Tila

By anabananayeah

7K 294 7

[Belmonte Series #1] More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas

Kabanata 9

157 5 0
By anabananayeah


Nagmamadaling umalis ang babae, wala ni-isa ang nagsalita matapos ang pagsigaw nito. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit at kung bakit niya ako tiningnan ng masama. Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi dahil iba ang language na ginamit niya.


"I told you to not do this, hermano. Hellen's right!" Pagbagsak sa katahimikan ng isang babae, may kamukha siya. 

"Isah, detener." (Isah, stop.) 

"Por que? Deben sabe que son el fruto de una relación prohibida!" (Why? They should know that they are the fruit of forbidden relationship!)

"Deja de hablar!" (Stop talking!) 


Lahat kami ay naestatwa sa pagsigaw ni Tito Inario. Umismid ang babaeng kasagutan niya at saka umalis. Ano bang nangyayari? 


"Kung may aalis pa, umalis na. Kung wala na, kumain na tayo ng tahimik." Kalmadong sabi ni Tito, nilingon niya ako at iginiya sa upuan. 


Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, nag-oobserba sa kung anumang gagawin ko. Kahit na may tensyon sa loob ng dining room ay pinilit kong kumalma.

Sa tabi ko sa kanan ay si Isobelle at sa kaliwa'y si Eon. Sa harap ko naman ay si Loqui na nakatingin sa akin ng seryoso. Hindi tuloy ako makakuha ng pagkain ng maayos dahil sa titig niya.


"Deja de mirarla, gilipollas!" Siniko ng babaeng nasa harap ni Isobelle si Loqui kaya natigil ito sa pagtingin sa akin. (Stop looking at her, a-sshole!) 

"Cállate, Marcelita!" Balik ni Loqui sa babae. (Shut up, Little Marcel!) 

"Watch your mouth, Marcel and Loqui. Stop talking and eat your food." Mahinang sabi noong nasa kabisera, tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya. "Humihingi ako ng pasensya sa kung anong ipinakitang ugali ng aming pamilya."

"W-wala po iyon." Kahit ang totoo ay tensyonado na rin ako.

"People like them should be killed. They don't have space in this house and family." Nanlaki ang mga mata ko dahil seryoso siya habang sinasabi iyon.

"Abuela, you're scaring her." Sabi noong lalaki na nasa tabi ng isang magandang babae.

"Are you scared, Emirenciana?" Tanong niya sa akin, umiling ako. "See? She's not scared of me, Jaun." 

"Abuela, do you want some paella?" Tanong noong bata sa tinawag nilang Abuela.

"No, thank you Madi." Ngumiti siya sa bata saka ibinalik sa akin ang tingin, "I am your grandmother, Rence. I am Petronilla Hernandez Belmonte." 

"S-sorry po, h-hindi ko po kayo nakilala." Agad akong tumayo, sumunod sa akin si Eon upang magmano. Natawa siya sa amin. 

"That's fine, hija." Naupo kami ulit at nagpatuloy sa pagkain.


Naging maayos naman ang pagkain namin ng tanghalian. Hindi ko pa masyadong kilala ang iba pero sabi ni Isobelle, makikilala ko din sila katagalan. Inihatid kami ni Kuya Rio sa kwarto namin ni Eon. Akala ko nga ay magkasama kami sa iisang kwarto pero hindi. May kanya-kanya kami. 

Pagpasok sa kwarto ko ay namangha ako. 

Nagpasalamat ako kay Kuya Rio sa paghatid niya sa akin. Narito na din sa loob ang mga gamit ko. Dumiretso agad ako sa terrace. Kitang-kita ko ang buong Hacienda De Belmonte. Sa 'di kalayuan ay may mga trabahante yata nila na nagpapahinga sa ilalim ng puno. 

Dumako ang tingin nila sa akin, ngumiti ako sa kanila bilang pagbati ngunit hindi sila ngumiti pabalik. Nagbulungan sila saka umalis. Hindi ko na iyon pinansin at pumasok na lang sa loob, nahiga ako sa kamang tutulugan ko ng isang linggo. 

Grabe! Ang lambot!

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lang ako dahil sa tawanan na naririnig ko mula sa labas. Sumilip ako sa terrace at nakita kong nagkakatuwaan sina Loqui, Isobelle, Seis at iyong ibang pinsan namin na hindi ko pa masyadong kilala. 

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. Napalingon ako sa side table ng kama ko kung nasaan nakalapag ang phone ko. Tumutunog ito.


