Kabanata 18

574K 27.2K 15.2K
                                    

Kabanata 18

Call


After my conversation with Alonzo, I feel like everything is alright. Hindi man kami madalas mag-usap at tuwing nakikita ko man siya sa school, sa malayo at ngiti lang ang naigagawad ko, ayos na iyon sa akin.

I know he's busy and I heard he's been offered work. Hindi pa man nakakagraduate at hindi pa man nakakapag board, may ganoon na para sa kanya. I'm happy for him even if it entails he'd probably leave Altagracia for that. It's his dreams and I want nothing but for him to reach it.

Actually, he inspires me the most. Hindi man lumaki sa karangyaan, daig pa ang mayayaman sa paggalang. Nagsisikap ng mabuti at nagtatrabaho para maiahon ang sarili at ang kanyang pamilya. His parents must be very proud of him.

Those thoughts drive me into thinking that I should do the same for myself, too. I've been sheltered my whole life but that doesn't mean I should continue to. I should find things I am passionate about and work on it. Para na rin sa kinabukasan ko...

I busied myself into thinking about that. Bukod doon, lagi ko ring sinusubukang makipag-ayos kay Margaux pero lagi namang bigo. It breaks my heart everytime she ignores me. Hindi siya kailanman naging ganoon sa akin, ngayon lang.

"Alam mo, Sancha, hayaan mo na 'yon si Margaux," si Soren.

There's a rift between me and Margaux. Tulungan man ako ni Ella, wala pa ring pinagbago. Minsan mas naiirita lang siya kapag sinusubukan kong makipag-ayos.

"Imbes na mag-usap tayo, hindi mo na ako pinakikinggan sa pag-aalala mo dahil lang hindi ka niya pinansin kanina!"

Nasa kiosk kami ngayon sa malayong parte ng field. Galing kami ng cafeteria at katatapos lang mag lunch. Nagto-tooth brush ako sa girl's bathroom nang naroon din si Margaux, nag-aayos. Kinausap ko siya ng maayos pero nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng cheek tint.

"Margaux, please don't be like this. What do you want me to do? I already confronted Soren and he's sorry about it. Ayaw mo bang patawarin ko siya kasi at this point, na ganito tayo, pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat magkaayos lang tayo."

I don't want to say that but this is taking too much of my peace of mind. Umabot na ako sa pag-iisip na mas mabuti na rin siguro kung dumistansiya nga ako kay Soren. Lalo na nitong nakaraang buwan, nararamdaman ko ang matindi niyang pag-asa dahil lang mabait ako sa kanya.

I treat him the way I treat a friend, nothing more, but I realized I could unknowingly do more damage to him if I continuously do this. Kahit pa paulit-ulit ko siyang pinaaalalahanan na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Kahit pa ganoon na ang sinabi ko, binalewala niya pa rin ako. I'm more bothered now than ever.

"Sancha..." malambing na tawag ni Soren sabay akbay sa akin.

Ni hindi ko na napansin na malapit na kami dahil kanina pa malalim ang iniisip ko. Nilingon ko siya, bigo pa rin ang itsura.

"Hayaan mo na ang babaeng iyon. Ang mabuti pa, uminom ka na ng milktea na binili ko para sa atin. Nawawala na ang lamig oh."

Tinitigan ko ang binili niya. Nakapangalahati na siya sa kanya at ang akin, hindi pa nagagalaw.

"Sancha? Hello?" he teased, and pinched my cheek.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Soren-"

He lifted my chin and pulled it towards his face.

"Alam ko kung ano ang dapat mong gawin."

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon