A Love To Last A Lifetime | P...

By iamJonquil

423K 10K 464

Php 150.00 lang po. Available na rin po ito sa National Book Store nationwide. Ganoon din po sa SHOPEE at LAZ... More

A Love To Last A Lifetime
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Soon To Be Published Under Lifebooks
ALTLAL is now PUBLISHED!

Chapter 12

10.3K 442 12
By iamJonquil

HUMANTONG si Marquine sa isang park na nasa Pagbilao Avenue mismo. May matataas doong mga puno at marami ring bench na maaaring upuan.

Imbes na umuwi na ay doon siya dinala ng mga paa niya. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kahit paano ay mawala ang nararamdaman niyang paninikip sa kanyang dibdib.

Ala sais pa lang ng gabi. Nag-aagaw pa lang ang dilim at liwanag sa kalangitan. Pero maliwanag sa paligid dahil sa mga nakakalat na solar lights.

Huminto siya sa tapat ng isang bench at naupo roon. Kinapa niya ang kanyang dibdib.

"Bakit kailangan mong maramdaman 'yon kanina?" anas niya. Nagseselos ba talaga siya dahil sa nakitang may ibang kasamang babae si Markian? Ipinilig niya ang ulo. Wala naman silang relasyon para magselos siya.

Tumingin siya sa langit. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pag-iisa sa mundo. Pagkakataong ayaw na ayaw niyang maramdaman dahil doon lalo nasusubok ang tatag niya sa sarili niya.

Nagpakawala siya ng hininga at sinikap tanggalin ang kakaibang nararamdaman sa dibdib. Simula ngayon ay kailangan na rin niyang alisin ang kung ano mang nararamdaman niya para kay Markian. Tapos na ang papel nito sa buhay niya. Wala ng dahilan para magkalapit sila. O kahit ang magkita pa. Itutuon na lang muna niya ang isip sa pag-aaral.

Bigla ay nagdilim ang paningin niya nang may basta na lamang magtakip sa mga mata niya mula sa kanyang likuran.

"S-Sino 'yan?" kandautal niyang tanong.

Nakaramdam siya ng ibayong kaba dahil wala masyadong tao ng mga sandaling iyon sa park. Paano kung masamang tao ang nasa likuran niya? Pero zero ang crime rate sa Pagbilao City.

Medyo napasinghot siya. Masyado naman yatang mabango ang taong ito, aniya sa isip.

Nanindig ang balahibo sa batok niya noong maramdaman na tumama roon ang mainit na hininga mula sa taong nasa likuran niya.

Hindi pa rin iyon nagsasalita kahit na ng tanggalin niyon ang mga kamay na ipinangtakip sa mga mata niya. Mabilis ang ginawa niyang pagbaling sa kanyang mukha sa may bandang kanan niya. Para lang matulala nang makita ang napakalapit na mukhang iyon ni Markian.

Ngumiti pa si Markian nang magtama ang mga mata nila na bigla ay nagpasikdo sa puso ni Marquine ng ganoon kabilis. Nang makahuma ay mabilis siyang nagbawi ng tingin. Napakalapit ng mukha nila sa isa't isa.

Bakit ito naroon? At paano nito nalaman na naroon siya? Maraming tanong na gumugulo sa isip niya nang maupo ito sa tabi niya.

Tiningnan niya ito. Ngunit mabilis din siyang nagbawi ng tingin nang sulyapan siya nito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" hindi na niya napigilang itanong.

"Inihatid ko lang 'yong kapatid ko. Akala ko nga namalik-mata lang ako nang makita ka kanina."

Nakita siya nito kanina?

Parang bigla ay gusto niyang lumubog sa lupa nang maisip na todo emote siya kanina dahil nakita itong may kasamang ibang babae na kapatid lang pala nito. Sa isip ay nahigit niya ang buhok. Bumaling siya sa kaliwa niya at pumikit ng mariin.

May palimot-limot ka pang nalalaman kay Markian kanina, kantiyaw ng isip niya.

"At ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" balik tanong nito habang hinuhubad ang suot na puting jacket.

Napasinghap siya ng ipatong ni Markian sa lantad niyang legs ang hinubad nitong jacket. Mula sa pagkakatingin sa jacket ay umangat ang tingin niya kay Markian.

"Masyadong lantad," anito na nabasa yata ang kung ano mang nasa isip ni Marquine. Sumandal ito sa bench at humalukipkip.

Tumikhim si Marquine para mawala ang animo bara sa kanyang lalamunan. "Nagkita kami ng kaibigan ko kaya nandito ako," sagot niya sa tanong nito kanina.

"Sinong kaibigan? 'Yong Doraemon in-real-life ba na sinasabi mo noon?"

Nakaringgan lang ba niya iyong disgusto sa boses nito? O, assuming lang siya?

Umiling siya. Huminga muna siya ng malalim bago lakas loob na tiningnan si Markian. "Hindi 'yon. Nakipagkita ako sa bestfriend ko. Kauuwi lang ng pamilya niya mula sa bakasyon. Gusto nga niya na doon na muna ako sa kanila tumira para hindi na ako gumastos sa renta sa apartment.

