Scarlet Princess

By btgkoorin

189K 10.2K 1.7K

Upang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalaga... More

Simula🔥
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 13

5.7K 321 88
By btgkoorin

[FLAIRE]

Hinintay ko silang magsalita pero nagpatuloy ang pagiging tahimik nila. Nangunot ang noo ko kaya nilingon ko sila.

Agad akong bumangon at kinuha ang unan ko saka pinaghahampas sa kanilang dalawa. Nagtataka ako kung bakit hindi sila sumagot yun pala nakangisi lang habang nakatingin sa hita kong nakikita kasi naangat yung suot kong uniporme.

"Mga manyak!" Patuloy ako sa paghampas sa kanilang dalawa pero tawa lang sila ng tawa. Hindi ko naman mapigilan mapaluha. Mga buwesit. Panira ng drama. Mga manyakis. Mga inggetero sa hita ko.

Dumako naman ang tingin ko sa Prinsepe na nakangising nakatingin sa akin.

"Hmm makinis naman" hinablot ko ang isang unan at binato sa kanya. Mga bwesit!

Pinagtitripan nila ako samantalang may kasalanan pa sila sa akin. Ako naman ang napangisi ngayon. Napatingin sila sa dalawa kong kamay na umapoy at mabilis na binato sila ng bolang apoy.

Hinarang ni Zack ang kumot ko kaya nasunog ito. Si Nathe naman ay ang isa kong unan ang ginamit kaya sunog din. Napangiwi ako.

"MAGSIALIS KAYO DITO!" asar na sigaw ko pero tumawa lang silang tatlo. Natigilan sila nang magsimula akong humikbi. Itinakip ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha habang lumuluha. Pinagdikit ko rin ang dalawa kong tuhod.

Ramdam ko ang paglapit nila sa akin. May umupo sa magkabilang gilid ko.

"Sorry Flaire" naramdaman ko ang kamay na humahaplos sa likod ko.

"Huwag ka na umiyak. Pasensya na. Hindi kami galit sayo kanina, nagtatampo lang kami kasi hindi mo sa amin sinabi na si Alixid pala ang babantayan mo. Sa iba pa namin malalaman, kaibigan mo kami kaya nagtampo kami sayo. Si Nathe talaga nagsabi na hindi ka pansinin"

"Anong ako? Ikaw ulol!"

"Nagtulakan pa kayong dalawa. Mga gago kayo!" pinunasan ko ang luha ko at masamang tiningnan ang dalawa.

"Ayos na, nagmura na." Sinapok ko nga. Loko tong Zack na 'to. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero inikutan ko lang siya ng mata.

"Alam mo Flaire ang daya mo talaga. Ikaw dapat tagapagbantay ko eh." Sinamaan ko ng tingin si Nathe.

"Maghanap ka ng aalilain mo, wag ako."

"Aalilain ka lang naman din ni Alixid"

"Tagapagbantay ako hindi alipin. Kaya walang kung sino man ang pweding alilain ako nang hindi ko pinahihintulutan."

"Narinig mo yun Alixid" napalingon kami kay Prinsepe Alixid. Inirapan lang kami nito saka lumapit sa bintana.

"Flaire" napalingon ako kay Zack nang magseryoso ito.

"Bakit?"

"Baka gusto mong magkwento kung paanong naging taga-ensayo mo si Kuya Acnus" natigilan naman ako. Napatingin silang lahat sa akin. Bumuntong hininga ako at ikinwento sa kanila ang nangyari.

"Sana all may kuyang ganun" sabi ni Zack na sinangayunan naman ni Nathe. Nasabi ko rin ang dahilan na ginawa yun ng Prinsepe para kay Prinsepe Alixid.

Inulan ng asar ng dalawa si Prinsepe Alixid na ngayon ay namumula na ang tenga at umiwas ng tingin. Bumaling sa akin ang dalawa.

"Panu ba yan Flaire pagkakataon mo nang akitin ang mahal mong Prinsepe" namula naman ako. Siraulo talaga tong Nathe na to. Ang bilis ibaling sa akin ang paksa.

Inirapan ko na lang silang dalawa na siya namang nakita kong pagseryoso ng mukha ni Prinsepe Alixid. Nang mapansing niyang nakatingin ako sa kanya ay sinalubong niya ako ng tingin.

Bakit ang seryoso niya?

Iniwas ko ang tingin sa kanya nang maramdaman ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Problema ng dibdib na ito? Mas lalo pa yatang lumakas nang maramdaman ko ang titig niya.

