

"You're right. Okay." He licked his lower lip and his eyes remained on me.

Ilang sandali kaming nagkatinginan. Tahimik na kaming pareho. Buti na lang nagsalita siya. Unti unti pa namang namumuo ulit sa isipan ko ang ideya.

"Did you have fun today?" he asked.

"Yeah. Masaya ako na ayos na ang Mommy ni Almira." Masaya rin ako sa usapan namin ni Almira. "Kahit pa medyo hindi maganda ang sagutan namin ni Ella."

He sighed heavily. "Dapat ay nagpahinga ka ng mabuti sa araw na ito. Hindi iyong ganoon."

"Ikaw? How's your day so far?"

"A bit hectic earlier but... it's fine now."

"Badtrip ka rin kanina?" nagtaas ako ng kilay.

He smiled. "Hindi ko lang gusto ang ginagawa ni Ella, Sancha."

Exhausted with Ella's issues, suminghap ako at hindi na dinagdagan pa ang sinabi ni Alonzo. Maayos na ang araw namin at kung ibabalik ko pa kay Ella ang usapan, baka lang mabadtrip pa ulit siya. Maybe it's a perfect time to end the day, huh?

"Hmm. Should we go now? Baka pag matagalan ako, matulog na sina Mommy at Daddy."

"Yes. We should go," aniya.

Sabay kaming lumabas. I clicked my car keys. Binuksan niya naman ang pintuan ng driver's seat. Pumasok ako sa loob at hindi na muna nagseatbelt.

"Susunod ako sa'yo. Ihahatid kita sa inyo," aniya at umambang isasarado na ang pintuan.

"Sandali lang..." agap ko sabay tulak sa pintuan.

Curious, he looked at me. Uminit ang pisngi ko at hinawakan ang kamay niya. Lips parted, he looked at our hands. Hinila ko siya at nagpatianod siya sa ginawa ko.

"Thank you for today," I whispered and slowly kissed his cheek.

Siguro gulat sa ginawa ko, nanatili siyang seryoso nang nakabawi ng tingin sa akin. I chuckled and looked away.

"Sorry. I'm always the one initiating. I just don't know how a relationship works so... I'm doing my best."

"It's okay, Sancha. You're doing fine," aniya at humilig na ng husto sa sasakyan ko.

Tumango ako at napansin ang kamay niya naka nakahawak sa kanang bahagi ng upuan ko.

"I'll just text you when I'm home. Hintayin ko ang reply mo bago ako tatawag."

Humalakhak ako. "Baka matagalan ako. Pagod ka pa naman. Mauna ka na matulog. Baka mahaba ang usapan namin ni Mommy at Daddy."

"Baka hindi ako makatulog kaiisip kung ayos lang ba ako sa kanila, Sancha."

"Who wouldn't want you, anyway?"

Nagkatinginan kaming dalawa. I saw his eyes flickered. It drifted twice on my lips. Uminit ang pisngi ko at naramdaman ang mabilis na pintig ng puso ko.

Slowly, he slanted his head. I closed my eyes and touched his arm for support. His tender kiss made me blush more. Taliwas na taliwas sa halik ko sa kanya ilang taon na ang nakalipas. His kisses were soft, para bang babasaging kristal ako na ayaw niyang mahawakan.

"I love you," he whispered.

Hindi ako makapagsalita. Masyado pa akong mangha sa halik niya. He smiled and kissed me again.

"You make me happy, Sancha."

This time, I smiled, too. "I love you, Alonzo."

It all feels like a dream. At pakiramdam ko walang makakapigil sa pagmamahal ko sa kanya. Kanina lang medyo takot pa akong humarap sa mga magulang ko at magsabi sa kanila tungkol kay Alonzo. Pero dahil sa nangyari, nawala ang takot ko.

Nasa balkonahe sina Mommy at Daddy, nagtsa-tsaa at nag-uusap pa tungkol sa kung ano. Natigil sila nang nakita ako.

"Good evening, Sancha!" si Mommy sabay handa sa braso niya sa pagtanggap sa akin.

Yumakap ako at humalik.

"Good evening, Mommy and Daddy."

"How was your rest day, hija? You should do this often," si Daddy. "Mukhang mas masigla ka kapag walang stress."

Masigla? I'm sure it isn't because of my rest day. Yumakap ako kay Daddy.

"Kumusta ang bisita mo kina Evelyn? Nakausap mo ba?" si Mommy.

"Opo, Mommy. Uh... doon po kami nag dinner ni Alonzo."

"Alonzo? Salvaterra?" si Mommy ulit na para bang may iba kaming kilalang Alonzo.

Tumango ako at naupo sa harap nilang dalawa. Kitang-kita ko ang gulat ni Daddy. They're used to me leaving after the evening greetings. Now that I sat here, I'm sure they know I'm up to something.

"May sasabihin po sana ako."

"Tungkol sa ano, hija?" si Mommy.

Napainom si Daddy sa kanyang tsaa at nag-ayos ng salamin. I cleared my throat.

"Sana po hindi kayo mabigla."

"Ano 'yan, Sancha? Sabihin mo na at mas nakakatakot ang ganito..." si Mommy.

"Mom, Dad, uh... may boyfriend na po ako."

No one moved. Mga mata lang ni Mommy ang gumilid kay Daddy bago sa akin muli.

"Sino?"

"Boyfriend ko po si Alonzo."

