Kabanata 29

637K 30.5K 16.2K
                                    

Kabanata 29

Busy


Marami ang bisita ng grand opening. Halos lahat ng importanteng tao sa Altagracia at mga karatig nito ay naroon. Marami ang bumati sa akin at halos ang lahat ng mga matatandang politiko at businessmen ay si Mommy at Daddy naman ang nag entertain.

Naroon din si Ate Peppa at Kuya Manolo. Isa rin sila sa nag entertain sa mga guests, lalo na't mga kaibigan nila halos ang tumatangkilik sa mga produkto ko. Margaux was there with Julius and some of our friends and classmates. Nasa iisang table sila at minsan ko nang binisita pero hindi makapagtagal dahil sa dami ng kailangang i entertain.

Some of my Silliman classmates were there, too. Lalo na iyong mga nasa malapit na siyudad at probinsiya lang. Sa ibang oras nga lang sila bumisita kaya hindi na rin masyadong naging crowded ang cafe. Ang mga taga Cebu ko namang kaibigan sa Silliman, nagpadala na lang ng bulaklak at nangakong bibisita next time.

The older people went home after the blessing, programme, and lunch. Nang umalis na ang Mayor, nagpaalam na rin sina Mommy at Daddy. Lalo na't bumisita ang taga Bacolod nilang kaibigan at gusto nilang sa bahay na magpatuloy. Daddy boasted his golfing skills, kaya nagkayayaan na.

It was three in the afternoon when Almira arrived. Agad siyang binati ng iilang naimbitahan kong kaklase o ka-batch niya noon. I craned my neck, as if to see who she's with. Kaya lang si Axel ang nasa likod niya. Nagtagal pa ang tingin ko sa pag-aakalang may iba pa silang kasama. Almira then blocked my vision with her ghastly smile.

"Congratulations sa grand opening mo!"

"Thanks, Almira."

Binati sina Axel nina George, Adriano, Ciara, Patti, at iilan pang mas batang batch nina Almira. I smiled as I saw how the two batches mixed because of Almira and Axel. Axel greeted Chayo, too. Naroon sa tabi ang iilan pang mas batang kaibigan kasama sina Nancy, June, at Edu.

Nawala ang kaba na dala-dala ko simula pa nang nagsimula ang opening pagkaupo nina Almira. Almira was smirking at me as I told them to get some food.

Papalubog na ang araw nang unti-unti na ring nagpaalam ang grupo nila. Nanatili akong nakatayo at malugod na tinanggap ang mga papuri at pasasalamat sa imbitasyon.

"Sa Bistro kami nina Julius. Punta ka after? Let's chill and drink some beer," si Margaux na ngitng-ngiti sa akin ngayon.

I smiled. "Subukan ko, Margaux."

"Pumayag ka na! Minsan lang naman, e!" si Margaux sabay ngiti.

"I have things to do. Mamaya na ako magdedesisyon, Margaux."

Napawi bahagya ang ngiti niya at marahang tumango. "Okay. You need help?"

I shook my head. "No, thank you. Go on and I'll just text if I can go to the Bistro after this."

Kahit na ang totoo, alam kong malabo iyon. Sa grupo nina Kuya Manolo na nasa labas na lamesa, pakiramdam ko gagabihin pa sila. Masarap ang kuwentuhan at maingay ang tawanan nila. Siguro dahil ngayon lang ulit niya nakita at nakausap ang mga kaibigan. Camila's group were here too but like the rest, they opt to continue the fun somewhere else, rason kung bakit nakihalo si Camila sa grupo ni Kuya. She seems very busy talking to the wives of the men, too.

"Alis na kami, Sancha. Ang sarap ng handa n'yo!" si Almira. "We'll drop by the Bistro. I wanna invite you you but I know you still have things to do."

"Oo. Enjoy kayo sa Bistro."

Nagpaalam na rin ang grupo nina Chayo. Sila ang mga huling umalis sa Cafe, bukod siyempre sa grupo ni Kuya na maingay sa tawanan at nag-iinuman.

"Ayos lang ba 'to, Sancha?" si Camila na nilapitan ako habang tinitingnan ang pagkain para sa dinner.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon