Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

180K 5.4K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F1. The Game Begins
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

34. Confusions. And more confusions.

2.3K 76 20
By angDiyosaNgBuwan

"Sabihin mong nagbibiro ka lang." Medyo garalgal ang tono ni Aya nang magsalita. "Ano bang kalukuhan 'to ha, Alexa? Pinagbigyan kitang magpunta rito. And not for you to break up with me, afterwards!"

Hindi napigilang magalit ni Aya sa naging desisyon ng kasintahan. Ito naman kasi ang namilit na magpunta dito kahit matigas ang pagtutol niya, at ang makipaghiwalay ito ay hindi niya maintindihan.

"I know you still had feelings for her. I'm sorry, Aya... pero ayoko ng may kahati. You have to confront with your own feelings, first. Gusto kong maging malinaw ka muna sa sarili mo kung sino ba talaga ang gusto mo. I know you love me. I've felt it.

"But I know it wasn't whole. You're still wounded. You have to heal first, Aya. I'm still gonna stay. Sasamahan kita sa healing process na 'yon. But I don't want to keep you. Gusto kong malaya kang magdesisyon. Kaya't ibinibigay ko muna sa'yo ang kalayaan mo. It will help the both of us."

May isang butil ng luha na pumatak mula sa mata ni Aya. "Ano bang kalukuhan ang pinagsasabi mo? Hindi mo ba alam na sinasaktan mo ako ngayon sa gusto mong mangyari? I can't take another heartbreak, Alexa. At si Yuna ay isa na lamang nakaraan na ayoko nang balikan!" Aya pointed inside the house as if pointing to Yuna.

"At ikaw ang pinipili ko. Ikaw, Alexa," may diin sa tono ng designer.

"But you still love her, don't you?"

Sandaling natigilan si Aya sa tanong. Mahal pa nga ba niya si Yuna?

"It doesn't matter! Oo siguro nga may nararamdaman pa 'ko sa kanya, but it meant so little. Ayoko na sa kanya. Ilang beses na niya akong niloko at hindi ko na siya kayang pagkatiwalaan pa!" Bumunot ng malalim na hininga si Aya.

"Alexa ano ba... ikaw ang gusto ko, hindi siya," nasasaktang sambit niya.

"It does matter, Aya. I want to have you fully. And I won't achieve it if you're still hung up with your ex. And you will never be wholeheartedly happy if you still hadn't moved on from her. I am giving you time to think this through." Buo na ang desisyon ni Alexa. She had made up her mind even before they came here. Hindi madali para sa kanya ang desisyon pero alam niyang ito ang nararapat.

Kinuha ni Alexa ang dalawang kamay ng designer at masuyong pinisil ang mga iyon. "But as I have said, I'm still staying. I am still gonna fight for you. But I want you to be truthful, not only to me, but to yourself. If you want me, then you'll move on. You'll heal yourself and love me wholly."

She paused for a while and then said, "because I believe that's what I deserve."

Hinawakan ni Aya ng mahigpit ang mga kamay ni Alexa nang anyong bibitaw na ito. "Alexa, please... don't do this."

"Aya... mas makakapag-desisyon ka ng maayos kung hindi ka nakatali sa akin. Kailangan mo munang pagalingin ng tuluyan ang puso mo. I want you to be happy, all right? Kaya sundin mo ang puso mo. I'm not exactly telling you to choose her. What I want is for your heart to be free of any burden, of any pain and hate. Just be free of everything. And don't you worry... I'll always love you. And I'm always here for you. Hindi ako mawawala," masuyong wika ni Alexa.

"No, no, no. Please..." pakiusap pa rin ni Aya. Aya was now in her comfort zone. Alexa was her comfort zone. And to get out of that comfort zone was scary. She didn't want to confront her fears, her pains. She was afraid.

Pilit na kumalas si Alexa sa mga kamay ng designer. Nakayuko at nakakagat-labi upang pigilin ang emosyon. Even if she wanted to, she wasn't the type to back out from her words. Lalo na at alam niyang iyon ang nasa katwiran.

