Scarlet Princess

By btgkoorin

188K 10.2K 1.7K

Upang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalaga... More

Simula🔥
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 12

5.9K 315 41
By btgkoorin

[FLAIRE]


"Kanina ka pa nakangiti. Hindi ba napagod yang panga mo?"

Hindi ko pinansin si Zack at patuloy pa rin akong nakangiti. Kanina pa nga hanggang sa matapos ang unang klase namin at ngayong nasa malawak na damuhan kami para sa ikalawang klase.

Nawala ang pagkakangiti ko nang may sumagi sa akin at umupo ito sa damuhan. Sinamaan ko ng tingin si Prinsepe Alixid na hindi nakatingin sa akin. Nang tumingin siya sa akin ay agad akong ngumiti.

Tumabi naman sa kaliwa niya sina Zack at Nathe kaya umupo ako sa kanan niya at sinagi siya.

"Maraming salamat kamahalan. Napakabait mo talaga."

"Tss"

Napatingin naman sa akin sina Zack at Nathe.

"Para saan Flaire?" Ngumiti naman ako sa kanila at nginuso si Prinsepe Alixid. Napalingon naman sila rito pero tinaasan lang sila ng kilay.

"Ang hirap ng pagsusulit kanina. Nakalimutan ko yung iba. Ikaw Flaire may nasagot ka?" Sa halip na sambit ni Zack.

"Meron. May nagbigay ng sagot sa akin eh." Sabi ko at labas ng papel kanina na galing kay Prinsepe Alixid at iniabot sa dalawa pero nakuha niya iyon dahil nasa pagitan namin siya.

Tumayo naman si Nathe at hinablot ang papel sa nakataas na kamay ni Prinsepe Alixid at binasa iyon gamit ang mata. Tumayo rin si Zack at nakiusyoso.

Napatingin sa akin ng masama si Prinsepe Alixid kaya napatayo ako. Akmang tatayo na siya ay tumakbo ako sa dalawa.

"Ang daya mo Alixid, kami ang kaibigan mo pero si Flaire lang ang pinakopya mo. Hindi patas." Reklamo ni Nathe pero sinamaan lang sila ng tingin ng Prinsepe. Tumawa ako pero natigil nang makita ko siyang palapit sa akin kaya tumakbo ako palayo sa kanila.

"Aray!" Napaupo ako sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko sa kung sino man. May naglahad ng kamay kaya tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo. Nang matingnan ko ito at mapagsino ay nanlaki ang mga mata ko.

"Prinsepe Acnus!"

"Pasensya na di kita nakita" dugtong ko. Ngumiti lang siya at umiling.

"Bukas na magsisimula ang pag-eensayo mo sa akin. Napadaan lang ako para sabihin iyon. May gagawin pa ako, paalam Flaire."

"Paalam Prinsepe Acnus" pagkalampas niya sa akin ay ngumiti ako ng wagas. Syete dinaanan niya talaga ako para sabihin iyon.

"LUMAPIT KAYONG LAHAT RITO" nawala ang ngiti ko at agad na lumalit kung nasaan si Ginang Nabella.

Nang makita niya ako ay tumaas ang kilay niya pero ngumisi lamang ako at sumipol.

"Flaire Daverson" aniya kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Natigil ako sa pagsipol at nagtatakang tumingin sa ginang.

"Bukas hindi ka na sasama sa klaseng ito." Ngumis sa akin ang ginang at tuwang tuwa na wala ako sa klase niya. Ang sama niya talaga sa akin. Galit na galit?

Umikot ang paningin ko at sa nakikita ko halos lahat ay masaya sa sinabi ng ginang. Tinaasan pa ako ng kilay ng iba.

"Buti nga" napalingon ako sa mga kaangkan ko. Pero nginisihan lang nila ako. Makakaganti rin ako sa inyo. Hintay lang.

"Bakit?" tanong ni Zack na katabi sina Nathe na nagtataka rin pati ang Prinsepe nagtatakang tumingin sa akin. Malayo kasi ako sa kanila.

