WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII
Epilogue
6 years later.................
[ Nate's POV ]
" Sir, bakit ganito yung bahay niyo, ang dilim ? Nasaan ba yung asawa mo ? " tanong nung isa kong employee. Kapit na kapit sa akin.
" Mr. Ramirez, pwede pakibitawan mo ako ? " tinanggal naman niya yung kamay niya. Naglalaro na naman siguro yung mga yun.
Well, ikinasal kami ni Krizzia nung matapos kami sa college. Meron na kaming dalawang anak ngayon. Si Kenzo at Kenzi. Kambal sila. Mga makukulit na bata.
" Waaaaaaaah ! " biglang may sumigaw.
" Aaaaaaah ! " magkayakap na si Mr. Ramirez at Mr. Anza.
Napatingin ako sa batang sumigaw. Napangiti naman ako. Si Kenzo, pinaglaruan na naman niya yung shaving cream ko. Punong-puno yung mukha niya.
" S-sir..... Multo ! Uuwi na ako. Ayaw ko na.... " halos mangiyak-ngiyak si Mr. Ramirez.
Napatingin naman ako sa may ref. Nakita ko si Kenzi. Punong-puno yung bibig niya ng ketchup. Hay.....napakakulit talaga.
" Im going to eat your brain.... " naglakad si Kenzi papunta kay Mr. Ramirez at Mr. Anza. Nagtulakan naman yung dalawa.
Nung ginagawa sa akin ito ni Krizzia nung buntis siya, halos mahimatay ako. Pero nasanay na rin ako sa katagalan.
" Calm down. They are my kids. " binuksan ko yung ilaw. Tumakbo naman papunta sa akin si Kenzi at Kenzo at niyakap ako.
Nasa sahig parin yung dalawa kong ka trabaho. At nanginginig sa takot.
[ Krizzia's POV ]
Katatapos ko lang maglagay ng mask. Syempre kailangan kong magpaganda para sa pinakakamamahal kong asawa.
" Babe, linisin mo nga mga mukha ng babies natin. Pinagtripan na naman ni Kenzi yung ketchup. Si Kenzo naman, nilagyan ng shaving cream yung mukha niya. " bumaba ako.
May mga lalaking kasama yung asawa ko. Mga ka trabaho niya siguro. Ano ba yan ? Hindi na naman kami makakapag loving loving ?
" Oh babe. Dahan-dahan lang. Yung baby natin. " lalapit sana sa akin si Nate para tulungan akong bumaba ng hagdan. Three months pregnant kasi ako ngayon.
" Hello, Mrs. Lop— aaaaaaaaaah ! " biglang tumba. Yung isa naman, humawak pa sa noo bago mawalan ng malay.
" Nate, pwede bang itapon ko sa labas itong mga to ? Bastusan ? Pangit ba ako ? " naiiyak na ako.
" H-hindi. Kaya nga kita pinakasalan kasi maganda ka eh. " niyakap naman ako ni Nate.
" Sh*t ka dude ! Nakakadiri yung mga sinasabi mo ! " napatingin naman ako kay John.
Si John yung pinaglilihian ko sa totoo lang. Napangiti naman ako.
" Nate, can i dress him up ? " tanong ko kay Nate with hopeful eyes. Naka scowl naman si John.
[ Nate's POV ]
Nanlalaki yung mata ni John nung tumingin ako sa kanya. Ipinilig niya pa yung ulo niya para hindi ako pumayag.
" Oo naman, babe. You can dress him up. " nag evil smirk ako.
Niyakap lang ako ni Krizzia at hinalikan ako sa labi bago hinila si John papuntang kwarto. Na trauma na kasi sila Zean at Josh nung naglilihi yung asawa ko kila Kenzi at Kenzo.
[ John's POV ]
Tang*ina ! Ano namang itsura ko nito ? May ibinato siya sa aking damit na may ruffles. Yung parang damit ng mga five years old na bata.
" Tapos ka na ba ? " tanong ni Krizzia. Kapag hindi ako lumabas dito, papasukin ako nun. Niyayaya ko sila Zean at Josh pero ayaw sumama sa akin.
" Tapos na. " nagdadabog akong lumabas ng walk in closet.
" Waaaaa.....Ang cute mo John. " napasimangot naman ako. Bigla niyang hinila yung kamay ko at inupo sa vanity.
Nilagyan niya rin ako ng wig. Lagpas lang sa balikat tapos inipit niya ng pigtails. Nilagyan din niya ako ng make up.
" Tama na.... " pakiusap ko sa kanya. P*ta ! Kulay pink na cutex yung ilalagay niya sa paa ko !
" He ! Isusumbong kita kay Nate. Gusto mo ? " umayaw ako. Ngumiti ulit siya.
Ganito ba talaga yung mga buntis ? Ang lalakas ng trip ?
" Ayan ! Pretty ka na ! " hinila naman niya ako papunta sa may full length mirror.
Ako ba ito ? Mukha akong pinaglaruan ng sampung bata at kinulayan yung mata ko. Yung pisngi ko naman, parang ni knock out ni pacquiao. Yung labi ko ! F*ck ! Mahihiya si Angelina Jolie kapag nakita niya ito. Napabusangot naman ako.
Hinila na naman ako ni Krizzia papalabas ng kwarto. May bisita si Nate ngayon. Ayaw kong lumabas na mukhang pedophile na hindi malaman.
" Babe, tignan mo si John oh. Ang cute niya. " tang*na nito ni Nate ! Gusto na niyang tumawa pero pinipigilan niya.
" Babe, ang galing mo. Hahahahaha ! The best ka talaga ! " nag thumbs up pa si Nate sa asawa niya.