Sa background ay maririnig naman ang tunog ng mga sirena ng ambulansya at mga pulis. Dumating na rin ang mga ito. Kasabay ng mga nakabibinging tunog ng mga iyon ay ang muling pagkadurog ng puso ni Aya. Pakiramdam niya ay ang mismong puso niya ang nasa kritikal na kalagayan at nangangailangan ng tulong. Nanginig ang mga labi niya at hindi na napigilang umiyak.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakalabas na din sila ng lugar na iyon at nagtungo naman sa presinto upang i-report ang pangyayari. Si Mike ay nasa kustodiya na ng mga pulis. Alexa made sure that the man would receive his deserved punishment. Kung maimpluwensya ang pamilya nito at ang mga Smith ay di-hamak na mas maimpluwensya ang pamilya niya. It was these times that she was grateful for having rich and powerful parents.

Labis-labis naman ang pasasalamat nina Reign at Jessica.

"Salamat talaga sa'yo, Alexa. Kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi na natin naabutang buhay si Yuna. Makakabawi din kami sa'yo," si Jessica.

"Alam mo... hindi talaga kita bet dati. Pero ngayon, idol na idol na kita. I salute you!" ang wika naman ni Reign na sumaludo pa.

Bahagya namang natawa si Alexa. "Walang anuman. Ginawa ko lang ang tama."

Nasa labas sila ng ospital na kinalagakan kina Yuna at Felix. Matapos dumaan ng presinto ay dumeretso na sila doon. Ayaw na din kasing pumasok ni Aya kaya't nanatili sila sa labas. Nasa loob ng sasakyan ang designer at walang kibo. Sina Alexa at ang magpinsan ay nag-uusap sa labas. Sa di-kalayuan ay ang mga tauhan ni Felix.

Sa araw na 'yon ay babalik na din agad ng Maynila ang grupo, maliban sa tatlong magpipinsan. Under observation pa kasi si Yuna dahil sa mga natamo nitong bugbog. Kinailangan nitong manatili sa ospital ng ilang araw. Si Felix naman ay pinayagan nang ma-discharge ng mga doktor. Matapos itong malapatan ng paunang-lunas ni Kurt ay naging stable na rin naman ang kalagayan nito. Saka sanay na rin naman itong nasusugatan sa bakbakan.

Nilapitan din ni Jessica ang tahimik lang na si Aya, mula sa nakabukas na bintana ng kotse. "Hey, Aya..."

Bigla namang napaangat ng mukha dito ang designer.

"Salamat nga pala. Alam kong labag sa loob mo ang pagpunta rito. At naiintindihan ko naman. Pero alam kong gusto mo ding tulungan si Yuna, dahil kung hindi ay wala ka rito. Alam ko ring hindi biro ang ginawa sa'yo ng pinsan ko... pero sana ay magawa mo sa puso mo na patawarin siya.

"Sa mga panahong ito niya kailangang-kailangan ng suporta. We still don't know yet kung anong magiging reaction ng mga magulang niya. Knowing them... hindi ko alam kung papanig pa sila kay Mike o ano. Pero isa lang ang alam ko... Yuna was not safe yet. Maaaring kailanganin pa rin namin ang tulong ninyo ni Alexa.

"At sana'y... maging open ka doon. And... she needs you, Aya. She badly needed you. Hindi ko sinasabing balikan mo siya. Just please... give a little compassion towards her. She has no one. Kami ni Reign, nakatali pa rin kami sa mga magulang namin, pero gagawin naman namin lahat para tumulong."

Matamang nakikinig lamang si Aya habang nagsasalita si Jessica.

"I can't promise anything. But I'll try," aniya nang matapos ito.

Jessica smiled at her gratefully. "Salamat, Aya. It was more than enough." Matapos pisilin ang balikat ni Aya ay tumalikod na ang babae at nagpunta sa naghihintay na si Reign.

Sinulyapan naman ng huli ang designer at tumango. Pagkatapos magpaalam sa mga tauhan ni Felix ay pumasok na muli ng ospital ang magpinsan.

Pumasok na rin ng kotse si Alexa. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita na nilang palabas si Felix na inaalalayan ni Dennis.

"Hindi mo man lang ba siya sisilipin?" Ang biglang tanong ni Alexa sa kasama.

"Don't make this more difficult for me, Alexa. Please," masama ang loob na sagot ng designer. Nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi na nagsalita pa ang makulit na babae. Habang bumabyahe pabalik ng Maynila ay wala nang namagitang pag-uusap sa dalawa. Hanggang sa maihatid ni Alexa sa bahay ang designer ay tahimik pa rin ito.

Ilang sandali nang nakatigil ang sasakyan ngunit wala pa rin sa kanila ang kumikilos.

Nagpakawala ng malalim na buntung-hininga si Alexa. "I'm sorry."

"Don't. Just please, don't," pigil ang mga luhang sambit ni Aya.

Hinarap ni Alexa ang designer. "Sana maunawaan mo na ginagawa ko lang ito para na rin sa ating dalawa."

Muling bumuhos ang mga luha ni Aya.

Parang kinurot naman ang puso ni Alexa sa nakita. Niyakap nito ang designer. "Oh, Aya... I'm sorry. I'm sorry."

"Please..." Aya pleaded painfully. She clung tightly to the silly woman.

"Bawiin mo na lang ang sinabi mo, sige na. Hindi ko kaya, Alexa. Hindi ko kaya. Mahal kita. Mahal kita..." sa pagitan ng paghikbi ay pagsusumamo pa.

Bahagya niyang inilayo ang katawan dito. "Naiintindihan mo ba? Ikaw ang gusto kong mahalin. Nakahanda akong kalimutan na nangyari 'to. Just take it back, please..."

Hinawi ni Alexa ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng designer at masuyong hinaplos ang mukha nito. "No, Aya. I'm sorry," marahan niyang sagot.

"Please... huwag mo namang gawin sa 'kin 'to. Kung gusto mo, hinding-hindi na ako lalapit kay Yuna. Iyon ba ang ipinag-aalala mo? Magre-resign na din ako sa Dimitri's at kakausapin ko siya na huwag nang lumapit pa sa 'kin."

Napailing-iling si Alexa. "That's exactly the reason why I want to set you free. Ayokong maging dahilan para mapilitan kang umiwas sa kung sinumang tao at huwag gawin ang anumang bagay. 'Cause that aint love. That's possessiveness. Magkaibang bagay 'yon. At hindi 'yon masaya, kundi mabigat sa dibdib. Gusto kong maramdaman mo na may kalayaan ka.

At ayokong iwasan mo si Yuna. Gusto kong magkaayos kayo. Magkapatawaran. Gusto kong kalimutan mo na ang nakaraan at mag-move-on. Iyon lang ang paraan para maging masaya ka ng buong-buo."




----





Nasa kuwarto na si Aya pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Dire-diretso siyang pumasok ng silid matapos nilang mag-usap ni Alexa. Ito naman ay kinausap ang mga magulang niya. Marahil ay ipinaalam ang pangyayari. Hindi na niya ipinagpaalam sa mga magulang ang tungkol sa pagsagip nila kay Yuna. Sigurado kasing mag-aalala lang ang mga ito.

"Baliw ka talagang babae ka. Alam mo ba 'yon? Ikaw na ang pinakabaliw na taong nakilala ko," kausap niya sa larawan ni Alexa sa kanyang cellphone. Nakaupo siya sa kama. Nakabihis na rin ng puting t-shirt at shorts. Sa ibabaw ng binti ay may isang unan.

Nagpahid siya ng pisngi at suminghot. "Dati kinukulit mo ako nang kinukulit na sagutin ka, tapos ngayon makikipaghiwalay ka ng basta-basta! Sira-ulo ka pala eh..." wika niya sa pagitan ng paghikbi.

"Nakakainis ka. Nakakainis ka!" Aniyang pinanggigilan ang litrato, tumutulo pa rin ang luha.




----





"Alam mo, hindi kita maintindihan eh! Sa lagay na 'yan, parang ipinamigay mo na siya kay Yuna. Ano bang kalukuhan ang pumasok sa kukote mo para gawin 'yon? Ah... nakalimutan ko na... baliw ka nga pala," patuyang wika ni Cleo kay Alexa. May hawak itong beer. Plain loose t-shirt na pinatungan ng denim jacket ang usual style nito. Kagaya ni Alexa ay mahilig rin sa butas-butas na pantalon. At ang signature hairstyle naman nito ay ang nakahawi sa kabilang parte ng ulo ang buhok habang sa kabila ay nakalugay lang.

Nasa bar ang mga ito. Kasama na ang apat pang matatalik na kaibigan. Doon dumeretso si Alexa pagkagaling kina Aya.

Wala namang kibo si Alexa. She didn't retaliate on what her friend said.

"Alam mo, brad... I don't normally take Cleo's side but I have to agree with her this time. That was a really dumb move. I don't think that will work," si Maxie habang nakapatong ang dalawang siko sa mesa.

Ini-adjust nito ang suot na bestida at muling nagsalita, "I admire you, all right. That was really... a noble thing to do. Pero nasa'yo na si Aya. Hindi mo na siya dapat pinakawalan pa. Now you'll start from the scratch again. Ang masama pa... you are blowing your chances on her by helping Yuna."

Maging si Jeffrey ay sang-ayon din sa dalawang babae. "She's right, brad. Sa ginagawa mo baka malabo nang bumalik sa'yo si Aya."

"Alam niyo, sa tingin ko ay tama lang ang ginawa niya," sali naman ni Quintin sa usapan.

"Me too..." sang-ayon naman ni Margo.

Agad namang umalma ang tatlo.

"What? How is that right? Isang malaking kabobohan ang ginawa niya. Kung talagang mahal niya hindi niya pakakawalan," ani Cleo.

"Hey! Stop being so harsh for once, will ya?" Kastigo dito ni Quintin.

"I'm just telling the truth!"

"Guys, guys... " awat ni Margo na itinaas ang isang kamay "it was Alexa's decision, so let's respect it. Saka isa pa, kung hindi niya ginawa 'yon, sooner or later magkakaroon din sila ng problema dahil hindi pa tuluyang nakaka-move-on si Aya. For me it was a wise decision."

"Bullshit," si Cleo.

Quintin glared at her disapprovingly. Napailing naman ang iba. Napatingin silang lahat kay Alexa na nanatiling tahimik. Hindi nila mabasa ang iniisip nito.

Alexa glanced back at her friends. And smiled. Like she didn't have any problem.

Cleo snorted. "Tingnan mo. Sarap batukan nito. Parang ewan talaga," mahinang wika nito.

Alexa just continued smiling. "Thank you for the concern, guys. I really appreciate it. At tama naman lahat ng sinabi ninyo. Pero hindi ko pa rin pinagsisisihan ang ginawa ko. Kayo na rin mismo ang nagsabi na may posibilidad na hindi na bumalik sa akin si Aya. And for you to think that---

"--- there was really something wrong. Because you all know she didn't love me enough to stay. I know that too. That was why I let her go. You see... I'm doing this for myself too. Kung para talaga siya sa'kin, mangyayari 'yon sa tamang panahon. But now... we all know that it wasn't hundred percent sure.

"Hindi ko sinusuko ang laban. No. I'm still fighting. Also, it was my test to Aya. If she love me enough, then she'll choose me. You all think I was foolish... but no... I was the biggest narcissistic bitch and I only want the best. I want Aya to love me truthfully and wholeheartedly. Nang walang kahati. But I won't do all the effort. She has to take part in it."

Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Kahit si Cleo ay hindi na nakakibo.

Alexa smiled victoriously. "I think that closes the argument," she said confidently and took a gulp of her beer.



----




Two days later...


"Hi."

Sa pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Aya ay mukha ni Alexa ang nabungaran niya. Umasim ang mukha ng designer at agad na ibinalibag pabalik ang pinto subalit pinigil iyon ng paa ni Alexa.

"Aw! Ow! Ow!" Daing ni Alexa na dahilan upang buksan muli ni Aya ang pinto. Napatalon-talon sa sakit ang makulit na babae. Sobrang lakas kasi niyon.

"Ano ba kasing ginagawa mo?? Kung hindi ka ba naman talaga baliw eh..." kastigo rito ng designer pero lihim na nag-aalala.

Dumadaing pa rin si Alexa. Nasaktan kasi talaga siya. "Grabe... gano'n ba talaga katindi ang galit mo sa'kin?" Aniyang nakangiwi.

"Malay ko bang ihaharang mo ang paa mo! Kung hindi ka naman kasi tanga," pagtataray pa rito ni Aya.

"Ouch. Makatanga ka naman..." malungkot na wika ni Alexa, nakatulis ang nguso na anyong nagtatampo.

Bigla namang na-guilty si Aya pero agad ring pinagtakpan iyon, "eh sa totoo naman. Umalis ka na nga lang. Huwag mo akong iniistorbo!" Aniya at tuluyan nang isinara ang pinto. Hindi na iyon kasing-lakas kanina dahil baka iharang na naman nito ang paa. Buti na lang at hindi. Napasandal siya sa dahon ng pinto at napahugot ng hininga. Sa totoo lang ay gusto niyang tingnan ang paa nito.

