Pink Skies

By aryzxxi

66.2K 2.3K 473

Skies Series #2 ๐Ÿ”ธ๏ธApril 7, 2019 ๐Ÿ”น๏ธAugust 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xiii

1K 48 9
By aryzxxi

Natigil ako sa paglalakad nang makita si Zian na nakaupo sa pang isahang couch namin sa sala. Naka-de kwatro siya at parang ginagaya ang ekspresyon ni Daddy kapag nanonood  ng basketball game. Seryoso at inip.

"Five twentyfour," sabi ng kakambal ko habang nakatingin sa kanyang relo. Sumilip siya sa bintana bago ituon uli ang atensyon sa akin. His eyes scanned me from head to foot.

I know what he's thinking. I catwalked towards him and he snorted tila nayayabangan sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kanya to show him my shirt.

"Hindi crop top yan," sabi ko at umikot pa. Naka pink oversized shirt ako at leggings. Kitang-kita naman sa haba at laki nito di ba. Still, my twin brother is scrutinizing my shirt at tinagilid ng konti ang ulo.

"Saan naman kayo nagpunta?"

"Coffee shop.."

"Saang coffee shop?" he asked impatiently.

"Basta," I waved dismissively bago siya iwan doon.

Ayokong sabihin sa kanya o kahit na sino kung saan kami nagpupunta ni Fire nitong mga nakaraang araw . I want it to be our secret place.

"Hoy, Ziana," tawag sa akin ni Chiara. I turned to her while fixing the flower crepe papers. "Totoo bang magkasama kayo ni Fire kahapon? Nakita raw kayo ni Rachelle."

Rachelle and Mica is behind her, waiting for my answer. Tumango lang ako. Their face contorted and look confused.

"Bakit parang di ka masaya? Pangarap mo yon di ba?" Mica asked.

Binalingan ko uli ang ginagawa ko. "Eh, kasi wala namang espesyal doon. Magkasama lang kami."

Rachelle snickered,"Sus! Kung ako, makakasama ko crush ko, magtatatalon ako sa tuwa at kilig. Tapos ikaw, ganyan lang?" nanliit ang mga mata niya at sinusuri ako.

Tumingala naman ako ng konti at nag-isip. I actually did that when I got home galing sa Lattetude noong una naming punta doon. Sa lakas ng tili ko ay kinatok ni Ate Cristy ang pinto dahil naalarma siya. Napangiti ako sa pag-iisip non.

"Saan naman kayo nagpunta?" Mica smiled.

"Sa coffee shop lang.."

Chiara stopped what she's doing,"Hindi ka nagkakape di ba?"

"May iba naman silang binebenta doon.."

"Saang coffee shop? Maganda ba?" tanong ni Rachelle.

"Secret," I chimed. Inirapan niya ako at sinabihang madamot.

"Magkikita ba uli kayo mamaya?" Chiara asked. I actually don't know yet, umaasa lang akong i-text niya. Hindi naman kami araw-araw doon. He's busy with practice and school so I understand.

Fire brought me there again after my workshop kanina. Akala ko nga ay diretso uwi ako dahil nakita ko si Kuya Eric na nag-aabang sa parking lot.

"Fire!" I called. Lumapit ako sa kanya. "Bakit ka nandito?"

He smirked. Ang hilig talaga niyang ngumisi. "Gusto mong pumunta sa Lattetude? My treat."

Nginitian ko siya, wider than my usual. "Kasi nanalo kayo sa laro nung Wednesday?"

The side of his lips rose for a heart racing smile at tumango. Pareho kami ni Zian na nanood ng laro nila. We're both serious lalo na ng pinasok na sa game si Fire. Yakap ko ang isang unan sa couch habang nanonood dahil kinakabahan ako na baka ma-foul siya.

"Hala!" singhap ni Ate Cristy sa tabi. Nanonood din pala siya. Lamang na ng siyam na puntos ang kalaro nila at last quarter na.

Ipinakita sa screen ang schoolmates nila na naka-asul na shirt at todo cheer. Gigil nilang winagawayway ang kanilang mga lobo at banner. Nahagip pa nga kanina si Caitlyn na sinisigaw ang pangalan ni Fire.

"Uy, si Ate Persephone," turo ni Zian sa screen.

Persephone is at the third row at nang matapat sa kanya ang camera ay kumaway siya. She's even acknowledged by the commentators. Of course, she's there. Alumna siya ng unibersidad na iyon.

