Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 10

10.2K 459 55
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia Bridge

"P-papaano tayo tatawid diyan? Tingnan mo nga yang troso. Humarang lang iyan sa pundasyon ng tulay kaya hindi tuluyang inanod ng tubig." sabi ko.

"Iyan mismong troso na yan ang kakapitan natin para makatawid tayo sa kabilang dulo." sabi niya saka niya hinagod ng tingin ang suot ko.

Maiksing blue above the knee shorts lang ang suot ko. Simpleng plain navy white shirt at rubber shoes. Malapit na rin naman kami sa hacienda kaya iyon na ang pinili ko na suotin. Isa pa ay maulan pa rin ang panahon.

"Nagputi ka pa talaga ah." sabi niya kasabay ng pagtitig niya sa may puwetan ko.

Bastos!

Nakita ko sa mga mata niya ang pagsang-ayon niya sa suot ko pagkatapos ay naglakad siya patungo sa sasakyan.

Kinuha niya ang bag ko at iniwanan na ang maleta sa loob. Ni-lock niya ang sasakyan saka na siya naglakad pabalik sa kinatatayuan ko.

"Let's go!" sabi niya sa akin saka niya iniabot sa akin ang maliit na bag ko.

"Tiyak na nag-aalala na sa atin si Nana Sita." dugtong pa niya.

Para naman akong itinulos sa pagkakatayo. Nanlalaki angvmga mata ko habang nakatitig ako sa malakas na agos ng tubig sa ibabaw ng tulay.

Sa tulay na ito binawian ng buhay si Mama five years ago. Bumabagyo rin noon at galing sila sa kabisera kasama ng driver ng pamilya.

Pilit nilang tinawid ang tulay na ito gamit ang bagong four-wheel drive pickup na kakabili lang ni Papa noon.

Kumpiyansa si Papa na kaya ng bagong sasakyan niya ang tumawid sa tulay dahil hindi pa naman gaanong mataas ang tubig.

Tinawid nila ng walang pag-aalinlangan ang tulay subalit hindi nila inasahan ang mga putol na puno at troso na inaanod ng malakas na agos. Humampas ang isang malaking sanga ng puno sa four-wheel drive at sapat na iyon upang makalikha ng trahedya.

Buhay si Papa subalit kasamang nasawi ni Mama ang driver ng pamilya namin.

Hawak na raw ni Papa si Mama noon ngunit isang malaking kaputol na kahoy ang bumangga sa ulo ni Mama.

Nakabitaw si Mama sa pagkakakapit niya kay Papa saka siya lumubog sa tubig.

Sinubukan pa siyang sisirin ni Papa pero dahil sa paglakas ng agos ay hindi na niya ito nahabol pa.

Mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang inaanod na kahoy at nakaahon siya nang mapadako siya sa may mababaw na parte ng ilog.

"Ivan," untag ni Ralf sa akin. Bahagya pa akong napapitlag.

Hinawakan niya ako sa braso. "Halika na." sabi niya kasabay ng pag-akay niya sa akin pero hindi ako nagpahila sa kanya.

"A-ayoko." matigas na sabi ko. May bahid na ng histerya ang tinig ko. "A-ayokong tumawid diyan. Baka... Baka... Oh!" nanghihinang sabi ko saka na ako naiyak.

Hindi ko talaga kayang tawirin ang tulay na ito. Nakikita ko pa lang kung ano ang tatawirin namin ay parang gusto ko nang panghinaan ng loob.

Ngayon lang ako muling nagkaganito sa harapan mismo ni Rafael. Una ay noong mahuli niya ako na ginugupit ang sumbrero niya.

Hindi rin ako makaapuhap ng sasabihin ko noon at nakakadama ako ng matinding takot at kaba. Ganoon din ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

"Please, R-ralf," garalgal kong pakiusap.

Bigla namang lumambot ang anyo ni Ralf dahil sa nakita niyang takot at histerya sa mukha ko.

Marahil ay nahuhulaan na niya kung ano ang dahilan ng labis na takot ko na tawirin ang tulay na ito.

"It's all right, Ivan," malumanay niyang sabi sa akin. "Lampas tuhod na lang natin ang tubig at kaya nating tawirin iyan dahil hindi naman kalakasan na ang agos."

Umiling ako. "No! H-hindi ako tatawid sa tulay na iyan." matigas na sabi ko na may bahid pa rin ng takot. Kahit ano ang mangyari ay hindi ko talaga tatawirin ang tulay.

"Hihintayin ko na bumaba ang tubig." sabi ko sa kanya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ralf. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ako sa baba para itaas ang mukha ko paharap sa kanya.

Nakita ko ang malalamlam na mga mata niya. Napilitan ako na salubungin ang mga iyon.

"I won't let anything happen to you, pangako," sambit niya. Halos bulong na lang iyong lumabas mula sa bibig niya.

Nakita ko ang mga mata niya na naglakbay sa kabuuan ng mukha ko na tila ba minememorya niya ang bawat bahagi nito.