Nagkatinginan si Mommy at Daddy ngayon.

"He wanted to be with me while I say this but I guess I want to do this alone first. Hindi pa kasi ako kailanman nagkakaboyfriend at lalong wala pa akong na introduce sa inyo kaya mas kumportable ako na ako muna. Pero... bukas naman po bibisita raw siya. Kung ayos lang sa inyo."

Walang nagsalita sa dalawa,

"Bukas po ng umaga."

Nagkatinginan lang ulit sila.

"Uh... ayos lang po ba? Kung hindi pa puwede, puwede ko naman pong sabihin sa kanya na next time na lang."

"Alonzo... Salvaterra?" kumpirma ulit ni Mommy.

"Opo, Mommy."

Nilapag ni Daddy ang tsaa at tumango siya.

"Well, you're old enough, Sancha."

Ngumiti ao, nabunutan ng tinik. Si Mommy naman ang nanahimik.

"I've always liked Alonzo. Hindi man mayaman pero matalino at may paninindigan. Medyo hindi ko lang nagustuhan ang eskandalong iyon dahil bata ka pa no'n. Right now, there's just no reason to dislike him. Even with the past. He was smart enough to leave Altagracia to silence the issue. And if he did love you then, and still love you now, I guess I could say that he probably left for you, too. You were young and you didn't deserve that scandal with your age. If he stayed, it will never be forgotten. And if he did stay, he'd never be where he is right now."

"I doubt that. No matter what his decision, Dad, he'd still do great. Matalino at magaling siya kaya..." bahagya akong nag-angat ng tingin kay Daddy.

He smiled. Pakiramdam ko tuloy naninimbang siya sa sasabihin ko. Nilingon niya si Mommy.

"Well, if your Dad doesn't have a problem. I have no problem with him, too. Isa pa sino ang magkakaroon ng problema sa batang iyon? We all make mistakes growing up, no exception to him."

"Papuntahin mo rito bukas, Sancha." Sabay tagilid ni Daddy para kumuha ng cellphone. "At nakapagbilin si Manolo at Peppa na tawagan sila kapag may ipapakilala kang manliligaw o boyfriend."

"Pero niligawan ka ba, Sancha? Hindi ibig sabihin na dahil sinasabi mong gusto mo siya, baka iniisip niyan na easy-to-get ka. Aba'y kababalik lang niyan dito sa Altagracia!"

"Aba'y dapat lang!" si Daddy. "Dahil kung hindi niya naman liligawan si Sancha agad ay baka pa magkasundo na kami ni Luis."

"Ang gusto ko lang malaman ay baka iniisip ni Alonzo na dahil may gusto si Sancha sa kanya noon, madali na lang na maging sila! Baka hindi na nanligaw!"

"Nanligaw naman po, Mommy," sagot ko.

"Nanligaw naman pala!" si Daddy.

Humaba nga ang usapan. Mommy insisted that I should recount what happened the very first day we meet here in Altagracia. Si Daddy naman maraming tanong at kinokontra ang mga panghuhusga ni Mommy.

I was pretty exhausted after the talk. I heard Mommy call for our househelps at magpapahanda yata ng magarang breakfast bukas dahil bibisita si Alonzo.

Hindi nga natulog si Alonzo. Kahit alas onse na nang nagreply ako, nakatawag pa rin siya. However it's a short call because I was so exhausted. Sinabi ko lang na payag sina Mommy at Daddy sa pagpunta niya bukas at... sa pagiging boyfriend ko.

As a result, I woke up pretty late the next day. Ang sabi'y naroon na raw si Alonzo sa baba. Thinking only about him, less than myself, I immediately ran downstairs to check if he's alright. Naroon si Ate Peppa, naririnig ko ang tawa. Si Kuya at Camila naman nakita kong nasa sala kasama ni Alonzo.

Nasa hagdanan na ako nang natantong naka pajama pa at hindi pa naghihilamos. Tumigil ako sa gitna pero nakapag-angat na ng tingin si Alonzo sa akin. He looked so formal with his buttondown shirt and slacks. He's also slightly nervous as Kuya Manolo stood beside the sofa with his coffee. Palapit si Ate Peppa at sumunod si Ramon sa kanya.

"Buti naman, Lonzo, at kaunti na lang irereto ko na itong si Sancha sa kapatid ni Ramon!" sabay tawa ni Ate Peppa.

Nanatili ang titig ni Alonzo sa akin dahilan ng pag-angat din ng tingin ng apat. Uminit lalo ang pisngi ko at umatras. Tumayo si Alonzo na para bang binibigyang respeto ang pagbaba ko. Kaso lang, aakyat ulit ako.

"S-Sorry. Tinanghali ako. Mag-aayos lang ako bago bababa," sabi ko.

"Ayos lang."

Kuya Manolo laughed out so loud. I heard Camila's heavy hand on his arm. "Tama na 'yan!" si Camila.

"Maganda pa rin ang kapatid ko, 'di ba? Kahit bagong gising?" si Kuya Manolo.

I almost cursed Kuya Manolo's name under my breath as I ran back upstairs.

"Maganda nga pero minumuta rin 'yan, Lonzo. Hindi 'yan perfect!" si Ate Peppa. "Baka lang iniisip ko na perfect siya!"

At hindi lang si Kuya Manolo ang namamahiya! Pati na si Ate Peppa! Now, I'm sure this is going to be a disaster for me!

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...