Kabanata 40

808K 33.4K 25.8K
                                    

Kabanata 40

Someday


"Inaamin ko, Sancha. May pagtatampo ako sa pamilya mo noon dahil nangyari pero alam kong may kasalanan si Lonzo. Siguro kung ako rin naman ang pamilya mo, baka nga ganoon din ang gagawin ko sa lalaking gumawa ng masama sa anak." Sumulyap siya kay Alonzo. Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko. "Bata ka pa no'n... hindi puwedeng bigyan ng bigat ang mga desisyon mo. At kilala rin kita... kahit na ganoon ang nangyari, alam ko na hindi mo magagawa iyon ng walang nagtulak sa'yo."

"Hindi naman po ako ginawan ng masama ni Alonzo," pag-amin ko sa maliit na boses.

"Hm. Pero maaaring sa mata ng pamilya mo, ganoon ang nangyari. Pero ayos na 'yon ngayon. kung hindi nangyari 'yon, hindi rin naman mararating ni Alonzo ang narating niya ngayon."

"Hindi pa rin po makatarungan na ganoon ang nangyari. Wala naman po siyang kasalanan. Mas matanda lang siya sa akin ng kaunti kaya sa kanya isinisi ang lahat."

"Ayos lang 'yan, Sancha. May pagtatampo ako noon, pero naiintindihan ko rin naman ang ginawa ng pamilya mo. Isa pa kahit bali-baliktarin, dapat pa rin naman talagang umiwas si Alozno sa'yo dahil siya ang mas nakakatanda. Huwag mo nang alalahanin 'yan." She smiled warmly this time. "Nang sinabi sa akin ni Alonzo na kayo na, tuwang-tuwa ako."

Alonzo chuckled a bit. Nagbuntong-hininga si Tito David at inayos na ang upuan para kay Tita Laura.

"Kahit ganoon ang nangyari noon, Sancha. Kilala kita. Palaisipan na sa akin na hindi ka agad nakapag-asawa. Sa bait at ganda mo, nasisiguro ko ang pumipila mong manliligaw at boyfriend mo kaya hindi ko inaaasahan na..." humalakhak si Tita Laura.

"Si Alonzo lang po ang naging boyfriend ko," marahan kong sinabi, bahagyang nagmamalaki. "At... siya lang po kasi ang gusto ko."

Hiyang-hiya ako pero tinatagan ko ang sarili ko. Ramdam ko ang init sa batok ko hanggang sa pisngi ko. Nasisiguro akong pulang-pula ako.

Alonzo chuckled and pulled me closer to him to hug me. Nakakahiya pero mas mabuti na 'yon kaysa sa makita ni Tita Laura at Tito David ang paumula ko.

"Tama na nga 'yan, Laura. Kumain na tayo at lumalamig na ang sabaw."

Tumawa si Tita Laura. "Pasensya na. Hindi ko naman gustong pag-usapan ang nakaraan pero... Upo ka na, Sancha. Lonzo, paupuin mo!" bahagyang pagalit na sinabi ni Tita.

Umupo ako at kinalma ang sarili. I can sense how his parents watched me even when they are already talking about something else.

"Bumisita nga rito kanina. Kaya inaya ko mamayang gabi. Magpapaluto na lang talaga ako sa lahat dahil kahit iyong iihawin, hindi ko magagawa dahil may mga bibilhin pa kami mamaya, Alonzo."

"Ako na po. Wala naman akong gagawin-"

"Naku, huwag na! Nandito si Sancha! 'Tsaka pupunta naman sina aling Rosa rito, sila na ang bahala!"

"Tutulong po ako," agap ko.

Humalakhak si Tita Laura. "Dito ka na rin maghapunan, Sancha. Nagpaalam ka ba kay Sir Crisanto, Lonzo?"

"T-Tatawag na lang po ako," agap ko ulit.

"Lonzo! Hindi ka nagpaalam?!" gulat na sinabi ni Tita Laura.

"Tatawag ako, Mama. Nasabi ko naman po na iimbitahan si Sancha kapag nandito kayo noong Miyerkules."

"Naku, dapat nagsabi ka pa rin kanina!"

"T-Tatawag po ako. Ako naman po ang dapat nagpaalam."

Ngumiti si Tita Laura. "Huwag ka nang tumulong sa pagluluto, Alonzo. Samahan mo si Sancha rito mamaya habang wala kami at minsan ka lang may rest day. O mas mabuting magpaalam kayo na dito maghapunan mamaya. Iimbitahan sana namin sina Crisanto, Sancha, kaso kaunti lang ang handa namin. Baka sa susunod na Sabado, makapaghanda na ng maayos?"

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon