If You Don't Know Me By Now

By wonderwall23

282K 8K 1.7K

More

Forewords
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Epilogue

Chapter 19

12.6K 389 86
By wonderwall23

Their kiss was tender and loving, gustong maiyak ni Kathryn. Masuyo syang hinahalikan ni Daniel. Ibibigay nya na ang lahat sa binata at hindi nya iyon pagsisisihan. Sigurado na syang she would never love another man in this lifetime. Gusto nyang ibigay dito ang lahat. Her heart, her body, her soul, her all.

Sinimulan na nyang i-unbutton ang polo na suot na ng binata. Daniel moaned when her fingers played with his nipples. Their kiss became passionate, hard, demanding, and deep. She was totally lost. Kissing the man you love would always give you a certain high.

Napakunot ang noo ni Kathryn nang biglang dumistansya sa kanya si Daniel. "What's wrong?"

He sighed and stood up. Naglakad ang binata papunta sa may bintana. "Gusto kita and it's obvious. I want all of you. I know na balang araw pagsisisihan ko to pero ayokong magtake advantage sayo. Alam kong vulnerable ka ngayon. Ayokong makaramdam ka ng pagsisisi pagkatapos. Masasaktan ako ng sobra."

Daniel is turning her down? Handa na syang ibigay ang lahat dito at tinanggihan sya nito? Pain crossed her eyes and he saw it. Agad bumalik si Daniel sa kinatatayuan ni Kathryn. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ng dalaga at tinitigan sa mga mata.

"I want you. Don't think otherwise. Kung pipiliin kong maging gago sa mga oras na ito, I would gladly ravish you. Pero kasi, I respect you a lot. Alam kong gusto mong kalimutan yung mga nangyari pero hindi ko pwedeng gawin yun kapag alam kong vulnerable ka. Hindi ka nakakapagisip ng maayos ngayon. Gaya ng sabi ko kanina, ayokong pagsisihan mo ito pagkatapos."

"Hindi ko to pagsisisihan. Kung may isang lalaking gusto kong makasamang gawin ito, it's you. Ikaw lang."

Ngumiti si Daniel. "I'm flattered. Pero hindi ka sa kin. Kay Dominic ka. It's morally wrong."

"Tangina."

Dahan dahan syang hinila ni Daniel at niyakap. Hinalikan din nito ang ulo nya. "Wag na tayong mag-away, okay?"

Tumango sya. Humiga si Daniel sa sofa at hinila sya nito muli para makahiga sya sa ibabaw ng binata. She burried her face in his neck. It felt heaven. Pakiramdam nya ay safe sya sa yakap nito. Lahat ng pangit na nangyari sa kanya ngayong araw na ito ay nakalimutan nya.

Nanatili lamang silang tahimik hanggang sa makatulog sila. Nagising si Kathryn bandang hatinggabi. Pinagmasdan nya si Daniel habang mahimbing pa ring natutulog. Dahan dahan nyang hinalikan ito sa noo, sa ilong, at sa labi. Namumuo na naman ang mga luha nya. Kailangan na nyang lumayo hanggat kaya pa nya. Kailangan nya itong gawin ngayon. Hindi na nya kaya pa.

Makukuntento na syang mahalin ang binata mula sa malayo. Tama ito sa sinabi kanina. It was morally wrong. Marami syang ginawang kabaliwan para dito. Lahat ay ginawa nya para mahalin din sya nito. God knew how hard she tried. Kaya't magiging madali sa kanya ang lumayo dahil wala syang pinagsisisihan.

Maingat nyang tinanggal ang kamay ni Daniel na nakayakap sa kanya at saka sya tumayo. Tahimik syang lumabas mula sa opisina nito. She guessed it was the best goodbye for them. Hindi na sya dapat magiwan ng note o kahit ano pa man. Hindi naman iyon kailangan. Mas gusto nyang umalis ng walang paalam.

Biglaan ang desisyon nya pero alam nyang iyon ang tamang gawin.

__________

Maagang nagising si Dominic. Nageenjoy naman sya sa stay nya sa Manila so far. Nagkaroon sya ng oras na magpahinga at magrelax. Lagi kasi syang nagttrabaho kapag nasa Cebu sya. Bumangon na sya mula sa kama at nag-inat. Napakunot ang noo nya nang may makita syang sticky note sa mirror. It was a note from Kathryn.

Dominic,

Biglaan ang desisyon ko, I hope you understand. Babalik na ako sa Cebu. Tatawagan kita pagkalapag ng eroplano ko. Can I ask you a favor? Pwede bang dyan ka muna at tapusin lahat ng unfinished business ko? Alam mo naman kung saan hahanapin ang mga lawyers ko. Wag mo ng itanong bakit bigla akong umalis. Kailangan ko lang gawin ito. Wag ka ng maraming tanong. Thank you and I love you. You take care.