"Umalis na nga kayo dito. May klase pa diba!"

"Sumama ka na rin." Tumango ako.

Buong maghapon din kaming nagklase at masakit sa ulo at katawan. Nalampasan ko rin ang mga mapanuri nilang titig at naging maayos namin kaming apat. Kahit na lumalayo ako kay Prinsepe Alixis.

Nag-iiba kasi pintig ng dibdib ko kapag malapit ako sa kanya at ilang beses ko rin syang nahuhuling masama ang tingin sa akin kaya lumalayo talaga ako. May galit yata sya sa akin.

Pagdating ng umaga ay agad akong naghanda para sa pag-eensayo namin ni Prinsepe Acnus. Bago ako umalis ay sinuri ko muna ang buong katawan maging ang kasuotan. Nakadamit pang-ensayo ako ngayon. Mataas ang tali ng buhok na nilagyan ng pulang tela at naglagay rin ako ng pulbos at kinulayan ng pula ang labi.

Pagdating ko sa Parte De Studya ay tumuloy ako sa Silid Kainan upang kumain bago magpakita sa Mahal na Prinsepe. Kunti pa lang ang laman ng silid dahil sa maaga pa at papasikat pa lang ang araw.

Pagkakuha ko ng pagkain ay agad akong umupo sa may bakante at agad na kumain. Habang kumakain ay napapalingon ako sa mga pumapasok. Lahat sila ay nakauniporme na at kapag napauno itong silid ay paniguradong lutang na naman ang kagandahan ko.

Pagkatapos ko ay agad akong umalis at pumunta sa malawak na parte ng Parte De Studya. Nang makitang wala pa ang mahal na Prinsepe ay umupo muna ako sa ilalim ng puno at pumikit.

Lamig na dulot ng espada sa aking leeg ang nagpamulat sa akin matapos ang ilang minutong pagpikit. Seryosong mukha ni Prinsepe Acnus ang bumungad sa akin.

Inalis niya ang pagkakatutok ng espada at tumayo ng tuwid. Agad naman akong bumangon at inayos ang kasuotan.

"Magandang umaga, Kamahalan!" ngumiti ako sa kanya.

"Magandang umaga rin." Aniya at lumakad papunta sa gitna. Agad naman akong sumunod at inihanda ang espada na dala.

Napalinga ako sa paligid nang magsimulang may manood sa amin. Dumadami sila at sana'y galitan sila ng kanilang guro dahil oras ngayon ng klase.

Huminto si Prinsepe Acnus at humarap sa akin. Mataman niya akong tiningnan na nagpakabog sa aking dibdib. Nakakakaba pero inihanda ko ang sarili.

Itinaas niya ang hawak na espada at tinutok sa akin sa paraang hinahamon ako. Itinaas ko din ang akin at hinigpitan ang hawak. Magaling ang Prinsepe at kailangan ko siya para matuto ako.

Humakbang ako at pinatama ang akin sa kanyang espada. Sumugod sya at napuno ng tunog na pagtama ng mga espada. Mabilis ang kanyang kanang kamay sa pagwasiwas ng espada na agad kong sinasabayan. Napapaatras ako sa lakas ng impak ng kanyang espada.

"Ilagay mo ang lakas mo sa espada at isipin na parte ito ng iyong katawan."

Ginawa ko ang sinabi niya at siya naman ang napaatras sa atake ko.

"Itodo mo!" Pagtama ng espada ko sa kanyang espada ay nagkatinginan kami. Sa mabilis na palitan ng atake agad na pinawisan ako.

"Nakakaubos ng lakas ang ganung paraan lalo na't hindi ka sanay." Tumango ako at ibinaba ang espada at ang kanya rin.

"Hindi sapat ang ganung paraan para manalo ka na sa isang laban. May iba pang bagay na dapat mong eensayo sa pakikipaglaban." Umangat ang kanyang itaas na labi at napalingon sa paligid namin.

"Hindi kayo dapat naririto. Pumasok kayo sa inyong silid at mag-aral."

Napaatras sila at kita ko ang kaba sa kanilang mga mukha bago tumalikod at magsibalik sa kani-kanilang silid. Dumako ang paningin ko sa tatlo na nakatingin sa akin. Sila na lang ang naiwan at mukhang walang balak sumunod sa nauna. Kumaway ako sa kanila at akmang lalapit sila sa amin ay hinarang sila ni Prinsepe Acnus.

