Alquemie

By LazyMissy13

575K 28.3K 3.3K

"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "Sh... More

Prologue
Tale 1
Tale 2
Tale 4
Tale 5
Tale 6
Tale 7
Tale 8
Tale 9
Tale 10
Tale 11
Tale 12
Tale 13
Tale 14
Tale 15
Tale 16
Tale 17
Tale 18
Tale 19
Tale 20
Tale 21
Tale 22
Tale 23
Tale 24
Tale 25
Tale 26
Tale 27
Tale 28
Tale 29
Tale 30
Tale 31
Tale 32
Tale 33
Tale 34
Tale 35
Tale 36
Tale 37
Tale 38
Tale 39
Tale 40
Tale 41
Tale 42
Tale 43
Tale 44
Tale 45
Tale 46
Tale 47
Not an Update
Tale 48
Tale 49
Tale 50
Tale 51
Tale 52
Tale 53
Tale 54
Tale 55
Epilogue

Tale 3

12.9K 543 15
By LazyMissy13


Tale 3

A Chance Encounter

~April~


"You're dead." Banta ng isa sa tatlong armadong lalaki na nakapalibot sa akin ngayon.

Nasa isa akong delikadong sitwasyon sa mga oras na ito. Pwedeng sabihin na matatawag akong isang damsel in distress dahil sa sitwasyon ko. Nasa isa akong liblib at makipot na eskinita. Maging ang street light na tanging nagbibigay ng kaunting liwanag sa lugar kung nasaan ako ay tila malapit na rin maupos ang liwanag. Kawawa naman ako.

"Ang lakas ng loob mo na biktimahin kami.." nanggigigil na saad ng isa sa kanila at tila binabalatan na ako nito ng buhay sa tingin na ibinabato nito saakin.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nyo.." tanggi ko, giving them an innocent look.

Okay let me explain. Wala akong ginagawang masama. Silang tatlo yung hindi marunong mag-ingat. Kasalanan ko bang shonga sila?? Napagdiskitahan ko tuloy sila.. Malay ko bang myembro sila ng isang kilabot na gang?? Oo nga at maskulado at armado sila, pero naisip ko na baka trip lang nila na ganun ang itsura nila. Hindi naman sa itsura at anyo nalalaman kung ano at sino ka, right?? Tingnan nyo ko, ang payat payat ko, muka akong isang inosenteng seventeen years old na teenager, pero kahit ganun isa akong kilabot na con artist.

"Bata isoli mo yung mga dyamanteng kinuha mo samin, kung hindi," pinutol nya ang kanyang sasabihin sa nagbabantang tono.

"Sir hindi ko alam kung ano ang sinasabi nyo. P-please gusto ko na po umuwi.." pagmamakaawa ko

Instead na maawa tila lalo lang silang nainis..

"Bata kung hindi mo isosoli ang ninakaw mo samin didispatsahin ka na namin ngayon din.." banta ng isa na tila pikon na pikon na.

Tsk.. Mukang hindi na effective ang acting skills ko.. "Excuse lang po, for your information wala po akong ninakaw. Kusa nyo iyong binigay sakin kaya bakit ko isosoli??" naiinis ko ring saad. Ang kulit kasi nila!

"Binigay?? Wala kaming binigay sayo! Pinilit mo kami gamit yung weird trick na ginawa mo. Bwisit! Hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko!" gigil nung lalaki

Weird trick?? Psh! Mga amateurs! Anong weird trick pinagsasabi nila?? Hypnotism yung ginawa ko kanina. Hindi man lang nila alam kung ano yung hypnotism? Tsk, hindi na ko nagtataka kung pano ko sila nabiktima ng walang kahirap-hirap.. Pero kung gagamitin ko ulit yun sa kanila, baka hindi na masyadong effective dahil nagawa ko na yun sa kanila so medyo immune na sila. Paano ko kaya tatakasan ang tatlong gorilla na ito??

"Ano na??! Isosoli mo o hindi??" bulyaw nung nasa gitna

Pwedeng-pwede ko silang paliparin gamit ang psychokinesis! Pero kapag ginawa ko yun, sasakit ng ilang araw ang ulo ko dahil hindi ko pa masyadong mastered ang skill na yun.. Pero yun lang ang magagawa ko kung gusto kong takasan ang mga gorilla na ito.

Nagsisimula pa lang akong mag-concentrate para paliparin ang tatlong gorilla nung matigilan ako dahil biglang may lumitaw na babae mula sa kawalan.. Saktong-sakto pa na sa pagitan namin ng tatlong gorilla sya lumitaw kaya naman lahat kami ay naalarma!

Puting bestida ang suot ng babae sa kabila ng malamig na panahon. Blonde ang mahaba nitong buhok na tila gintong mga hibla na pinapayid ng hangin. Maputla ang balat ng babae pero mamula-mula ang pisngi nito at kulay rosas ang kanyang labi. Nagtagpo ang aming mga mata at nakita kong asul na asul ang kulay ng sa kanya. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata at napakaamo ng kanyang muka.. Isang prinsesa! Hindi. Mas tamang sabihin na isa syang anghel!!

Sunod na bumaling ang pansin ng babae sa tatlong lalaki na nakapalibot sa amin at nakita ko ang paghanga sa mga mata ng tatlong gorilla!! Pagkakataon ko na para tumakas!!!

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong muling nabaling sa akin ang atensyon ng babae kaya naman agad akong natigilan..

"Nasaan ako??" tanong nito at maging ang kanyang boses ay tila musika! Babae din ako at kilala ako sa aming bayan bilang isa sa pinakamagandang babae pero bigla akong nanliit ngayon dahil sa presensya ng babaeng ito! Heavens, how could you be this unfair??