Si Alexa naman ay naiwang nakatungo. Naalala ang sakit ng paa nang maitukod iyon. Naupo na siya sa sahig at tinanggal na muna ang sapatos at medyas.

Nasa ganoong posisyon siya nang biglang bumukas muli ang pinto. Dumungaw si Aya. Halata ang pag-aalala sa mukha nito kahit pilit na pinagtatakpan. "Oh... ilagay mo diyan," mataray pa ring abot sa ice pack.

May personal fridge kasi ito sa loob.

Napangiti naman si Alexa. "Oy... concern siya..." panunukso niya.

"Concern mo 'yang mukha mo! Malamang dahil ako ang nakadisgrasya sa'yo. Mam'ya kung ano pang mangyari diyan, kargo de kunsensya ko pa."

Inabot na lang ni Alexa ang ice pack. Masyado yatang mainit ang dragon ngayon. "Taray talaga..." bulong niya sa sarili. Itinapal na ang ice pack sa paa. Namumula iyon.

Si Aya ay magkakrus ang mga braso habang nakamasid sa kanya. "Ano ba kasing kailangan mo? Bakit ka nandito?"

Tumayong muli si Alexa, habang ang ice pack ay iniwanan muna sa paa. Sumandal sa hamba ng pinto para hindi iyon mapuwersa. "Uh... nabalitaan ko kasing nalipat na si Yuna dito sa Maynila. Yayayain sana kitang dalawin siya," malumanay na sagot niya.

Biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha ni Aya.

Napalunok naman si Alexa. Patay. Mabubugahan yata ako ng dragon.

Nang walang anu-ano'y bigla nitong inapakan ang mismong paa niyang nasaktan. Napasigaw siya sa sakit. "Araay! Ah! Ah!"

Galit siyang dinuro ni Aya. "Dalawang araw tayong hindi nagkita tapos nang magpakita ka sa'kin si Yuna ang gusto mong puntahan natin??? Nakakainis ka talaga!" Sabay hampas pa sa braso ni Alexa.

"Ah... ouch... grabe ka sa'kin... papatayin mo ba 'ko?" Dumadaing pa ring turan ni Alexa, sapo ang nasaktang paa. Napaupong muli.

"Buwisit ka kasi!" Gigil na sita ng designer, bagamat naaawa rito. "Pumasok ka nga ro'n sa loob!"

"Oy, teka... may binabalak ka sa'kin 'no?" Nagawa pang magbiro ng makulit na babae.

Pinandilatan ito ni Aya. "Gusto mo bang ulitin ko?" Banta niya.

"O, o, o... teka... nagbibiro lang naman eh..." tumayo na si Alexa bagamat hirap. Napilay na yata ng tuluyan ang paa niya. Halos hindi siya makahakbang.

Napilitan si Aya na alalayan ito.

"Ang sweet naman..." biro ni Alexa nang malapit na sila sa kama.

Bigla siyang binitawan ni Aya at muntik na siyang matumba sa sahig kung hindi nakaalalay ang isang kamay niya sa kama. "Grabe... ang sweet mo nga talaga... sobra."

Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Aya habang nakatingin sa kanya. "Kapag hindi ka pa tumahimik, sisipain na kita palabas," banas na sabi nito.

Itinaas ni Alexa ang mga kamay at gumawa ng mosyon na animo'y isinasarang zipper ang bibig.

Mabigat ang mga hakbang na bumalik si Aya sa pinto upang kunin ang ice pack na naiwanan na sa sahig. Ipinatong niya iyon sa paa ni Alexa na nakaunat na sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay iniwan muna ito. Tinungo naman ang dresser at naghalungkat doon. Nang bumalik ay may dala nang ointment. Umupo rin sa kama at ipinatong ang injured na paa ni Alexa. Walang imik na pinahiran iyon ng ointment habang magkasalubong ang mga kilay.

Hinayaan lang ito ni Alexa at pinangatawanan na ang pananahimik.

Nang matapos ay agad ring ibinaba ni Aya ang paa nito. "Ayokong sumama. At sa lagay mong 'yan baka hindi ka rin makapaglakad ng maayos kaya huwag ka nang mamilit pa."

