Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

545K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 9

9.6K 419 25
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

Hacienda Aurelia

Hindi pa doon natatapos ang inis na nararamdaman ko para kay Rafael.

Nagpatuloy pa ang mga araw ngunit sa bawat araw na nagdaraan ay mas lalo lamang tumitindi ang galit ko para sa lalaking iyon.

Nagbibigay na ng sapat na atensyon sa akin ang mga magulang ko ngunit nakakadama pa rin ako ng inggit sa tuwing may bagong natututunan si Rafael samantalang ako ay wala.

Matapos ang insidente sa library ay hindi na talaga ako kinausap o pinansin man ni Ralf kahit pa nakaharap ang mga magulang ko.

Ganoon din ang ginawa ko at dahil hindi matapos-tapos ang malamig na pakikitungo namin sa isa't isa ay nasanay na ang mga tao kaya hindi na lang nila kami pinipilit na magsama.

Halos ika-apat na linggo na ni Rafael sa Hacienda Aurelia nang mapadaan ako sa guest room sa ibaba ng villa kung saan natutulog si Ralf.

Pasimple akong pumasok doon saka ko inikot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid na iyon.

May mga gamit sa loob si Ralf na pinasadahan ko ng tingin habang naglalakad ako papasok.

Ilang sandali rin akong nagpaikot-ikot doon. Binuksan ko ang mga drawers pati na sa banyo ay sumilip ako.

Mula sa mesa hanggang sa loob ng closet niya. Nagsalubong ang mga kilay ko nang maikot ko na ang buong silid at ma-inspeksyon ko ang mga gamit niya.

Akala ko ba ay nagbabakasyon lang dito si Rafael? Pero bakit puno na ang buong silid na ito ng mga gamit niya?

Natuunan ko ng pansin ang isang baseball cap na nakalagay sa mesa kasama ng iba pang mga gamit ni Ralf.

Kung kanina ay pinapasadahan ko lang ng tingin ang mga gamit niya, ngayon ay napukaw na ng baseball cap na iyon ang atensyon ko.

Mabilis akong lumapit doon saka ko dinampot iyon mula sa pagkakalapag sa mesa.

May nakatatak doon na pangalan ni Rafael at may nakasulat din na captain.

Nagulat pa ako nang makita ko ang logo at ang pangalan ng eskwelahan na pinasukan niya noong highschool siya.

La Salle

Naningkit ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng nakikita ko na iyon.

Sa De La Salle University pinag-aral ni Lola Corazon si Ralf. Sa sikat na eskwelahang iyon nakapagtapos ng highschool ang magaling nilang ampon.

Samantalang ako ay hindi man lang makapunta ng Maynila kahit makapamasyal man lang.

Dumako pa ang mga mata ko sa isang kuwadro sa ibabaw ng mesa kung saan nakalagay ang larawan ni Ralf kasama ng mga kasing edad niyang mga kalalakihan na may hawak na trophy.

Nanalo marahil ang team nila kaya masayang-masaya sila sa larawan. Doon ko lang nakita ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Ralf. Mahahalata mo talaga na masaya siya.

Doon na may pumasok na kalokohan sa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero iyon talaga ang gusto kong gawin sa mga sandaling iyon.

Sa ikalawang pagkakataon ay gumawa na naman ako ng hindi magandang bagay na alam kong pagsisisihan ko na naman.

"Captain pala, ha?" sabi ko na sinamahan ko ng nakakalokong ngiti.

Dinampot ko ang gunting na nasa pencil holder sa ibabaw ng mesa saka ko sinimulang guntingin ang baseball cap ni Rafael.

Hindi pa ako natuwa sa kakaunting gupit lang. Patuloy ko iyong ginupit-gupit at doon na ako napasukan ni Ralf sa loob ng silid niya.

"What are you doing?" bulalas niya na nagpahinto sa akin sa ginagawa ko.

Mabilis siyang nakalapit sa akin saka niya marahas na inagaw mula sa kamay ko ang baseball cap niya.

Ngunit kahit naagaw niya iyon ay wala na rin siyang magagawa dahil gupit-gupit na iyon.

Nanlulumo niyang pinagmasdan ang sumbrero niya bago siya sumulyap sa akin gamit ang nagbabagang mga mata.

Nakatunghay siya sa akin na para bang anumang sandali ay lalapain niya ako nang walang kalaban-laban.