" F*ck ka Nate ! Tigilan mo yan. " pano ba naman, kinukuhanan niya ako ng picture. Paano na lang kapag nakita ako ng mga chicks ko na nakaganito ?
Bigla kaming may narinig na nagsasalita. Si Zean at Josh. Nagtago naman si Krizzia.
" Nate ! Tulog na ba si Krizzia ? " bigla namang nag tip toe si Josh at Zean papunta sa sala.
" Sino naman itong malaking bakulaw na ito ? " tumabi sa akin si Josh at hinawakan yung buysit na ruffle dress. Nakatalikod kasi ako sa kanila.
" Bakit tinatanong niyo kung tulog na ako ? " parang nawalan naman ng kulay si Josh at Zean.
" Kumusta bro. " humarap ako sa kanila. Napalunok naman sila Zean at Josh.
" Uuwi na kami. " nagmamadali silang tumalikod. Hinawakan ko yung manggas ng damit nila at hinila papunta sa kwarto.
" Maawa ka Krizzia. Parang awa mo na. " si Josh na halos lumuhod na.
" Hindi pwede. " ipinasok na sila ni Krizzia sa kwarto.
Halos takpan ko yung tenga ko nung marinig ko yung sigaw nila Josh at Zean.
" Tama na ! Wag ! Ayaw ko ! " narinig kong sigaw ni Zean.
" No. Anything but that. Not that one either. Please.... " yan yung plead na narinig ko galing kay Josh.
Maya-maya pa, narinig naming bumukas yung pinto nung kwarto. Halos masamid ako sa sarili kong laway nung makita ko sila Zean at Josh.
" F*ck ! Mas malala pa rin yung inyo. " tumatawa ako habang tinuturo ko sila. Atleast ako fully dressed.
Nakasuot ng backless si Zean at hanggang pusod lang yung haba. Yung short naman niya hanggang pwet lang. Si Josh naman, naka bra at short. Katulad ng kanina, kumukuha na naman ng pic si Nate.
" Nate ! Tigilan mo yan ! Burahin mo rin yung mga picture na kinuhanan mo dati. " hindi alam ni Zean kung pano hihilahin yung short pababa.
" Nawala ko yung phone na yun dude. Tsaka meron na rin namang nakakita nun. " namutla naman si Zean at John.
" Buysit ka Nate ! Alam mo naman kung anong itsura namin dun eh. Naka two piece kami doon ni Josh ! Yung mga posing pa namin doon, nakaka— " tinakpan naman ni Josh yung bibig ni Zean.
" Tama na, Zean. " naiinis na sabi ni Josh.
Naiisip ko pa lang itsura nila, natatawa na ako. Hahaha ! Epic siguro yun. Kaya ba ayaw nilang pumunta dito ?
" Hahahaha ! Grabe ! Masterpiece na naman siguro ito ni Krizzia ! " napatingin naman ako sa tumawa. Si Tito Kris kasama si Tita Zia.
" Where is my sister ? " tanong ng englisherong kapatid ni Krizzia.
" There. " tinuro ko yung kwarto.
" By the way dude, you three looks like a clown. " napahawak naman ako sa ulo ko. Haisst !
[ Krizzia's POV ]
" Ate, i miss you ! " lalabas pa lang sana ako ng kwarto pero sumalubong na kaagad sa akin si Zeid. Yung kapatid ko.
Kinarga ko naman siya. Tuwing sunday, pumupunta sila sa bahay para mag dinner. Pumunta na ako sa dining area. Nakahanda na yung pagkain. Isa-isa naman silang nagdatingan. Nagkwentuhan kami, nanood ng dalawang movie, pagkatapos umuwi na sila. Ganito kami palagi everyweek. Pero yung dalawang ka officemate ni Nate, knock out pa rin.
Si Hana, nasa states. Nung makalabas ako sa ospital six years ago, nagpaalam siya na pupunta sa ibang bansa. Palagi namang kinukumusta ni John si Hana. Kung alam lang sana ni John......Hay....
Nasa may balcony ako at tinitignan yung mga star nung biglang niyakap ako ni Nate mula sa likod. Humarap naman ako papunta sa kanya. Magkalapit lang yung mukha namin.
" Are you happy ? " napangiti ako.
" More than happy. This is what i wished for. " minsan talaga, nag-uumpisa sa kalokohan yung isang love story. Katulad nung sa amin ni Nate. I am satisfied now. Wala na akong mahihiling pa.
" Come on, lets sleep. " iginiya naman niya ako papasok sa loob.
Tuwing naaalala ko kung bakit kami nagkakilala, napapangiti ako. Hindi sa magandang paraan, pero may magandang ending naman.
Nahiga na kami sa kama. Hinalikan niya ako sa noo. Ipinikit ko yung mata ko. This is my happy ending.
THE END
———————————————————-
Pagpasensyahan na. Talagang ignorante ako pagdating sa love keme. Wala rin akong sweet kemerlu. Puro sa kalokohan lang ako maaasahan. Hahahaha ! Anyway, sana okay lang para sa inyo. Okay. Salamat sa lahat ng nagbabasa. Sa nagbo vote, nag ko comment at sa lahat ng nag a add nito sa library nila. Sa wakas natapos na rin siya. Masayang-masaya ako. Abangan niyo po yung isa kong story na LOVE LETTER ang title. Yun lang po. October 21, 2014 ko na complete to. Ngayon ko lang na upload dahil malayo ako sa kabihasnan nung sembreak. Sa gitna ba naman ng bukid eh.
Until next time. PINKANIMEKAWAII......signing off......