Nagtagal ang mga mata niya sa medyo nakaawang ko nang mga labi at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas at pagbaba ng adams apple niya.

Sa paglunok niya ay mabilis na pumasok sa isip ko na hahalikan na naman niya ako kaya mabilis ko siyang itinulak saka ako lumayo sa kanya.

Mabilis kong ibinalik sa huwisyo ang isip ko saka ako nagbigay ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa.

He was a good kisser. Alam ko iyon dahil sa tuwing hinahalikan niya ako ay nawawala ako sa sarili kong katinuan dahil sa sarap at kilabot na dulot ng mga halik niya.

Hindi ko alam pero kakaiba ang mga labi ni Rafael. Hindi iilang lalaki na ang nahalikan ko. Halos lahat ng naging boyfriends at flings ko ay natikman ko na ang labi.

Ngunit iba ang pakiramdam kapag si Rafael  na ang humahalik. Kagaya na lamang ng ginawa niya sa akin kagabi. Hindi ko na hahayaan pa na maulit iyon dahil hindi siya ang lalaki para sa akin.

"Huwag mong sabihin sa akin iyan, Ralf. Dahil hindi ako katulad ng mga magulang ko na hindi matinag ang pagtitiwala sayo. Kung bakitbay hindi ko alam." malamig na sagot ko sa sinabi niya kanina.

"At kung hindi dahil sayo ay hindi naman talaga ako dapat aalis sa lugar na ito noon. Hindi sana ako ihahatid ng mga magulang ko sa kabisera. At hindi sana nalunod si Mama!"

Hindi ko naman talaga gustong sabihin iyon pero huli na para bawiin ko pa. Iyon ang unang pumasok sa isip ko para mapagtakpan ang nararamdaman ko.

"Fuck you!" marahan pero nag-iigting ang mga bagang ni Ralf nang sabihin niya sa akin iyon.

Marahas niya akong hinawakan sa isang braso at pinetserahan niya ako gamit ang kabilang kamay niya. Saka ko sinalubong ang galit sa mga mata niya.

"Huwag mong ibigay sa iba ang sisi para lang mapagtakpan ang sariling guilt mo, Ivan!"

Parang patalim na humihiwa sa dibdib ko ang tinig niya. Bumabaon sa puso ko ang bawat katagang sinabi niya.

Pero mas pipiliin ko pa na malunod na lamang sa ilog na ito kaysa ipaalam ko kay Ralf na nasasaktan ako.

Kahit paano ay totoo ang lahat ng sinabi niya. Kasalanan ko rin kung bakit namatay si Mama. Pero hindi ko aaminin kay Ralf iyon.

Matapang ko siyang tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. Saka ako umismid.

"Bakit, Ralf? Itatanggi mo ba na ikaw ang dahilan kaya ako umalis dito sa San Isidro? Na nag-alaga si Papa ng ahas dito sa hacienda?"

Kumunot naman ang noo ni Ralf. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong niya sa akin.

"Bakit? Hanggang sa huling sandali ba ay nagbulag-bulagan pa rin si Papa sa totoong relasyon mo kay Mama?" patuloy ko sa nanunuyang tinig.

Nakita ko ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Rafael. Tumiim ang mga bagang niya at sandali niya akong tinitigan na tila tinatantiya.

"Tigilan na natin ang walang kwentang argumento na ito, Ivan." puno ng iritasyon niyang sagot sa akin.

"Tatawid tayo sa tulay na iyan sa ayaw at sa gusto mo."

Naalarma ako nang bigla niya akong dakmain aa braso saka niya ako kinaladkad ng hila pababa ng tulay.

"N-n-noooo!" sigaw ko habang patuloy ako sa pagmamatigas.

"Kailangan na natin makatawid dahil bukas ng umaga ay ililibing na ang Papa mo. Kapag namatay daw siya ay hindi ko dapat patagalin ang burol niya. Sa ikatlong araw ay kailangan daw siyang mailibing dumating ka man o hindi. Iyon ang mahigpit niyang bilin sa akin noong nabubuhay pa siya kaya iyon ang susundin ko."

Patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin patungo sa tulay. Nagpupumilit pa rin ako na kumawala sa pagkakahawak niya dahil hindi ko talaga kayang tawirin ang tulay.

Nagtuloy-tuloy na si Ralf sa paglusong sa tubig kasama ako. Napakalakas ng lalaking ito at hindi ko man lang magawang kumawala sa kanya.

Agad na nanuot sa kalamnan ko ang lamig ng tubig sa pagkakalusong namin na iyon. Nanginginig na ako at patuloy ako sa pilit kong pagkawala sa pagkakahawak niya.

"P-please Ralf, maawa ka sa akin." nanginginig na pakiusap ko.

Sandaling natilihan si Ralf. Totoong natatakot ako sa nilulusong namin. Ang galit na kanina ay nakikita ko sa mga mata niya ay napalitan ng pag-aalala.