Kahit paano'y kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakadama na rin ako ng takot kaya napaatras ako at akma na akong tatakbo palabas ng silid niya ngunit nahawakan niya nang mabilis ang isang kamay ko.

"Bakit mo ginawa ito?" sabi niya.

Hindi sumisigaw si Ralf pero nakamamatay ang galit na nahimigan ko sa tinig na ginamit niya.

Halos manghina ang mga tuhod ko at bakas na bakas na marahil sa mukha ko ang takot ko sa kanya.

Lumikot ang mga mata ko para makapag-isip ng mabuting idadahilan at para maiwasan ko na rin ang mga nakakatakot na tingin sa akin ng lalaking ito.

"Eh... Kasi... K-kasi..." nagkandautal na ako dahil sa matinding kaba.

Marahil ay namumutla na ako at namumuo na ang luha sa mga mata ko nang mga sandaling iyon.

"S-sasaktan mo ba ako?" bigla ay nasabi ko.

Nakita ni Ralf kung gaano katindi ang takot ko sa kanya sa mga sandaling iyon at sa mabilis na sandali ay nabawasan ang bagsik sa mukha niya at naramdaman ko na ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa maliit na kamay ko.

Tuluyan nang nawala ang galit sa mukha niya saka siya nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Sana. Pero mukha ka nang kawawa diyan hindi pa nga kita inaano." sabi niya saka siya tumingin sa sumbrero niya na ginupit-gupit ko.

"Alam mo bang napakahalaga sa akin ng sumbrero na iyan?" sabi pa niya saka siya nanlulumo na napailing na lang dahil sa pagkasira ng gamit niya.

Kahit ako ay nakadama ng guilt dahil sa ginawa ko at dahil sa nakita kong anyo ni Rafael.

Gusto kong pagsisihan ang ginawa ko subalit hindi ko magawang humingi sa kanya ng sorry. Hindi ko kayang bigkasin ang mga katagang iyon sa kanya.

"Ano ba ang masamang ginawa ko sayo at palagi ka na lang galit sa akin?" tanong niya nang hindi pa rin ako nagsasalita.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na kinukuha niya ang lahat ng atensyon ng mga magulang ko. Na halos wala nang panahon si Mama sa akin mula nang dumating siya dito sa hacienda.

"A-ayoko sayo. Ayoko na nandito ka. Hindi kita gusto dahil masungit ka."

"Masungit ka rin naman sa akin ah. Ang salbahe mo pa." sabi niya.

"Dahil sayo galit na sa akin si Papa. Hindi ko na nararamdaman na mahal ako ni Mama. Masama ka, Rafael. Napakasama mo!" ninenerbiyos na sabi ko.

Hinila ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko saka na ako patakbong lumabas ng silid niya.

Dalwang araw matapos ang pangyayaring iyon ay narinig ko si Rafael na nagpapaalam sa mga magulang ko.

Mula sa pagkakasilip ko sa barandilya ng hagdan ay kitang-kita ko ang matinding kalungkutan sa mukha ni Mama nang sabihin ni Ralf na babalik na siya ng Maynila.

Ganoon din ang nakita ko sa anyo ni Papa. Ngunit hindi naman masyadong halata ang sa kanya.

Sa hindi ko malaman na kadahilanan ay naghahalo ang tuwa at lungkot sa dibdib ko nang malaman ko na aalis na si Ralf sa Hacienda Aurelia.

Marahil ay dahil guilty ako sa pag-alis niya. Sigurado ako na ako ang dahilam kung bakit siya nagpasya na umalis na sa bahay namin.

Kinabukasan ay inihatid siya ng mga magulang ko sa kabisera. Hindi nila ako isinama at hindi man lang nila binanggit sa akin ang tungkol sa pag-alis ng ampon nila.

Bago sumakay sa sasakyan si Ralf ay lumingon pa siya at tumingin sa itaas. Sa may bahagi kung nasaan ang silid ko.

Mabilis kong ibinaba ang kurtina sa bintana. Hindi ko gusto na makita niya ako habang nakasilip sa kanyang pag-alis. Kahit paano ay may guilt akong nadama sa naging desisyon niya.

Mula sa araw na iyon ay inasahan ko na muling magbabalik sa dati ang lahat. Magbabalik kami sa normal naming buhay nung wala pa sa bahay namin si Ralf.

