If You Don't Know Me By Now

By wonderwall23

282K 8K 1.7K

More

Forewords
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 16

11.8K 357 70
By wonderwall23

"Anong sinabi mo?" Jasmine said indignantly. Nanginginig ito sa sobrang galit habang umiiyak. Daniel's heart was breaking seeing her like this, pero kailangan nyang maging matatag. Kailangan nyang gawin ito. Kailangan maging sa kanya si Kathryn. Kahit anong mangyari.

"Let's call off the wedding." Pormal na sabi ni Daniel.

Naroroon sila sa bahay ng dalaga para mag-usap. Sinundan nya ito nang mag-walk out ito kanina.

Lalong napaiyak si Jasmine. "You can't do this to me, Daniel. Hindi pwede. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin. You can't leave me for that bitch!"

"Don't call her that."

"So ngayon gusto mo na sya dahil sya pala ay isang sikat na writer? That does not change a thing. Isa pa rin syang bitch and whore!"

"Sinabi ko ng don't call her that!"

"You're just confused. Hindi mo sya mahal. Ayaw mo talagang gawin ito. Nabubulag ka lang. How could you even think na iwan ako? Gumising ka, Daniel! This is a stupid thing to do."

"Sigurado ako sa gusto ko."

"Don't tell me you love her. Please."

"I love her. I really do."

He saw how her eyes turned mad. Mad as in insane. "Hindi! Hindi mo ko iiwan! You're not going after that bitch! Hindi sya pwedeng maging masaya! Sisiguraduhin koi yon! Pwede kang magmahal at magpakasal sa ibang babae, wag lang si Kathryn! Matutuloy ang kasal natin kahit anong mangyari. Hindi ko makakaya ang kahihiyan. Lalo na ang pamilya ko. Magpapakasal tayo." Iniwanan sya ng dalaga pagkatapos ng mga salitang iyon.

Napahugot sya ng malalim na hininga. Alam nyang hindi iyon magiging madali. Alam nyang pagbayaraan iyon sooner or later. Pero it would be worth it kung mapapasakanya uli si Kathryn. Kailangan nyang maging strong and focused. Hindi pa huli ang lahat.

__________

"Pakasalan mo si Jasmine."

"Ma!" Sigaw ni Daniel nang marinig ang sinabi ng ina. Inamin nya na sa ina na in love sya kay Kathryn. Humingi sya ng tulong at advice dito. Gusto nyang kausapin ng Mama nya ang magulang ni Jasmine tungkol sa pagka-cancel ng kasal.

"Seryoso ako, anak. Pakasalan mo sya. Kalimutan mo na si Kathryn."

"Hindi yan ang ineexpect kong marinig sayo. Anong nangyayari sayo, Mama?"

"Marami ka ng nasaktan. Wag mo ng idagdag si Dominic at Jasmine sa listahan. Mas mabuti pang mag-settle down ka na lang kasama ni Jasmine. Isa pa, magpapakasal na rin si Kathryn. Don't ruin things for her. Mabuting tao si Dominic at mahal na mahal nya si Kathryn. Sya ang tamang lalaki para kay Kathryn at hindi ikaw."

"Ma..." He said in a long suffering voice. Namumuo na ang luha sa mga mata nya. Kahit ang Mama nya ay sinasabihan na syang mag-give up. He felt so alone in this battle. Gusto nya ng mag-give up pero nagpprotesta ang utak at pus onya. Hindi nya kayang pakawalan si Kathryn.

"Hindi ko gusto si Jasmine, pero magagawan ko naman iyon ng paraan. Itigil mo na ang kalokohang ito, Daniel. Kung sinabi mo ito sa akin noon pa, baka tinulungan kita. Pero iba na ngayon. Anak kita, pero mas mabuting lalaki sayo si Dominic para kay Kathryn. Hindi na sya iiyak. You constantly bring her pain and suffering at hindi ko na iyon mapapalagpas. Ayusin mo ang sarili mo at ayusin mo rin ang gulo nyo ni Jasmine."

Gusto ni Daniel na sumigaw at magwala. Gusto nyang ibato ang lahat ng bagay sa paligid nya. Gusto nyang manakit ng tao. Galit na galit sya sa sarili nya sa mga oras na iyon.

__________

"Daniel." Gulat na sambit ni Min nang makita binatang bumaba sa kotse.

Pumunta si Daniel sa bahay ng dalaga para dalawin ito. Nang makita nya ang Tita Min nya ay mukhang kagagaling lang nito sa opisina.

"Hello, Tita."

"Hello din. Bakit bigla ka atang napadalaw? May kailangan ka ba sa kin?"