Napatalon kami sa tuwa ni Zian nang manalo sina Fire. Lamang sila ng dalawang puntos at sa kanya pa galing iyon! Sinilip kami ni Mommy dahil nagtataka kung bakit kami nagsisigawan. Pati rin si Ate Cristy at Kuya Eric ay napahiyaw.

Tuwang-tuwa si Mikoy nang makita uli ako, ipinakita niya pa sa akin ang ticket na nabili niya para sa musical namin at isa pang play.

"Excited na ako! Idol ko rin iyong si Conrad, Marie tsaka Louie," sabi niya habang hinahanda ang order namin.

"Aahh. Kina Louie pala yung isa. Siya yung nanalo last time na best actor," sabi ko naman.

Tahimik lang si Fire na nakikinig sa aming dalawa habang pinag-uusapan namin ni Mikoy ang mga nakaraang plays. I thought he would get bored but he's not. In fact, mukhang interesado pa nga siya. Medyo ginanahan tuloy akong sagutin ang mga tanong ni Mikoy at magkwento pa.

Nang matapos na ang order namin ay tatayo na sana ako para kunin iyon pero pinaupo lang uli ako ni Fire.

"Ako na," he said and he went to the counter.

Nakita ko ang pagsulyap sa kanya ng dalawang babaeng nagbabasa ng libro sa kabilang gilid. Kanina pa sila tingin nang tingin sa kanya. Maybe they're imagining him as the male protagonist of the story they're reading. I just hope it's not about erotica.

Kahit hindi ko pa nakikita ang katawan ni Fire na walang saplot, alam kong maganda ang pangangatawan niya. I've seen his biceps flex during basketball games though. My eyes look at his clothed broad shoulders, back, ass and legs. Kaya niyang tapatan ang ibang foreign models na nakakasalamuha ko. He doesn't even need to strip to look seductive, kahit simpleng porma lang ay nakakaakit na siya.

Nang makabalik siya bitbit ang isang tray ay saka lang din nakabalik ang ulirat ko. I didn't even notice that I'm biting my lip!

I cleared my throat and shifted on my seat. Napansin kong ganon din ang ginawa ng mga babaeng nagbabasa ng libro at nagfocus na muli sa ginagawa nila. Gusto kong umirap. Kaya nga gusto ko rito ay dahil malayo sa kami sa eskwelahan at kung saan pa sandamakmak ang mga teenager na tulad ko na makita lang si Fire ay sobrang lagkit kung tumitig. How unfortunate that even these women older than him ay attracted din sa kanya.

Inabot ko ang chocolate milkshake ko at uminom.

"Okay lang bang uminom ka ng malamig?" tanong ni Fire. Kunot ang noo habang pinagmamasdan ako.

"Yes. Hindi pa naman ako nagkaka-problema sa boses ko except when I am sick," sagot ko.

"Kumanta ka ba noon habang may sakit, Ziana?" tanong ni Mikoy mula sa likod.

Nilingon ko siya, "Oo, eh. I was forced by my classmates to sing. May program kasi.."

"Bakit ka pinilit?" tanong naman ni Fire kaya sa kanya naman ako tumingin.

"Eh, ako lang kumakanta sa section namin.. Pati pala si Zian! Kaso di naman yon kakanta.. "

"Ay, may kakambal ka pala no? Anong gagawin niya sa foundation day?" tanong ni Mikoy. I shifted on my seat para di ako mahirapang lingunin siya.

"He's going to take care of our class' booth. Punta ka rin doon, ah!"

Tumawa si Mikoy,"Oo ba! Ikaw Fire?"

My smile faltered. Hindi ko tinignan si Fire, ayokong makita siyang tumanggi kahit na alam ko namang di siya pupunta. Though I'm happy that we're "hanging out", gusto ko pa rin sanang mapanood niya ang musical ko. Kahit isa lang. That would mean a lot.

Some customers entered the shop at umorder kaya naging abala si Mikoy. Ako naman ay abala sa cake ko. This time, ako na ang nagbayad. Inabot ko mismo iyon kay Mikoy to prevent Fire from paying my food. He looks irritated at first kay Mikoy but I insisted. Mabuti na lang at tinawanan lang ni Mikoy ang pagkakairita ni Fire.

"Love story yung inyo no? Ang ganda ng poster niyo pala," sabi ni Mikoy habang hinihinaan ng konti ang music sa shop.

"Oo," I smiled a little. Si Fire ay nakasandal lang sa upuan at tahimik kaming pinapanood uli.

Kanina pa ako nako-conscious as pagtingin niya. His intense blazing eyes are directed towards me. Parang hindi ko kayang tumitig sa kanya so I kept my eyes on Mikoy na pinupunasan ang counter.