Nananatiling nakatikom ang bibig ni Alexa. Napairap na lang ang designer dito. Maya-maya'y kinalabit nito si Aya.

Nagtatanong ang mga matang nilingon ito ni Aya.

Itinuro ni Alexa ang bibig at inilapat ang dalawang kamay na parang nagsasabi ng 'please' .

Naintindihan naman iyon ng designer. "Eh di magsalita ka," wika niyang may halong yamot.

"Kaya kong maglakad. Mani lang sa'kin 'to. Ako pa," ang mayabang na saad ni Alexa.

"Eh sa ayokong magpunta 'di ba? Magpunta kang mag-isa mo!"

"Aya, come on... hindi ka ba nag-aalala sa kanya? Saka ang balita ko may binabalak na kabalbalan ang queen mother witch niya. Kaya puntahan na natin siya..."

"Sabi nang ayoko eh! Kung gusto mong magpakabayani eh di ikaw na ang magpunta. Huwag mo 'kong idadamay." Yamot na napatayo na si Aya.

"Aya..."

"Kung hindi ka talaga titigil malilintikan ka na sa 'kin. Hindi mo ba naiintindihang mahirap ang pinapagawa mo sa 'kin?"

"Pero---"

"Isa!"

Sa huli ay napasama pa rin si Aya. Dahil kagaya ng inaasahan, hindi siya nanalo sa kakulitan ni Alexa.




----




Tatlumpung minuto, walong segundo at apat na mille-segundo. Ganoon katagal na nagtititigan lamang sina Aya at Yuna sa loob ng hospital room ng huli. Iniwanan sila ni Alexa upang makapag-usap.

Hindi malaman ni Aya ang mararamdaman habang nakatitig dito. Mabuti-buti na ang itsura nito kaysa noong nakaraan. Bagamat walang bakas ng make-up ay nagkaroon na ng buhay ang mukha nito. The bruises were still visible but slightly fading.

Tumikhim si Aya para magalaw ang nanuyo na yata niyang lalamunan. Pero nauna nang magsalita si Yuna.

"S-salamat sa pagpunta... Aya."

Muling tumikhim si Aya. "Huwag mong masyadong ikagalak ang pagpunta ko rito, dahil kinaladkad lang ako ng babaeng 'yon."

Mapait na ngumiti si Yuna. "But you still came, so... thank you."

Matiim na napatitig dito si Aya. Bakas ang labis na lungkot sa mga mata nito. They were almost black and lifeless. Maya-maya'y napahugot ng malalim na hininga ang designer. "I'm not angry at you, all right? Ngunit huwag mong isipin na nakalimutan ko na ang mga ginawa mo sa 'kin. I was just so hurt. It was so hard to forget the tremendous pain you have caused me. I was like... traumatized. You were my first ever serious relationship and I fell for you so hard that your betrayal almost felt like death."

She released a sigh again.

"Somehow I understand why you did that. But I couldn't accept that. And I am not ready to welcome you in my life again. I couldn't help but relive the pain. It was just so hard."

Napasigok si Yuna habang nakatingin sa taas. Namamasa na ang mga mata ngunit pinipigilang umiyak. She gave Aya a sad smile. "I understand. Pero sana... bigyan mo ako ng pagkakataon na makabawi, Aya. I'm not forcing myself on you. Sana lang... bigyan mo pa rin ako ng puwang sa buhay mo. Alam kong hindi ko na maitatama ang mga mali ko. Pero... humihingi akong muli ng pagkakataon sa'yo... para patunayan ang sarili ko.

"Gusto ko nang ayusin ang sarili ko at kasabay no'n ay gusto ko rin na maayos ang relasyon nating dalawa. Gusto ko na ding makalaya sa bigat na nararamdaman ko. At alam kong gano'n ka din. Kung kailangang araw-araw akong humingi ng tawad ay gagawin ko, mapatawad mo lang. Just give me a chance, Aya. One last chance. That's all I'm asking."

Matagal bago makasagot si Aya.

"No attachment involve, Aya. Just... a chance... let me in in your life again. Let me make amends for my mistakes," dagdag ni Yuna.

"All right... " Aya answered with a sigh.
I'll give you a chance. Gusto ko na rin kasing matahimik ang buhay ko. Ayoko nang mamuhay sa sakit ng nakaraan. It had been for too long. I just realized I was wasting so much of my time and energy living in pain, when in fact, it was all over. And it was really stupid."

