Inside Her Mind (GirlxGirl)

By dark19

234K 8.8K 333

Can you love the person that everyone hated the most? This a Lesbian Love Story. (Cyrll and Roian story) More

Prologue
The Beast's Nightmare
Art of Scar
FEAR
Dark
Rose
EX
Gale
Sense
Hint
Devil beside me
Answer
The Good One
Wish
Paradise
Like
Did It
Mad
Sleep
Sweet Fever
Experimental Feelings
Through her eyes
Journal
Secret Code
Weak Point
Truth
To Stay
New Start
Other Side
Knew
Perception
Half
Capacity
Her Like
Destruction
Sweet Wine
Home
Two Worlds
Promise
Deception
Hunter's Show
Master of Sanity
Art of Betrayal
Itself
Behind Illusion
That kid!
Knife
One Step
Concern
A Paper
Starting In Her Mind
Mind of it's own
Inside Her Mind
Epilogue

Kite

3.2K 147 7
By dark19

Roian's POV

Pinipilit kong maging normal sa harap ng mga magulang ko at lalo na sa harap ng anak ko. Walang alam sina Mommy sa mga nalaman ko nung gabing iyon. At simula nung gabing iyon iniwasan ko munang makita sina Cyrll. Ayoko muna silang makita at makausap man lang.

"Mommy this is the best vacation ever!" Masayang sigaw nya habang nakatingin sa view na nadaraanan namin.

Magababakasyon kami ngayon ng anak ko. Gusto ko munang dumistansya sa kanilang lahat. Wala akong lakas ng loob na harapin sila dahil sobra yung poot na nararamdaman ko sa paligid ko at lalo sa sarili ko.

Si Yuan na lang ang meron ako at sobrang natatakot ako na malapit pa sya sa mga kaibigan ko.

Nakarating kami sa isang exclusive resort sa Zambales. May mga staff agad na nag asikaso sa amin para dalhin sa kwartong pinareserved ko. Sobrang galing ng ng nagdesenyo ng interior ng kwartong ni-rent namin. Morocan style. Feeling mo nasa abroad ka kapag andito ka.

Nag ayang kumain si Yuan dahil excited sya sa seafood na handa para sa mga guest nila.

Magkahawak kamay kami ni Yuan papuntang hall...

"Wow! Look like a Goddess!" Amaze na saad ng anak ko kaya napakunot yung noo ko kaya sinundan ko yung tinitingnan nya. May isang magandang babae na nakikipag usap sa mga staff.

"Ma'am this way po." Alalay sa amin ng staff kaya napatingin sa amin yung mga nag uusap.

Nang lumingon sa amin yung babae ay ngumiti ito. Lumapit sya at nag-hi sa amin. Si Yuan ang pula ng mukha sa hiya sa babaeng lumapit sa amin.

"Hi...If I'm not mistaken you are Roian Kaye of Pent Corporation." Nakangiting tanong nya. Ang ganda ng mga mata nya parang nangungusap din.

"Yes...ako nga..." alangan kong sagot kase hindi pa naman ako bumabalik doon. Si ate Belle lang.

"Cielo Santillan....My Mom own this resort." Nakangiting saad nya.

Okay medyo nalito ako... dalawa yung Mommy nya kaya napaisip ako sino kaya dun?

Narinig kong mahina nyang pagtawa.

"Sorry...my stepmom to be exact...Harra." saad nya.

"Ah! Sorry nalito ako....." sabi.

"Tara..." aya nya at ewan napasunod kami ni Yuan. I mean ako lang pala kase nagpakarga sya dahil hindi sya makalakad sa hiya kay Cielo.

Sya ang nag assist sa amin sa table namin at pinaserve nya yung best seller nilang pagkain.

Nakwento nya na nakilala na nya si Yvie dahil sa pinsan nya. Parang nanliligaw daw yung kaibigan ko sa pinsan nya. Wala akong maipayo sa kanya regarding sa bagay na ito...'takbo hangga't may lupa' o 'mas uto ang maniniwala sa uto' yan lang yung pamimilian nila dahil si Yvie yun! Sinungaling! Pero alangan naman siraan ko yung isa baka pasalvage na lang ng mga Santillan yung babaeng yun.

"Siguro pahirapan na lang ng pinsan mo si Yvie..." nakangiwing saad ko.

"Tita Yvie is a joker!" Sabat ng anak ko at napatawa si Cielo.

Mayamaya ay nag excuse sya ng matanaw nya na may pumasok sa entrance.

"Where's your Mom and you're ate Ashie?"