"Mula bukas ay ang Mahal na Prinsepe Acnus na ang mag-eensayo sa kanya." Napatingin sa akin lahat na ikinangisi ko. Nalukot pa ang mukha ng iba. Hindi makapaniwala.

"Paano nangyari yun Ginang?" Umikot ang mata ko sa tanong.

"Kahilingan iyon ng Mahal na Prinsepe at dahil na rin sa kaalamang si Daverson ang magiging tagapagbantay ng kanyang kapatid, ni Prinsepe Alixid."

Nawala ang ngiti ko at seryosong binalingan si Prinsepe Alixid. Nakita ko pa ang nanlalaking mga mata ng dalawang kasama nito.

"Pero sa ngayon ay makakasama muna natin siya sa pag-aral ng pagpana." nilingon ko ang ginang. Umalis ito at tumungo sa nakahilirang mga palaso at pana.

Hindi maalis sa akin ang tingin ng mga kaklase. Hindi na pagkagulat ang nakikita kundi pagkainggit. Sino nga bang hindi maiinggit kong magiging tagaensayo ko ang unang prinsepe at magiging tagapagbantay naman ako ng ikalawang prinsepe.

"Kumilos na kayo!" Agad silang umalis at lumapit sa ginang. Nagsimula rin akong lumakad pero napahinto ako nang sadya akong binunggo ng mga babae mula sa angkan ng mga dilaw na apoy.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakihalo sa kanila.

"Ang mga puno nasa gilid niyo ang magiging target niyo. Kung nakikita niyo ang puting bilog at ang tuldok sa gitna iyon ang aasentahin at patatamaan niyo. Hahatiin sa bawat angkan ang susubok. Kung sino ang nakatama ng malapit sa puting tuldok ay makakakuha ng mataas na grado."

"Mauuna ang angkan ng Asul." Anunsyo ng ginang.

Kumuha ng kanya kanyang palaso at pana ang nasabing angkan at syempre kasama roon ang Prinsepe, sina Zack at Nathe. Nagtaka ako nang lampasan ako ng dalawa. Bakit?

Pagkaayos nila ng gagamiting sandata ay inasenta na nila ang patatamaan.

"Tira!" Sambit ng ginang at pinakawalan nila ang palaso. Lumapit ang ginang sa mga puno at tiningnan isa-isa. Malayo ang distansya ng puno mula sa amin kaya hindi namin malaman kung sino ang nakatama at kung sino ang hindi.

Lumapit sa amin ang ginang at inanunsyo ang nakatama.

"Sa lima, tatlo lang ang nakatama sa Tuldok at ang natira ay malayo na sa tuldok. Ang tatlo ay sina Avelarzon (Prinsepe Alixid) , Haminez (Nathe) at Drevor (Zack)"

Napalakpak naman ako. Ang galing pala nila pumana. Napatingin sila sa akin pero agad din yon nilang inalos. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nila.

Lalapitan ko na sana sila pero tinawag na kaming mga mula sa angkan ng pulang apoy upang paumalit sa kanila. Anim kami at kanya kanyang kuha ng pana at palaso.

Habang inaayos ko ang pagkakalagay ng palaso ay hindi ko maalis sa isip ang ginawa nilang di pagpansin sa akin. Nagtatampo ba sila? Galit? Bakit ba?

Inasenta ko ang puting tuldok. Pagdating sa pagpana ay hindi ako pahuhuli dahil bata pa lang ay tinuruan na ako ng lolo sa paghawak at tamang paggamit nito. Kapag ganito ang gamit na sandata ay matinding konsentrasyon ang dapat iaalay at tamang lakas para iunat ang pana. Pinikit ko ang isang mata at hinintay na magsalita ang ginang.

"Tira!"

Pinakawalan ko ang palaso at ibinaba ang pana. Napangiti ako nang makitang tinamaan nito ang puting tuldok. Kahit malayo ay sigurado akong tinamaan iyon.