"Actually, andito po ako para kay Kathryn. May sasabihin lang ako sa kanya."

"Ganun ba? Halika. Pasok ka."

Pumasok silang dalawa at narinig nyang tinanong ni Min sa kasambahay kung nasaan si Kathryn.

"Nasa video room sya, Ma'am."

Lumingon sa kanya ang kanyang Tita Min. "Gusto mong tawagin ko sya o puntahan mo na lang?"

"Puntahan ko na lang po sya." Naisip nya kasing hindi tamang magdemand na si Kathryn pa ang lumapit sa kanya. Sya ang may kailangan sa dalaga kaya't sya dapat ang lumapit dito.

Dumiretso na sya sa video room. Bago pa sya makapasok sa loob ay may naririnig syang malakas na tawa. Galing iyon kay Kathryn. Hindi nakasara ang pintuan kaya't nakita nyang tumatawa ang dalaga na para bang wala itong problema. Maganda sanang panoorin iyon kaso nakita nyang kasama nito si Dominic at kinikiliti nito ang dalaga. His heart sank. Hindi pa nya nakitang ganoon kasaya si Kathryn noon. Hindi nya ito narinig na tumawa na ganoon kalakas.

Habang tumatagal ay lumalayo sa kanya ang dalaga. Pakiramdam nya ay hindi na nya ito maabot. It felt like someone is taking his life away from him. Hindi nya akalaing being in love with her could bring him intense pain and heartache.

She was happy with Dominic. Napapatawa sya nito. He hated to admit pero mas mabuting lalaki nga sa kanya si Dominic. Hindi nito papaiyakin si Kathryn. Sapat na dahilan na ito sa kanya para mag-let go pero hindi nya talaga kaya. Merong parte ng pagkatao nyang nagpprotesta.

Tumigil ang paghinga nya nang makitang hinila ni Kathryn ang collar ni Dominic saka hinalikan ang binata sa lips. His heart broke into a million pieces seeing that. Lalo na at nakangiti ang mga ito pagkatapos. He was frustrated and jealous. Naiiyak na naman sya. He never felt this helpless his whole life. Winish nya na sana ay may magagawa sya. Sana ay kaya nyang ibalik ang oras.

Dahan dahan syang tumalikod. Hindi ito ang tamang oras na kausapin nya si Kathryn. Gusto sana nyang sabihin sa dalaga kung gaano nya ito kamahal. Gusto nyang mag-confess na dito. He even wanted to propose. Meron na nga syang singsing. Ang singsing na iniwan sa kanya ng Lola nya bago ito mamatay. Ito ang engagement ring na binigay ng Lolo nya sa Lola nya. Never nyang naisip na ibigay iyon kay Jasmine noon. Hindi nya rin alam noon kung bakit. Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang dahilan. Para kay Kathryn ang singsing na iyon. Pero gustuhin pa kaya ng dalaga ang singsing ngayong meron na syang Dominic?

__________

Tahimik na tinitingnan ni Dominic ang mga pictures na hawak nya. Gusto na nyang ipadala iyon kay Daniel pero parang may pumipigil sa kanya. Something was telling him that it's not the right time. Alam nyang dapat ay ipakita nya muna ito kay Daniel bago kay Kathryn. Alam na nya ang mangyayari kapag si Kathryn ang unang makakita nito. She would pretend not to care. Pipilitin nitong balewalain lang iyon.

Nakikita naman nya ang efforts ng dalaga na mag-move on. Seryoso ito sa paggive up kay Daniel. At sa sobrang seryoso nito ay sya na ang nag-ffreak out sa pinagagagawa ng dalaga. Pakiramdam nya ay magbabago na ito pag nakabalik sila sa Cebu. The last thing that he wanted to see was Kathryn living in sadness. Gusto nya itong maging masaya at si Daniel ang kasiyahan nito.

The situation was on his hands right now, pero bakit di nya magawang isend ang mga pictures na iyon?

Maybe because Daniel haven't proven anything yet. Or maybe he hasn't suffered enough.

__________

Hindi alam ni Kathryn kung bakit sya nagpunta sa opisina ni Daniel. Hindi nya maintindihan bakit kailangan nyang saktan ang sarili nya ng paulit ulit. O baka naman gusto nya lang isave ang mga memories. The more, the merrier. Gusto nyang i-grab ang opportunity hanggat kaya nya. Those memories will keep her going.

Sa pagkakataong ito, nagtanong muna sya sa secretary ng binata kung pwede syang pumasok. At pumasok sya nang sinabi nitong pwede. Naabutan nyang nakasandal sa upuan si Daniel at nakapikit. Mukha itong walang tulog at haggard.

