NINE MONTHS

By BDHOSME

940K 8K 885

9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang un... More

NINE MONTHS
CHAPTER ONE
CHAPTER 2
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
EXTENSION: PART 2 (FINALE)
ABANGAN.....
NINE MONTHS AND BEYOND: ANG BAGONG UMAGA
2.1
2.2
2.3
2.4
2.5
2.6
2.7
2.8
2.9
2.10
2.11
2.12
NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 1
NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 2 (FINALE)
VULCANIZING MY HEART (JANICA SIDE STORY)
ABANGAN...
Handa ka na ba?
ABANGAN SILA...
nine months and beyond (the second gen)
HEADLINE NO. 1
HEADLINE NO. 2
HEADLINE 3

CHAPTER 14

25.2K 226 30
By BDHOSME

            “It’s a boy.”  Ang sabi ng OB sa kanila habang tinitignan nila ang bata sa monitor ng Ultra sound.

            “Yan na po ba doc ang anak ko?” tanong ni Nathan nang Makita ang baby sa monitor, “Wow, kumikilos na siya.” Hinawakan ni Nathan ang tiyan ng asawa.

            Ngumiti si Emy nang Makita ang saya sa mukha ni Nathan dahil sa excitement sa kanilang baby.

            “Emy, doon lang ako sa pharmacy ha. Dito ka lang.” ang sabi ni Nathan sa kanya habang inaalalayan siya nito sa pag-upo sa lobby kasama ang iba pang pasyente.

            Pagkaupo ni Emy sa upuan sa lobby ay lumuhod si Nathan sa harapan niya at hinimas ang tiyan nito, “Angelo ko, bibili lang gamot ang daddy mo ha. Ikaw na muna ang bahala kay mommy, wag kang masyadong sisipa, nasasaktan ang mommy mo. I love you.” At hinalikan ni Nathan ang tiyan nito, “Diyan ka lang ha.”

            “Oo nga. Hindi ako aalis dito.” Sabi ni Emy sa kanya at hinalikan siya ng asawa sa kanyang noo at pisngi.

            “Nathan…” bumulong si Emy sa kanya, “PDA ka na naman.”

            Ngumiti si Nathan, “Natutuwa lang sa baby boy natin. Sige, diyan ka lang ha.”

            “Oo na ang kulit.”

            At lumayo na si Nathan sa kanilang mag-ina.

            “Asawa mo?” tanong sa kanya ng may edad na babaeng buntis na katabi niya.

            “Opo.”

            “Ganyan ding edad ako nag-asawa eh.”

            “Talaga po? Pang ilan niyo na po yan?”

            “Pangpito na. Alam mo, ganyan-ganyan din kami ng asawa ko nung una kaming nagsama, mga teenager nga naman, sweet-sweet, patweetums, Masaya pero ng nagkaanak na kami, walang araw yatang hindi kami nagmumurahan. Hmp sa umpisa lang pala Masaya yun. Tignan mo ako ngayon parang ang silbi ko na lang sa asawa ko ay bigyan siya ng anak, pero after kong manganak ayon, parang hindi ako nag-iexist sa mundo niya. Parang ngang napapansin niya lang kapag katabi niya na ako sa kama at pinagbibigyan siya sa mga hilig niya.”

            Hindi makapagsalita si Emy. Nakaramdam siya ng takot sa sinabi ng babaeng yun sa kanya. Paano kaya kami ni Nathan?

            “Sayang nga eh. Sana hindi na lang ako nagpabuntis sa Mokong na iyon eh di sana hindi sunod-sunod itong paghihirap ko sa panganganak, eh di sana ay nagfocus muna ako sa pagtratrabaho at umasenso na ang buhay ko ngayon. Ikaw? Nagsisi ka ba nag-asawa ka ng maaga?”

            “Ammm…”

            “Siguro hindi pa. Sweet pa kayong dalawa sa isa’t isa eh. Hay totoo nga ang sabi nila habang tumatagal ang mag-asawa hindi na asawa ang tingin nila sa isa’t isa kundi companionship na lang maslalo na sa gabi.”

            Napahawak si Emy sa tiyan niya. Angelo, magkaganon din kaya kami ng daddy mo? Wag naman sana…

 

            “Inang…” ang sabi ni Emy sa kanyang ina habang naghahanda ito ng hapunan nila sa kusina. “Ganito po ba talaga kapag buntis? Masyadong madaming iniisip, madaming inaalala…”

            “Natural lang yun. Ikaw pa na first time mong magkakaanak. Siguro natatakot ka noh.”

            Tumango si Emy, “Naiisip ko lang po kasi yung magiging future ng pamilya namin ni Nathan. Ang aga naming nagsama, ni hindi nga kami sure kung na-enjoy namin yung kabataan namin eh. Hindi ko rin masukat yung maturity namin. Mahal naman ang isa’t isa pero may mga times na sobra kaming mag-away. Nang, kayanin kaya naming ang magkaroon ng pamilya?”

            “Emy… ang maturity hindi basta sumisibol yan kapag nagkaanak ka at nag-asawa ka. Isa yang proseso, unti-unting nangyayari sa buhay mo. Yung iba nga riyan, may apo’t na at lahat, immature pa rin.”