"Pumayag ka?"

"Hindi. Nakakahiya sa pamilya niya."

Parang may gusto itong sabihin dangan nga lamang at parang may pumipigil dito.

"Sinundan mo ba ako rito?" hindi na naman niya napigilang itanong. "Kasi kanina sabi mo nakita mo ako."

"Oo," walang ligoy nitong sagot habang nakatingin sa kanya.

Sa isang iglap ay animo may naghahabulan na namang kabayo sa dibdib ni Marquine. Minsan nakakainis din ang pagiging straight forward ni Markian. Minabuti niyang tumingin sa malayo dahil para siyang hinihigop ng tingin ng binata.

"Nagugutom ka ba?" basag nito sa katahimikan.

"Kumain kami kanina ng kaibigan ko kaya medyo busog pa ako." Nakita niya sa side vision niya noong pumihit ito ng upo paharap sa kanya kaya muli siyang napatingin dito. "B-Bakit?"

Mataman siya nitong pinagmasdan. "Para kasing mas payat ka ngayon kaysa noong huling nagkita tayo. Kumakain ka ba ng maayos sa apartment mo?"

Hindi siya nakapagsalita. Bigla ay naalala niya na puro instant lang ang stock niyang pagkain sa apartment niya. Minsan bumibili siya ng ulam sa malapit na karinderya sa tinitirhan niyang apartment. Pagkakasyahin niya iyon sa tanghalian at hapunan. At kanina ngang tanghali, bumili siya ng lutong kanin at nanghingi ng sabaw na siyang inulam niya. Wala pa siyang trabaho uli kaya kailangan niyang magtipid.

Bakit kailangang ipaalala ni Markian kung gaano siya ka-hopeless ngayon? Hindi na nga niya alam kung hanggang saan aabot ang ipon niya. Ang mahal pa naman ng mga bilihin.

"Mabilis lang ang metabolism ko kaya hindi ako tumataba," dahilan niya.

"Tell that to the marine," anito na tumayo na. "Tara."

Napasulyap si Marquine sa kamay ni Markian na inilahad nito sa harapan niya. Mababakas ang pagtataka sa maganda niyang mukha ng tingalain naman niya ito. Para itong tore na nakatayo sa harapan niya.

"Ang tagal," naiiling nitong reklamo bago hinawakan ang kamay niya. May pag-iingat pa rin ng hilahin siya nito patayo.

"Saan ba tayo pupunta?" Siya na ang nagdala ng jacket nito dahil mukha namang wala itong balak na kunin iyon sa kanya. Medyo natitilihan din siya ng mapatitig sa magkahugpong nilang kamay.

Ramdam na ramdam niya ang malambot at mainit nitong kamay na nakahawak sa kamay niya. Lihim siyang napangiti.

"Sumunod ka na lang," sa halip ay tugon ni Markian.

Humantong sila sa isang grocery. Ito na rin ang kumuha ng malaking push cart. Marunong din pala itong mag-grocery, sa isip-isip niya.

"Nag-go-grocery ka rin pala para sa bahay niyo," aniya rito.

"Hindi."

"Ha? Eh, ano'ng gagawin natin dito?"

"Bibilhan ka ng stock."

Napamaang siya sa sinabi nito. "A-Ano?" Nang mag-sink-in sa isip niya ang sinabi nito ay mabilis niya itong pinigilan sa braso nito. "Sandali lang. Hindi mo kailangang gawin ito. May mga stock pa naman ako sa apartment ko, eh."

"Hanggang kailan?" ani Markian ng harapin siya. "Wala ka pang trabaho. Malapit na rin ang pasukan at sabi mo nga hindi mo pa alam kung kailan ka uli makakahanap ng trabaho na fit sa schedule mo sa university. You're not financially stable, Marquine. If you insist your pride, hindi ka mapapataba niyan. Baka sa susunod na magkita tayo ay buto't balat ka na. Your health is more important."

Nakagat niya ang ibabang-labi. Tama naman ito sa bagay na iyon. Hindi siya financially stable dahil self support lang siya ngayon. Nanakit bigla ang lalamunan nya dahil sa pinipigil na pag-iyak.

"Hiyang-hiya na ako sa iyo, Markian," aniya na nagbaba ng tingin. Hindi naman niya magawang salubungin ang tingin nito. "Maraming beses mo na akong ginawan ng pabor."

Pinisil nito ang baba niya. "Let me help you," anito mayamaya.

Bahagya siyang napangiti. Umurong tuloy ang luha niya. "Akala ko ang sasabihin mo ay idadagdag mo sa utang ko sa iyo," aniya ng lakas loob itong tiningnan.

"Puwede rin naman," sakay nito sa sinabi niya. His eyes were smiling.

Alam ng Diyos kung gaano siya ka-thankful dahil hinayaan nito na mapalapit sa kanya si Markian lalo na sa panahong pakiramdam niya ay nag-iisa lang siya sa mundo. Ngayon, nasisigurado niya na may dalawang tao sa buhay niya dito sa Pilipinas na handa siyang tulungan.