Kathryn

Napahugot sya ng malalim na hininga. Alam nyang sooner or later ay mangyayari ito. Nag-give up na si Kathryn. Siguro may something na nangyari. Sabi nga nila, you don't always get what you want.

Binuksan nya ang drawer ng isa sa mga cabinet at inilabas ang ilang envelopes. Sa tingin nya ay oras na. Hindi nya hahayaang magdusa ang prinsesa nya habangbuhay.

Naligo sya at nagbihis. Nakipagkita sya sa mga abogado ni Kathryn at nagbigay ng mga instructions. Pinuntahan din nya si Min sa opisina nito. Sinabi nya dito ang desisyon ni Kathryn tungkol sa Last Will ng Daddy nito. Pormal silang nagusap tungkol sa mga detalye at sa pagttransfer ng mga ariarian.

"Nasaan ba si Kathryn? Sya dapat ang nagaasikaso nito." Tanong ni Min habang pinipirmahan ang ilan sa mga dokumento.

"On the way na ho sya pabalik ng Cebu, Ma'am."

Natigilan si Min saglit. "At hindi na sya babalik?"

Nagkibit balikat si Dominic. "Never say never. Pwedeng oo, pwede ring hindi. Hindi ko po alam."

"Alagaan mo ang anak ko."

Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Dominic. "Mahal nyo sya hindi ba?"

"Meron bang isang ina na hindi mahal ang anak nya? May iba lang akong paraan para ipakita iyon."

"Sino bang makakaisip na hindi kayo tunay na mag-ina? Pareho lang kayo ni Kathryn. Kakaiba ang paraan nyo ng pagpapakita ng pagmamahal."

Narinig nyang nagbuntong hininga si Min. "Inaamin ko, nagalit talaga ako sa kanya nang mamatay ang Daddy nya. May panahon pa ngang nagseselos ako sa kanya dahil mahal na mahal sya ni Teddy. Siguro ay pareho nga kaming pathetic. Pero mahal ko sya, Dominic. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi. Napupuyat ako noon magdamag kapag may sakit sya noong baby pa sya. Inaalagaan ko sya. Hindi man sya nanggaling sa akin pero ako pa rin ang Mommy nya, walang iba."

"Naging malapit ka kay Jasmine para protektahan sya. Dahil alam mong may seryosong problema si Jasmine sa pagiging inggitera. Nakikita nya si Kathryn as a perfect girl who practically have everything at iyon ang kinamumuhian nya dito. Natatakot na maging isang monster si Jasmine at sirain ang lahat lahat ng para kay Kathryn. Umaasa kang mababago mo si Jasmine. Masyado kang nadala sa mga plano mo kay Jasmine at nakalimutan mong kailangan din ni Kathryn ang isang ina. Ginusto mo ring lumaking matapang at matatag ang anak mo kaya pinakita mong wala kang pakialam."

"Paano mo nalaman ang lahat ng iyan?"

Nagkibit balikat sya. "Research. Alam ko rin na umpisa pa lang alam mo ng si Kathryn si Princess. Dapat ay marereject ang una nyang manuscript pero tinawagan mo ang publishing company at sinuhulan mo sila para tanggapin nila iyon. Binantayan mo sya all these years. Dinedemanda mo lahat ng writers na naninira sa kanya. Hindi ho ako sigurado kung anong dapat kong itawag sa inyo, Ma'am."

Ngumiti lamang si Min. "Hindi naman nya malalaman ang lahat ng iyan."

"Malalaman nya, kung sasabihin nyo."

Umiling lamang ito. "Hindi naman sya maniniwala. Isa pa, hindi rin naman ako yung tipong biglang aarte na parang isang mabait na ina. Papabayaan ko lang sya. It would make her stronger."

"Tapos ka na ba sa mga yan?" Turo ni Dominic sa mga documents. "Nakapag-book na ko ng flight para mamayang gabi. Tapos ko ng ayusin ang lahat. Ang mga abogado na ang bahala sa iba."

Inabot sa kanya ni Min ang mga dokumento. "Iimbitahin mo ba ko sa kasal ninyo?"

Tumawa si Dominic. "Kung may mangyayaring kasal."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tahimik nyang inabot kay Min ang isang envelope. Iyon ang mga pictures na kinolekta nya. Tumalikod na sya at umalis. Napangiti sya nang makarinig sya ng pagkabigla. Bago pa sya tuluyang lumabas ng pintuan ay lumingon sya.

"I would appreciate kung titigilan nyo na ang pag-aalaga sa monster na yan. Destroy her business at lahat ng meron sya. Walang ginawa sa kanya si Kathryn. Inggitera lang ang bitch na yan. Dapat ay nasa psych ward sya."

Umalis na sya ng hinintay ang sagot ni Min. Sigurado syang babagsak na si Jasmine anumang oras.