Niyakap niya ako saka kami pumakabila sa troso para hindi kami matangay ng agos.

"Ivan, Listen," sabi niya habang hawak niya ako sa magkabilang balikat. "It's all right. Makakatawid tayo." paniniyak niya pero hindi talaga ako kumbinsido.

Sinamantala ko ang pagkakataon na maluwag ang pagkakahawan niya sa akin sa balikat.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin ngunit natamaan ko ng malakas ang troso na nasa tulay at naiba ito ng posisyon.

Napasigaw pa ako nang bigla akong masapa at dahil sa pagkadulas ko ay tuluyan na akong tinangay ng agos palayo sa tulay.

"Putang-ina!" narinig ko pang malakas na mura ni Ralf bago siya mabilis na tumalon sa ilog at sinundan ang direksyon na pagdadalhan sa akin ng agos.

Marunong akong lumangoy pero hindi ako eksperto lalo na kung ganito na natatangay ako ng agos.

Sinisikap ko na makalangoy patungo sa pampang kahit na dinadala ako ng agos ng tubig.

"Ivan!" naririnig kong sigaw sa akin ni Ralf pero hindi ko magawang lumingon sa kanya dahil natatakot ako na baka kung saan na ako dalhin ng agos ng tubig.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang mabilis na paglangoy niya palapit sa akin.

Hindi ko na kayang labanan pa ang agos ng tubig at pilit ako nitong inilalayo sa pampang.

Naiiyak na ako at nakakadama ng pagod ngunit hindi tumigil sa paglangoy si Rafael hanggang sa makalapit na siya sa akin.

"Sikapin mo na salungatin ang agos!" sigaw niya na ginawa ko naman.

Ilang sandali pa ay tuluyan na niya akong naabutan at mabilis akong yumakap ng mahigpit sa kanya na para bang siya ang may hawak ng buhay ko.

Mahigpit din niya akong hinawakan gamit ang isang kamay niya saka na siya lumangoy patungo sa pinakamalapit na pampang na kaya naming puntahan.

Nang sa wakas ay makaahon na kami ay pagod na pagod kaming nahiga sa lupa. Nakita ko pa ang paghihirap ni Ralf sa pagbawi ng lakas.

Tuluyan naman akong naiyak saka ako giniginaw na tumalikod sa kanya.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

Naramdaman ko ang maskuladong katawan niya na nakayakap ng mahigpit sa akin.

"Thank God at naabutan kita. Hindi mo alam kung gaano katindi ang takot  na naramdaman ko kanina nang anurin ka ng agos mula sa tulay." hinihingal pa rin niyang sambit.

Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin saka na ako nagsimulang bumangon at maglakad palayo sa lugar na iyon.

Mabilis din namang bumangon si Ralf at sinundan ako sa paglalakad ko.

"Hey, saan ka pupunta? Hintayin mo ako." sabi niya saka niya ako hinawakan sa balikat pero isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya na ikinabigla din niya.

Nasasaktan siya na muling bumaling sa akin at akma na naman niya akong hahawakan pero umiwas ako.

"Ano bang problema mo?" kunot-noong tanong niya.

"Tinatanong mo kung ano ang problema ko?" galit na sagot ko sa kanya.

"Ikaw ang problema ko. Sinabi ko na sayo na hindi ko kayang tumawid sa tulay na iyon pero pinipilit mo ako. "

"Hindi ko naman ginusto na matangay ka. Kung hindi ka kasi tumakbo pabalik nakatawid na sana tayo." sabi niya.

"Kasalanan mo kung bakit muntikan na akong malunod sa ilog na iyan. Masyado ka kasing bilib sa sarili mo." sabi ko.

Hindi siya sumagot.

"Alam ko naman na gusto mo na rin akong mawala. Sayo mapupunta ang lahat ng kayamanan ng pamilya kapag nawala ako hindi ba?" bintang ko sa kanya.

Nakita ko naman ang paggalaw ng mga muscles niya sa mukha kasabay ng pagtitig niya sa akin.

"Hindi ko kayang gawin sayo iyon, Ivan. Kung totoo yang sinasabi mo ay hindi ko itataya ang buhay ko para tumalon sa ilog na iyon at sagipin ka."

May point si Rafael. Pero hindi ko maaaring ibaling ang sisi sa sarili ko dahil sa simula pa lang ay tumatanggi na ako na tumawid doon.

"Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako. Pero sa mga sandaling ito matapos mawala ni Tito Lyndon ay ikaw na lang ang nag-iisang pamilya na mayroon ako. Maliban kay Lola Corazon na nasa Maynila." sabi ni Ralf.

"Kahit galit na galit ka at kaaway ang turing mo sa akin ay hindi na ako makakapayag na pati ikaw ay mawala pa, Ivan."

Continue Reading

You'll Also Like

256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
152K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
84.5K 4.9K 50
[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF Y...