"BAKIT p-in-lastic mo na 'yan?" takang tanong ni Marquine kay Markian nang ilagay nito sa eco bag ang natitirang instant noodles at pancit canton niya mula sa kitchen cabinet.

"Hindi ito healthy," tanging sagot nito.

"Pero pang-survive ko rin 'yan, eh."

"I don't care."

Matapos nilang mag-grocery ng sandamakmak kanina na animo magtatayo sila ng sari-sari store ay sumama pa ito sa loob ng apartment niya. Tumulong sa paglalagay ng mga pinamili sa kitchen cabinet at ref na naroon din.

Nagtaka pa ito dahil hindi niya binubuksan ang ref. Dahilan niya na malakas sa kuryente kahit na ang totoo ay wala naman siyang ilalagay.

Simula noong tumira siya roon ay natuto na siyang magtipid at um-appreciate ng mga simpleng bagay. Kung may gusto siyang bilhin dapat ay pagpaguran niya. Senyales na ba iyon na nagiging independent na talaga siya at nagma-mature? Lihim siyang napangiti.

"Done," ani Markian nang maitabi lahat ng pinamili nila. Nag-inat pa ito bago naupo sa may sofa.

"Gusto mo ng kape?" alok niya.

Umiling ito. "Tubig lang."

Nagsalin siya ng tubig mula sa galon ng mineral water sa baso. "Pasensiya na hindi kasi malamig."

"Okay lang," anito noong tanggapin ang baso. Walang kaarte-arteng inubos nito iyon. "Salamat," anito ng ibalik ang baso sa kanya.

"Magpapalit lang ako ng pambahay ko. Feel at home," paalam niya sa binata ng balikan ito sa may sala matapos ibalik sa kusina ang baso na ininuman nito.

Tumango ito. "Take your time."

Isang sulyap pa rito bago niya hinayon ang silid na gamit niya. Pagkakuha ng mga damit ay dumiretso siya sa CR para maglinis na rin ng katawan.

Binilisan lang niya at baka mainip si Markian sa paghihintay sa kanya.

Ngunit nang makalabas siya sa CR ay nakita niya na nakahiga na ito sa may sofa. Nakapikit ito habang nakaunan sa may throw pillow na nakapatong sa may arm rest ng sofa. Lampas pa nga ang mga binti nito sa sofa dahil sa haba ng mga iyon.

Maingat ang mga naging paghakbang niya ng lapitan si Markian sa may sofa. Mukhang nakatulog na nga ito. Napagod ba ito masyado? Napabuntong-hininga siya.

"Sorry kung naabala na naman kita ngayon," anas niya habang nakatitig sa guwapo nitong mukha. Napakabuti nito sa kanya. "Salamat, Markian."

Mayamaya ay ipinasya na muna niyang tumayo. Kinuha niya ang puti nitong jacket para tiklupin. May papel na nalaglag sa sahig. Kinuha niya iyon at tiningnan.

Isa iyong boarding pass. Tiningnan niya ang petsa. Mabilis siyang napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa may likod ng pinto ng apartment.

Napahawak siya sa kanyang bibig. Kung hindi siya nagkakamali ay kakauwi lang ni Markian ngayong araw sa Pilipinas. Muli niyang tiningnan ang boarding pass kung saan iyon nagmula.

"Italy..."

Galing ito sa Italy? Kaya siguro nakatulog agad ito ay dahil pagod sa mahabang biyahe. Bigla ay naalala niya ang pamilya niya na nasa Italy ngayon. Napabuntong-hininga siya.

Matapos tiklupin ang jacket ni Markian ay inilagay niya iyon sa mesita na naroon.

Pinagmasdan niya ang guwapo nitong mukha. Kumain na kaya ito? Ni hindi ito nagsabi kanina na nagugutom ito. Lumapit siya rito at lumuhod sa may gilid nito. Umangat ang kamay niya at marahang hinaplos ang gilid ng mukha nito.

"Sleep well," anas niya bago inilapit ang mukha rito. Pikit-mata na hinalikan niya ito sa may noo nito. Saglit lang iyon dahil ayaw niya na magigising ito.

Kinuha niya ang isang mono block at doon ipinatong ang paa ni Markian para hindi iyon mangawit. Pinatay niya ang ilaw sa may sala at ang ilaw sa may kusina ang hinayaan niyang nakabukas bago dumiretso na siya sa kanyang silid.

May ngiti pa sa labi ng matulog siya.


NANG MAGISING kinabukasan si Marquine ay mabilis siyang bumangon at lumabas ng kanyang silid. Napabuntong-hininga siya nang makitang wala na roon ang bakas ni Markian. Kahit saang parte ng apartment niya.

Umupo siya sa sofa. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi man lang niya nakita si Markian para nakapagpasalamat ng personal. Siguradong matagal na naman bago niya ito makita.


Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
341K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
947 71 7
Elementary Series By RM Publishing Writers Kasal-Kasalan By: Jaychan_ace Start: April 5, 2021 End: April 5, 2021
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...