__________

Kakauwi lang ni Daniel galing sa opisina nang inabot sa kanya ng kasambahay nila ang isang envelope. Napakunot ang noo nya nang tinanggap nya iyon. May nakasulat na 'confidential' sa labas ng envelope.

Pakiramdam nya ay tinakasan sya ng lahat ng lakas nya sa katawan nang makita ang nilalaman niyon. Mga pictures ng dalawang taong naghahalikan. Dapat ay magalit sya, pero mas nakaramdam sya ng relief. Wala syang naramdaman kundi relief habang tinitingnan ang mga pictures. Jasmine and Sam? Unbelievable.

Marami pang kailangang pagbayaran sa kanya si Sam pero sa tingin nya ay patas na sila. Gusto nya sanang patayin ang hayop na iyon sa ginawa kay Kathryn pero hindi nya magawa. Nasa hospital na kasi ito at malubha ang lagay. Nagkaroon kasi ito ng matinding bloodloss dahil matagal bago sya natagpuan sa loob ng condo nya. Hindi naman nya hinihiling na mamatay na si Sam pero alam nyang deserving ito na maospital.

Matagal na nyang iniisip kung paano makakawala kay Jasmine. At laking pasalamat nya sa anghel na nagpadala sa kanya ng mga pictures. Meron na syang magandang dahilan para makipagbreak kay Jasmine at makasama si Kathryn.

Napabuntong hininga sya nang maalala nyang hindi pala nya macontact si Kathryn. Hindi nya alam kung nasaan ito. Nagising syang wala na ito at naiinis sya dahil doon. Sya ang unang tao na gusto nyang makita paggising nya pero wala na naman ito. Wala din ito sa bahay nila. Where the hell is she?

Nagulat sya nang biglang nagring ang phone nya. Agad nya iyong sinagot.

"Nagustuhan mo ba ang mga pictures na pinadala ko?" Tanong ng tao sa kabilang linya.

Napakunot ang noo nya. "Dominic? Ikaw ba to?"

"Ako nga. So, nagustuhan mo ba?"

"Paano mo nakuha to?"

"Resourceful ako."

"Nasaan si Kathryn?"

"Cebu."

"Ano? Nasaan ka?"

"Airport. Naenjoy ko ang stay ko dito sa Manila pero kailangan ko ng sundan si Kathryn. Kailangan pa naming planuhin ang kasal namin."

Napamura si Daniel. Isinusumpa nyang kung nasa harap nya lang si Dominic ng mga oras na iyon ay binugbog nya na ito. Alam pala nitong may affair si Jasmine pero di man lang nagsalita. Kung napaaga lang sana ito. Gagong Dominic.

"Sige, hindi na ko pwedeng makipagusap ng matagal. Kailangan ko nang..."

"Teka!" Pigil nya dito. "Hindi mo pwedeng pakasalan si Kathryn."

"Huh? Anong pinagsasasabi mo? As far as I remember, ako ang fiance."

"Mahal ko sya. Tangina. Mahal na mahal ko sya. Pakasalan mo sya at mapapatay kita. Hindi sya pwedeng magpakasal sa iba. Over my dead body!"

Tinawanan lang sya ni Dominic. "And you have the balls na sabihin sa kin yan? Papakasalan ko sya at wala kang magagawa. Akala mo ba you love her more than I do?"

"Oo. Tangina ka. Mas mahal ko sya kesa sa pagmamahamal mo sa kanya."

"Ang dami mo ng chance noon pero pinakawalan mo. Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan." Dominic didn't sound angry at all. Mukha pa nga itong amused. Tangina ng lalaking to at hindi sya sineseryoso. Makikita nya.

"Wala akong pakialam sa nangyari noon. Ang importante ay mahal ko sya ngayon at sigurado ako doon. Hindi ko hahayaang mapunta sya sayo kahit kailan."

"Ah talaga? Sige tingnan natin. Feel free na dumalaw sa Cebu pag natapos ka na ka Jasmine. Siguraduhin mong single ka na bago mo ipakita ang mukha mo kay Kathryn. At magdasal ka. Magdasal ka ng matindi na hindi pa huli ang lahat." At pinutol na ni Dominic ang tawag.

Ibinato ni Daniel ang cellphone nya sa galit. Dapat nyang ayusin ang lahat sa lalong madaling panahon. There is no way na papakawalan nya si Kathryn ng ganun na lang. wala syang pakialam kung gaano katagal na sina Dominic at Kathryn. Mapapasakanya ang dalaga kahit anong mangyari. Susundan nya ito kahit sa dulo ng mundo.

Pero inaamin nya, takot na takot sya.

__________

"Daniel!" Hahalikan sana sya ni Jasmine pero iniwasan nya ang labi ng nobya. Hindi sya makapaniwalang naloko sya ng angelic looks nito. Hindi rin sya makapaniwalang naguilty sya sa pagtataksil nya noon. Niloko sya nito. How dare she cheat on him.