"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Hi, Rence! Kumusta?" Si Tyrone. 

"Okay lang, napatawag ka?" Tumawa siya bigla.

"Gusto lang kitang kumustahin, nakarating na kayo sa inyo?" Naupo ako at sumandal sa headboard.

"Oo, nakarating kami dito kanina bago mag-alas dose ng tanghali. Grabe Ty! Ang ganda dito, ang yaman pala nila?" 

"Kayo. Mayaman kayo. Naks naman, may kaibigan na akong mayaman!" Asar niya.

"Baliw! Hindi naman akin 'tong pera, sa kanila. Belmonte lang ang apelyido ko pero wala akong bilang sa kung anong meron sila." 

"Paano pala kung may pamana sa'yo ang Papa mo, Rence? Mga one million pesoses!" Natawa ako dahil sa pesoses na sinabi niya, nahawa ata 'to kay Gary.

"Kung ganoon, edi maganda! Hindi na ako mamromroblema sa mga gastusin at hindi na ako magtatrabaho dyan sa Aroma." 

"Ayaw mo na ba dito sa Aroma?" Umiling ako kahit hindi niya ako kita.

"Hindi, napapagod lang ako pero gusto ko dyan. Pangalawang bahay ko na 'yan eh." Bukod sa dalawang kaibigan ko na tumulong at patuloy na tumutulong sa akin, nariyan din si Tyrone na marami ding naitulong sa'kin simula nang pumasok ako sa Aroma. 

"Pagod ka? Ayan may one week leave ka na, with pay pa! Enjoy ka dyan, Rence. Huwag ka na masyadong mag-isip. Ibababa ko na, andito na prof eh." 

Inayos ko ang mga damit ko at inilagay sa kabinet, patapos na ako sa pag-aayos nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at sumalubong sa akin si Seis.

"Are you busy?" Andito pa din siya? Hindi ba siya hinahanap sa kanila?

"Hindi naman, bakit?" 

"Samahan mo ako sa bayan, bibili tayo ng karne." Kumunot ang noo ko. "Plano namin mag-barbecue party mamaya." 

"Ah, bakit ako ang isasama mo?" Hindi naman sa tamad ako, hindi ko lang siguro gusto na umalis dahil wala akong kasama na pinsan ko. Seis is a stranger for me after all. 

"Sabi ni Belle eh, they're busy arranging the garden kaya ako ang inutusan. Besides kasama ka naman sa barbecue party kaya dapat may gagawin ka din." 

"Ha? Kailan ako nasama diyan?"

"Since birth. You're a Belmonte Rence, remember?" 


Wala na akong nagawa. Hindi lang pala ako at si Seis ang pupunta sa bayan, kasama namin sina Jako at ang girlfriend niya na si Ivanka. Kotse din nila ang gagamitin dahil wala naman atang kotse itong si Seis. 


"So Ate Rence, how's your life in Manila?" Tanong ni Jako nang makaalis kami sa Hacienda.

Natawa ako ng bahagya, natuwa ako dahil may tumawag din sa akin na Ate maliban kay Eon. "Okay lang naman. Mahirap pero masaya." 

"Bakit mahirap?" Si Seis.

"Ako kasi ang nagtataguyod sa amin ni Eon. I am a student and at the same time nagtatrabaho ng full time sa isang coffee shop." 

"Talaga? Bakit ka nagtatrabaho?" 

"Wala namang sumusuporta sa amin ni Eon kundi ako lang. Kung ano lang ang kinikita ko sa trabaho, iyon na ang panggastos namin." 


Hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait. Hindi naging maganda ang buhay namin sa Rizal at Manila, kung nandito ba kami sa La Cresta, maganda ba ang buhay namin mula noon hanggang ngayon?


"Tito Irven, didn't support both of you?" Si Jako ulit.

"Oo, wala namang iniwan si Papa sa amin bukod sa isang daan na binigay niya kay Tita Ruby para kupkupin kami." Mas lalo akong ngumiti ng mapait dahil sa alaala na iyon. 

"I'm sorry for asking such questions." Umiling ako, sign na ayos lang sa akin ang pagtatanong niya.

"We didn't get a chance to introduce ourselves properly, I am Ivanka." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Tinanggap ko iyon, "Emirenciana. You can call me Rence."


Madaldal sina Jako at Ivanka, hindi sila nawalan ng paguusapan habang nasa byahe. Kung gaano kadaldal si Isobelle, ay ganoon din si Jako. Magkapatid talaga sila.