Paglingon ko ay isang babae ang kausap ni Cielo. She's look like a chinese. Sobrang sopistikada at ang ganda. Totoo talaga yung usap usapan na magaganda talaga yung mga napabilang sa pamilyang iyon.

"Wala pa po sila pero nagtext si Ate na baka 2pm ay nandito na sila." Paliwanag ni Cielo.

"May kasama ka?" Tanong nung babae.

"Opo Ma.... a new friend." Sagot ni Cielo. Sya si Harra. Namalayan ko lang na nakalapit na sila.

"Si Roian po...Roian sya ang Mama ko." Ang cute ni Cielo parang bata.

Sobrang nakakahiya sa buong duration na kausap ko sila lalo na yung Mama nya. Sobrang cool nyang magulang kay Cielo dahil parang magbarkada lang sila.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay naisipan namin ni Yuan na maglakad lakad sa tabing dagat. Naghabulan kami ni Yuan pagkatapos ay gumawa kami ng sand castle.

Mayamaya ay may lumapit sa amin. Pag angat ko ng tingin. Si Cielo at may dala sya ng kung anu ano.

"Let's fly a kite..." saad nya at parang nagliwanag yung mukha ng anak ko kaya napatawa sya.

Habang ina-assemble nya yung saranggola ay tahimik akong nanonood sa kanya habang kakwentuhan nya yung anak ko na hindi na nahihiya sa kanya.

"Sobrang favorite kase ng Mommy ko ang mga saranggola.....Naalala daw nya yung first love nya madalas daw nilang gawin ito nung nasa kolehiyo pa sila...that was my real Mom." Kwento nya.

"Bakit hindi sila nagkatuluyan ng Mommy mo gayong naging bunga ka naman..." tanong ko kase sobrang nakakacurious kase yung pamilya na 'to.

"She died long time ago in a car accident....si Mama Harra na yung tumayong isang magulang ko pa. She's nice and she loves my Mom a lot. She loves me and my Ate Ashie." Kwento nya kasabay ng pagkatapos nyang gawin yung saranggola. I mouthed sorry and she smile at me like it's okay.

"My Dad too....He died a years ago in a accident too but just like you....God gave me Tita Cyrll to be part of our family.....and she protected me and Ninang Shann nung naligaw kami sa malayong lugar...." bibong kwento ng anak ko at doon ako nabigla. Paano sya poprotektahan ni Cyrll that time eh magkasama kaming naghahanap sa kanya at sabay kaming nagluksa noong akala ko namatay sya sa Budapest?

"Really? Wow! Dapat ingatan mo din sya gaya ng pag iingat ko sa sumunod na magulang ko so the rest of your life you will be happy and you will be a great man someday." Saad ni Cielo.

Tumingin sa akin si Cielo.

"Ready?" Nakangiting saad nya at bahagyang iniangat yung hawak nyang saranggola kaya ngumiti ako at tumango.

"Ready! Ready! Ate Cielo...." aktibong sagot ng anak ko sa excitement kaya napatawa si Cielo.

Habang nagpapalipad kami ng saranggola ay nakalimutan ko saglit lahat ng bumabagabag sa isip at puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtitiwala sa mga kaibigan ko pagkatapos ng ginawa nila sa akin.

Parang tumigil yung paghinga ko ng naputol yung tali ng saranggola at tinangay ng hangin. Biglang nagunita ko lahat lahat ng nalaman ko. Pain! Bakit ang hirap mong pagalingin?

Narinig ko yung malungkot na panghihinayang ng anak ko. Cielo tap his head gently and she said...

"It's okay, we can build another one... we should learn how to letting go, My Mom told me someone in heaven need that kite. Walang masama na magtry bumuo ulit." Saad ni Cielo at tumingala sa kanya yung anak ko kahit malungkot ay tumango pa din.

Hindi ko alam bakit tinamaan ako sa sinabi nya.

Naka off ang cellphone ko dahil ayoko ng disturbo sa bakasyon namin ng anak ko. Ngayon ay nasa kwarto na kami at kakatapos lang namin kumain. Si Cielo ay umuwi na ng Manila kasama ang pamilya  nya pero ibinilin nya kami sa mga staff nya asikasuhin kami dahil kami yung special guest nya dito. Tuwang tuwa kase sya sa anak ko. Sobrang bait nya at hindi sya nakakailang kasama.

"Anak...kanina sabi mo si Tita Cy eh niligtas kayo ni Ninang Shann mo nung naligaw kayo sa malayong lugar?" Tanong ko sa anak ko na nakahiga sa tabi ko habang naglalaro ng games sa ipad nya.