Pero hindi nya magawang magalit dahil sya rin naman ay nagkaroon ng affair. Ang pinakamagandang dapat mangyari ngayon ay maghiwalay na sila. Hindi sila para sa isa't isa.

"Anong problema?" Inosenteng tanong ng dalaga.

Ngayon ay nakikita na nya ang totoong kulay nito. Hindi ito isang anghel. Never itong naging anghel. Masaya sya sa wakas ay matatapos na ang relasyon nila.

Walang salitang inabot nya dito ang mga pictures. Narinig nyang nabigla ito pagkakita sa mga iyon. Kalmadong naupo sa sofa si Daniel.

"Saan mo nakuha ang mga ito?" She asked horrified. "Hindi ako ito. Sigurado akong may gustong manira sa kin. Please wag kang maniwala dito sa mga pictures na ito."

"Wag ka ng magsinungaling, Jas. Reliable ang source ko. Wag mo na kong lokohin. The wedding is off. Tapos na tayo."

"Tangina mo! Gawa gawa mo lang lahat ng ito para magkareason ka na makipaghiwalay sa kin."

"You know me better than that, Jas. I don't play dirty, pero di ko naisip na ikaw pala ganoon."

Nagsimula ng umiyak si Jasmine. Pero sa oras na iyon wala na itong epekto kay Daniel. "Wag mong gawin sa kin to, Daniel. Wag mo kong iwan. Kailangan kita. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." Pagmamakaawa nito.

Kung sya siguro ang dating Daniel ay gagawin nito ang lahat para kay Jasmine. Pupunasan nya ang mga luha nito at sasabihing magiging okay din ang lahat. Pero iba na ngayon. Si Jasmine na lang ang hadlang sa kaligayahan nya. Kailangan nya itong isacrifice. Kailangan nya itong pakawalan dahil hindi na nya ito kailangan. Kailangan nyang maging malaya para kay Kathryn. Isang babae lang ang kailangan nya sa buhay nya, at hindi iyon si Jasmine.

"Let's spare ourselves with the drama. Inaamin kong nagkaroon din ako ng affair. Kaya quits lang tayo. Magbreak na tayo and go on with our lives. End of story."

"Anong ginawa ni Kathryn sayo?"

"Pinarealize nya sa kin kung gaano ko sya kamahal. Wala akong pakialam kung sumama ka na kay Sam. Maging masaya na lang tayo para sa isa't isa."

"I love you!" Sigaw ni Jasmine.

"I love Kathryn more."

"No. Wag sya, Daniel. Kahit sino, wag lang sya!"

"Ano bang problema mo sa kanya? Bakit galit na galit ka kay Kathryn? Ano bang ginawa nya sayo?"

"Nasa kanya na ang lahat! Madali lang nya nakukuha ang lahat!"

"Yun na yun? Inggit ka lang sa kanya?"

"Oo!"

Ngayon lang nalaman ni Daniel kung gaano ka-selfish ang ex-girlfriend nya. Ano bang nakita nya dito bukod sa maganda ito? Ganon ito kahina? All along, tama pala lahat ng sinabi sa kanya ni Kathryn.

"Hindi mo ko pwedeng iwan, Daniel."

"Sorry, Jasmine. Mag-let go ka na kasi Im not holding onto this anymore. Hindi ko hahayaang lumayo sa kin si Kathryn. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makita syang magpakasal sa iba."

"Ganun mo sya kamahal?"

"Bye, Jasmine."

Umalis na sya pagkasabi noon. Pakiramdam nya ay nakahinga sya ng maayos pagkalabas nya sa lugar na iyon. He felt so free.

__________

Nasa rooftop si Kathryn ng building ng publishing house nya. Naninigarilyo sya habang pinagmamasdan ang buong siyudad. Isang linggo na ang nakalipas mula noong umalis sya ng Manila. She was never the same since then.

Hindi nya mapilit ang sariling gumawa ng kahit ano. Hindi sya makapagsulat. Wala sya sa mood na gumawa ng kahit ano. Pakiramdam nya ay wala ng meaning ang buhay nya.

Hindi nya alam kung paano sisimulan uli ang buhay nya. She felt like dying inside. Namimiss na nya ng sobra si Daniel. Gusto nya itong makita at makasama.

Huminga sya ng malalim. Kailangan nyang tiisin ito. Isang araw, masasanay din sya sa kalungkutang ito. Dahil alam nyang deep in her heart, ay hindi sya makakaget-over kay Daniel.

Napangiti sya nang maramdamang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

__________

Author's Note: Maraming salamat sa paandar ng abs mo, Domdom. Now, we're down to the last 2 chapters.😉

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
6.6M 180K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
163K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...