"Ba't nandito pa kayo?" Seryosong tanong ng Prinsepe at napangisi naman ako sa tatlo. Tiningnan ako ni Nathe at Zack at tinaasan ng kilay. Dinilaan ko lang sila at nang lumingon sa akin si Prinsepe Acnus ay nagkunwari akong walang ginawa.

"Gusto namin manood---"

"Pumasok na kayo!" Napanguso ang dalawa at seryoso pa rin si Prinsepe Alixid.

"Gusto mo lang ma-solo si Flaire kaya pinapaalis mo kami. Tara na nga alis na tayo dito." Laglag-panga akong pinagmasdan sila habang hinihila sila ni Nathe paalis.

Ma-solo ako? Gago umaasa ako.

Humarap sa akin si Prinsepe Acnus na nagpaatras sa akin. "'Wag mo silang pansinin."

Tumango ako at pinigilan ang sarili na ngumiti. Gusto mo pala akong ma-solo Mahal kong Prinsepe di mo naman sinabi agad edi sana ako na nagpaalis sa kanila.

"Ituloy ang ensayo." Aniya at ngumiti ako.

Ginaganahan ako mag-ensayo dahil sa isiping iyon. Kinikilig ako.

"Ayy!" Napaatras ako dahil sa dulo ng espadang muntik na sumugat sa pisnge ko. Sinangga ko ito ng aking espada at agad na tinutok ang tingin sa Prinsepe.

"Wala ka sa pokus." Kinabahan ako at agad na humingi ng paumanhin.

"Iwasan mong mag-isip ng mga bagay na makakasira sa konsentrasyon mo kung ayaw mong maisahan ka ng kalaban."

"Pasensya na."

Tumikhim siya at tumayo ng tuwid. Lumapit siya sa akin at kinuha ang espada sa aking kamay. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at sa espada ko.

"Bakit?"

Napanganga naman ako nang pinadaan niya ang kanyang asul na apoy mula sa braso hanggang sa sakupin nito ang aking espada. Iwinasiwas niya ito at ang natatamaan nitong damo ay nasusunog.

"Mas tataas ang tyansa mong manalo kung matutunan mong gamiting sabay ang kapangyarihan at ang pisikal na lakas mo."

"Ngunit mababalewala ang lahat ng matutunan mo kung hindi mo ilalagay ang buo mong atensyon sa labanan."

Tumango ako. "Alam ko."

Hinagis niya sa akin ang aking espada at sinalo ko naman ito.

"Subukan mo."

"Sige."

Dumiin ang hawak ko sa espada at pinalabas ang aking apoy sa kamay at pinadaloy ito sa espada. Nagningning ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang naglalagablab na espada.

Napatingin ako kay Prinsepe Acnus na seryosong nakatingin sa aking espada at nagtaka sa biglaang pagkunot ng kanyang noo.

"Crimson Fire." Aniya sa mahinang boses at nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay nawala ang pagkakunot-noo niya at binalingan ako.

"Magpahinga ka na muna."

"A--- sige."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa tarangkahan ng Parte de Asul. Mukhang magpapahinga din sya. Nagkibit-balikat ako at pumunta sa silid kainan.

Ang weird ng Mahal na Prinsepe. Nakita niya lang ang apoy ko ay bigla na lamang naging ganun siya. Bakit kaya?

*****

Hi! I'm back. Tagal ko ring nawala at hindi nakapag-update. Nagbabasa ako ng mga comments niyo sa Chap 12 at hindi ako nakakapagreply dahil maski ako ay hindi alam kung kelan ako makakapagsulat ulit ng update. Sorry kung natagalan. Sorry sa paghihintay.

Ang Scarlet Princess ay hanggang 30 kabanata lamang at wakas na. Medyo marami pa ang pupunuin ko kaya hintay lamang po. Sisikapin kong makapag-update ng mabilis.

Sa mga tulad kong ga-graduate ngayong taon, nakakalungkot na hindi natin maranasan ang umakyat sa stage at tanggapin ang diploma na pinaghirapan natin dahil sa Covid19. Sana ay matapos na ito. Keep safe, everyone.

I love you all. Godbless.

-btgkoorin

Continue Reading

You'll Also Like

ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

250K 12.7K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
137K 6.7K 32
Vampire × Fantasy × Mystery/Thriller Highest Rank Achieved: #6 in Mystery #7 in Vampire #81 in Action
769K 22.5K 39
Do you have powers or any special abilities? Then... Welcome to MAGICUS ACADEMY and have the chance to meet the Queen of all Queens
450K 32.6K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...