"Thank you. You made me happy, Aya."

Sa unang pagkakataon ay may kinang na nakita si Aya sa mga mata ng dating kasintahan.

"This is not over yet," saad ni Aya.

"I know... I'm just thankful you're talking to me again," sagot naman ni Yuna.

"You're still not forgiven and I still don't trust you. Marami ka pang dapat patunayan bago bumalik ang tiwala ko sa 'yo."

"I know," Yuna answered weakly.



----




"I told you... may magiging magandang resulta ang pagpunta natin doon," ani Alexa habang nasa manibela. Pauwi na silang dalawa.

"Huwag kang masyadong maging masaya, dahil may kasalanan ka din sa'kin," matabang na sagot ng designer. Napabuntung-hininga. Magandang resulta nga ba? Pero pakiramdam niya malapit na namang bumagyo ang buhay niya.

"You were just on a first step. Just took a step each time. You'll get there, don't worry."

"Huwag mo 'kong pangaralan. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung kakayanin ko ang bawat hakbang na sinasabi mo," may bahid pa rin ng yamot ang boses ni Aya. Her life was about to get more complicated. Again.

"Kaya mo 'yan. May tiwala ako sa'yo," ang wika naman ni Alexa.

Hindi na umimik si Aya. Napatingin na lang sa labas ng bintana. Papalubog na ang haring araw. Parating na naman ang dilim. Kagaya ng nagbabadya sa buhay niya.

Namalayan na lang niyang tumigil ang sasakyan. Nakarating na pala sila ng bahay. Nag-alis na ng seatbelt si Aya at anyong lalabas na nang pigilin ni Alexa sa braso.

"Hey... may nakalimutan ka," anito.

Napakunot naman ng noo si Aya dito. "Ano?" Tanong naman niya. Wala naman kasi siyang ibang dala kundi ang hawak na niyang bag.

Nang bigla na lang siya nitong siniil ng halik.

Napamulagat si Aya. "Ummp..." her protest died down in her throat.

Mabining iginalaw ni Alexa ang mga labi. Na parang nanunuyo. Pinaglipat-lipat sa pang-ibaba at pang-itaas na labi ng designer na halos hindi nakahuma nang dahil sa pagkabigla.

Maya-maya pa'y unti-unti na ring bumaba ang talukap ng mga mata ni Aya at dahan-dahan na ring tumugon.

Nang maramdaman iyon ni Alexa ay mas lalo pa niyang pinalalim ang halik. Ipinasok ang dila sa bibig nito at nakipaglaro doon. Aya kissed back with the same intensity.

Parehong naghahabol ng hininga ang dalawa nang matapos.

"Y-you.... what the--- I-i t-thought..." halos hindi maituloy ni Aya ang sasabihin sa pagkahingal at pagkalito na rin. Magkadikit ang mga noo nila. Nasa magkabilang pisngi niya ang dalawang palad ni Alexa. Malaya niyang ninamnam ang init na nagmumula roon.

Muling dinampian ng mabilis na halik ni Alexa ang labi ng designer. Bahagyang lumayo. "Hindi ba't sabi ko ipaglalaban kita? Sinabi kong palalayain kita, oo. Pero hindi ko sinabing hindi kita hahalikan o kung gusto mo..." hindi na itinuloy ng makulit na babae at napangiti na lang. Her famous lopsided smile that Aya hated and loved at the same time.

Pulang-pula naman ang mukha ng designer. "Sira-ulo kang talaga," halos paanas niyang wika.

Pinadausdos ni Alexa ang daliri mula sa gilid ng labi ni Aya hanggang sa baba sabay sabing, "well... that's my trademark."

Nag-isang tuwid na linya ang bibig ni Aya. Bumubukol ang gitna ng dalawang kilay sa pagkakasalubong ng mga iyon. Nalilito pa rin siya sa mga pinaggagawa ni Alexa. Ang hirap nitong spelling-in.

"Baba ka na. Baka ma-rape pa kita," biro ni Alexa na napakagat-labi pa. Nakakaturn-on kasi ang itsura ni Aya.

"Baliw."

Continue Reading

You'll Also Like

37K 2.1K 54
Libertà University also known as Libertà De Universidad. It is a university that is found hidden within the forestry of Mount Apo. A university that...
11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista
1M 34.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...