"May kissing scene ba?" he smiled playfully. Hindi ako nakasagot agad. "Uyy.." tinuro niya ako,"Namumula ka Ziana. Meron ba?"

May halong pangtutukso niya akong tinitignan. Yeah, I can feel that I'm blushing. Gusto kong takpan ang mukha ko but I just laughed it off. I equaled his gaze.

"Panoorin mo na lang.."

Hindi ko narinig ang sinasabi ni Mikoy sa kalagitnaan ng pagtawa nita dahil medyo malakas ang pagbaba ni Fire ng kanyang inumin sa mesa. Mabuti na lang at kaming dalawa na lang ang customer na naiwan dito.

I looked at his drink, ubos na at parang yuping-yupi ang straw. Ahh, so he's one of those people na kinakagat-kagat ang straw sa drinks.

"Let's go, Ziana. Iuuwi na kita," he said at tumayo agad.

"A-Ah, okay!" I wiped my lips first before standing up. Sinubukan ko pang ayusin ang iiwan naming kalat pero lumapit si Mikoy.

"Ako na diyan, Zia." he said. "Sana makita sa Lunes. Pa-picture, ah!"

I laughed at tumango,"Bye! Thank you, Mikoy!"

Si Fire ay nasa pintuan na at hinihintay ako. He opened the door for me, pinauna niya akong lumabas.

Pagkalabas ko ay saktong humangin ng malakas. Para akong nasampal ng buhok ko at agad ko iyong hinawi.  Nahirapan akong sikupin ang buhok ko sa kanang balikat. Nakaramdam ako ng mumunting init sa aking leeg na nagpalingon sa akin sa kaliwa. Fire is gathering strands of my hair too. Seryoso ang tingin.

Kakaibang init ang naramdaman ko sa  mga daliri niya sa aking leeg. Nagpipigil yata ako ng hininga habang ginagawa niya iyon dahil nang matapos siya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"T-Thanks.."

Tahimik lang kaming naglakad pabalik sa kotse niya. Ang mga kamay niya ay nasa loob ng kanyang mga bulsa while mine are awkwardly swinging back and forth.

"May kissing scene kayo ni Conrad?" nagtaas siya ng kilay at agad na iniwas ang tingin sa akin nang lingunin ko siya.

Gusto ko sanang ihirit yung linyang sinabi ko kay Mikoy kanina pero parang di naman yon uubra kay Fire.

"Meron.."

Nilapitan ko agad ang kanyang kotse. Hindi ko pa naaabot ang handle ay hinarangan niya iyon ng kanyang kamay.

"Ilan?"

Lito ko siyang hinarap. "Ang alin?"

"Yung kissing scene? Pwede ba yon? Hindi ba kayo maga-guidance?" sunod-sunod niyang tanong. Bubuksan  ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita ay nagtanong uli siya.

"And you've been doing this kind of thing for years? Kissing scenes really Ziana?"

Even with his tanned skin, kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang leeg at tenga. Hindi naman mainit. Bakit siya namumula? Is it because he's..mad?

Bahagya akong natawa sa naisip ko. Bakit naman siya magagalit? Ano bang dapat ikagalit doon?

"Ziana," he impatiently called.

"Umaanggulo lang kami Fire. We don't really kiss," paliwanag ko habang nagpipigil ng tawa. Hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya na nakaharang sa handle. "Why?"

Masungit siyang nag-iwas ng tingin at lumayo. Hindi niya ako sinagot, nagpakawala lang siya ng isang malalim na hininga. He opened the car's door for me at pumasok na ako sa loob.

Hindi matanggal sa isipan ko ang reaksyong iyon ni Fire hanggang sa pag-uwi ko. While dressing, I kept on thinking how close we were that time. Sa totoo lang ay parang nangangati ang mga kamay ko kanina. Gustong-gusto ko siyang hawakan! I want to touch his slick black hair. Gusto kong..

"Ziana! Kakain na raw!" sigaw ni Zian pagka-katok sa pinto ng kwarto ko.

Napairap ako. Never mind.

Continue Reading

You'll Also Like

31.1K 443 16
A woman working to pay for her studies, gets bullied on the workfloor. One day it all goes to far and she leaves, not knowing she is being followed...
821K 8.2K 67
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค
18.5K 2.2K 51
Book 2: All Over Again Series - Sequel to "All Over Again" When you have nothing left to go back to, and you've lost all hope for what once was, you...
704K 101K 38
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...