"Hey." Nag-aalangang bati nya.

Dumilat si Daniel at malambing na ngumiti nang makita sya.

"Just what I need." Mahinang sabi ni Daniel.

Hindi alam ni Kathryn kung sarcastic ba ito o ano. "Bored kasi ako and I was in the neighbourhood kaya dumaan na rin ako dito." Defensive na paliwanag nya pa sya tanungin kung anong ginagawa nya doon.

Tumayo si Daniel at lumapit sa kanya. Nagulat sya nang bigla sya nitong hilahin palapit at niyakap. Binaon nito ang mukha sa leeg nya.

"Daniel, anong ginagawa mo?"

"Niyayakap ka."

Sinubukan nya itong itulak palayo pero lalo lang humigpit ang yakap ng binata. "Shhh. Wag kang malikot. Give me this moment. Just this moment. Pagod na pagod ako at stressed out. Ang dami kong problema. Gusto lang kitang yakapin. Ikaw lang ang taong nakakapagpakalma sa akin agad. Just the person I need now."

Bumitaw sa kanya saglit si Daniel at binagsak ang sarili sa sofa. Pero maya maya pa ay hinila sya nito uli and she landed on top of him, astriding him. Niyakap sya nito uli at binaon ang mukha sa leeg nya. Hinayaan nya ito kahit pa napaka-uncomfortable ng position nila. Nanahimik lang sya kasi hindi nya alam kung anong sasabihin. Ilang minuto ang nakalipas his breathing became even.

She sighed. Tiningnan nya ang binatang nakatulog na. mukhang pagod na pagod talaga ito. Mukha itong isang taong maraming pinagdadaanan. Hindi nga ito nakapag-shave.

'Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Pinapahirapan ka na naman ba ni Jasmine? Ganun ka ba kahirap patawarin? Kasalanan mo yun, pero kung talagang mahal ka nya, papatawarin ka nya agad. Dahil ako nga ang dali ka lang patawarin. Ang dami mong ginawa sa king masama pero andito pa rin ako loving you with my whole heart and soul. Ang pathetic ko ba? Gusto kong ipilit na mali ang babaeng minahal mo pero parehong pasaway ang puso natin at ayaw mo kong paniwalaan. Ano bang pwede kong gawin para mahalin mo rin ako?'

Marahan nyang hinalikan ang labi ni Daniel. "I love you so much." Bulong niya dito.

"I love you too."

Nanlaki ang mata nya. She was horrified. Tama baa ng dinig nya? Or was it an auditory hallucination? Tiningnan nya uli si Daniel at nadisappoint sya nang makita nyang tulog na tulog pa rin ito. Nananaginip siguro. Para sa kanya ba yung 'I love you' o sa babae sa panaginip nya?

"I love you... I love you... I love you.'' Paulit ulit na bulong ni Daniel habang natutulog. Mukhang nadadala ito ng panaginip nya.

Pero natutuwa syang marinig iyon. Sa sandalling iyon ay iniilusyon nyang para sa kanya ang mga salitang iyon. Pero alam nyang everything between them will never go well for long.

At matapos nga ang ilang segundo ng katahimikan, ay sinambit ni Daniel sa kanyang pagtulog ang, "Jasmine."

She smiled bitterly. Kahit pala ilusyon nya hindi rin pwedeng magtagal. Ilang malalim na hininga ang hinugot nya para pigilan ang mga luha nyang tumulo. Wala namang kakaiba doon. Noon pa man si Jasmine na talaga. Lahat ng 'I love you' ni Daniel ay para kay Jasmine. Hindi para kay Kathryn o Princess o kahit sino pa man. Just Jasmine.

Dahan dahan syang kumawala sa yakap ni Daniel. Hinalikan nya ito sa noo. At umalis na sya pagkatapos. Gusto nyang umiyak pero pinigilan nya. Sobra sobra na ang iniyak nya nitong mga nakaraang araw. It's not so Kathryn Bernardo. She's the toughest Princess ever. Kailangan nyang maging strong para sa sarili nya. Hindi titigil ang mundo nya dahil lang hindi mapapasakanya si Daniel.

"Okay, Kathryn. Smile and snap out of it." Sabi nya sa sarili nya

__________

Author's Note: Sabi nga ni Domdom my love, hindi pa time. Kulang pa ang pagpapahirap kay Daniel. So kulang pa din pagpapahirap ko sa readers. Hahaha. Pag may reklamo, kausapin nyo abs ni Domdom.😋

Continue Reading

You'll Also Like

48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
61K 3.4K 32
A story of family, friendship and unexpected love. This is an AU story. The main characters that will be used here are: RJ Faulkerson Maine Mendoza J...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...