"Ahm, this is the City of Andora in the State of Uddara." Sagot ko

Kumunot ang noo ng babae.. "I'm still in Uddara???" tila dismayado nitong tanong

May kakaiba akong nase-sense na vibes sa babaeng ito.. Hindi ko ma-explain kung ano iyon kaya naman sinubukan ko na lang basahin ang kanyang isipan. Nakita ko ang iba't-ibang lugar, may pamilyar at mayroong hindi. Pabago-bago ang lugar, tila may paulit-ulit na teleportation na nangyayari. Ito ang pinakasariwa nyang mga ala-ala.. May nakita pa kong lugar, the deeper I dig into her memories, the dizzier I become.. Pabilis ng pabilis ang mga imahe. Kahit confident ako sa telepathic ability ko, may kung anong pwersa ang tila humuhigop sa akin. Hindi ko na makita ng malinaw ang mga imahe sa kanyang isipan, tila sobrang lalim nito, tila walang katapusan ang kanyang mga ala-ala.. Kinilabutan ako dahil sa reyalisasyon na iyon. Ilang taon na sya?? Bakit tila walang tapusan ang mga ala-ala na meron sya?? Ni hindi ko na masundan ang mga nakikita ko!

Sa mga oras na ito ay hinahabol ko na ang aking pag-hinga. Naninikip na ang aking dibdib at tila pinipiga ang aking isipan.. Tila isang black hole ang kanyang isip na hinihigop ako. Alam kong sa mga oras na ito ay namumutla na ang aking muka, hindi dahil sa lamig ng hangin kung hindi dahil sa babae sa aking harapan..

Narinig kong tumikhim ang babae at kasabay nun ay tuluyan na akong natumba dahil sa wakas ay nakawala na rin ako mula sa kanya..

"What a reckless little Psychic.." narinig kong saad ng babae kaya agad akong napatingala sa kanya. Nakita kong nakatingin sya sa akin na tila isa akong munting insekto sa kanyang paningin.. Kahit pa maamo ang kanyang muka at tila isa syang anghel, hindi ko napigilang mabalot ng takot dahil pakiramdam ko ay isang sinaunang halimaw ang babae na nasa aking harapan.

"Miss maganda ka, baka gusto mong sumama sa aming tatlo?? Malamig dito sa labas kaya mas mabuti kung sasama ka samin.. May alam kaming malapit na inn sa lugar na ito.." saad ng isa sa tatlong gorilla at halatang-halata na may masama itong intension.

"Thanks, but no thanks.." tanggi ng babae na hindi ikinatuwa ng tatlo..

Dumilim ang muka ng tatlo at kahit ako na-sense kong may binabalak silang masama. Kaya nga hindi na ko nagulat na naramdaman din iyon ng babae.. Ang hindi ko lang inaasahan, tumilapon palayo ang tatlong gorilla noong ikumpas ng babae ang isa nyang kamay. Tila may malakas na hangin ang sumampal dun sa tatlo!!

Hindi ko alam kung sadya lang ba talaga silang bulag o bobo para hindi mapansin na lumitaw ang babae gamit ang isang teleportation portal sa harap naming apat. She's either a divine being or a Grandmaster Alchemists. Pero hindi kayang ma-detect ng mga Grandmaster Alchemist ang telepathic ability ng mga psychic, kaya sigurado akong isang divinity ang babae! Although I did try to read her mind earlier, it's because I thought she's just an alchemists not a divinity! Pero yung fact pa lang na nakakapag-teleport sya ay nakakatakot na, sinong tao na nasa tamang pag-iisip ang magtatangkang atakihin sya?? Ang tatlong gorilla lang na ito!

After dealing with those three gorillas, her attention once again fell on me.. Noong maalala na hindi nito nagustuhan ang pagbasa ko sa kanyang isipan ay agad akong kinilabutan..

"S-sorry.. Hindi ko- hindi ko po alam na isang hindi pangkaraniwang tao ang nasa aking harapan.. This humble little psychic is blind.. Please show mercy to this humble one.." pagmamakaawa ko na tila isang hari o emperador ang nasa aking harapan.. Maraming beses nang nalagay sa alanganin ang aking buhay, pero ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong klase ng halimaw.. Isang halimaw na nasa anyo ng isang harmless at ubod ng gandang nilalang.. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito..

"Pfftt.. You have talent in flattering others.. Oh well, I'll let you off the hook this time.." saad ng babae at noong humakbang ito ay tila may pinto sa harap nito na hindi ko nakikita. Naglaho ang babae.

"S-sino sya??" tanong ko pero tanging ang malamig na hangin na lamang ang aking kasama ngayon.

Is this a chance encounter??

Or is it fate??

Pinilit kong tumayo.

Naglalakad ako mag-isa dito sa madilim at malamig na eskinita..

Pero isang bagay lang ang laman ng aking isipan.

Kung sino man ang babae kanina, sigurado akong may gagawin syang pagbabago sa mundo..

Kung ano iyon, hindi ko din alam.

But as a psychic, I have a feeling that I'm right..


~~~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 1.2K 24
There's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people int...
10.3K 651 36
"The mind is our greatest weapon, but also our worst enemy." ××××××× Date Published: June 5, 2021 Date Started: June 23, 2021 Date Finished: August 2...
UNRIVALED! By Peachy

General Fiction

286K 16.6K 47
So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·v...
1.6K 495 64
Be careful what to click, it might lead you to the link of your death :)