Nauna kaming bumaba ni Seis, maghahanap pa kasi ng parkingan sina Jako. Nakay Seis ang listahan ng bibilhin kaya sumusunod lang ako sa kanya. Nakapagtataka, anak mayaman siya pero kung makapaglakad siya dito sa Palengke ay parang sanay na sanay siya?


"Nay, tatlong kilo po ng laman ng baboy." Aniya sa isang matandang babae, ngumiti ito sa kanya bago kinuha ang binili ni Seis.

"Aba, Seis! May bago ka na namang chikas!" Sigaw ng lalaki sa 'di kalayuan, lumapit siya sa amin at mataman akong tiningnan.

Hinablot ako ni Seis papunta sa likuran niya, "Manuel, huwag ngayon."

"Bakit? Don't tell me hindi alam ng nobya mong bago na basagulero ka at manloloko?" Tumawa ang lalaki.

"Por favor Manuel, huwag kang gumawa ng gulo dito." Sigaw ng isang tindero. (Please Manuel.)

"May araw ka din sa akin, Seis." Umalis ang lalaki at iniwan kami doon.


Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Seis pero kung ano man 'yon ay ayaw kong madamay. At ano daw? Ako? Nobya ni Seis? As in girlfriend? Asa!

Lumayo ako sa kanya at hinablot ang listahan na hawak, ako na ang bibili at maghahanap ng lahat ng ito para matapos na. Gusto ko ng umuwi sa Hacienda. Pakiradam ko kasi ay madadawit ako sa gulo kapag kasama ko ang isang 'to.

Nag-stay kami sa isang cafe malapit sa palengke, may binili pa kasi sina Jako at Ivanka. Kakaiba ang ambiance ng cafe na ito dahil para ka niyang dinadala sa nakaraan. Namimiss ko tuloy ang Aroma dahil sa amoy ng kapeng itinitimpla.


"Expect that you'll see that guy again, Rence." Tiningnan ko si Seis na naupo sa harapan ko, iniabot niya sa akin ang order kong hot chocolate.

"Bakit? Sino ba siya?" Tumingin siya sa akin at umismid. Hinalo ko ang hot chocolate para mabawasan ang init nito.

"'Wag mo na lang kilalanin." Masungit niyang sagot. Umirap ako.

"Ang tanda mo na yata para sa ganyang bagay, tigilan mo na pagiging basagulero mo." Hindi maganda iyon.

Umigting ang panga niya, "He'll come to you. So I should protect you."


May sasabihin pa sana ako pero dumating na sina Jako at Ivanka, inaya na nila kami umuwi kaya naman umalis na kami doon. Papalubog na ang araw nang tinahak namin ang daan papunta sa Hacienda. Hawak ang hot chocolate ko ay inisip ko ang sinabi ni Seis.

Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano dahil sa sinabi niyang iyon! Siya naman ang nagdala sa akin sa gulo kaya dapat lang na protektahan niya ako? Hoy, Rence! Ano ba iyang pinagsasabi mo? Nahihibang ka ba? Hindi mo kailangan ng proteksyon galing sa kanya. 


"Salamat sa pagtulong sa pagbili ng mga kailangan, Rence." Kinuha ni Isobelle ang hawak kong supot. "Doon na kayo sa garden, nakaayos na ang lahat. Kami na ang bahala dito." 


Pinulupot ni Ivanka ang kamay niya sa braso ko at sabay kaming pumunta sa garden, nasa likuran lang naman nakasunod sina Jako at Seis. Habang busy si Ivanka sa pagkukwento tungkol sa kung saan nila kami igagala sa susunod na araw ay lumilipad pa rin ang utak ko tungkol sa sinabi ni Seis.

Bakit ba ako apektado?

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 408 56
K already has a stable relationship. She is very happy and contented kahit magkalayo sila ng boyfriend niya... Not until this one came... Ng...
32.3K 457 101
''Asawa ko sya Akin lang sya -Ynna ''Una syang naging akin kaya akin sya! -Yssa
17.5K 498 43
"Pero sir, alam mong mahigpit na pinagbabawal ang pakikipag relasyon ng professor sa estudyante" i said "Ako na ang bahala don reign" "Paano kung mal...
39.1K 1K 35
Eto ang story na Tongkol sa isang GAY. Na. Gusto ng Magulang na magka-APO, Sa kakaisa nilang anak na Lalake. Yon nga lang isang bakla ang anak nila? ...