            “Naisip ko lang po kasi Nang, hindi kaya ngayon lang kami  masaya ni Nathan. Ngayong mga bata pa kami at excited sa baby. Ngayong nakatira pa kami dito sa bahay na ito at nakasandal pa sa parents niya. Paano na kapag dumating na ang panahon na may problema na? Hindi kaya parehas lang naming sikuan ang isa’t isa?”

            Tinapik ni Rosa ang balikat ng anak, “Wag mo ngang isipin yan. Nakakadagdag pa yan sa stress mo eh. Tandaan mo ang sabi ng OB mo bawal ang ma-stress ang buntis. Relax lang anak. Sa tingin ko naman, hindi ka iiwan ni Nathan.”

            Ngumiti si Emy at inihilig ang ulo sa kanyang ina, “Nang, malapit na akong maging katulad niyo… isang dakilang ina.”

            Christmas Eve.

            “Emy, halika na. naghihintay na sila sa baba.” Anyaya ni Nathan ng katukin nito ang asawa sa kanilang kuwarto upang sabay-sabay silang magsimba.

            “Emy? Ano ba? Naghihintay na sila sa baba.”

            Hindi makapagsalita si Emy. Nanatili siyang nakahawak sa kanyang tiyan.

            ‘Emy ano bang…” napansin ni Nathan na umiiyak ang kanyang asawa, “Anong nararamdaman mo?”

            “N-Nathan… I think ito na… manganganak na yata ako!”

            Patakbong buhat-buhat ni Nathan si Emy at inilapag sa kama na iyon ng hospital. Hawak-hawak ang kanyang kamay ay isinugod nila si Emy papasok ng ER sa hospital nay un, “Relax okey. Relax Emy. Andito lang ako.”

            Wala ng choice si Nathan kundi bitawan ang asawa nang dumating ang doctor at ipinasok na si Emy sa loob ng ER.

            Panay ang lakad ni Nathan sa lobby ng ER. Halatang balisang-balisa ito mga nangyayari sa loob ng ER.

            “Hindi pa talaga ako pwedeng pumasok sa loob?” ang tanong niya sa kanyang ama, “Asawa’t anak ko naman yun ah.”

            “Kuya, sumunod ka na lang sa hospital’s policy, okey.” Ang sabi ni Myleen.

            Tinignan ni Nathan ang orasan ng hospital ilang minuto na lang ay mag-aalas dose na. which means magpapasko na!

            “Mukhang sasabayan pa yata ng baby niyo ang araw ng kapanganakan ni Cristo.” Ang sabi ni Rosa.

            “Its like Mary and Joseph,  the Nativity thing.” Ang sabi ni Myleen.

            “Kain po muna kayo…” anyaya ng isang nurse don na mukhang nagchristmas party sa kanilang pwesto.

            “No thanks.” Ang sabi ni Nathan.

            “Countdown na.” sabi ng isang nurse.

            “ 10… 9 …. 8 …. 7…. 6 …. 5 …. 4 …. 3 …. 2 …. 1!”

            “Merry Christmas!”

            Kasabay ng pagbating iyon ay narinig nila ang isang malakas na sigaw ng bata sa loob ng ER.

            “Oh my!” ang sabi ni Myleen, “He was born at exactly 12! Its as Christmas baby kuya!”

            Napaluhod si Nathan sa labis na katuwaan nang marinig ang iyak na iyon. Iyon ang iyak ng kanyang anak, ng kanyang Angelo, ang mag-uumpisa ng kanyang sariling pamilya kasama si EMy.

            Dahan-dahang nagmulat ng mata si Emy nang marinig ang iba’t ibang boses sa loob ng ward niya. Unang sumalubong sa kanya ang mukha ni Nathan na nakangiti sa kanya, “Nathan…”

            “Are you okey?”

            At tumango siya. “ Baby natin?”

            “The doctor said he’s fine. Kailangan lang daw nilang obserbahan ang bata sa nursery.”

            “Anong itsura niya?”

            “Like I told you before… kamukha ko.”

            Napangiti si Emy, “Guwapo.”

            At tumango si Nathan.

            “Excuse me po.” Lumingon ang lahat ng nasa loob ng ward na iyon nang pumasok ang doctor, “Nathan, pwede ba kitang makausap? In private sana…”

            “Emy, the doctor wants to talk to me. Magpahinga ka muna riyan ha.”

            At tumango si Emy.

            Pumasok sa clinic ng doctor si Nathan at kanyang senator, “What’s it doc?”

            “Am… tatapatin ko na kayo, about the condition of the baby…”

Continue Reading

You'll Also Like

269K 4.9K 29
Lianna Edwards, a typical spoiled brat from California but she had a vacation in the Philippines. When she meets a person like Ace, will she be able...
168K 4.4K 18
Warning!!! Some parts are missing and can be read in the PW Book. Thnk you. Introduction Casey is in need of a defender. Lumaya galing sa kulungan an...
84.7K 1.6K 11
Dalawang taong ipinahanap ni Francis ang asawang nawala na parang bula. Kung kailan balak na niyang sumuko sa paghahanap ay saka ito biglang nagparam...
1.3M 11.2K 38
Hindi inaasahan ni Abby na makikita niya si Lucas sa isang party ng kanilang barkada.Nine years ago,they fell inlove Pero masyado niyang nasaktan ito...