Ngunit laging bukambibig na ni Mama si Rafael. Kung minsan pa nga ay naririnig ko pa siya na tumatawag sa Maynila at kinukumusta niya si Ralf kay Lola.

Napansin ko rin ang nagiging madalas na pagluwas ng mga magulang ko sa Maynila at kahit minsan ay hindi man lang nila ako isinama.

Labis akong nainis dahil sa mga nangyayari sa pamilya namin. Akala ko ba makakasama kay Mama ang pagluwas sa Maynila? Pero bakit ngayon ay halos buwan-buwan na sila kung dumalaw doon?

Subalit ang tampo at galit na nararamdaman ko ay sinarili ko na lang at hindi ko na tinangka pa na sabihin kahit na kanino.

Present Time

2019

Hacienda Aurelia Bridge

Matapos ang pagdaloy ng mga alaala mula sa kabataan ko ay hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami ni Ralf sa Hacienda Aurelia.

Ilang beses din kaming nalubak sa dinaanan namin papasok ng hacienda at naisip ko na tama nga si Ralf.

Hindi kakayanin ng sasakyan ko ang daan patungo dito sa hacienda. Tama lamang na ang Range Rover niya ang ginamit namin pauwi sa villa.

Medyo malayo pa kami dahil nasa bukana pa lamang kami ng hacienda kaya pinili ko na isandig ang ulo ko sa sandalan.

Balsamo sa damdamin ko ang malamig na haplos ng hangin sa aking mukha. Nasasamyo ko na rin mula sa kinauupuan ko ang amoy ng basang gubat at ang huni ng mga ibon sa paligid.

May kalahating oras na rin kaming nasa biyahe ni Ralf nang hindi nag-iimikan. Hanggang sa marinig ko ang pagmumura niya.

"Shit!" aniya na nagpalingon sa akin sa gawi niya. Kasabay noon ay ang pagpreno niya ng sasakyan. Bago pa ako nakapagtanong kung ano ang nangyari ay nagbukas na siya ng pinto saka siya lumabas.

Napaunat ako sa pagkakaupo at itinun ko ang tingin ko sa palusong na daan. Nasa bukana na pala kami ng ilog at kahit ako ay nanlumo nang matanaw ko ang dahilan ng paghinto namin.

Sa di-kalayuan ay ang ilog na tuloy pa rin sa mabilis na pag-agos. Bagaman huminto na ang malakas na pag-ulan kaninang umaga ay patuloy pa rin na naaapawan ng tubig ang tulay at sa gitna noon ay isang malaking troso ang nakaharang na marahil ay inanod ng malakas na agos ng tubig kanina.

Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko saka na rin ako bumaba ng sasakyan. Nilapitan ko ang nakatayo na si Ralf at sabay naming pinagmasdan ang tulay.

"Paano mo maitatawid ang sasakyan diyan?" tanong ko sa kanya.

Pinagsalikop ko ang mga braso ko sa katawan ko habang nakatitig ako sa tulay na patuloy na inaagusan ng tubig sa ilog.

Hindi lang ang banayad na ambon at hangin ang dahilan kung bakit tila may kung anong lamig na gumapang sa buong pagkatao ko habang nakatitig ako sa tulay.

Hindi ako nilingon ni Ralf na kasalukuyang nakapamaywang at tinatantiya ang agos ng tubig. Malakas pa rin iyon at mapanganib ang pagtawid.

Marahil ay lampas pa rin sa beywang ang taaa ng tubig mula sa tulay kaya kahit na walang nakaharang na troso ay hindi pa rin makakatawid kahit ang Range Rover ni Ralf.

Lumingon sa akin si Rafael saka na siya nagsalita. "Tatawirin natin ang ilog, Ivan. Iiwanan na natin dito ang Range Rover ko." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"N-no!" nahihintakutan na bulalas ko. Parang gusto kong panginigan ng mga tuhod dahil sa sinabi ni Ralf.

Sa tulay na ito binawian ng buhay si Mama. Hindi pa ba nadala ang lalaking ito at pati ang buhay naming dalawa ay itataya niya para lang makatawid sa mapanganib na tulay na ito?

No! bulong ko sa isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
172K 8K 55
Justin Flynn Samartino didn't mean to start liking his best friend, Kristoffer Denniz Montefiore, who is also his godfather's son and the only child...
307K 16.5K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...