"Opo Mommy....nakausap ko po sya sa cellphone ni Ninang Gale....uwi na daw kami pero nauna naman umuwi si Ninang Gale sabi maglibot kami sa tulay tapos sa simbahan na parang castle." Kwento ng anak ko.

"Nandun din yung Ninang Gale mo? Anong ginagawa nya dun?" Tanong ko dahil parang nilaro nilang lahat yung bawat pamilya namin. Lalo na yung pamilya ni Alvin at yung Mommy ni Gale para umamin lang sa lahat ng kasalanan nila.

"Naligaw din si Ninang Gale kagaya namin.....strange thing Mom, I saw Uncle Andrew there but he never approaches us...he look like he is watching us, sabi lang ni Ninang Gale act like na hindi ko sya nakita kase nasa isang reality show daw kami na hide and seek at si Uncle yung taya...it wasn't fun! They have toy guns." Kwento ng anak ko at inalis yung paningin nya sa ipad.

Napalunok ako, all this time akala ng anak ko nasa isang reality show kami?  Hindi nya alam na comatose yung Uncle Andrew nya sa hospital at patong patong ang kaso. Damay din yung mga lola at lolo nya.

Carol's POV

Magkakaharap kami ngayon, kaming lahat ng gumawa ng bagay na kinakasakit ng kalooban ni Roian. Sa kanilang lahat ako yung pinakanilalamon ng konsensya.

"Talagang hindi mo pinaalam sa aming lahat lahat ng plano mo at talagang goal mong magpatayan kami?" Walang ganang tanong ni Gale kay Cyrll.

"Yes. Hindi realistic kung alam nyong lahat,mas magandang ipakita sa dalawang yun na totoo yung galit nyo sa bawat isa lalo na sakin. Hindi naman kayo maniniwala kung ako yung magsasabi ng totoo hindi ba? So mas mabuting sila na lang." Napabuntong hininga si Cy after.

"Hindi ka baliw, just over dose in drugs.Your Mom is not that pro in drugging someone.... Congrats." Sarcastic na saad ni Cy kaya napatawa si Shann.

"Dapat talaga ako na lang bumaril sayo..." poker face na sabi ni Gale ng humarap kay Shann na sinamaan nya ng tingin.

"Garden is your only option Gale...." saad ni Cyrll.

"Matanda ako sayo ng buwan bakit makautos ka?" Napaka talaga ng Gale na to ang init init ng ulo.

Si Yvie sobrang busy sa pagtetext. Napakababaero talaga ng hinayupak ayaw magbago.

"Kailangan mabuhay ng Andrew na yun dahil paluluhurin ko pa sya sa pamilya ni Bianca." Saad ni Yvie at nilapag yung cellphone sa center table.

"Sabi ko sayo di ba sa balikat lang, bakit pinuruhan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cy.

"Nanggigil ako eh..." sagot ni Gale na para bang wala lang.

"Galit na galit si Roian....anong plano?" Tanong ko kase hindi talaga ko mapalagay kapag ganitong galit si Roian.

"Hindi naman nadadaan sa lambing yung isang yun." Saad ni Shann. Sya talaga yung pinakanapuruhan sa amin. Nakabenda pa din yung sugat nya at nahihirapan syang gumalaw dahil doon.

"Your resort island is still available?" Tanong ni Cy kay Yvie

"Oo, bakit?" Sagot ni Yvie. Yun ang private resort Island ng pamilya ni Yvie.

"Don't tell me kikidnapin mo sya?" Sigaw ko.

"Maglalambing lang...hindi ko na kaya itong pag iwas nya sakin. Namimiss ko na sila." Sobrang frustration at pagkamiss yung nakarehistro sa mga mata nya. Nakakaawa sya pero lalong magwawala si Roian sa ganitong sistema.

"Okay...I'll help you." Natatawang saad ni Shann. Doon ako napatingin sa kanya. Lintik!

"Bakit kaya hindi na lang tayo magtayo ng grupo ng sindikato? Shann sobrang career sa pangkikidnap?" Talagang nakakapika na sila sa ganitong gawain. At napatawa lang sya sa sinabi ko.

Bahala sya!

...............

Thanks for Reading

Vote and Comment Guys

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

170K 6.2K 83
When you thought guarded na 'yong heart mo and you've set your walls so high pero may nakapasok. Yes, that's what she did. She came in like a thief i...
78.4K 2.4K 57
Diana has a dark past which haunts her until now. She prevents herself to love again. Para sa kanya hindi na s'ya dapat magmahal at mahalin. Franki w...
837K 28.7K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.