Agad na lumapit si Ginang Nabella sa mga puno at isa-isang tiningnan ang mga palaso. Napalingon naman ako sa mga kaangkan ko. Nakangisi ang iba habang nagmamalaki sa ginawa.

"Si Daverson lang ang nakatama sa puting tuldok at ang iba ay malapit at ang iba naman ay malayo. Hindi ko akalain na ganito ang magiging kalalabasan dahil inaasahan kong mas magaling pa kayo kesa sa asul dahil magiging tagapagbantay kayo nila pero nabigo ako." Nawala ang ngisi ng mga kaangkan ko at napayuko sa sinabi ng ginang.

"Susunod ang mga mula sa angkan ng Lila." Ani nito.

Umalis na kami at ibinalik ang ang pana sa lalagyanan nito. Hindi ako bumalik sa kanina kong pwesto sa halip ay lumayo ako sa kanila at humiga sa damuhan. Pumikit ako at dinama ang hangin.

Ewan ko pero parang nawalan ako ng gana matapos kong itira ang palaso. Mabilis kong inalis kanina ang isiping hindi ako pinansin nina Zack pero ngayon ay bumalik na naman ang isiping ito.

Siguro ay dahil sila lang ang kaibigan ko dito kaya parang naapektuhan ako sa ginawa nila. Kailangan ko na bang maghanap ng bagong kaibigan? Siguro. Pero paano eh halos lahat sila ayaw ako.

Hindi ko nga alam kung anong nagawa ko sa kanila para kaayawan nila ako. Dinadaan ko na lang sa ngisi kapag ganun pero ang totoo nagtataka ako. Ngayon ko lang yata naramdaman ang sakit. Parang ang hirap huminga kung sa paligid mo alam mong hindi ka nila gusto.

Gumalaw ang kamay ko at pinunasan ang luhang bumagsak sa pisnge ko. Nakapikit pa rin ako at hindi inaalintana kung may makakita sa akin. Ang mahalaga ay malayo ako sa kanila. Walang makakakita ng pagluha ko. Saan na ba sila Ate Fanria at kuya Francis nang may karamay ako dito sa drama ko haha.

Napapunas ako ulit ng luha. Umupo ako at tumayo habang patuloy na pinunasan ang mga luha. Nagmulat ako at suminghap. Himdi ko binalingan ang kinaroroonan nila at nagpatuloy sa pag-alis. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.

Nakagulat ako nang may kumatok pero hindi ko ito pinansin at pumikit na lamang. Itutulog ko na lang itong kadramahan ko. Pauso kasi ako eh. Paluha-luha tuloy sumakit ang ulo ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pagbukas ng pinto at nang may pumasok rito. Hindi ko inalis ang kumot at nakiramdam lang sa mga pumasok. Mga, kasi rinig ko ang tunog ng apak nila.

"Flaire"

Napaluha ako nang marinig ang boses ng isa sa kanila. Naalala ko tuloy ang hindi nila pagpansin sa akin kanina. Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinabayaan sila.

Kapag hindi na masakit ang ulo ko ay kukulitin ko na sila kung bakit hindi nila ako pinansin kanina. Pero sa ngayon bahala na muna sila.

"Flaire alam naming gising ka" lumuluha pa nga eh.

May humila ng kumot ko kaya itinaob ko ang ulo sa may unan. Nagtatampo ako sa kanila. Pero mawawala rin ito maya-maya. Pero nakakatampo talaga yung ginawa nila kanina eh.

Napagdesisyunan kong magmulat at tingnan sila. Bumungad sa akin ang mukha nilang tatlo. Kasama pala nila si Prinsepe Alixid. Iniwas ko ang tingin sa kanila at muling nahiga.

***
-btgkoorin-

Continue Reading

You'll Also Like

351K 14.6K 36
Shanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought sh...
87.1K 4.5K 64
PURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without...
39.5K 1.7K 54
A mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©Al...
219K 13.6K 55
Perpektong-perpekto ang buhay na mayroon ako, buhay na hinahangad ng ibang tao, kayamanan, kasikatan, nobyong walang hinangad kung hindi ang kaligaya...